Rosa Alamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alamat ng Rosas

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang
angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan.
Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan
ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di
mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal
ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na
magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang
halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa
talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa
na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng
sinuman

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://m.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-rosas/

You might also like