Professional Documents
Culture Documents
Arts Isha
Arts Isha
Arts Isha
SCENE 1
Tagpuan: Sa Tahanan ng Magkapatid na Marilla at Matthew
Matthew: (Napaisip) Oo nga ano. Bakit ngayon mo lang naisip yan, kapatid? Hayaan mo bukas
na bukas ay pupunta ako sa ampunan.
Marilla: Lalaki ang ampunin mo, Matthew. Malakas at pwede sa kahit anong trabaho.
SCENE 2
Tagpuan: Sa Estasyon ng Tren
Tagapangasiwa: Ikaw siguro ang hinihintay ng dalaga roon? Kanina pa iyon naghihintay.
Tagapangasiwa: Hayaan mo na lang na ang bata ang mag-paliwanag sayo. May kadaldalan rin
siyang taglay. (Tumatawang lumakad palayo)
Anne: (Makikipag-hawak kamay) (Tuloy-tuloy na magsasalita) Ako naman si Anne Shirley. Ang
ganda naman dito sa inyoing isla. Alam mo ba kanina habang naghihintay ako ay naisip kong
akyatin ang punong iyan at diyan maghintay sa iyo para mas madama ko ang masarap na simoy
ng hangin. Ngunit naalala ko na ganito pala ang suot ko at baka masira. Salamat pala sa inyong
pagkuha sa akin. Tinatanaw kong-
Anne: Walang problema dahil ikaw naman si Mr. Cuthbert, hindi ba? Marahil-
Matthew: Oh siya, halika na. Akin na yang mga dala mo. (Kukuhanin ang maleta)
SCENE 3
Tagpuan: Sa Tahanan ng Magkapatid na Marilla at Matthew
Anne: Tatanawin ko habang buhay ang kabaitan niyo sakin, Gi- Matthew.
Marilla: (Tumango) Sino naman itong dalagang ito? (Sabay tingin kay Anne)
Marilla: Hindi ba’t batang lalaki ang napagkasunduan natin? Ano’t babae ang inampon mo?
Anong maitutulong niyan dito sa atin?
Anne: Babae man po ako ngunit kaya kong makatulong sa inyong sakahan. Hindi po sukatan ang
sekswalidad ng isang tao sa kanyang mga maaaring gawin. At isa pa, maaasahan po ako sa lahat
ng pupwedeng gawin.
Matthew: (Natawa) Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa ampunan kaya siya ang naibigay
saakin. Mukha namang maaasahan ang bata kaya hayaan mo na. Isa pa, mahirap ang proseso
Anne of Green Gables Script
kapag binalik pa natin siya doon. (Lumapit kay Anne at ginulo ang buhok nito) Ayan mag-usap
kayong dalawa at doon muna ako sa sakahan. (Umalis)
Marilla: (Umiling) Hindi maaari. Babae ka at ang katawan mo ay tiyak na hindi kakayanin ang
trabaho dito sa amin. Ibabalik ka sa bahay ampunan pero sa ngayon ay magpapalipas ka muna
dito.
Anne: (Nagpaawa) Ibabalik niyo po ba talaga ako? Kahit sabihin ko na marami akong maaaring
maitulong sa inyo?
Marilla: Dito ka muna hangga’t hindi pa naaasikaso ang pagbalik sa iyo. Teka, ano bang
pangalan mo, bata?
Anne: Gusto ko sanang Cordelia ang itawag niyo sa akin. Maganda at eleganteng pakinggan.
Anne: Hindi, pero maganda kasi siyang pakinggan at babagay siya sa kahit na sino.
Anne: Anne Shirley. May pakiusap lang ako tungkol sa aking pangalan.
Anne: Kapag babaybayin niyo ang pangalan ko gusto ko sanang wag niyong makalimutan na
may letrang E sa dulo. (Binaybay ang pangalan) A-N-N-E.
Marilla: Anong pinagkaiba kung may letrang E man o wala? Parehas namang Anne ang bigkas
doon.
Anne: (Seryoso ang mukha habang nagpapaliwanag) Ang Anne na walang E ay simpleng tignan.
Parang kulang at wala man lang kadating-dating. Hindi kaaya-aya na makabasa ng ganoon.
Samantalang ang Anne na may E naman ay magandang pagmasdan. Elegante ang salubong ng
pagbaybay na gayon. Sosyal at babaeng babae ang maiisip kapag may letrang E. Kaya A-N-N-E
ang dapat niyong pagbaybay sa pangalan ko.
Marilla: (Humalukipkip) Bahala na kung anong matipuhan ko. Halika don ang magiging silid
tulugan mo. Ibaba mo ang mga gamit mo doon at pagkatapos ay kakain na.
Anne: (Bumagsak ang mga balikat)(Paawa) Nasasadlak ako dahil gusto mo akong ibalik sa
bahay ampunan. Hindi ko maramdaman ang gana. Nalulugmok ako at kapag ganoon ay hindi ko
magagawang kumain
Anne: (Napahawak sa bibig at nabigla kunyari) Totoo naman, Ms. Cuthbert. Ikaw ba ay ganoon
ka? Kaya mo bang kumain habang nasa kalugmukan ka? Paano?
SCENE 4
Tagpuan: Sa Bahay Ampunan sa Bayan
Marilla: Nandito ngayon ang kaibigan kong pinakiusapan ko na humanap ng aampunin mula sa
kanyang kaibigan na may ampunan din.
May-ari ng Ampunan: Naku, Marilla hindi ko na siya pupwedeng tanggapin dahil lagpas na siya
sa edad. Mula 1-12 taon lamang ang tinatanggap ko sa bahay ampunan na ito. At kung ibabalik
naman siya sa kakilala ko doon sa kabilang isla ay tiyak na matatagalan at mahihirapan na.
May-ari ng Ampunan: Teka, naghahanap kanina si Mrs. Blewett ng aampunin na may edad 13
hanggang 16 ngunit wala akong maibigay. Hindi ba 16 naman na siya?(Ituturo si Anne) Baka
papasa na siya kay Mrs. Blewett
Marilla: (Nagmuni-muni)
May-ari ng Ampunan: Hindi ba sinabi mo na gusto mong mag-ampon? Heto na at may nahanap
na ako para sa iyo.
Mrs. Blewett: (Tinignan si Anne mula ulo hanggang paa) Ilang taon ka na bata? Marunong ka ba
sa gawaing bahay? Kaya mo bang maglinis sa umaga at mag-alaga ng bata sa gabi? Bawal ang
maarte at tatamad tamad sakin. Walang lugar ang mga ganoon sa poder ko. At siya nga pala,
kaya mo bang kunin ang loob ng aking kambal? Hindi kita aampunin upang magpasarap.
Anne: (Medyo matamlay) Ah, kaya ko po iyon. Nung na kila Mrs. Hammond ako ay ako ang nag-
aalaga sa kanyang kambal.
May-ari ng Ampunan: Tiyak na magkakasundo kayo. Tatlong pares ng kambal ang anak ni Mrs.
Blewett, Anne.
Marilla: (Itatago sa kanyang likod si Anne) Nagbago na ang isip ko. Titignan ko muna kung
pupwede ang batang ito sa Green Gables. Babalitaan nalang kita. Paalam. Halika na, Anne. (Hila
kay Anne paalis)
Anne: Salamat at hindi mo ko pinabayaan doon kay Mrs. Blewett, Ms. Cuthbert.
Marilla: Marilla na lamang ang itawag mo. Wag mong bigyan ng kung ano ito. Naawa lang ako
sayo, kaysa naman alilain ka ni Mrs. Blewett. Iyon ba ang gusto mo?
Marilla: Nakikita mo ba ang bahay na iyan? Sa mga Barry ang bahay na yan.(Nagturo ng bahay)
Mayroon silang babaeng anak na kasing edad mo rin lang na pwede mong kaibiganin. Si Diana
Barry.
Anne: Talaga, Marilla? (Masaya) Gusto ko siyang maging kaibigan. Sa buong buhay ko ay wala
pa akong nagiging kaibigan. Pwera na lamang sa kinakausap ko sa salamin ng bintana.
Marilla: (Nawirdohan) Itigil mo na yang pakikipag-usap sa kung anong nilalang man ang nasa
bintana na sinasabi mo. Bukas ay makipagkaibigan ka kay Diana. Isasama kita sa salu-salu ng
mga tao bukas.
SCENE 5
Tagpuan: Sa Tahanan ng magkapatid na Matthew at Marilla
Rachel: (Pumasok) Marilla! Ano itong naririnig ko na tinuloy mo raw talaga ang pag-aampon?!
Rachel: Hindi ba sinabi ko sa iyo ang sinapit ng mga kakilala ko gawa ng pag-ampon nila?
Namatay, nasunugan, at-
(Biglang papasok si Anne at maririnig ang pinag usapan nina Rachel at Marilla)
Rachel: (Tumingin kay Anne mula ulo hanggang paa) Eto ba ang ampon niyo?
Rachel: (Namamaliit ang tingin) Aba’y kapayat naman ng batang ito. Sigurado ka bang
kakayanin niyan dito? Tignan mo nga baka hindi pa siya tumagal sa mga gawain niyo! Isa pa
tignan mo ang kulay ng kanyang buhok, hindi kaakit-akit tignan. Ang sakit sa mata! Mapayat
tapos ganyan pa ang buhok. Naku, Marilla. Isa pa, babae lamang ito.
Anne: (Gulat at pagkatapos ay maiinis) Walang pakundangan! Ang tabil ng dila mo, Ginang!
Ano naman ngayon kung payat ako at ganito ang buhok ko? Hindi ako mapipigilan ng mga
ganoong bagay. Wala sa itsura ang kakayahan ng isang tao. Napakasakit mo namang magsalita!
(Hawak sa kanyang dibdib at medyo hinihingal) Kung ikaw kaya ay sabihan ko na ang “taba mo,
dambuhala ang iyong katawan, siguro ay napapabayaan ka sa kusina kaya ganyan na lamang
ang inilaki ng iyong katawan”. Ano kaya ang mararamdaman mo? Hindi ba’t masasaktan ka rin?
SCENE 6
Tagpuan: Bahay ng mga Lynde
Marilla: Hihingi ka ng tawad sakanya. Matanda pa rin siya sa iyo at kaibigan ko siya. Kung ayaw
mong ibalik kita sa ampunan.
Anne: (Pabulong) Hihingi lang ako ng tawad dahil sinabi ni Matthew na sundin kita ngunit hindi
ko pa rin malilimutan ang ginawa ni Mrs. Lynde.
Anne: (Lumuhod sa harapan ni Mrs. Lynde) Humihingi ako ng tawad Mrs. Lynde sa mga nasabi
ko. Nakikita ko na mali ang ginawa ko kahapon. Alam kong totoo ang mga sinabi ko sa iyo na
mataba ka at matabil ang dila mo ngunit hindi ko naisip na dapat pala ay hindi ko iyon ibinulgar
ng ganon. Kahit mayroon ka rin na kasalan sa akin dahil kinutya mo ang pagkababae ko ay
humihingi pa rin ako ng tawad sa iyo. Mapapatawad mo pa ba ako, Mrs. Lynde? (Medyo
naiiyak)
Rachel: Oo naman at mapapatawad pa kita. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo dahil nga hindi
ka nakatanggap ng edukasyon ay hindi mo alam ang dapat mong gawin. Hayaan mo sasabihan
ko si Marilla na ipalista ang iyong pangalan sa mga mag-aaral diyan sa bayan sa ilalim ni Mr.
Philipps. Mag-aaral ang bata, hindi ba Marilla?
SCENE 7
Tagpuan: Sa Paaralan
Anne: Salamat, Mr. Philipps. Hindo mo alam kung gaano ako kasaya at katabi ko pa talaga ang
aking kaibigan na si Diana Barry. Kahit noong isang araw lamang kami nagkita sa salu-salo sa
bayan.
Gilbert: (Binato ng maliliit na papel) Psst! Uy! Pssst! Hoy Carrots! (Hinila ang buhok ni Anne)
Anne: (Nanlaki ang mata at kumuyom ang mga kamao) (Pumunta sa direrksyon ni Gilbert)
Lapastangan ka! (Kinuha ang maliit na sulatan at binali iyon sa ulo ni Gilbert)
Mr. Philipps: (Hinila si Anne papunta sa may pisara) Dito ka sa may pisara buong araw. At
isusulat mo rin ito dito ng isang daang beses. (Sinulat sa pisara ang “Hindi ko na po uulitin ang
ginawa ko”) Hindi ka makakauwi hangga’t hindi mo natatapos iyan.
SCENE 8
Tagpuan: Sa Kwarto ni Anne
Marilla: (Pilit binubuksan ang pinto) Anne Shirley! Buksan mo itong pinto! Alam ko na ang
ginawa mo!
Anne: (Nakahiga) Wag ngayon, Marilla! Nasasadlak ako at ayokong makita mo ako sa ganitong
sitwasyon. Kaya umalis ka na muna. (Umiiyak)
(Binuksan ni Anne ang pinto pagkatapos ay tumakbo ng mabilis patungo sa kanyang kama.)
Anne of Green Gables Script
Marilla: (Naupo sa tabi ng kama) Bakit mo naman ginawa ang bagay na iyon, Anne? Unang araw
mo pa lang ay napapahamak ka na. Hindi dapat nagpapadala sa damdamin.
Anne: Tinawag niya akong Carrots pagkatapos ay hinila ang buhok ko. Isang sumpa talaga ang
pagkakaroon ng ganitong kulay ng buhok.
Marilla: Hindi totoo iyan. (Mapapansin na todo talukbong si Anne) Alisin mo nga itong
talukbong mo at hindi ka makahinga ng maayos.
Anne: (Unti-unting tinanggal ang talukbong) Marilla, wala na akong mukhang ihaharap sa
Gilbert Blythe na iyon!
Marilla: Diyos ko, Anne Shirley! Ano ang ginawa mo sa buhok mo?!
Anne: Kinulayan ko. Naiinis na kasi ako sa pulang buhok na mayroon ako.
Marilla: Ngunit bakit berde ang kulay na pinili mo? Mukha kang halamang dagat!
Marilla: Walang ibang solusyon kundi ang putulin ang buhok na may kulay.
SCENE 9
Tagpuan: Sa Kagubatan
Anne: Ginupitan ni Marilla. Kinulayan ko kasi ng berde upang tigilan na ako ni Gilbert Blythe sa
pang aasar.
Diana: Bumagay naman sa iyo ang gupit mo. Maganda naman. Hayaan mo mabilis ring lilipas
ang isang taon at hindi mo mamamalayan ay mahaba na ulit iyan.
SCENE 10
Tagpuan: Sa Loob ng Silid- Aralan
Mga Tauhan: Anne, Gilbert, Diana, Ms. Stacey, at ilang mga Estudyante
Anne of Green Gables Script
Ms. Stacey: Magandang umaga sa inyong lahat! Ako ang magiging kapalit ni Mr. Philipps bilang
inyong guro dito sa bayan. Pwede ninyo akong tawaging Ms. Stacey. (Sinulat ang ‘Ms. Stacey’ sa
pisara). Ngayon ay mas pag-iigihan natin ang pag-aaral at sana ay mapantayan ko ang galing ni
Mr. Philipps sa pagtuturo sa inyo. Sa ngayon ay unang araw ko pa lamang ay hindi muna tayo
magkaklase agad-agad.
Ms. Stacey: Ngunit pinapaalala ko lamang na magkakaroon tayo ng pag tututor pagkatapos ng
klase para sa darating na pagsusulit para makapasok sa prestihiyosong kolehiyo sa Queens.
Diana: Magaling din ang kaibigan kong si Anne! Makakapasok rin siya!
Ms. Stacey: Oh siya, tatapusin ko na ang oras ngayon upang makapag pahinga kayo at
maihanda niya ang inyong mga sarili sa mga leksyon bukas. Ang tungkol sa pag tututor ay
sasabihin ko ang kabuoan sa mga susunod na araw. Paalam.
SCENE 11
Tagpuan: Bahay ng mga Cuthbert
Marilla: Hindi ba ay inimbita mo si Diana upang mag-tsaa? Aalis ako at may aasikasuhin ako.
Kayong dalawa lamang ang maiiwan dito. Wag kayong gagawa ng hindi ko magugustuhan.
Marilla: Nandoon sa tukador ang mga pwede ninyong inumin. Mauuna na ako, Anne.
Marilla: Magandang araw din sa iyo. Mauuna na muna ako sa inyo mga bata. Wag gagawa ng
ikagagalit ng mga matatanda.
(Lumabas na si Marilla)
Anne: Halika doon tayo sa sala. (Kinuha ang payong at sumbrero ni Diana)
Diana: Sige na ako na ang pupunta doon at kunin mo na ang ating mga kakainin.
Anne: (Umalis) (Bumalik na may hawak na bote at baso) Eto na ang inumin natin. Ihahanda ko
lamang ang mga tinapay. (Umalis)
Anne: (Nakatago sa may kurtina) Alam mo bang ang saya saya ko dahil pinayagan tayong mag-
tsaa ngayon? Iniisip ko na nga ang susunod nating gagawin na magkasama. Ano kaya sa tingin
mo kung doon ako magpalipas ng gabi sa inyo at magdamag tayong magkwentuhan?
Siguradong masaya iyon. Pero ano naman ang mga pag-uusapan natin? Ah, alam ko na! Si
Gilbert at si Josie at marami pa! (Tumatawang lumabas mula sa pagkakatago)
Diana: (Nahihilo na sa sobrang daming nainom) Kailangan ko nang umuwi, Anne. (Pagewang
gewang na tumayo) (Napaupo) (Napahiga)
Anne: Ano ka ba, Diana! Heto uminom ka nga para mahimasmasan ka!(Pinainom si Diana ng
ininom nito kanina)
Anne: Diana Barry! Teka! (Nagmamadaling hinubad ang apron at sinundan si Diana)
SCENE 12
Tagpuan: Kagubatan
Anne: (Niyakap si Diana pagkarating nito) Ano ang sabi ng iyong ina? Ang sabi sa akin ni Marilla
ay hindi naging maganda ang pag-uusap niya at ni Mrs. Barry. Kaya mayroong alak doon ay
ginagamit na panggamot. Paniwalaan mo ako, hindi ko sinasadya na malasing ka at hindi ko
alam na alak iyon.
Anne of Green Gables Script
Diana: Nagalit si Ina, Anne. Sinabihan niya ako na masama kang impluwensya sa akin dahil
masasama ang mga ampon na kagaya mo. Ayaw na niyang maging mag-kaibigan tayo. (Naiiyak
na)
Diana: Hindi, alam ko namang hindi mo sinasadya iyon. Ngunit pinagbawalan na niya tayong
maging magkaibigan, Anne. Sinabi niya rin na huwag na kitang kakausapin pa.
Anne: Kay lupit ng tadhana sa ating pagkakaibigan, Diana. Hindi ko susuwayin ang sinabi ng
iyong ina. Ngunit ipangako mo sa akin na hindi mo ako kakalimutan.
Diana: Pangako.
Anne: Ako si Anne Shirley, at pinapangako kong hindi ko kailanman kalilimutan ang aking
pinakamatalik at pinakamamahal kong kaibigan na si Diana Barry. Ikaw naman ngayon.
Diana: Ako si Diana Barry, at pinapangako kong hindi ko kailanman kalilimutan ang aking
pinakamatalik at pinakamamahal kong kaibigan na si Anne Shirley.
Diana: Paalam, kaibigan. Baka hinahanap na ako ni Ina at hindi kasi ako nagpaalam sakanya.
Ang alam niya ay nasa kwarto ako at nag-aaral ng leksyon. (Umiiyak na umalis si Diana)
Anne: Paalam, Diana Barry, pinakamamahal kong kaibigan. (Umiiyak at kumakaway si Anne)
SCENE 13
Tagpuan: Eskwelahan
Mga Tauhan: Anne, Diana, Gilbert, Ms. Stacey, at iba pang mga kaklase
Ms. Stacey: Tapos na ang klase! Ang mga gusto at pinayagan ng mga magulang nila sa pag
tututor ay maiwan.
Diana: (Malungkot) Hindi. Sa bahay na lamang daw ako mas magtuon ng pansin sabi ng aking
ina. (Umalis na)
Lahat: Opo!
Ms. Stacey: Oh siya, umpisahan natin sa pagbabaybay. Baybayin ang salitang “irigasyon”. Ikaw,
Josie (Tinuro si Josie)
Ms. Stacey: O siya umupo ka na muna, Josie. Gilbert baybayin mo ang salitang irigasyon
Ms. Stacey: Salamat sa pagsubok mo, Gilbert. (Biglang nagtaas ng kamay si Anne at tinawag
naman siya ni Ms. Stacey) Anne!
Ms. Stacey: Kumuha ng kapirasong papel ay magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit. Sagutan
ang mga tanong sa mga papel na ipapamahagi ko sainyo. (Nagpamahagi ng papel) Mayroon
kayong 10 minuto upang sagutin iyan.
Ms. Stacey: Makipagpalitan ng papel, tapos na ang sampung minuto. Isusulat ko sa pisara ang
mga tamang sagot. (Isinulat ang mga sagot) Ngayon, sino ang nakakuha ng 10?
Ms. Stacey: Manahimik muna tayo. Gilbert ano ang marka mo?
Ms. Stacey: Palakpakan naman natin si Gilbert. Ikaw, Anne ilan ang nakuha mo?
Josie: Tanggapin mo na kasi, Anne. Mas matalino ang Gilbert ko sa iyo. Hindi ba Gilbert?
(Yumakap kay Gilbert)
Ms. Stacey: At diyan nagtatapos ang ating klase ngayon. Maaari na kayong umuwi.
SCENE 14
Tagpuan: Bahay ng mga Barry
Mga Tauhan: Anne, Diana, Matthew, Kasambahay ng mga Barry, Kapatid ni Diana
Diana: Ito na ang tulong, kapatid. Anne, salamat at sumama ka sa akin. Ikaw lang kasi ang
pupwede kong hinggan ng tulong ngayong malalim na ang gabi.
Anne: Naiintindihan ko naman. Wala ang iyong ina, hindi ba? Kasama ni Marilla upang
puntahan ang Ministro.
(Lumabas ang kasambahay at pagkabalik nito ay dala na siyang planggana na may mainit na
tubig at bimpo.)
Kasambahay: Teka, kukunin ko na rin ang mga damit niya. (Lumabas ulit at pagkabalik ay may
hawak ng damit.)
Anne: Mabisa ang gamot na ito. Ito ang pinapainom ko sa aking mga alaga noong nakatira pa
ako kina Mrs. Hammond.
Anne: Walang anuman basta ikaw. (Niyakap nilang dalawa ang kapatid ni Diana)
Doktor: (Sinusuri ang bata) Mabuti na lamang naagapan ninyo ang bata dahil kung hindi baka
kung ano pa ang nangyari sakanya.
SCENE 15
Tagpuan: Bahay ng mga Barry
Mrs. Barry: Salamat, Anne. Iniligtas mo ang anak ko. Aaminin ko na maling hinusgahan agad kita
doon sa nangyari sa inyo ni Diana. Sana ay mapatawad mo ako.
Mrs. Barry: Kung ganoon ay mauna na muna kami nito sakanyang kwarto. Mag-usap na muna
kayo diyan. (Umalis kasama ang kapatid ni Diana)
Anne: Walang anuman. Ang mahalaga ngayon ay makakapagusap na tayo muli. Nasasabik ako
sayo, aking kaibigan.
Diana: (Yumakap kay Anne) Alam mo ba may ikukwento ako sa iyo. Narinig ka ang usapan nila
Gilbert at ng mga kaibigan niyang lalaki noong isang araw.
Diana: Hindi. Tinanong kasi siya ni Andrew kung ano ang tipo niya sa mga babae. Sinagot niya
naman na gusto niya ang mga matatalinong babae. At dinugtungan pa niya na ikaw daw ang
pinakamatalinong babae dyan sa ating paaralan. (Tumili at hinampas si Anne ng unan)
Anne: (Ngumiti pero pinipigilan) Tumigil ka nga diyan, Diana. Ano ka ba!
Diana: May gusto sayo si Gilbert, Anne! Hindi mo ba nahahalata? Kung paano ka niya tingnan.
Sa iilang tao nating magkakasama ay halata na gusto ka niya. Baka magtapat na iyon sa iyo dahil
malapit na tayong magtapos at magiiba iba na ang ating mga kolehiyo.
SCENE 16
Tagpuan: Eskwelahan
Mga Tauhan: Anne, Gilbert, Ms. Stacey, at Iba pang mga estudyante
Anne of Green Gables Script
Ms. Stacey: Mga estudyante ko, heto lang ang tatandaan niyo. Kahit ano man ang maging
kalabasan ng resulta ng pagsusulit ay hanga ako sa inyo at pinagmamalaki ko kayo. Matatalino
kayo at alam kong magaganda ang mga kinabukasan ninyo. Maya-maya rin ay dadating na ang
ating sasakyan kaya wag na kung saan saan lumibot. (Pinuntahan ang mga estudyante)
Gilbert: (Kinalabit si Anne) Anne, alam kong mataas ang makukuha mo sa pagsusulit. Kaya mo
yan!
Anne: Ikaw rin, Gilbert. Sa talino mong iyan ay tiyak na mangunguna ka. (Pilosopong mukha)
SCENE 17
Tagpuan: Sa May Tulay
(Si Anne ay naglalaro sa may tulay at siya ay nahulog at basang-basang naabutan ni Gilbert)
Anne: Nakikita mo naman ang aking sitwasyon, hindi ba? At malinaw naman ang iyong mga
mata kaya alam mong hindi ako ayos.
Anne: Huwag na! Maghihintay nalang ako ng kung sino ang gustong tumulong sa akin dito.
Kaysa naman tumanggap ako ng tulong galing sa isang mayabang na katulad mo.
Anne: Wag mo na lamang itong makwento sa iba, Gilbert. (Akmang aalis na)
Gilbert: (May inilabas na papel) Lumabas na ang resulta ng mga nakapasa at nanguna sa
pagsusulit sa paaralan ng Queens.
Anne of Green Gables Script
Anne: (Naiinis ang mukha) Ayon lamang ba? Bakit mo sinasabi sa akin yan? Para ipamukha sa
akin na pangalawa lamang ako at ikaw nanaman ang nanguna?
Anne: (Lilingon) Salamat sa pagligtas mo sa akin, Gilbert Blythe. Ngunit pasensya na at hindi
mabubura ng pagliligtas mo sa akin ang mga di ka nais nais na mga ginawa mo noon sa akin.
Anne: Kinutya mo ang buhok ko! At noong may salu-salo noong pasko, anong ginawa mo?
Tinawag kita ngunit sinadya mo akong hindi pansinin.
Gilbert: (Nag-iwas ng tingin) D-dahil gusto ko na mapansin mo ako. Gusto kong maging parte ng
iyong mga kaibigan. Mapapatawad mo pa ba ako, Anne?
Anne: (Nakabawi na sa pagkagulat) Hindi ba ay matalino ka? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo
iyan. (Umalis)
SCENE 18
Tagpuan: Sa May Estasyon ng Tren
Matthew: Sobra-sobra ang pag-hanga ko sa iyo, Anne. Naabot mo na ang mga pinapangarap
mo. Mula sa isang simpleng dalaga mula sa ampunan ay isa ka nang kolehiyala. Labis labis ang
galak ko para sa iyo, Anne Shirley. Tinuring ka na namin na totoong pamilya. Mahal na mahal ka
namin.
Anne of Green Gables Script
Anne: Ako ang dapat magpasalamat sa inyo. Kung hindi dahil sa inyong dalawa ay hindi ko
maaabot ito. Maraming maraming salamat sa inyong pagmamahal at pag-aalaga sa akin. Mahal
ko kayong dalawa.
Marilla: (Naiiyak) Oh siya, tama na iyan. Baka maiwan ka pa ng tren. Maghanda ka na.
SCENE 19
Tagpuan: Sa Kolehiyo
(Nagkakatuwaan sa dormitoryo)
Anne: Ah, uuwi ako sa Green Gables. Sabik na akong makita ang mga tumayong magulang ko
Kaklase 2: Ganon ba? Oh siya magiimpake na kami at mamaya na ang aming alis. Bukas ka pa
diba?
Anne: Oo.
SCENE 20
Tagpuan: Sa Sakahan
Matthew: Ako rin, Anne. Ngunit sandali ka lamang dito at pagkatapos ng bakasyon niyo ay
babalik ka na rin sa Queens.
Anne: Kaya nga susulitin natin ang mga araw ko dito. Tayong tatlo nila Marilla. Sobra ko kayong
pinanabikan. Ayoko nang umalis.
Anne: Hindi ko alam, Matthew. At isa p- (Nahimatay si Matthew at nang tinignan ni Anne ito ay
hindi na siya humihinga.
SCENE 21
Tagpuan: Sa Kakahuyan
Anne: (Tumango lamang) Hindi ko inasahan ang pagpanaw ni Matthew. Ngayon ay iniisip ko
kung ipagpapatuloy ko pa ba ang sa Queens.
Gilbert: Kung gusto mo ay sa iyo na ang posisyon ko sa pagkaguro doon sa eskwelahan sa bayan
dito. Para na rin hindi ka malayo kay Marilla. Upang masuportahan niyo ang isa’t-isa sa
nangyaring ito.
END
Anne of Green Gables Script