1 Supplemental Material Pagmamalasakit Sa Kapwa 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SUPPLEMENTAL MATERIALS FOR

LEARNERS

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

PAKSA : PAGMAMALASAKIT SA KAPWA


TAO

ESP2P- IIe-10

RAMILLA R. SECRO
Teacher I
SAOQUIGUE ELEMENTARY SCHOOL
SUPPLEMENTAL MATERIALS FOR LEARNERS

ASIGNATURA : ESP2

PAKSA : PAGMALASAKIT SA KAPWA


ANTAS : II
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO : Nakapaglalahad na Mahalaga ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.

LAYUNIN NG ARALIN : Naisasagawa ang mga kilos at gawai na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
:Nailalagay ang sarili sa kalagayan ng kapwa tulad ng : antas ng kabuhayan , pagkaroon ng
Kapansanan at pagdaranas ng matinding kalamidad.

PANUTO : Magpakita ng larawan ng mga taong nabiktima ng kalamidad .Pag – usapan at itanong : ano ang
maitutulong natin sa ating kapwa na biktima ng isang kalamidad ? Basahin ang kwento.

Ang Bagyong Pablo


Isinulat ni : Ramilla R. Secro

Isang araw ibinalita sa Munisipyo ng Baganga na magkakaroon daw ng isang napakalakas na bagyo.

Pero ang balitang iyon ay ipinagsa walang bahala lamang ng mga tao dahil ni minsan ay
hindi man lang daw sila nakaranas ng anong sakuna lalo na nang bagyo.”Napakainit ng
panahon paano magkakabagyo ?” sabi ni Tanya na isang guro. Sabay dampot ng kanyang
gamit papuntang paaralan.

Lumipas ang ilang oras nakatanggap ng mensahe ang kanilang punong-guro na isuspende ang
klase ng lahat ng antas dahil sa paparating na bagyo.Nagmamadaling umuwi si Tanya at namili
ng pagkain.Sinabihan niya ang kanyang asawa ngunit hindi rin ito naniniwala sa sinabi niya at
tinawanan pa siya nito.
Kinagabihan , natutulog na ang lahat maliban kay Tanya na nanonood ng balita at doon
pa siya naniniwala na mismo ang pangulong Noynoy pa mismo ang nagsabi na mag-
ingat ang lahat dahil hindi ito isang bagyo lamang kundi ito ay napakalakas na bagyo at
maaaring magdulot ng matinding pinsala.

Sa paglipas ng ilang sandali biglang lumakas ang hangin,bumuhos ang malakas na ulan at
kidlat.Nakita ni Tanya na nabubuwal na ang mga puno sa paligid at lumilipad na ang
yero ng bahay kanilang bubungan.

Dali-dali niyang ginising ang asawa at mga anak. Huli na ang lahat dahil nasira na lahat
ng kabahayan .Wala na silang nagawa at taimtim na lamang silang nagdadasal na sana’y
iligtas sila sa kapahamakan at sinagot naman ng Panginoon ang lahat nang hiningi ni
Tanya.
Lumipas ang ikalawang araw Bumuhos ang tulong galling sa iba’t- ibang bahagi ng
mundo at ang bawat isa ay nagtutulungan sa pagkukumpuni ng bawat
bahay,nagbibigayan ng pagkain at damit kung sino man ang meron.

Dahil sa nangyari natutunan ng bawat isa ang pagiging matatag, pagtutulungan


,pagiging handa at taos- pusong pananalig sa Diyos.
BATAYAN NG GURO

PANGALAN NG GAWAIN : PAGSASADULA

PAMAMARAAN :

1. Pangkatin ang klase sa apat na grupo.


2.Magtanghal nang role play tungkol sa mga nakasaad na Gawain.,
3. Bigyan ng pamantayan ang gagawin na role play.

PAGTATAYA :

Hikayatin ang bawat grupo na magbahagi ng kanilang karanasan na nagpapakita ng pagtulong sa


kapwa, pananalig sa Diyos , at pagiging matatag.

Mga Gawain:
Unang pangkat: Mga gagawin bago ang bagyo
Ikalawang Pangkat: Mga dapat gawin habang bumabagyo
Ikatlong Pangkat : Mga gagawin pagkatapos ng bagyo
Ikaapat na Pangkat : Mga maaaring gawin para sa kapwa

BATAYAN SA GINAWANG PAGSASADULA

5 – KUNG NAIPAPAKITA NANG MAAYOS AT MALINAW ANG TAMANG GAGAWIN SA BAWAT SITWASYON.
4 – KUNG NAIPAPAKITA NANG MAAYOS NGUNIT HINDI GAANONG MALINAW ANG TAMANG GAGAWIN SA
BAWAT SITWASYON .
3 –KUNG HINDI GAANONG MAAYOS AT MALINAW ANG IPINAKITA NA DAPAT IPAKITA SA BAWAT SITWASYON.
2-KUNG HINDI MAAYOS AT MALINAW ANG IPINAKITANG DAPAT GINAWA SA BAWAT SITWASYON.
1 – KUNG ANG SITWASYON LANG ANG IPINAKITA AT WALANG IPINAKITANG DAPAT GINAWA SA BAWAT
SITWASYON.

You might also like