Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA LIVELIHOOD EDUCATION 5

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay makagagawa ng mga sumusunod :
a. Naipapaliwanag ang mga ideya na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng manok at iba
pang kauri
b. Nakakagunita ng mga karanasang may kinalaman sa pag-aalaga ng manok at iba pang
kauri
c. Napapahalagahan ang mga ideyang dapat isaaalang-alang sa pag-aalaga ng manok at iba
pang kauri

II. PAKSANG ARALIN: Mga Dapat Isaalang-alang sa Pag-aalaga ng Manok at Iba Pang Kauri
III. KAGAMITAN
1. Visual Aids 4. Double sided tape
2. Chalk 5. Ginupit-gupit na papel na bubuuin
3. Black board or white board 6. Sobre

IV. SANGGUNIAN

 Learner’s Guide: “Kaalaman at kasanayan tungo sa kaunalaran” (Peralta, Gloria


A., EdD Et. Al) p. 84
 Teacher’s Guide:
 Internet:
https://vdocuments.net/17pagpaplano-at-mga-salik-na-dapat-isaalang-alang-sa-
hayop.html?fbclid=IwAR23RW9no6z_zufJxFoAqaQGlC7xgsUwWC08naaHtdC
Ucm5xAdGgkHAleT
V. PAMAMARAAN
a. PAGGANYAK
Pamagat:

 Papangkatin ang klase sa dalawang na grupo.


 Papapwestuhin sila sa lapag ng pabilog.
 Pipili ng lider ang bawat grupo at pag nakapili na ang bawat grupo ng kanilang
lider ay pupunta sila sa harap upang kunin ang sobreng naglalaman ng ginupit gupit
na papel na kanilang bubuin.
 May 3 minuto lamang upang kanila itong buuin.
 Ang kanilang mabubuo sa ginupit gupit na papel ay may kaugnayan sa tatalakayin
ngayong araw at ito ang larawan:

 Ang unang grupong makabuo ay magkakaroon ng gatimpala mula sa guro


ITANONG:

 Anong hayop ang inyong nakikita?


 Ano ang ginagawa ng tao sa larawang ito? Sa lugar anong masasabi ninyo?
 Nagkaroon ka na ba ng alagang hayop? Paano mo ito inaalagaan?

b. PAGLALAHAD

 Ang pag aalaga ng hayop ay isang gawaing kapakipakinabang, Sa araw na ito ating
tatalakayin ay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng manok
o iba pang kauri nito.

c. PAGTALAKAY

 Anu-ano nga ba ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng manok


at iba pang kauri?
 Paano mo masasabi na ang mga ito ay mahalaga na dapat tandaan ng isang mag-
aalagang katulad mo?
 Sa mga natalakay nating bagay na dapat na isaalang-alang sa pag-aalaga ng manok
at iba pang kauri nito, ano sa mga salik ang mayroon kayo at ginagawa mo sa
kasalukayang hayop na inaalagaan mo?
VI. PAGPAPALALIM
INDIBIDWAL NA GAWAIN- 10 puntos
Kung ikaw ang mag susunod-sunod ng mga salik sa pag-aalaga ng manok o hayop mula
bilang 1 hanggang 9. Ano ang uunahin mo at ano ang ihuhuli mo? Bakit ganito ang ginawa mong
pagkakasunod sunod? Isulat ng hindi baba sa tatlong pangungusap ang iyong paliwanag.

_ Angkop o ligtas na lugar _ Bahay o Kulungan _Pagkain o Feeds


_ Mga taong mag-aalaga _ Pagtatapunan ng dumi _ Kapital o Puhunan
_ Uri _ Pagkukunan ng malinis na tubig _ Panahong inilaan

VII. PAGLALAHAT

 Anu-ano ang mga dapat isaaalang-alang sa pag-aalaga ng manok?


 Bakit nararapat na isaaalang-alang ang mga ito?

VIII. PAGTATAYA
Basahing Mabuti ang pangungusap, Kung ang pangungusap at tama ilagay sa patlang ang PAK at
kung pangungusap naman ay mali ay isulat sa patlang ang GANERN.
___________ 1. Ilan sa isinasaaalang-alang sa pag-aalaga ng manok at iba pang kauri ay
pagtatapunan ng dumi, suplay ng malinis na tubig, at pagkaing madaling matagpuan.
___________ 2. Basta basta na lang bumili ng hayop na aalagaan dahil ito ay gusto mo.
___________ 3. Araw araw inspeksyunin ang inaalagaang hayop.
___________ 4. Bumili ng gustong hayop at ipaalaga ito sa iba.
___________ 5. Linisin araw-araw ang kulungan o higaan ng iyong alagaang hayop.
SAGOT:
1. PAK 2. GANERN 3.PAK 4. GANERN 5. PAK

XI. PAGPAPAYAMANG GAWAIN


Isulat ang sagot sa inyong kwaderno:
Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang kung ang layunin mo sa paghahayupan o pag-
aalaga ng hayop ay ipagbili ito at pagkakitaan?

You might also like