Puno ng Balete ( Sa gubat na dating pagmamay-ari ng mga
Ibarra) Tauhan:
Basilio- Ulilang-lubos. Kinupkop at pinag-aral ni Kapitan Tiyago.
Kapitan Tiyago- malungkot dahil nagmonghe si Maria Clara. Buod: Nang tumunog ang batingaw ng Noche Buena ay palihim na nagtungo si Basilio papunta sa gubat ng mga Ibarra na ipinagbili ng pamahalaan kay Kapitan Tiyago. Siya’y tumigil sa isang burol na may puno ng balete na kung saan ay may tumpok ng mga bato. Dito nakahimlay ang kanyang ina at siya’y nanalangin. Matapos manalangin ay siya’y umupo at ginunita ang nakaraang labintatlong taon na lumipas. Nang mamatay ang kanyang ina ay may nakasalubong siyang isang sugatang lalaking mestiso. Inutusan siya nitong maghanap ng kahoy upang gamitin nila sa pagsunog ng bangkay ng kanyang ina at isa pang lalaki. Matapos nilang sunugin ang dalawang bangkay at ilibing, binigyan si Basilio ng salapi ng lalaking sugatan at siya’y pinaaalis. Nagtungo si Basilio sa Maynila upang maghanap ng kukupkop sakanya at magpapaaral. Ngunit walang tumanggap sakanya sapagkat hindi siya marunong magkastila at siya’y nakakalumo tignan. Dahil sa pangyayari ay gusto na niyang magpasagasa sa karuwahe sapagkat siya’y hirap at pagod na. Ngnit nabuhayan siya ng Makita ang karuwahe ni Kapitan Tiyago at sundan ito. Si Kapitan Tiyago at kuinupkop siya at inaalok napag-aralin sa San Juan de Letran ngunit di siya sususwelduhan. Unang Taon: wala siyang salitang nabibigkas kundi ang pangalan niya lamang at ang salitang “adsum” na nangangahulugang narito po. Siya rin ay minamaliit ng mga kapuwa kamag-aral niya dahil siya’y nakabakya lamang at gulagulanit ang suot. Kahit na ganito ang nangyari ay nakakasaulo siya ng mga leksyon at nakasagot ng tama sa tanong ng kanyang guro. At ang marka niya para sa unang taon ay”aprovado”. Ikalawang Taon: siya ay natuto ng manumit. Ngunit di pa rin siya napapansing ng mga guro sapagkat malalaki ang kanyang mga kaklase, Siya ay nagtiyatiyaga pa ring mag-aral. Sa ikatlong taon ay isang professor na Dominikano ang nagtnong sakanya dahil akala nito’y tanga si Basilio at di makakasagot. Ngunit marunong na magkastila si Basilio at nasagot ang katanungan nito ng tama. Parang loro siya sumagot.Pagkatapos niyon ay di na siya natanong ng guro at nawalan ng sigla mag-aral si Basilio. Ngunit isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagkayakag ang mga estudyante niya na ilaban niya sa mga kadete sa laban ng baston. Lumahok si Basilio ditto at napanalo ang laban. Nakilala siya ng professor dahil dito. Nang magtapos siya ay nakatanggap siya ng medalya at napamagatan na Sobresaliante. Nagalit si Kapitan Tiyado sa mga pari simula ng magmongha si Maria Clara. Pinalipat niya si Basilio sa Ateneo Municipal at gusto ito pag-aralin ng derecho o abogasya ngunit kinausap siya ni Basilio na gusto nitong magtapos ng doctor. Pagkatapos ay naging masigasig at matiyaga sap ag-aaral si Basilio, kaya di pa man nakakatapos ng pag- aaral ay nakakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Sinabi niyang pagnakatapos siya sa medisina ay papakasal na sila ni Huli.