Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DEVOTION (SEPTEMBER 05 – SEPTEMBER 09, 2016)

PARAAN NG DIYOS UPANG IKA’Y MALIGTAS


Bilang isang Kristiyano, alam nating mahalaga na maunawaan natin ang tunay na kahulugan ng
kaligtasan. Alam nating mahalaga ang kaligtasan at kailangang maging bahagi tayo nito. Kalooban ng Dios na
makaalam ang tao ng katotohanan at magtamo ng kaligtasan.

DAY 1 – SEPTEMBER 05 (MONDAY)

Mahal ka ng Diyos at gusto nya na ika’y:


1. Magkaroon ng BUHAY NA WALANG HANGGAN.
Juan 3:16 - Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang
kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.
2. Magkaroon ng BUHAY NA GANAP AT KASIYA-SIYA.
Juan 10:10- Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako
upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.

DAY 2 – SEPTEMBER 06 (TUESDAY)

Tayo’y isang makasalanan:


1. Lahat tayo ay nagkasala
Roma 3:23- Sapagkat ang lahat ay nagkasala,
at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
2. Kahit tayo’y nagkasala sa Diyos at tayo’y Kanya pa ring niligtas
Roma 6:23- Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan;
datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang
hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Tingnan mo ang larawan. Ang larawan ay nagpapakita na kaya hindi makapunta ang tao sa Diyos ay dahil sa
kasalanan nito. Ngunit dahil sa labis tayong mahal ng Diyos ay ibinigay nya si Jesus Christ upang tayo’y
tubusin sa ating mga kasalanan at tayo’y iligtas.

DAY 3 – SEPTEMBER 07 (WEDNESDAY)

Si Hesus ang daan patungong langit:


1. Si Hesus lang ang tanging DAAN.
Juan 14:6- Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay:
sinuman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
2. Si Hesus and TUMUBOS sa ating mga kasalanan.
1 Pedro 3:18- Sapagkat si Cristo’y namatay para sa inyo. Namatay
Sya dahil sa kasalanan ng lahat, upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y
namatay ayon sa laman at muling binuhay ayon sa Espiritu.
3. Si Hesus ang NAGBIBIGAY ng Buhay Na Walang Hanggan.
Juan 11:25-26- Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang
sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang
nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.
DAY 4 – SEPTEMBER 08 (THURSDAY)

Tayo’y dapat magkaroon ng Pananampalataya sa Diyos upang tayo’y maligtas:

1. Tayo’y naligtas dahil sa kagandahang-loob (Grace) ng Diyos dahil tayo’y sumampalataya sa


Kanya.
Efeso 2:8-10- Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong
pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa
inyong mga gawa kaya’t alang dapat ipagmalaki ang sinuman. Tayo’y Kanyang nilalangn nilikha sa
pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti na itinalaga na ng
Diyos para sa atin noon pa mang una.
2. Manampalataya kay Hesus at tanggapin ang Kanyang regalo sa atin ang Buhay na Walang
Hanngan.
Pahayag 3:20- Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman
ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at
siya ay kakaing kasama ko.

Pagtanggap + Pananampalataya sa Diyos = Kaligtasan Mabuting

Ipinapakita nito na ang mabuting gawa ay resulta lamang ng iyong pagtanggap at pananampalataya sa
Diyos. Hindi ang paggawa ng mabuti ang makakapag-ligtas sa iyo kundi ang pagtanggap mo at
pananampalataya kay Hesus na Siyang tumubos sa ating mga kasalanan.

DAY 5 – SEPTEMBER 09 (FRIDAY)

Dahil tinanggap mo si Hesus sa iyong buhay. . . .


1. Ika’y may Buhay na Walang Hanggan na.
1 Juan 5:11-13- At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y
makakamtan natin sa pamamagitan ni Hesu Cristo. Ang sinumang tumanggap sa Anak ng Diyos ay
mayroong buhay na walang hanggan, ngunit ang hindi tumanggap sa Anak ng Diyos ay hindi
makakaranas ng buhay na walang hanggan. Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong
sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.
2. Lahat ng iyong kasalanan (PAST – PRESENT – FUTURE) ay bayad na at pinatawad na ng Diyos.
Colosas 1:13-14- Iniligtas Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang
minamahal na Anak na si Cristo Hesus, na nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga
kasalanan.
3. Ika’y bagong nilalang na.
2 Corinto 5:17- Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalangna, ang mga dating
sila’y wala; sila’y bagong nilalang na.
4. Ikaw ay isa na sa mga anak ng Diyos.
Juan 1:12- Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan niya ng karapatang
maging mga anak ng Diyos.
Panalangin upang maligtas:
“Panginoon salamat po sa Inyong pagmamahal sa akin, ako’y nagsisi sa aking mga nagawang
kasalanan. Salamat dahil tinubos mo ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap kita bilang aking
Panginoon at aking Tagapag-ligtas. Salamat sa pagpapatawad sa aking mga kasalanan, at tinatanggap
ko ang iyong libreng regalo ayun ay ang Buhay na Walang Hanggan. Sa araw na ito aking ipina-
pangako na ako’y susunod sa lahat mong ipinag-uutos. Amen.

Tandaan mo ang date na ito (September 05, 2016) dahil ito ang araw na tinanggap mo ang Libreng regalo
ng Diyos ang Kaligtasan!

You might also like