Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang Epekto ng pagkakaroon ng Migraine sa mga mag-aaral ng Senior High at


Junior High ng AISF at DPDMNHS

Rasyunale

Madalas bang sumasakit ang ulo mo, lalo na kung napuyat ka sa gabi, nasobrahan ng
tulog, napagod o naiinitan? Baka meron kang migraine. Ang migraine ay isang
kondisyon na kung saan paulit ulit na sumasakit ang iyong ulo na may kasamang
pagkahilo, pagiging sensitibo sa liwanag, pagsusuka, o pagiging sensitibo sa mga tunog.
Ang migraine headache ay maaring lumala kapag ikaw ay gumagalaw at mabilis na
humupa kapag ikaw ay nakakapagpahinga na. Ang sakit sa ulo ay parang pulso at
marararamdaman sa isang bahagi ng mukha lamang. Kusa din itong nawawala kapag
ikaw ay nakapagpahinga na.

Iba t iba ang pinagmumulan ng migraine headache sa bawat tao. Ang


pinakakaraniwang sanhi ng mga migraine headache ay ang stress, regla sa mga babae,
pag iba ng iyong mga routine na ginagawa tulad ng panibagong ehersisyo o panibagong
oras ng pagtulog, gutom, pag-iba ng panahon, init, sinag ng araw o masyadong
maliwanag na mga ilaw, mga pagkain tulad ng tsokolate, alcohol, mga amoy tulad ng
perfume o pinta o mga bulaklak, mga emosyon, mga pagkaing may aspartame o
monosodium glutamate (MSG) o nitrate o tyramine, paninigarilyo o usok, kape, mga
birth control pills o hormone therapy, mga gamot tulad ng nifedipine o nitrates, o iba
pang mga gamot. Nakakaapekto rin ang migraine sa lahat ng tao, kasama na pati bata
man o matanda. Iba-iba ang sintomas na nararamdaman, depende sa lala ng kaso. Ito
ang apat na yugto ng migraine: Prodrome, Aura, Headache at Postdrome, ngunit
maaaring hindi maramdaman ng lahat ng tao ang bawat isang yugto. Ang Aura ay mga
panlalabo sa paningin dahil tila nasisilawan. Posible rin makaramdam ng kakaiba sa
katawan tulad ng touching sensations (sensory), movement (motor) or speech (verbal)
disturbances. Nararanasan ang Aura bago o pagkatapos ng sakit ng ulo na may migraine.
Hindi lahat ng may migraine ay nakakaranas ng aura. Sa Postdrome naman,
nararamdaman ng pasyente na parang pagod at walang sigla, ngunit may ibang
nakakaramdam ng pagkasigla. Kumplikadong sakit ang migraine na nauugnay ang
ating utak at mga blood vessles na nakabalot sa ating ulo. Kahit hindi pa natutuklasan
ang tunay na sanhi o dahilan ng migraine, maraming pagaaral ang nagpapatunay na
may mga bagay sa paligid ang maaaring makaudyok sa pananakit ng ulo o migraine
attack, tulad ng ilaw at mga ibang amoy. Mayroon ding mga pagkain na nakakapalubha
ng ating migraine, tulad ng alak, sigarilyo, aged cheeses/keso, tsokolate,
fermented/pickled or marinated foods at vetsin/betsin (Monosodium glutamate o MSG),
kape (caffeine) at aspartame.
Batayang Konseptwal

Ang daloy ng pananaliksik na ito at makikita sa sumusunod na dayagram.

Ang sakit na Sanhi at Epekto ng


migraine Sintomas ng Migraine sa
Migraine Mag-aaral

Dayagram 1:

Ang dayagram na ito at nagpapakita sa daloy ng pananaliksik na isinagawang pag-aaral


ng mga pananaliksik. Binigyang kaalaman ng mga pananaliksik dito ang hindi
masyadong kilalang sakit na ngayon ay lumalaganap kadalasan sa ating mga Mag-aaral
sa AISF at DPDMNHS. Ipinapakita din dito ang mga sanhi at Sintomas ng sakit na
migraine at ang Epekto nito sa ating mga mag-aaral ng naturang sakit na hatid ng
migraine.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito at layuning malaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod
na katanungan.

1. Ano ang sakit na migraine?


2. Paano nagkakaroon ng migraine ang isang tao at ano ang mga sanhi nito?
3. Ano-ano ang sintomas ng sakit na migraine?
4. Paano naaapektuhan ng sakit na migraine ang mga Mag-aaral?

Layunin ng Pag-aaral

Ang mananaliksik at lubos na pinag-aaralan ito dahil sa mga sumusunod na dahilan.

1. Matukoy kung ano ang sakit na migraine


2. Malaman kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit na migraine.
3. Malaman ang mga sintomas ng sakit na migraine.
4. Matukoy kung paano naaapektuhan ng sakit na migraine ang mga mag-aaral at
kung ano ang mga posibleng paraan upang makaiwas sa nasabing sakit.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito isinagawa upang makabenepisyo sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral
Ang kaalaman na napapaloob sa pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga Mag-
aaral upang mabatid nila ang sanhi at Sintomas ng sakit na migraine.

Sa mga Mamamayan
Ang pananaliksik na ito at makakatulong sa mga mamamayan upang maiwasan nila
ang mga psibleng sanhi o dahilan ng pagkakaroon ng migraine.

Sa mga manggagawa ng Departamento ng Kalusugan at mga Doktor


Ang mga inilahad sa pananaliksik na ito at pwedeng gawing basehan ng mga
manggagawa ng DOH sa paglutas o paghanap ng Luna's sa nasabing sakit. Pwede rin
iyong gawing basehan ng mga doktor na may pasyenteng sakit na migraine.

Sa mga sususunod na mananaliksik


Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga susunod na mananaliksik upang
mas mapalawak pa at mapagtibay ang pareho ng paksa.

Sa mga mambabasa
Sa pamamagitan ng papel na ito ay mapag-aalaman ng mga mambabasa ang mga
importanteng detalye o impormasyon at mas mabigyan ng kaalaman patungkol sa sakit
na migraine.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito at nakatutok lamang sa sakit na migraine at kung ano ang sanhi
at sintomas ng sakit na migraine at paano ito makakaapekto sa mga Mag-aaral sa
naturang sakit na hatid ng migraine.

Katuturan ng mga salitang ginamit

Migraine - Ang migraine ay isang kondisyon na kung saan paulit ulit na sumasakit ang
iyong ulo na may kasamang pagkahilo, pagiging sensitibo sa liwanag, pagsusuka, o
pagiging sensitibo sa mga tunog. Ang migraine headache ay maaring lumala kapag
ikaw ay gumagalaw at mabilis na humupa kapag ikaw ay nakakapagpahinga na

You might also like