Buod NG Noli Me Tangere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buod ng Noli Me Tangere

Kabanata aralin : 11

Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat
ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang
damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kumampi.
Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan
ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan. Kapag siya ay nakatalikod, siya ay
tinatawag na Sakristan Tiyago.
Ang Kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o
makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang
sabunin at kagalitan ng Alkalde Mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa
kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at
batang Pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang
mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa
tungkulin. Si Pari Salvi at ang Alperes at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang
Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang Alperes ang puno ng mga
guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng
paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan
ang kanyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang Alperes at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at parang walang anumang
namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-
kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila
ay mga casique.

You might also like