You are on page 1of 2

Lesson Plan in Science

Grade 3
Second Quarter

I. Layunin

1. Natutukoy/Nakikilala ang mga kagamitang mula sa halaman.


2. Natutukoy/Nakikilalaang mga gamit ng iba’t ibang halaman. S3LT-IIe-f-9a

II. Paksa

Mga Gamit ng Halaman


Sanggunian: TG, LM
Kagamitan: mga tunay na bagay o mga larawan ng mga gamit mula sa
halaman: ginagawang pinggan, mga prutas, kahoy, silya at iba

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng takdang-aralin
 Balik-aral
Gawain ng bawatbahagi ng puno o halaman
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng bahay na yari sa kahoy.
Tanong: Anong mga materyales o kagamitan ang ginamit sa paggawa ng
bahay?
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain
 Pamantayan sa Paggawa
 Paraan ng Pagsasagawa
Magtala ng mga bagay o pakinabang mula sa halaman.
3. Pag-uulat at pagproseso sa mga naitala ng mgabata
4. Pagbubuo ng Konsepto
Anu-ano ang gamit ng halaman?
5. Konsepto

Ang mga halaman ay mahalaga sa mundo. Sila ay may mahalagang


gawain para mabuhay ang tao at mga hayop sa pamamagitan ng pagbibigay ng
oksehina o oxygen. Nagbibigay sila ng pagkain, tumutulong sa water cylcle sa
pamamagitan ng pagbabalik ng tubig na inilalabas nila o transpiration.
Nagmula sa kanila ang mga bagay katulad ng koton na gamit sa paggawa ng
kasuotan, lubid o tali, kagamitan sa paggawa ng bahay, tulay at mga gusali.
Mga kagamitang tulad ng mesa, upuan at iba pang muwebles.

Mga gamot o medisina. Pinagaganda din nila ang kapaligiran. Ang mga
halaman sa kagubatan ay tirahan at pagkain ng maraming mga hayop.

6. Paglalapat
Bakit mahalaga sa pagsasaliksik o pag-aaral ng medisina ang halaman?
IV. Pagtataya
Lagyan ng ⁄ ang kung ito’y nakukuha mula sa halaman at X ang hindi

1 2
3

4 5 6

7
8

9 10

V. Takdang –Aralin
 Magdikit ng mga larawan ng mga bagay na nakukuha sa halaman.
 Magsaliksik tungkol sa mga halamang mapanganib.

Inihanda ni:

WINDEL BETH Z. TORINO


Guro, III-Sampaguita
Pantaron Elementary School

You might also like