Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

SCRIPT IN MIL: ( INDUSTRIAL ERA )

1ST SCENE: ( Magdedesisyon ang bagong kasal na sina Jomar at


Erlinda na magtayo ng negosyo )

*Habang nasa Maynila at namamasyal sa parke*

ERLINDA (KRINZY): Mahal, bakit kaya hindi tayo magtayo ng sarili


nating negosyo tutal nakapaglaan naman na tayo ng sapat na
pera noon para doon na lang natin gamitin yung ipon.

JOMAR (JAYDEE): Oo nga noh, magaling yung naisip mo. Pero


mahal, anong klaseng negosyo naman ang itatayo natin?

ERLINDA (KRINZY): Ayun nga rin ang hindi ko pa alam eh. Hmm, ano
bang patok ngayon at in demand sa Maynila?

JOMAR (JAYDEE): Alam mo sa palagay ko, textile industry ang


maganda na pagtuunan mo ng pansin tutal mahilig ang mga
kababaihan sa mga bagong disenyo ng damit. Sa akin naman,
mga electronic parts!

ERLINDA (KRINZY): Napakagaling mo talaga mag-isip mahal!


Pwedeng ang bibilhin nating warehouse ay hatiin para ang isa ay sa
textile tapos sa kabila naman ay Electronic parts!

JOMAR (JAYDEE): Sana umasenso at maraming tumangkilik sa


magiging negosyo natin, ano?
ERLINDA (KRINZY): Kaya natin toh Mahal! May tiwala ako na
magagawa natin toh (yakap sa isa't isa tapos ay maglilibot-libot pa
sa parke)

Sa kabilang banda naman…..

TOYANG (ALEX): Napakamalas naman natin Maribel, natanggal na


nga tayo parehas sa trabaho, tapos naddelay pa tayo sa
pangbayad sa renta!

MARIBEL (ROZHELLE): Nako, tama ka diyan mare! Hindi ko na nga


alam kung saan pa ako kukuha ng pangbayad sa renta na yun!
Sobrang mahal naman kasi! Tapos ang sweldo natin kakarampot!

TOYANG (ALEX): Eh paano na ang gagawin natin ngayon?


Kailangan makahanap na tayo kaagad ng bagong trabaho

MARIBEL (ROZHELLE): Kaya nga dinala kita ngayon dito mare, baka
sakaling makakita tayo ng mga nakapaskil na ‘For Hire' na
nangangailangan ng mga trabahador

TOYANG (ALEX): Nako, sana nga mare ay may makita na tayong


trabaho dito sa Maynila

Samantalang….

ERLINDA (KRINZY): Mahal!!! Habang naglilibot ka kanina para


tumingin tingin ng mga bakanteng warehouse, dumaan muna ako
sa malapit na computer shop sa Tondo, pagkatapos nagprint-out na
rin ako ng mga posters na may nakalagay na ‘Mananahi For Hire'
JOMAR (JAYDEE): Buti na lang naayos mo na yun mahal! Nakapili na
kasi ako ng warehouse kaninang tanghali at nabayaran ko na.
Pagkatapos, bumili na ako ng mga kagamitan sa pananahi at
ibang tela na tiyak magugustuhan mo!

ERLINDA (KRINZY): Kahanga-hanga ka naman Mahal! Napakasipag


mo! Sigurado akong magiging maganda ang takbo ng negosyo
natin

( nagtulong ang dalawa para ipaskil ang mga ‘For Hire' na posters
sa mga poste para makapaghanap ng mga magiging trabahador)

Sa gitna ng paghahanap ng magkaibigang Tonyang at Maribel ay


napansin nila ang isang poster na nakapaskil na naghahanap ng
mga mananahi..

MARIBEL (ROZHELLE): Mare! Mare! Eto na ang sagot sa mga


problema natin! Bakit hindi tayo mag-apply dito sa “BATUMBAKAL
MANUFACTURING” tutal marami naman tayong kasanayan sa
pananahi!

TOYANG (ALEX): Buti na lang mare at nakita natin ito! Matagal-tagal


na rin tayong hindi nakakapanahi simula nung pumunta tayo dito sa
Maynila.

Pagkatapos ng 3 araw nang pag-aayos at paghahanda ng mag-


asawang Erlinda at Jomar ng kanilang negosyo sa warehouse ay
opisyal na nilang sinimulan ang pagtanggap ng mga aplikante
ERLINDA (KRINZY): Mahal, sana naman ay maraming aplikante ang
pumunta ngayon. Tsaka sana maraming nakabasa nung for hiring
pinaskil natin, ano?

JOMAR (JAYDEE): Tiwala lang mahal! Balita ko marami-rami rin ang


naghahanap at nangangailangan ng trabaho eh! Baka nga -----

*knock knock*

JOMAR (JAYDEE): Oh baka meron nang mga pumunta ngayon.


Teka, bubuksan ko lang yung pinto

TOYANG (ALEX): Magandang tanghali po sa inyo. Gusto po sana


naming mag-apply ng kaibigan ko bilang mananahi dito sa
Manufacturing niyo

JOMAR (JAYDEE): Ay ganun ba? Osige pumasok na kayong dalawa


at ang asawa ko na ang mag-iinterbyu sa inyo

*sinalubong ni Krinzy ang dalawang magkaibigan*

ERLINDA (KRINZY): Toyang at Maribel, gaano na kayo katagal na


nananahi at paano ninyo ito natutunan?

MARIBEL (ROZHELLE): Mga pitong taon na ho at dahil laking


probinsya po kami ni Toyang, itinuro po ito sa amin ng aming mga
lola dahil naging mananahi rin po kami sa may Tarlac.

TOYANG (ALEX): Tama po iyon Ma'am. Hinding-hindi po


kayomagsisisi kapag kinuha niyo kaming mananahi rito
ERLINDA (KRINZY): Nakatutuwa naman kayong dalawa! Halika,
sumama kayo sa akin para mailibot ko kayo sa buong warehouse at
sa magiging work stations niyo dahil tanggap na kayo!

*tuwang-tuwa ang magkaibigan dahil natanggap sila sa trabaho at


pagakatapos ay nilibot sila ni Erlinda sa kanilang working stations

ERLINDA (KRINZY): Toyang, dito ang magiging work station mo sa


paghahabi dahil magaling ka ruon. At ikaw naman Maribel, ikaw
ang mamamahala sa pag-aasikaso sa pagbili ng mga cotton, jute,
wool raw silk at mga synthetic goods.

*nagsimula nang magtrabaho ang dalawa at natuwa naman sila


dahil mabait ang kanilang amo

2ND SCENE:

( Ang mayaman na magkapatid na sina Puring at Jacinta ay kapwa


naghahanap ng mapapatahian ng kanilang gown na isusuot para
sa isang salu-salo na magaganap na sa susunod na linggo, at dahil
no choice at kapwa may pagka matapobre at maarte ang dalawa
ay napilitan silang magpagawa na lamang sa “BATUMBAKAL
MANUFACTURING” )

PURING (SAYSAY): It’s so mainit na talaga rito sa Pinas Sinti! Pwede


bang bilis-bilisan na natin ang paghahanap ng seamstress for our
gowns na?
JACINTA (RICCA): Correct ka diyan sis! Kung hindi lang talaga tayo
nagmamadali ay baka nagpatahi na lang us sa States! Nakakaloka
rito at napaka low-class pa ng mga gamit nila for sewing clothes!

*napadpad ang magkapatid sa “BATUMBAKAL MANUFACTURING”


at napansin nila na Grand Opening ng korporasyon na ito kaya't
wala na silang oras na sinayang pa at pumasok sa loob upang
magpatahi na ng kanilang mga gowns*

ERLINDA (KRINZY): Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?

JACINTA (RICCA): Uhhm we’re kinda in a hurry na ipagawa na kasi


yung mga gowns namin that we’re gonna wear para sa aattendan
namin na ball

PURING (SAYSAY): And like, we’re kinda hoping na kapag


ipinagawa namin ay macclaim na namin siya by next week. Don’t
worry dear, we already have our designs for that

*ipinakita ni Erlinda sa mananahing kay Toyang ang disenyo ng


gown na gustong ipatahi ng dalawang magkapatid*

TOYANG (ALEX): Jusmiyo Marimar Ma'am! Napakarangya ng mga


gagamitin nating tela at materyales para sa mga ito at napakahirap
pa ng disenyo! At ang gusto nila ay sa susunod na linggo na kaagad
ang deadline! Nako po!

ERLINDA (KRINZY): Oo nga, naguhuluhan din ako. Eh ang kaso


biglang nagdown na sa akin ng pangbayad at umalis na kaagad.
Basta may tiwala naman ako na magagawa mo yan, Toyang.
Pwede kang magpatulong sa iba nating mga mananahi rito

*At dumating na nga ang deadline ng paggawa ng gowns ng


magkapatid na sina Puring at Jacinta habang aligaga naman si
Toyang sapagkat kalahati pa lamang ang natatapos niya sa
paggawa ng mga gowns*

TOYANG (ALEX): Jusko po, paano na ito??!?! Darating na mamaya


ang dalawang masusungit na iyon! Malilintikan ako neto kay Ma'am
Erlinda!

MARIBEL (ROZHELLE): Baka naman, pwede pa nating pakiusapan


ang dalawa na kung pupwede ay magextend pa ng kahit
dalawang araw para matapos. Napakahirap naman kasi!

*Pagsapit ng tanghali ay dumating na nga ang dalawa upang


kunin ang kanilang ipinatahing mga gowns*

ERLINDA (KRINZY): Ay Ma'am nandito na po pala kayo!


Uhhhmm..yung gowns po…ano po kasi….

TOYANG (ALEX): Pasensya na po at kalahati pa lamang ang


nagagawa namin

PURING (SAYSAY): WHAAATTTT???!?!?!!! We need those gowns


already ano ba kayo! Trabaho ninyong tapusin kaagad sa
itinakdang deadline ang mga ipinapagawa sa inyo!
JACINTA (RICCA): Sis, lalo lang nakakastress ang mga ito, jusko!
Sumasakit ang ulo ko sa inyo! Kung hindi niyo pa tapos ay ibalik niyo
na lang ang oera na ibinayad namin!

ERLINDA (KRINZY): Ma'am wag naman po ganyan! Baka pwede pa


ho nating pag-usapan para maayos toh

PURING (SAYSAY): Sinti tara na! Wala akong panahon para


makipag-usap sa mga makukupad kumilos na yan! Grrrrrr

*Napakalungkot ni Erlinda sapagkat malaking pera rin ang nawala


sa kanila. Dumating si Jomar para icomfort siya

JOMAR: O, Mahal, bakit parang biyernes santo yang mukha mo?


Ano bang nangyari kanina? Balita ko may naka-alitan daw kayo
dito ah?

ERLINDA (KRINZY): Nako mahak wala yun, wag mo na lang intindihin.


Marami pa namang ibang customers na darating….

TOYANG (ALEX): Ma'am pasensya na po kung hindi namin nagawan


ng paraan ni Maribel yung nangyari kanina. Eh ang susungit ba
naman ma'am eh

MARIBEL (ROZHELLE): Humihingi po talaga kami ng tawad Ma'am.


Sana po patawarin niyo kami

ERLINDA (KRINZY): Ayos lang yun. Sige na umuwi na kayo at maaga


pa ang pasok natin bukas.
3rd SCENE:

*Susunduin ng nobyo ni Toyang na si Alfonso ang kanyang


minamahal mula sa warehouse at madaratnan niya itong
malungkot…

ALFONSO (LEEONNEE): Mahal, bakit tila malungkot ka ngayon? May


nangyari ba?

TOYANG (ALEX): Nanghihinayang lang ako kanina dahil nagback-


out yung dalawa naming customers dahil hindi namin natapos ni
Maribel yung pinapagawa sa amin na mga gowns

ALFONSO (LEEONNEE): Huwag mo nang masyadong damdamin yun


mahal. Sigurado akong marami pa namang darating na ibang
customers niyo para magpagawa

Sa kabilang banda….

ELIAS (BRYAN): O, Maribel halika na uwi na tayo

MARIBEL (ROZHELLE): sige kuya, mainam nga na umuwi na ngayon.


Nakakairita yung mga babae kanina sa pabrika. Nanggagalaiti ako
sa galit eh

ELIAS (BRYAN): O teka teka, huminahon ka muna. Ano ba kasing


nangyari?

MARIBEL (ROZHELLE): May dalawang chakang magkapatid kasi ang


nagpagawa sa amin ng mga gowns na kakailanganin na raw nila
ngayon, eh kalahati pa nga lanf ang nasisimulan namin ni Mareng
Toyang. At talaga namang napakagaspang ng ugali ng
magkapatid na yun! Biruin mo kuya, sila pa ang nagwalk-out sa amo
namin!

ELIAS (BRYAN): Sa pagkakaintindi ko, malabong matapos niyo


talaga yun dahil na rin sa kalagayan nung mga kagamitan sa
warehouse na pinapasukan niyo ni Toyang

MARIBEL (ROZHELLE): Nako kuya, kung alam mo lang. Kung may


magagamit lang sana kami na mas madaling alternatibo sa
paggawa ng mga damit…hayssss….

ELIAS (BRYAN): Tamang-tama Maribel! Alam ko na ang sagot sa


mga problema ninyo Maribel! Bakit hindi mo irekomenda sa amo mo
na bumili ng power loom at steam engine pati na rin mga sewing
machine nang sa gayo'y hindi na kayo masyadong mahirapan sa
paggawa ng mga damit na may nakatakdang oras lamang!

MARIBEL (ROZHELLE): Aba, napakagandang ideya iyan kuya!


Tamang-tama nagtatrabaho ka pala sa mga ganun! Buti na lang at
sinabi mo sa akin!

ELIAS (BRYAN): Medyo may kamahalan nga lang ang ibang makina
pero sulit naman ang paggamit noon dahil tiyak na lalago pa lalo
ang negosyo ng amo mo

Kinabukasan….

MARIBEL (ROZHELLE): Ma'am Ma'am Erl! May gusto lang po sana


akong ikonsulta sa inyo para po sana mas mapadali ang mga
gawain dito sa warehouse natin tsaka para hindi mabigat sa mga
trabahador

ERLINDA (KRINZY): Osige, Maribel ano ba ang iyong suhestiyon?

MARIBEL (ROZHELLE): Eh kasi po Ma'am, nagtatrabaho po kasi ang


kapatid ko na lalaki sa pagawaan ng mga sewing machines at
marami pang iba na pwede po nating gamitin para mas mapadali
ang paggawa natin ng mga damit within the given deadline!

ERLINDA (KRINZY): Mukhang nakaeengganyo nga iyan, Maribel!


Pero, magkano naman daw ba ang halaga ng mga machines na
iyon?

MARIBEL (ROZHELLE): Nagbagsak presyo po kasi ngayon yung


pabrika nila kaya sa tingin ko po eh mas mura na yun kapag mga
ganitong panahon

ERLINDA (KRINZY): Maraming salamat sa pagpapa-alam sa akin


Maribel ah? Pag-uusapan pa namin ng Sir mo para naman magka
ideya rin siya sa mga kailangang bilhin dito sa warehouse

You might also like