Professional Documents
Culture Documents
Mga Bahagi NG Teksto Lecture
Mga Bahagi NG Teksto Lecture
A. Introduksiyon
Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit upang
maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay maaaring pangungusap o
talata. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha. Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan,
makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa.
Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan ang
maaaring gamitin sa pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan sa
pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o komposisyon:
Mga Paraan
1. Pasaklaw na Pahayag
Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa
di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye. Ito’t karaniwang
makikita sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa:
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad
makaraang ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa isinagawang
entrapment kamakalawa sa Antipolo City.
2. Pagbubuod
Halimbawa:
Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo…..
3. Pagtatanong
Halimbawa:
Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na
simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat sa
kalangitan.
4. Tuwirang Sinasabi
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
Halimbawa:
“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa ko
ito….”
5. Panlahat na Pahayag
Halimbawa:
6. Paglalarawan
Halimbawa:
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong
ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang pook.
7. Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas matindi ang
bisa.
Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang
pinagbago ng bayan naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.
B. Gitna o Nilalaman
Mga Paraan
1. Pakronolihikal
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay
hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.
2. Paanggulo
Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol
sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang
tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa; mga
kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na
magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang
ng reaksyong nakuha ang kongklusyon ay madaling magagawa.
3. Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y
alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay hindi
gaanong kilala o “vice versa”.
C. Wakas o Kongklusyon
Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-
siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at
mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang
pangmatagalan sa mga mambabasa.
1. Tuwirang Sinasabi
Halimbawa:
“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an
intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral system,” ani
Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang anumang butas upang
ipatupad ang batas modernisasyon.
2. Panlahat na Pahayag
Halimbawa:
… Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din
kalaunan, wika nga.
3. Pagbubuod
Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon makakamtan.
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
Halimbawa:
5. Pagtatanong
Halimbawa:
6. Pagsisipi
Halimbawa:
(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na angkop
sa tinatalakay na paksa.)
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging matapat
sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”