Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING – PANLIPUNAN 10

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang 80% ng mga mag-aaral ay
a. Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng ibat – ibang suliranin ng paggawa
b. Nasusuri ang isyung dulot ng globalisasyon sa buhay ng mga Pilipino; at
c. Naiisa – isa ang tungkuling ginagampanan sa pagpapanatili sa paksa.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
b. Kagamitan: Mga larawan, Visual Aid
c. Sanggunian: Module pg 187 – 191

III. PAMAMARAAN

A. Panalangin GawainA
a Panalangin
b. Pagtala ng liban
c. Pagbati
d. Balik- aral
1. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di mabuti dulot ng globalisasyon?
2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa
3. Sa pangkalahatan nakakatulong ba o nababawasan ang globalisasyon sa pamumuhay ng
mga Pilipino?
e. Pagganyak
Larawan – suri; Pagsusuri sa isang editorial cartoon
Panuto: Ipaskil sa pisara ang larawan ng editorial cartoon. Ipasuri sa mag aaral at hinggan sila
ng pananaw tungkol sa mensahe ng larawan

B. PAGLALAHAD
 Employment Pillar – Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho Malaya at pantay
na opportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa mga manggagawa.

 Worker’s Rights Pillar - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para
sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

 Social Protection Pillar - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa,
katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.

 Social Dialogue Pillar - Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng


pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining unit.

C. PAGLALAHAT
1. Ano – anu ang apat na haligi sa isang disente at marangal na paggawa
IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung mali

____1.Hikayatin ang mga company, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap – tanggap na pasahod at oportunidad.
____2. Palakasin ang lagging bukas na pagpupulong sa pagitan ng gobyerno, mga manggagawa at
kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
____3. Ang pagpapalakas at ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpatupad
ng karapatan ng mga manggagawa.
____4. Ang hindi pagtiyak sa paglikha sa sustenableng trabao, malayaat pantay na oportunidad at
maayos na workplace para sa mga manggagawa.

IV. TAKDANG - ARALIN


1. Magsaliksik tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t – ibang sektor

You might also like