Ang Ama

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Bilang Bahagi sa Pagtupad ng pangangailangan sa Fil 603

Inihanda ni Gng. Maria Patricia A. Batario

Ipinasa kay: Dr.Pamfilo Catacataca


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. Layunin
A. Nasusuri ang bawat bahagi ng maikling kwento mula sa mga piling pangyayari.
B. Nabibigyang kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit sa binasang akda.
C. Naisasalaysay nang may pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari mula sa akdang binasa.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: “ANG AMA”
Maikling Kwento - Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

III. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng liban sa klase
2.Pagsasaayos ng silid

B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng iba’t ibang hanapbuhay ng ama.

C. Paghahanda
1. Pag-unawa sa Binasa
(Jigsaw Reading) Pangkatang Gawain

2. Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita o pahayag mula sa akdang binasa:
a. alaala ng isang lasing na suntok
b. kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos
c. isang matigas ang loob
d. bumulwak ang wagas na pagmamahal
e. ang maitim na ulap na nagbabantang mapunit

D. Pagtalakay

1. Pagsasalaysay sa tulong ng mga larawang angkop sa binasa ng pangkat.

E. Paglalapat (Pangkatang Gawain)


Gawain 1 - Pagsusunod-sunod ng pangyayari (Fan Fact Analyzer)
(mula sa larawan)
Pangungusap na may Pangatnig/Transitional Device

Gawain 2 - Pagkilala sa Tauhan

Katangian / Ugali ng Ama Pangyayari

Gawain 3 - Sa pamamagitan ng role playing, isadula ang pangyayari sa kwento na nagpabago sa di-mabuting pag-
uugali ng ama. Paano niya ipinakita ang pagmamahal niya sa kaniyang anak.

Gawain 4 – sa pamamagitan ng tableau, ipakita ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino,


na nagpapahayag ng pagmamahal sa mga yumaong mahal sa buhay.

Gawain 5 – Isa-isahin ang mga kaugalian at kultura ng mga taga-Singapore na masasalamin mula sa kwentong
binasa.
Gawain 6- Paglalahad ng kahalagahan ng tungkulin ng isang ama.

IV. Ebalwasyon
Bumuo ng kaisipan na naglalahad ng kahalagahan ng tungkulin ng isang ama mula sa larawan sa ibaba

V. Takdang Aralin
Magsaliksik hinggil sa mga ss:
1. katangian ng Maikling Kwentong Makabanghay, isa-isahin ang mga ito.
2. elemento ng maikling kwento.
3. sangkap ng maikling kwento.
Isulat o idikit sa notebook ang iyong nasaliksik.

You might also like