Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

LAYUNIN:

F10WG-IIIa-71

II.NILALAMAN (Content) :

Aralin 3.1

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Pagsasaling wika.

III.KAGAMITANG PANTURO: aklat,tsart,manila paper,

SANGGUNIAN: CG p. 181 ng 190, TG p.250-252, Batayang aklat sa Filipino p.250-252.

IV.PAMAMARAAN:

A.TUKLASIN

a.Pagsasanay/Dril

 TUBIG SA GUMAMUGAM NA PINAGUMAMUGAMAN

b.Balik-aral

1. Ano ang tinalakay natin kahapon?

2. Ano ang inyong masasabi sa mitolohiya ng Kenya?

c.Pagganyak

 Panuto: Isalin ang mga sumusunod na salita sa Ingles.

1. Tagapagbantay – gamekeeper, watchman


2. Misteryo - mystery
3. Nagpagulong-gulong - rolling
4. Mahika - magic
5. Kumikinang – sparkle,aglow,glowing,shimmering
d.Paglalahad

Paglalahad sa aralin tungkol sa pagsasaling wika. Ang pagsasaling wika


ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
na diwa at estilong nasa wikang isasalin.Ang isasalin ay ang diwa ng talata
hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago 2003)

B.LINANGIN

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa wikang kasangkot.


2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Gabay sa Pagsasaling Wika


1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi
salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
4. Kung gagamit ng diksyunaryo isaalang-alang ang iba’t-ibang kahulugan ng
isang salita.

C.PAGNILAYAN AT UNAWAIN

 Bakit mahalagang sundin ang gabay sa pagsasaling wika?

D.ILIPAT/PAGLALAPAT

 Panuto:Sabihin ang Tama kong ang ipinapahiwatig ng pahayag ay


WASTO at Mali naman kong ang ipinapahiwatig ng pahayag ay DI-
WASTO.
1. Ang tagapagsaling-wika ay kailangang may sapat na kaalaman sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.TAMA
2. Basta’t may alam sa paksa ay maari nang magsaling wika. MALI
3. Kailangang sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.
4. Kahit sino ay maaaring maging tagapagsaling-wika.
E.PAGLALAHAT

 Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin sa pagsasalin?


 Ano-ano ang gabay sa pagsasaling wika?

F.PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang angkop sa salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong.

Noong unang (1) TIME (Bagyo,Oras,Panahon) ang kailangan at ang kalupaan ay mag-
asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may kaniya-kaniyang
(2).COVERED(palaruan,nasasakupan,palayan).Si Langit ay dyosa ng (3)GALAXY
(kalawakan,lupain,kalangitan) at si (4) POND (kalikasan,katubigan,Tubigan) naman ay dyosa ng
katubigan.Sina Langit at Tubigan ay (5) MARRIED (nagiibigan,nagpakasal,magkababata) at ang
naging anak nila ay apat,tatlo ang lalaki,at isa ang babae. Si Dagat ay (6) CHIC
(makisig,mayabang,mabait) malakas na malaki at ang katawan ay mulato. Si Aldaw ay (7)
CHEERFUL (masayahin,masigla,mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang
(8) WEAK (maginoong,mahinang,matabang) lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon
ang (9) ONLY (tanging,marami,grupo) babae na maganda ang katawan at kulay (10) SILVER
(pilak,ginto,tanso).

G.TAKDANG ARALIN

a. Basahin ang anekdota na pinamagatang Mullah Nassredin na isinalin sa


Filipino ni Roderic Urgelles.

You might also like