Professional Documents
Culture Documents
02banghay Aralin Sa Filipino VI UNANG ARAW
02banghay Aralin Sa Filipino VI UNANG ARAW
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Unang Araw
I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento. F6PN-Ia-g-3.1
II. Paksang Aralin
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento.
Kuwento: Mariang Sinukuan
Sanggunian: Talindaw 6 p.p 283-284 / p. 58
Curriculum Guide blg. 2 p. 119
https://www.scribd.com/doc/118194938/buod_ng_maria_makiling
Pagpapahalaga: Pag-unawa at Pagsunod sa mga Tagubilin
III. Kagamitan
larawan ni Mariang Sinukuan, tsart, show-me-board, meta cards, Activity Cards
IV- Pamamaraan
A- Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
Bigyang pansin ang gamit ng malaking titik sa mga pangungusap na
idididkta ng guro.
a. Si Maria ang nagtataglay ng magagandang ugali.
b. Siya ay maunawain at mahabagin sa kapwa.
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
. Kilala mo ba si Mariang Sinukuan? Ilarawan siya.
2. Paghahawan ng balakid
Thumbs up! Thumbs Down!
Kung ang pares ng mga salita ay magkapareho ang kahulugan, ipakita
ang Thumbs Up. Kung hindi ka sang-ayon sa kahulugan ng salita, ipakita
ang Thumbs Down.
a. naglipana – nagkalat
b. naglaon – nagtagal
c. naghangad – nagnais
d. sarat – matangos ang ilong
e. iwinasiwas – iniamba
3. Pagganyak na Tanong
“Ano ang ginawa ng mga tao nang mapatunayang ang ginagawa ni Maria
ay para sa kabutihan nila?”
4. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pakikinig
5. Paglalahad
Pakinggan ang kwento ni Mariang Sinukuan na babasahin ng guro mula
sa aklat na Talindaw 6 p. 283 – 284
Mariang Sinukuan
Noong unang panahon ay may isang diwatang napakaganda na nakatira sa
Bundok Arayat. Siya ay nagtataglay ng ilong na di naman matangos ngunit di rin
naman sarat. Ang mga labi niya ay kulay rosas. Kayumangging kaligatan ang kanyang
balat.
Si Maria ay nagtataglay ng magagandang ugali tulad ng pagiging maunawain at
mahabagin.
Sa Bundok Arayat na tinitirhan ni Maria ay natatamnan ng mga bungangkahoy at
punungkahoy. Marami ring mga hayop na nalipana rito. Ipinamimigay niya ang mga ito
sa mahihirap na tao.
Sa ginagawang ito ni Maria ay hindi na naghangad pa ang mga tao na magtungo
sa bundok bilang paggalang sa sagradong tahanan ng diwata.
Kung minsan makikita na lamang nilang nasa hagdanan ng bahay nila ang mga
bungangkahoy. Alam nilang iyon ay inilagay ni Maria habang sila ay natututlog.
Ngunit hindi naglaon, naging sakim ang mga tao. Hindi sila nagkasya sa kung
ano ang ibinibigay sa kanila kaya’t isang araw ay inakyat nila ang bundok at
nagpakasasa sa mga bungang nakita nila.
Habang pinagkukuha nila ang mga hayop at bunga ng mga puno ay biglang
dumating si Maria at isang nakasisilaw na liwanag ang nakapaligid sa diwata na labis
na ikinamalikmata ng mga tao.
Winika ni Maria sa mga kalalakihan: “Maaari ninyong kainin hangga’t gusto ninyo
ang mga bungangkahoy na makukuha ninyo ngunit hindi kayo maaaring mag-uwi nang
wala akong pahintulot.”
Pagkasabi nito, biglang nawala si Maria. Nagpatuloy sa pangunguha ang mga
tao. Wala silang takot sa pangunguha ng mga bunga at panghuhuli ng mga hayop.
Itinuloy nila ang pag-uuwi ng mga ito sa kabila ng pagbabawal ng diwata.
Habang pasan-pasan ng mga tao ang kanilang mga dala ay waring bumibigat
ang mga ito. Tiningnan nila ang kanilang mga pasan at nakita nilang ang laman ng mga
sako ay mga bato.
Noon lamang nila naalala ang banta ni Maria. Dahil sa takot, sila ay nagtatakbo
hanggang makita nila ang engkantada na nag-aabang sa kanilang daraanan.
“Binigyan ko kayo ng inyong mga pangangailangan, ngunit hindi pa rin kayo
nagkasya sa aking mga ipinagkaloob at ngayon ay nais pa ninyong magnakaw. Dahil sa
ginawa ninyo, gagawin ko kayong mga baboy.”
Sa isang iglap, iwinasiwas ni Maria ang kanyang baston at ang mga tao ay
nagging baboy.
Hindi pa rin nadala ang mga tao dahil patuloy pa rin silang nagsamantala. Dahil
ditto, nagging malupit si Maria sa mga tao dahil nais niyang ang mga ito ay magbago.
Nang lumaon, napaniwala ang mga tao na ang hangaring iyon ni Maria ay para
sa kanilang kabutihan. Sumuko sila at sumang-ayon sa nais ng diwata hanggang
makilala si Maria bilang Mariang Sinukuan.
6. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong
7. Pagtalakay
a. Sino si Mariang Sinukuan? Ilarawan siya.
b. Saan naninirahan si Maria?
c. Ano-ano ang kabutihang ginawa ni Maria sa mga tao?
d. bakit hindi na naghangad pa na magtungo sa bundok ang mga tao?
e. Ano ang pagbabagong ginawa ng tao?
f. Paano pinarusahan ni Maria ang mga tao?
g. Sa sarili mong palagay, makatarungan ba ang pagpaparusang ginawa
ni Maria sa mga tao? Pangatwiranan mo.
h. Kung ikaw ay si Maria, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
i. Anong aral / kaisipan ang napulot ninyo sa napakinggang kuwento?
j. Ano-anong mga tanong ang nasagot mo sa kwento?
8. Pagsasanay
Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at pagkatapos sagutan ang
mga sumusunod na pagsasanay.
Kuwento: Mariang Makiling. (mula sa internet
https://www.scribd.com/doc/118194938/buod-ng-maria-makiling)
Pangkatang Gawain
Gawin ito sa loob ng limang minuto. Pumili ng lider at iulat sa klase
ang sagot.
Pangkat I. Ikuwento Mo
Sagutin ang mga tanong gamit ang Circle Story.
Paksa
Wakas Suliranin
Pangkat II. I Drama Kita
Anong bahagi sa kwentong napakinggan ang nais
mo? Isakilos ito.
Pangkat III. Dear Watt Pad
Kung ikaw ang magsasakang binanggit sa kuwento, paano
mo pasasalamatan si Maria?
Pangkat IV. Ano Sabi Mo
Anong aral o mensahe ang ipinahahatid ng kuwento?
Bumuo ng slogan tungkol sa kuwentong napakinggan?
Maria Makiling
Noong unang panahon, maraming hayop at makahoy pa ang mgabundok. Isang
araw, isang magsasaka ang pumunta sa bundok. Mangangahoysiya at manghuhuli ng
usa upang may makain ang kaniyang pamilya.
Tuwang-tuwa ang magsasaka. Nakita rin niya ang hinahanap niyang usa.Ngunit
mabilis na nakatakbo ang usa.
Sinundan ito ng magsasaka.Naligaw siya at hindi na niya malaman ang
daangpabalik sa kanila.
Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa kanyang asawa.At laking gulatniya, na
ang isang basket ng prutas at gulay ay naging ginto.
https://www.scribd.com/doc/118194938/buod-ng-maria-makiling
9. Paglalahat
Nasagot ba ninyong lahat ang mga tanong mula sa napakinggang
kuwento?
Paano ninyo nasagot ang mga tanong?
Ano ang kahalagahan ng masusing pakikinig?
V. Pagtataya
Pakinggan ang babasahing kuwento ng guro;
Alamat ng Pasig ( mula sa aklat na Talindaw 6,p. 58 )
at sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang namangka sa ilog?
2. Ano ang paulit-ulit na sinasabi ng binata habang nagsasagwan sa
Bangka?
3. Bakit gumewang ang bangka?
4. Paano humingi ng tulong kay Paz ang kasintahang nahulog sa ilog?
5. Kung ikaw ay si Paz, anong gagawin mo kung nakita mong nalulunod
ang iyong kasintahan?
VI. Takdang Aralin
Magtala ng kwento o balitang narinig ninyo sa TV Patrol. Isulat sa papel
ang sagot.
VII. Mga Tala
5–
4–
3–
2–
1–
0–
VIII. Pagninilay