Professional Documents
Culture Documents
Mahabang Pagsusulit Sa Filipino 10
Mahabang Pagsusulit Sa Filipino 10
Panuto: Pag-ugnayin ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
__1. Ang alaala ng nakaraan ay nagiging patnubay sa kasalukuyan.
a. nakaraan – patnubay b. alaala – kasalukuyan c. nakaraan – kasalukuyan d. alaala - patnubay
__2. Ang mayamungmong at malagong punongkahoy ay nagbibigay lilim sa mga namamasyal sa lalawigan ng
Vigan.
a. mayamungmong at lilim c. malago at nagbibigay
b. mayamungmong at malago d. mayamungmong at lalawigan
__3.Naalala niya ang tambol. Inilabas niya ito sa taguan at pinalo nang malakas at walang tigil.
Panuto: Ihambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
PUSO, ANO KA?
Jose Corazon de Jesus
Ang puso ng tao ay isang batingaw,
Sa palo ng hirap, umaalingawngaw
Hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
Ngunit pag lagi nang nasanay, kung minsan
Nagpapakasaya kahit isang bangkay.
__4. Mula sa binasang tula, ihambing ang pagkakaiba nito sa isang sanaysay.
Panuto: Gamitin ang angkop na mga pamantayan sa pagsasaling-wika ng mga may salungguhit na pahayag. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
__19. This was done because his father Laios was warned by an oracle that someday, his son will murder him
and marry his mother queen Jocasta.
a. ang kanyang amang si Laios ay madalas na manghula
b. ang kanyang amang si Laios ay binalaan ng isang hula
c. ang kanyang amang si Laios ay nagbabala ng isang hula
d. ang kanyang amang si Laios ay nagbabala tungkol sa hula
__20.The infant Oedipus was given to a shepherd who in turn gave the boy to another shepherd because he pited
the innocent infant.
a. dahil naawa siya sa walang salang sanggol
b. dahil wala siyang awa sa mga sanggol na patay
c. dahil naawa siya sa mga ipinapapatay na sanggol
d. dahil naawa siya sa mga sanggol na ipinapapatay
__21. The infant Oedipus was given by the second shepherd to the childless King of Corinth, the rival kingdom of
Thebes.
a. ang palagiang karibal sa Thebes
b. ang kalabang kaharian ng Thebes
c. ang madalas na kaaway ng mga taga-Thebes
d. ang mabuting karibal na kaharian ng Thebes
__22. When Oedipus was born, he was entrusted to a shepherd with order to be killed.
a. siya ay ipinagkatiwala upang hindi siya mapatay
b. siya ay ipinagkatiwala sa isang pastol upang pumatay
c. siya ay ipinagkatiwala sa isang pastol upang ipapatay
d. siya ay ipinagkatiwala sa pastol dahil may papatay sa kanya
Panuto : Uriin ang iba’t-ibang tula at mga elemento nito.Isulat ang titik ng tamang sagot.
__23 May labindalawang pantig sa bawat taludtod. Anong elemento ng tula ang sumasaklaw dito?
a. Sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
__24. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalim
na kahulugan at mga tayutay?
a. Sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
__25. Anong uri ng tula ang nagtataglay ng karanasan,kaisipan at pangarap tungkol sa pag-ibig, ligaya at lungkot?
a. Tulang padula b. tulang patnigan c. tulang pasalaysay d. tulang pandamdamin
__26.Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula
a. Sukat b. tugma c.kariktan d.talinhaga
__27.Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
a. Sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
Panuto: Suriin ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat. Isulat
sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa
kaniyang ruta, sa kanyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang
Mongheng Mohametano habang dumadaan siya.