Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay – Aralin sa Pagtuturo ng

Araling Panlipunan VI

I. Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagbuo ng “EDSA


Revolution 1.

II. Paksa: Mga Pangyayaring nagbigay-daan sa Pagbuo ng “EDSA Revolution1”


Sanggunian: AP6TDK-IVb2.3
Kayamanan 6, pp. 252 - 260
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Projector, activity card, manila
paper,cartolina

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Demokrasya

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan ( Video Clip)
Mga isyung napapanahon ( Pag-amyenda ng Saligang Batas )

2. Pagsasanay ( Slide Presentation )


Ayusin ang scrambled words base sa hinihingi ng paghayag.

1. Noong Setyembre 21, 1972, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang


Proklamasyon blg. 1081 na nagpasailalim sa buong bansa sa _______.

SABAT RTLIIMA – BATAS MILITAR


2. Ang karapatan ng mamamayan laban sa illegal o hindi makatarungang
pagpigil o pagkapiit nang walang kasulatan ng utos ng hukuman.

TIRW FO SEAAHB SOUPCR – WRIT OF HABEAS CORPUS

3. Balik-aral (Slide Presentation)


Tukuyin kung sinong mahalagang taong bayan ang inilalarawan ng bawat
pahayag.

1. Isang Mahusay na direktor na ipinakulong ni Marcos dahil sa gumawa siya


ng mga subersibong pelikula laban kay Marcos. Isa sa kanyang nilikha ay
ang “Bayan Ko”, na ipinagbawal ang pagpapalabas sa bansa.

LINO BROCKA

2. Isang Pilipinong politiko at abogado, makabayan, at pangunahing pinuno


ng oposisyon noong rehimeng Marcos mula 1972.

JOVITO SALONGA

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagpapatugtog ng isang awit “Magkaisa” na nagpapaalala ng
EDSA Revolution 1.
2. Paglalahad
a. Pagbubuo ng Suliranin
Anu-ano ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagbuo ng “EDSA
Revolution 1”?

b. Pagbibigay ng pamantayan sa Pangkatang Gawain


c. Pangkatang Gawain

Pangkat I – Pag-usbong at Pagkilos ng Oposisyon


Gumawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng pag-usbong at pagkilos ng
oposisyon laban sa batas militar

Pangkat II – Pagpaslang kay Senador Benigno Aquino Jr.


Gumuhit ng larawan kung paano ginawa ang pagpaslang kay Ninoy
Aquino. Ipaliwanag ang mga pangyayari.

Pangkat III – Dagliang Halalan o Snap Election


kumatha ng isang awitin na nagpapahayag ng mga pangyayari na
naganap na snap election.

Pangkat IV – Pagtiwalag ng Militar


Gumawa ng isang pagbabalita( News Reporting ) sa mga ginawang
hakbang ng mga militar para sa pagkakaroon ng EDSA Revolution 1.

Pangkat IV – Panawagan ni Jaime Cardinal Sin


Kumatha ng isang tulang nag-uugnay sa panawagan ni Jaime Cardinal
Sin sa Pilipino.

d. Pag-uulat

3. Pagsusuri
a. Ano ang dahilan o mga dahilan kung bakit maraming mamamayan ang
lumahok sa pagbatikos kay pangulong Marcos?
b. Ano ang naging resulta ng pag-usbong ng mga oposisyon sa ekonomiya
ng ating bansa?
c. Bakit ikinulong si Senador Benigno Aquino Jr.?
d. Ano ang kanyang ipinaglalaban?
e. Ano ang naging epekto sa mga mamamayan ng na assassinate ang
Senador?
f. Bakit kaya nagkaroon ng biglaang halalan/snap election?
g. Ano ang naging epekto ng pagproklamasyon kay Marcos bilang Pangulo
ng bansa laban kay Corazon Aquino sa mga Pilipino?
h. Ano ang dahilan ng pagkawalan ng tiwala sa sandatahang lakas ng mga
batang kasapi?
i. Sino ang dalawang kaalyansa ni Pangulong Marcos na tumiwalag sa
kanyang pamamahala?
j. Ano ang ginawa ng mga batang opisyal na nawalan ng tiwala sa pamumuno
ng sundalong lakas?

4. Paglalahat
Anu-ano ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagbuo ng “EDSA
Revolution 1”?
A. Pag-usbong at Pagkilos ng Oposisyon
B. Pagpaslang kay Senador Benigno Aquino Jr.
C. Dagliang Halalan o Snap Election
D. Pagtiwalag ng Militar
E. Panawagan ni Jaime Cardinal Sin

5. Paglalapat
Hulaan kung anong pangyayari ang ang ipinakikita ng larawan

Pag-usbong at pagkilos Panawagan ni


ng Oposisyon Jaime Cardinal Sin

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
Kung ikaw ay sila, paano mo maipapakita ang wagas mong
pagmamahal sa demokrasya?

IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Ano ang naging panawagan ni Cardinal Sin sa mga tao?
A. Magpunta sa simbahan at magdasal ng taimtim.
B. Magpunta sa EDSA upang protektahan ang mga sundalong nagkampo sa
Krame at Aguinaldo.
C. Magtago sa mga gusali at hwag lumabas.
D. Pigilin ang mga rebeldeng sundalo na makarating sa EDSA.
2. Isang kilusan na kinabibilangan ng mga mamamayan na nagbigay ng libreng serbisyo
para mabantayan ang presinto at maiwasan ang pandaraya sa snap election na idinaos
noong Pebrero 7, 1986.
A. COMELEC
B. NAMFREL
C. PNPA
D. MILF
3. Sinong dating senador ang pinaslang
pagkababa sa eroplano na gumimbal hindi lamang sa bansa kung hindi sa buong mundo?
A. FERDINAND MARCOS
B. FIDEL V. RAMOS
C. BENIGNO “NINOY” AQUINO JR.
D. JOAQUIN “CHINO” ROCES
4. Sina _______, Ministro ng Tanggulang Pambansa, at ______, ang Vice Chief of Staff ng
Sandatahang lakas ay tumiwalag sa gabinete ni Pang. Marcos, nagpahayag sa telebisyon
na ang tunay na nanalo sa halalan ay si Cory Aquino at pagbibitiw ni Pang. Marcos sa
kanyang tungkulin ?
A. Gringo Honasan at Juan Ponce Enrile
B. Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos
C. Joaquin Roces at Fidel V. Ramos
D. Fidel V. Ramos at Gringo Honasan
5. Ano ang dahilan kung bakit maraming mamamayan ang lumahok sa pagbatikos kay
pangulong Marcos?
A. Patuloy na pagdami ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at
kahirapan ng mga mamamayan
B. Paglakas na peso kontra dolyar
C. Pag-unlad ng buhay ng mga mamamayan
D. Pagdami ng hanapbuhay sa buong bansa

V. Kasunduan
Magtala ng 5 mga mahahalagang kontribusyon ng People Power I nang
makamtang muli ng bansa ang kalayaan nito.

You might also like