Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG TANDA NG SANTA KRUS

ipag-adya mo kami Panginoon


naming diyos, sa mga kaaway
namin, sa ngalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo.
Amen
Ama namin sumasalangit ka, Sambahin ang
pangalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa
langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw araw; At patawarin mo kami sa
aming mga sala, Para nang pagpapatawad
namin sa nagkakasalaan sa amin; At huwag mo
kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami
sa lahat ng masama. Amen.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng
grasiya, Ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo.Bukod kang pinagpala sa
babaeng lahat At pinagpala rin naman ang
anak mong si Hesus. Santa Maria, Ina ng
Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamatay.
Amen.
Luwalhati sa Ama, Sa Anak, At sa
Diyos Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una,
Ngayon at magpakailanman Sa
walang hanggan.
Amen.
PAGSISISI Hesukristo, ako'y
nagkasala sa Iyong kabutihang
walang hanggan. Ako'y nagsisisi ng
buong puso at nagtitika na di na
muling magkakasala sa tulong ng
Iyong mahal na grasya. Amen.

You might also like