Kabanata 3

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 3:

Ang Hapunan

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

134

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman si
Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi
naman umiimik ang Tinyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap
na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa Tinyente sapagkat natapakan ang kola ng
kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.

Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari
kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.

The most beautiful balcony views in the...

Take a look at some of the worlds most desirable vacation homes from Inspirato

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya
ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa
lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi
ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng
may karaniwang may pahanda, magalang na tumanggi ang Kapitan sabay sabing huwag mo akong
alalahanin.

Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Pari Damaso nang ihain
ang Tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro
masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng Kapitan ang manok para kay
Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay
sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat,
wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakalimutan ng
bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang
ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam
ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.

Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng
ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang
kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang ginagamit
niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang
pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.

Kabanata 3: - Page 2 of 2

Ang Hapunan

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

19

Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan,
pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng
bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.

Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra,
siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat
sa diretsang pagsasalita ng pari.
business

Secret Offers Expire Soon! Click Here Now To Find!

Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na
pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni
gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.

Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura
paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan
din.

Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos
ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng
pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.

Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg
ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang
hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.

You might also like