Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Elemento ng Komunikasyong Pagtalakay

Teknikal

Awdiyens Ang awdiyens ay bininigyan ng halag sa paksang ito dahil sila ang
magbibinepesyo sa lahat ng mga pambansang proyekto ng ating gobyerno.
Tinalakay dito ang ibat-ibang paraan na makakatulong sa ating bayan lalong
lalo na sa mga mamamayan.

Layunin Sa pamamagitan ng pagtalakay sa usaping ito maaring ito ang maging daan
para mabuksan ang mga oportunidad na umunlad ang ating bansa at
mamulat ang mga mamayan sa mga bagay na kinakailangang masolusyunan
sa ating bansa.

Estilo Ang pagtalakay na ito ay tinitingnan ang mga paraan para mas mapaunlad ang
ating bansa. Ito ay nagpapahiwatig na maging patas ang pagtingin nang
sambayanang pilipino sa ating gobyerno. Bigyang pansin ang kaganapan na
nakakatulong sa ating bansa. Ipahiwatig na dahil sa mg imprastaktura,
marami ang mamumuhunan sa ating bansa na nagbubunsod ng kaunlaran.

Pormat Tinatalakay dito sa unang parte na ang pagkukulang sa mga imprastraktura s


ating bansa ang nagbubunsod ng hindi pag-unlad ng ekonomiya sa ating
bansa. Ang gitnang bahagi naman ay nagtatalakay sa mga ginagawa at mga
gagawin ng kasalukuyang administrayon na namamahala sa ating bansa. At sa
huling bahagi, binigyang diin ang mga dapat na gawin upang umunlad ang
ating bansa.

Sitwasyon Ang sitwasyon na nais ipahiwatig nang pagtalakay na ito ay ang mga
imprastraktura o mga proyekto na kailangang bigyan ng aksyon ng ating
gobyerno para sa ating kaunlaran. Ang layunin na mapalawig ang kaunlaran
hindi lamang sa metro manila kundi pati na rin sa iba’t-ibang lalawigan ay
naisasakatuparan dahil sa mga proyekto nang gobyerno na nagdudulot ng
pamumuhunan ng mga negosyante sa iba’t -ibang lugar.

Nilalaman Ang mga pag-unlad sa ating bansa ay hindi lamang ginagawa nang mga
namamahala sa gobyerno kundi pati din nang sambayanang pilipino. Dahil sa
pagnenegosyo o pamumuhunan nang mga negosyante, umuusbong ang ating
ekonomiya na nagdudulot nang kaunlaran sa ating bansa, pagkakaroon ng
maraming proyekto sa mga lalawigan na makakatulong sa mga pilipino. Dapat
pagtuunan ng pansin ang ating ekonomiya para maging masagana ang
pamumuhay ng mga tao sa ating bansa.
Gamit Ang pagtalakay na ito ay nagbibigay halaga sa mga dapat na paunlarin ng
gobyerno sa ating bansa. Ang usaping ito ay kailangang pagtuunan ng higit na
atensyon dahil maraming tao ang magbibinepisyo. Ito ay nagbibigay ng mga
kailangan gawing mga proyekto at nagtatalakay din ito sa mga proyektong
ganap nang naitayo nang gobyerno at nang mga bagay na dapat gawin para
mas lumawig ang kaunlaran sa ating bansa.

You might also like