Migraine - May M-WPS Office

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Migraine—May Magagawa Ka Ba?

Tinitingnan ni Joyce, isang masiglang

empleado, ang isang dokumento. Biglang-bigla,

nablangko ang tingin niya. Pagkatapos, parang

may mga flash ng liwanag na naging alun-alon

at kakatwa ang mga hugis. Sa loob lang ng

ilang minuto, halos hindi na makakita si Joyce.

Nang matanto niya kung ano ang nangyayari,

agad-agad siyang uminom ng isang maliit na

kapsula na para sa ganitong emergency.

SI Joyce ay sinumpong ng migraine, na ibang-iba sa

simpleng sakit ng ulo. Di-tulad ng ordinaryong sakit ng

ulo, ang migraine ay paulit-ulit na umaatake at may

pattern. Bukod diyan, sa tindi ng sakit nito, hindi na

maitutuloy ng isa anuman ang ginagawa niya.

Ano ba ang mga sintomas ng migraine? Ang isang may

migraine ay nakakaramdam ng pumipintig na sakit ng

ulo at maaaring sa isang parte lang nito. Naduduwal din

siya at nasisilaw sa liwanag. Maaari itong tumagal nang

ilang oras o ilang araw.

Pangkaraniwan ang paminsan-minsang tension

headache, pero 1 lang sa 10 tao ang nagkaka-

migraine. Mas apektado nito ang mga babae kaysa sa

mga lalaki. Ang ilang kaso ay mas matindi kaysa sa

iba, pero karamihan ng may migraine ay hindi


nakakapasok sa trabaho ng ilang araw sa isang taon.

Dahil dito, nababawasan ang kita ng pamilya at

apektado nito ang buhay nila. Kaya naman, ayon sa

World Health Organization, ang migraine ay isa sa 20

pangunahing sanhi ng disability sa daigdig.

Bago sumpungin ng migraine, ang ilan ay nakadarama

ng mga sintomas na gaya ng panlalamig ng mga

kamay, pagkahapo, gutom, at nagiging moody sila.

Pagkatapos, bago sumakit ang ulo, sila’y maaaring

mahilo, may naririnig na higing, parang tinutusuk-tusok

ng karayom, nagdodoble ang tingin, nahihirapang

magsalita, o nanghihina ang mga kalamnan.

Hindi lubusang naiintindihan ang mga sanhi ng migraine,

pero ipinapalagay na ito ay isang diperensiya sa

nervous system na nakaaapekto sa mga ugat sa ulo na

dinadaluyan ng dugo. Lumilitaw na ang pumipintig-pintig

na sakit ng ulo ay dahil sa dugong dumaraan sa

apektadong mga daluyan. Ganito ang sabi ng journal na

Emergency Medicine: “Namana ng mga pasyenteng

may migraine ang napakaselang nervous system, na

maaaring maapektuhan ng iba’t ibang kalagayan gaya

ng kakulangan sa tulog, matatapang na amoy,

pagbibiyahe, pagpapalipas ng gutom, stress, at

pagbabagu-bago ng hormone level.” Ang mga may

migraine ay madali ring tablan ng irritable bowel


syndrome at depresyon, at sumpungin ng pagkabalisa.

Paano Mo Maiiwasan ang Pagsumpong ng

Migraine?

Hindi mo na mababago ang namana mong nervous

system. Pero puwede mong iwasan ang mga pagkain o

sitwasyon na maaaring maging sanhi ng pagsumpong

ng migraine. Natukoy ito ng ilan sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng diary.

Iba-iba ang nararanasan ng mga may migraine.

Napansin ni Lorraine na ang migraine niya ay konektado

sa kaniyang buwanang dalaw. Sinabi niya: “Kapag

malapit na akong magkaroon, susumpong ang migraine

ko kapag nasobrahan ako sa trabaho, masyadong

mainit o malamig, maingay, o nakakain ako ng

maaanghang. Kaya sinisikap kong maging kalmado at

timbang sa mga panahong iyon.” Sinabi naman ni

Joyce na mahigit 60 taon nang nagtitiis sa migraine:

“Alam kong aatakihin agad ako ng migraine kapag

kumain ako ng orange o pinya, o kapag uminom ako ng

red wine. Kaya naman, iniiwasan ko ang mga ito.”

Hindi madaling matukoy kung ano ang mga dahilan ng

pag-atake ng migraine dahil kadalasa’y kombinasyon

ito ng iba’t ibang bagay. Halimbawa, kung minsan, okey

lang na kumain ka ng tsokolate, pero baka sa ibang

pagkakataon ay sumpungin ka ng migraine, marahil


dahil napasabay ito sa iba pang sanhi.

Kahit hindi mo matukoy o maiwasan ang mga sanhi ng

migraine, may mga paraan para hindi ka atakihin nito.

Ipinapayo ng mga eksperto ang pare-parehong oras ng

pagtulog gabi-gabi. Kung gusto mong magpuyat nang

kaunti kapag weekend, inirerekomenda nila na gumising

ka pa rin sa dating oras, magkikilos nang mga ilang

minuto, at saka matulog uli. Puwedeng sumumpong

ang migraine kapag nagbago ang konsumo mo ng

caffeine, kaya huwag uminom nang mahigit sa

dalawang tasa ng kape o dalawang softdrinks. Iwasan

ding magpalipas ng gutom, dahil puwede rin itong

maging sanhi ng migraine. Ang stress, na madalas na

sanhi ng migraine, ay hindi madaling iwasan. Pero

puwede kang magrelaks kung babaguhin mo ang iyong

iskedyul, magbabasa ng Bibliya, o makikinig ng musika.

Ano ang Lunas sa Migraine?

Maraming paraan ng panggagamot sa migraine.

Halimbawa, ang tulog ay isa sa pinakamabisang lunas.

Para makatulog, maaaring makatulong ang mga gamot

na nakaaalis ng kirot at hindi nangangailangan ng

reseta.

Noong 1993, inilabas ang mga triptan, isang bagong uri

ng resetang gamot partikular na para sa migraine.

Tinawag ito ng The Medical Journal of Australia na


“isang malaking pagsulong sa panggagamot,” at

idinagdag nito: “Ang pagkatuklas sa mga triptan . . .

para sa migraine at cluster headache ay halos

katumbas ng pagkatuklas sa penisilin para sa

impeksiyong dulot ng baktirya!”

Hindi naman nakamamatay ang migraine. Kaya di-tulad

ng mga gamot sa impeksiyon, ang gamot sa migraine

ay hindi nakapagliligtas-buhay. Pero nagdulot ito ng

malaking ginhawa sa mga matagal nang nagtitiis sa

migraine. Kailangan pa ring gumawa ng mga

pagbabago ang mga pasyente sa kanilang mga

aktibidad gaya ng nabanggit na, pero itinuturing ng ilang

may migraine ang triptan na “miracle drug.”

Siyempre pa, lahat ng gamot ay may mabuti at

masamang epekto. Kumusta naman ang mga triptan?

Una, ang bawat tableta ng triptan ay kasingmahal ng

pagkain sa isang magandang restawran, kaya

karaniwan nang inirereseta lang ito sa mga may

katamtaman at matinding migraine. Isa pa, hindi lahat

ay hiyang sa triptan, at ang ilan ay may ibang sakit na

kalaban nito. Bagaman wala talagang solusyon para sa

kondisyong namana ng mga may migraine, sinabi ng

Emergency Medicine: “Sa tulong ng bago at pinahusay

na mga gamot sa migraine, walang dahilan para patuloy

na magtiis ang mga may migraine.”


[Talababa]

Ang Gumising! ay hindi nagrerekomenda ng anumang

partikular na paraan ng paggagamot. Dapat pag-

aralang mabuti ng bawat indibiduwal ang mga

mapagpipiliang paggamot bago siya magdesisyon.

[Larawan sa pahina 23]

Sa tulong ng diary, natukoy ng ilan ang mga pagkain o

kalagayan na nagiging dahilan ng pagsumpong ng

kanilang migraine

[Larawan sa pahina 23]

Ang pakikinig sa nakakarelaks na musika ay maaaring

makabawas ng stress na kadalasang sanhi ng migraine

[Larawan sa pahina 23]

Ang migraine ay isang namamanang sakit na

kadalasang magagamot ng mga doktor

Bakit Nagkaka-Migraine? Ano sanhi

o dahilan? Why do I have severe

headache, acute migraine? Pananakit

pangingirot ng ulo stress

Bakit ako nagka-migraine? Ano sintomas, senyales o

Symptoms? Madalas bang sumasakit ang ulo mo, lalo

na kung napuyat ka sa gabi, nasobrahan ng tulog,

napagod o naiinitan? Baka meron kang migraine. Ang


migraine ay isang kondisyon na kung saan paulit ulit

na sumasakit ang iyong ulo na may kasamang

pagkahilo, pagiging sensitibo sa liwanag, pagsusuka,

o pagiging sensitibo sa mga tunog. Ang migraine

headache ay maaring lumala kapag ikaw ay

gumagalaw at mabilis na humupa kapag ikaw ay

nakakapagpahinga na. Ang sakit sa ulo ay parang

pulso at marararamdaman sa isang bahagi ng mukha

lamang. Kusa din itong nawawala kapag ikaw ay

nakapagpahinga na. Ano sanhi o dahilan ng pananakit

ng ulo? Causes Iba’t iba ang pinagmumulan ng

migraine headache sa bawat tao. Ang

pinakakaraniwang sanhi ng mga migraine headache

ay ang stress, regla sa mga babae, pag iba ng iyong

mga routine na ginagawa tulad ng panibagong

ehersisyo o panibagong oras ng pagtulog, gutom,

pag-iba ng panahon, init, sinag ng araw o masyadong

maliwanag na mga ilaw, mga pagkain tulad ng

tsokolate, alcohol, mga amoy tulad ng perfume o

pinta o mga bulaklak, mga emosyon, mga pagkaing

may aspartame o monosodium glutamate (MSG) o

nitrate o tyramine, paninigarilyo o usok, kape, mga

birth control pills o hormone therapy, mga gamot tulad

ng nifedipine o nitrates, o iba pang mga gamot.

Nakakaapekto rin ang migraine sa lahat ng tao,


kasama na pati bata man o matanda. Iba-iba ang

sintomas na nararamdaman, depende sa lala ng

kaso. Ito ang apat na yugto ng migraine: Prodrome,

Aura, Headache at Postdrome, ngunit maaaring hindi

maramdaman ng lahat ng tao ang bawat isang

yugto. Ang Aura ay mga panlalabo sa paningin dahil

tila nasisilawan. Posible rin makaramdam ng kakaiba

sa katawan tulad ng touching sensations (sensory),

movement (motor) or speech (verbal) disturbances.

Nararanasan ang Auro bago o pagkatapos ng sakit ng

ulo na may migraine. Hindi lahat ng may migraine ay

nakakaranas ng aura. Sa Postdrome naman,

nararamdaman ng pasyente na parang pagod at

walang sigla, ngunit may ibang nakakaramdam ng

pagkasigla.Kumplikadong sakit ang migraine na

nauugnay ang ating utak at mga blood vessles na

nakabalot sa ating ulo. Kahit hindi pa natutuklasan

ang tunay na sanhi o dahilan ng migraine, maraming

pagaaral ang nagpapatunay na may mga bagay sa

paligid ang maaaring makaudyok sa pananakit ng ulo

o migraine attack, tulad ng ilaw at mga ibang amoy.

Mayroon ding mga pagkain na nakakapalubha ng

ating migraine, tulad ng alak, sigarilyo, aged cheeses/

keso, tsokolate, fermented/pickled or marinated foods

at vetsin/betsin (Monosodium glutamate o MSG),


kape (caffeine) at aspartame. Ano ang pinaka

mabisang gamot o lunas sa migraine o pananakit at

pangingirot ng ulo? Remedy, Treatment, Cures Una,

hanapin mo kung ano ang nagpapasakit ng ulo mo.

Ang pinakakaraniwang sanhi ng mga migraine

headache ay ang stress, regla sa mga babae, pag-

iba ng iyong mga routine na ginagawa tulad ng

panibagong ehersisyo o panibagong oras ng pagtulog,

gutom, pag-iba ng panahon, init, sinag ng araw o

masyadong maliwanag na mga ilaw, mga pagkain

tulad ng tsokolate, alcohol, mga amoy tulad ng

perfume o pinta o mga bulaklak, mga emosyon, mga

pagkaing may aspartame o monosodium glutamate

(MSG) o nitrate o tyramine, paninigarilyo o usok,

kape, mga birth control pills o hormone therapy, mga

gamot tulad ng nifedipine o nitrates, o iba pang mga

gamot. Kapag alam mo na kung ano ang mga ito,

ilista mo ang mga ito sa notebook at iwasan.

Panatilihing maging healthy ang iyong lifestyle.

Matulog ng maayos nang hindi bababa sa 6 oras

bawat gabi at kumain ng mga healthy foods. Umiwas

sa alak at droga at iwasan ang mga pagkain na

nagpapa migraine. Huwag magpakapagod ng

masyado.Magandang halimbawa ang lavender oil.

Pwede itong langhapin o ipahid sa balat. Kahit dalawa


hanggang apat na patak lang ang ilagay sa 2-3

tasang kumukulong tubig. Kapag nalanghap ito,

makakatulong mabawasan ang pananakit ng ulo.

Pwera sa mga essential oils o langis, nakakatulong

din ang paggamit ng kamay upang maibsan ang

pagkirot ng ulo. Halimbawa ang pagmasahe,

chiropractic, physical therapy at paglapat ng mainit o

malamig na pomento (hot or cold compresses) ay

mga epektibong alternatibo upang mapaginhawa ang

madalas na pagsakit ng ulo.Iwasan ang stress at sakit

ng ulo sa pamamagitan ng mga methods tulad ng

biofeedback, acupuncture, transcutaneous electrical

nerve stimulation (TENS), cognitive-behavioral

therapy or problem-solving therapy, yoga, meditation

o iba pang mga supplements. Magtanong sa iyong

duktor kung paano gamitin ang mga ito at kung ang

mga ito ay pwede sa’yo.

The medical information contained in this section is

not intended for treatment or prescription. It is used to

complement, not replace, the communication

between a patient and their physician. Reliance on

any information provided by BuhayOFW or any

medical experts is solely at your own risk. If you have

a medical emergency, call your doctor or go to the

hospital immediately.
ANO ANG MGA SINTOMAS

NG MIGRAINE?

Ilan sa mga sintomas na mararanasan ay ang

sumusunod:

Matinding pananakit ng ulo na nag-umpisa sa simpl

pananakit. Ito ay maaaring maramdaman sa likuran

bahagi ng ulo, sa harap, o kaya naman sa gilid.

Pagsusuka at pananakit ng sikmura

Kawalan ng gana sa pagkain

Pamumutla

Pagkahilo

Madaling mapagod

Panlalabo ng paningin

Sensitibo sa liwanag, ingay o amoy

Ang migraine ay maaring tumagal ng ilang oras

hanggang isang linggo depende kung gaano ito’y kalal

You might also like