Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

John Leibert A.

Interino December 15, 2018


Grade 12- Camillian Fr. Wilson Peñaranda M.I.

Pagbabasbas sa mga Seminarista Bago Umalis ng Seminaryo

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.


Tugon: Amen
Pari: Sumainyo nawa ang pagpapala ng ating Diyos, na siyang tumawag sa atin upang
maglingkod.
Tugon: At sumainyo rin.
Pari: Mga kapatid tinawag tayo ng Diyos sa ibat’-ibang larangan at propesyon. Kailangan lang
nating hanapin kung saan tayo mas magiging masaya at lalago. Upang sa gayon ang ating buhay
ay maging angkop sa paghahari ng ating Panginoon.
Pagpapahayag ng Salita ng Diyos
Kawikaan 3: 1-4
Pagbasa mula sa aklat ng Kawikaan
Anak ko, huwag mong lilimutin ang aking turo; isapuso ang aking mga kautusan pagkat
mahahabang araw at mga taon ng buhay at ginhawa ang hatid sa iyo ng mga ito.
Huwag iwaglit ang kagandang-loob at katapatan; itali mo ang mga ito sa iyong leeg;
isulat sa tapyas ng iyong puso at makakatagpo ka ng magandang loob at mabuting
pagpapahalaga sa mata ng Diyos at ng tao.
Ang Salita ng Diyos.
Tugon: Salamat sa Diyos
Panalanging Bayan
Tugon: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Pari: Ama, nawa’y patnubayan mo ang mga taong piniling tumugon sa tawag mo, nawa’y
makaya nilang pasanin ang krus na pinasan mo. Manalangin Tayo sa Panginoon.
Pari: Ama, nawa’y patnubayan nyo po ang aming mga kapatid na lumabas sa seminaryo,
upang sa gayon ay maging mabuting modelo sila sa iba. Manalangin Tayo sa Panginoon.
Pari: Nawa’y bigyan mo ang aming mga kapatid na lumabas ng seminaryo ng lakas ng loob
na humarap sa realidad ng buhay. Manalangin Tayo sa Panginoon. Manalangin Tayo sa
Panginoon.
Pari: Nawa’y hindi makalimutan ng mga lumabas na seminarista ang mga turo at aral sa
nakuha nila sa loob ng seminaryo. Manalangin Tayo sa Panginoon.
John Leibert A. Interino December 15, 2018
Grade 12- Camillian Fr. Wilson Peñaranda M.I.

Pagbabasbas

Aman naming mapagmahal, na may gawa ng langit at lupa, tinawag mo ang iyong
abang lingkod na si (pangalan ng seminarista) upang maging isang seminarista. Nawa’y
ipadala mo ang iyong banala na Espiritu upang sa kanyang paglabas dito sa seminaryo ay
makita nya ang tunay na bokasyon na nakalaan para sa kanya; nawa’y mahanap nya ang mga
bagay na makakapag-pasaya sa kanya at nawa’y maging mabuting modelo sya para sa iba.
Hinihiling namin ito sa pangalan ng iyong banal na Anak na si Hesus kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Tugon: Amen
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Tugon: At sumainyo rin
Pari: Nawa’y pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak, + at Espiritu
Santo.
Pari: Tapos na ang pagbabasbas. Humayo kayo at magpakarami.
Tugon: Salamat sa Diyos.

You might also like