Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“ANG MAINGAT NA PAGPAPASIYA”

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. (DUGTUNGAN AT BIGYAN NG SOLUSYON)

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipapakita ang maingat
na paghuhusga sa iyong pasiya at kilos?
2. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa
mga sitwasyon?

SITWASYON A

Parating na ang malakas na ulan. Nananawagan na ang barangay na simulan na ang


paglikas. Ganoon na ang gingawa ng inyong mga kapitbahay. Lilikas ka ba tulad nila o hindi?
Delikadong maiwan ang mga kagamitan sa inyong bahay, dahil talamak ang nakawan sa mga
panahon ng paglikas tulad ng naranasan mo na sa nakaraan. Ilang taon ding pinagtrabahuan ng
nanay mo sa ibang bansa para makompleto ang gamit ninyo sa bahay. Ano ang gagawin mo?
Magpapaiwan ka ba upang bantayan ang inyong bahay o lilikas na upang ilgtas ang sarili?

“ANG MAINGAT NA PAGPAPASIYA”

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. (DUGTUNGAN AT BIGYAN NG SOLUSYON)

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipapakita ang maingat
na paghuhusga sa iyong pasiya at kilos?
2. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa
mga sitwasyon?

SITWASYON B.

Nagtapat ang kaibigan mo sa iyo na siya ang kumuha ng dalawang libong pisong
hinahanap ng inyong kaklase. Kailangan ng kaibigan mo ang pera ngayon upang pagtakpan ang
nagastos niyang pambayad ng kaniyang matrikula. Kilala ang kaniyang magulang sa pagiging
malupit at mabigat ang kamay. Ang kaklase mo naman ay may kayamanan at ang dalawang
libong piso ay ipambibili lamang niya ng sapatos na marami naman siya. Nakarating na sa inyong
guro ang balita ng nawawalang pera. Aaminin mo bas a guro ang ginawang pagkuha ng iyong
kaibigan? Pagtatakpan mo ba siya tulad ng hinihingi niya?
“ANG MAINGAT NA PAGPAPASIYA”

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. (DUGTUNGAN AT BIGYAN NG SOLUSYON)

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipapakita ang maingat
na paghuhusga sa iyong pasiya at kilos?
2. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa
mga sitwasyon?

SITWASYON C.

Lagi kang pasimuno sa mga kalokohan sa inyong klase. Sa bawat araw, mayroon kang hirit
na magiging dahilan upang maghagalpakan sa katatawa ang buong kalse. Hindi natutuwa ang
inyong guro rito dahil naaantala ang daloy ng talakayan. Nagbabala na siya na dapat itigil ang
biruang ito. Isang beses, may humirit sa klase. Hindi ikaw ito. Napuno ang guro at pinagalitan ka sa
klase. Ano ang gagawin mo? Hindi mo kilala kung sino ang gumawa ng hirit na iyon. Ikaw ang
tinuturo ng lahat na may gawa ng kalokohan. Ipagtatanggol mo ba ang iyong sarili? Paano?

“ANG MAINGAT NA PAGPAPASIYA”

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. (DUGTUNGAN AT BIGYAN NG SOLUSYON)

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipapakita ang maingat
na paghuhusga sa iyong pasiya at kilos?
2. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa
mga sitwasyon?

SITWASYON D.

Saksi si Abby sa madalas na pangongopya at pandaraya ni Paula sa mga pagsusulit sa


paaralan. Nitong nakaraang markahan, tinanghal si Paula bilang isa sa Top 10 sa kanilang klase.
Magkaklase sila mula elementary kaya’t itinuturing na rin ni Abby na kaibigan si Paula. Ngunit
nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang para kay Jenny na isa rin niyang kaibigan sa klase.
Mahusay na mag-aaral si Jenny at higit siyang nararapat na itanghal sa mapasama sa Top 10. Ayaw
ni Abby na mapagalitan at mapahamak si Paula kung magsusumbong siya, ngunit maaaring
magpatuloy ang gawaing ito at tuluyang mawalan ng pagkakataon si Jenny na mabigyan ng
parangal. Kung ikaw si Abby, ano ang gagawin mo?

You might also like