Professional Documents
Culture Documents
Ap 8 2ND PT
Ap 8 2ND PT
Ap 8 2ND PT
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
SCHOOLS DIVISION OF MARINDUQUE
Boac, Marinduque
Email: marinduque@deped.gov.ph; Tel. No.: (042) 7530113; Fax No.: (042) 332-1611
I. Panuto: Basahin at suriin ang bawat aytem.Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot .
1. Tinawag ng Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa
ibayong dagat dahil sa ______________________.
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t-ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
2. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Islang Crete. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong tubig upang maging ligtas ang isla sa mga
mananakop.
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe,Africa, at Asya ang isla ng
Crete.
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito
sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang kabihasnang
Minoan
A. I at II B. II at III C. II at IV D. I, II, at III
3. Ang lungsod – estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi
ng tangway ng Greece.Ang lungsod estadong ito ay tinatawag na ________.
A. Pamayanang Mangangalakal C. Pamayanang Magsasaka
B. Pamayanang Mandirigma D. Pamayanang Mangangaso
4. Ang Kabihasnang Minoan ay nabuo sa Crete na napapaligiran ng tubig at may istratehikong
lokasyon.Ano ang pangunahing gawaing pangkabuhayan ng kabihasnan na naging dahilan ng
kaunlaran nito?
A. Pagsasaka B. Pagmimina C. Pagtatanim D. Pakikipagkalakalan
5. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado.
A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang
demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
C. May iba’t-ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit ng
pamahalaan.
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.
6. Ayon kay Pericles, “ Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa kamay ng
nakararami at hindi ng iilan.”Saang siyudad sa Gresya nagmula ang demokrasya?
A. Athens B. Corinth C. Sparta D. Thebes
7. Nabigo ang unang pagtatangka ng Persia na sakupin ang Greece sa ___________________.
A. Thermopylae B. Marathon C. Plataea D. Salamis
8. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t-ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may
sariling pamahalaan. Bakit naitatag ng hiwa-hiwalay ang lungsod-estado?
A. Iba’t-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na mabundok
na lugar.
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal
sa bawat lungsod- estado.
D. Iba’t-iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t-ibang kabihasnan ang umusbong dito.
9. Ang Italy ay binubo ng maraming bundok at ilang kapatagan. Isa dito ang Kapatagang Latium kung
saan dumadaloy ang ilog na ito na sinilangan ng kabihasnang Romano?
A. Tiber B. Po C. Volturno D. Liri
10. Ang mga sumusunod ay mga katangiang pisikal ng Roma maliban sa:
A. Nahahati sa mga estado dahil sa mga bundok
B. Napaliligiran ng mga anyong tubig
C. Napaliligiran ng mahahabang kabundukan at batong burol
D. Mayaman at mataba ang mga lambak at kapatagan
11. Nahatai sa dalawang pangakat ang lipunang Romano na binuo ng mga maharlika at ng mga kapos sa
kabuhayan. Ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome ay ___________________.
A. Censor at Praetor C. Etruscan at Roman
B. Patrician at Plebeian D. Maharlika at Alipin
12. Ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterranean
ay________________.
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga
karatig lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ngCarthage
at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasaan ng kulturang Greece.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit.
13. Si Tiberius ay isang magaling na pinuo bagama’t isang diktador. Ang pinakamakasaysayang
pangyayari sa kanyang pamumuno ay ______________________.
A. Paglikha ng burukrasya C. Pagpako kay Kristo sa krus
B. Pagbuo ng Triumvirate D. Pagtayo ng pyramid
14. Ang Rome ay naging makapangyarihang lungsod.Natalo nito ang mga kolonyang Greek sa
Timog.Maituturing na isa pang mahalagang tagumpay nito ang laban sa Carthage.Ano ang naging
bunga ng tagumpay ng Rome sa digmaang Punic laban sa Carthage?
A. Lumawak ang teritoryo ng Rome
B. Naging makapangyarihan ang Rome sa Italy
C. Nakontrol ng Rome ang Meditteranean
D. Maraming sundalo at mamamayan ng Rome ang umunlad ang buhay
15. Sanhi ng matinding agawan sa kapangyarihan ng mga heneral at pinunong military sa Rome,binuo ang
Triumvirate . Ang mga pinunong bumubuo ng First Triumvirate ay sina ________________.
A. Julius Causa,Pompey at Marcus Crassus C. Caesar,Pompey at Crassus
B. Tibirius,Crassus at Pompey D. Causa,Pompey at Tibirius
16. Binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan ng Rome.Isinagawa niya dahil;
A. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa mga namumuno sa Rome
B. Bumagsak ang kabuhayan ng mga Romano
C. Binalot ng kaguluhan ang Roma ng mamatay si Caesar
D. Nagkawatak-watak ang pamamahala sa Roma
17. Ang salitang Inca ay hango sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa
Andes. Alin sa mga pamana ng Inca sa Kabihasnan ang may katulad sa Pilipinas?
A. Aqueduct B. Piramide C. Rice Terraces D. Templo
18. Ang dahilan ng pagtawag ng mga kanluranin na Dark Continent ang Africa ay :
A.Dahil maitim ang mga taong nakatira sa kontinenteng ito
B. Mainit sa lugar na ito kaya walang nabubuhay
C. Dahil hindi nila ito nagalugad agad
D. Laging gabi dito
19. Sa mga Aztecs, mahalaga ang lupa bilang pinagkukunan ng kabuhayan. Dahil sa kakulangan ng lupang
taniman, tinabunan nila ang mga sapa at lumikha ng chinampas,mga artipisyal na pulo na kung tawagin
ay____________________.
A. Hanging Garden B. Rice Terraces C. Floating Garden D. Ikebana
20. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia,Micronesia at
Melanesia.Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. Maraming isla B. Maitim na isla C. maliit na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla
21. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka.
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin at iba pang produkto sa pagitan ng
` kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara.
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta
ng mananakop.
D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto sa Sahara
22. Ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin na siyang ginagamit sa pagpreserba ng
kanilang pagkain.Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Magkatumbas ang halaga ng ginto at asin noong unang panahon
B. Mayaman sila sa ginto C. Mayaman sila sa asin
D. Ayaw nila ang asin at ang gusto nila ay ginto.
23. Habang patuloy na umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang kabihasnan sa
Mesopotamia, India at China, unti-unti naming umuusbong ang kabihasnan sa America. Alin sa mga
kabihasnang ito ang umusbong noong panahong Pre-Historic?
A. Kabihasnang Olmec C. Kabihasnang Maya
B. Kabihasnang Aztec D. Kabihasnang Inca
24. Alin sa mga pamana ng Inca sa Kabihasnan ang may katulad sa Pilipinas?
A. Aqueduct B. Piramide C. Rice Terraces D. Templo
25. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at
Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. Maraming isla C. Maliit na mga isla
B. Maitim na isla D. Maitim ang mga tao sa isla
26. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific.
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na
kapangyarihan o “mana”.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang sinaunang pamayanan sa isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.
27. Ang Imperyong Mali ay yumaman din sa kalkalan tulad ng Ghana. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa mahahalagang pangyayari sa pamumuno ni Mansa Musa sa Mali ?
A. Naipatayo ang mga mosque sa mga lungsod ng imperyo
B. Lumaganap ang relihiyong Islam
C. Tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwesiyang ng mag iskolar na Muslim
D. Lumaganap ang kalakalan gamit dulot ng paggamit ng caravan
29. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi
nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa mga sumusunod ang higit na
naglalarawan sa Kapapahan o Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simabahang Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa
kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong
Panahong Medieval.
30. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng
Papa ng Roma?
A. Paraan ng pamumuno ng Kapapahan C. Pamumuno ng mga monghe
B. Matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan D. Pagbagsak ng Imperyong Romano
31. Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng kanyang tagumpay bilang “Papa”ng Roma nang magawa
niyang__________________.
A. Pag-isahin ang Roma bilang Katolikong bansa
B. Magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV
ng Germany
C. Sumampalataya ang iba-ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa
malalayong bahagi sa kanlurang Europa
D. Bigyang – diin ang Petrine Doctrine
32. Paano nakatulong ang pagtangap ng mga barbaro sa Kristiyanismo sa paglakas ng relihiyon?
A. Nagkaroon ng karagdagang miyembro ang relihiyon
B. Nadagdagan ang mga kalaban ng relihiyon
C. Wala ng sasalakay sa imperyo D. Nagkaroon ng mga mandirigma ang relihiyon
33. Ang Kapapahan ( Papa ) ay tumutukoy sa tungkulin,panahon ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko,gayundin ang kapangyarihangpampulitika
bilang pinuno ng estado ng Vatican.Sino ang kasalukuyang Papa o pinuno ng simbahang katoliko?
A. Pope John Paul B. Pope Francis C. Pope Benedict D. Pope John
34. Isa as pinakamahusay na hari ng Medieval Period ay si Charlemagne .Ang kanyang katangi-tanging
nagawa upang tawagin siyang “Ama ng Europa” ?
A. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Kanlurang Europa
B. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Silangang Asya
C. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Kanlurang Asya
B. Napag-isa niya ang malaking bahagi ng Silangang Europa
35. Alin sa sumusunod ang ambag ng pagbagsak ng Imperyong Roma sa Panahong Medieval?
A. Hudyat sa pagsisimula ng bagong yugto sa kasaysayan ng Europa
B. Naging emperador ang Santo Papa
C. Nagkaroon ng bagong emperador na mas malakas at mas kilala
D. Nakapagpatayo ng isang bagong imperyo sa Gresya
36. Ang ang aral na makukuha mula sa kasaysayan ng Imperyong Romano ay ________________.
A. Anumang lakas at kapangyarihan o laki ng teritoryo ng isang imperyo ay darating ang panahon
na babagsak din ito.
B. Bumagsak ang Roma dahil marami sa mga emperador nito ay baliw o napakahigpit
C. Anumang galing ng emperador ay matatapos din ang kaniyang pamumuno
D. Hindi lahat ng emperador ay magaling sa pamumuno at pamamahala
37. Sa pakikipaglaban ng mga Barbaro upang pabagsakin ang Imperyong Romano,alin sa mga sususunod
ang hindi nila pinakialaman.
A. Uri ng pakikipagkalakalan C. Simbahang Kristiyano
B. Paninirahan D. Pagtatatag ng bagong pamayanan
38. Ang “Holy Roman Empire” ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging
emperador ng imperyo noong 800 C.E.?
A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short
39. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan
ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. Mabawi ang Herusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
40. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng Krusada sa mga Kristiyanong Europeo?
A. Napalaganap ang kanilang nasasakupang teritoryo.
B. Dumami ang bilang ng sumali sa Krusada
C. Naging makapangyarihan ang Krusada saan mang parte ng Europa
D. Napalaganap ang komersiyo na naging salik ng pag-unlad ng mga lungsod at malaking
daungan.
41. Ang Krusada ay itinuturing na bigong tagumpay sapagkat ___________.
A. Hindi nabawi ang banal na lupain.
C. Nagkaroon ng pag-unlad sa kaalaman at pagbabago.
B. Maraming buhay ang naibuwis sa pakikidigma.
D. Naipamalas ang kabuktutan at magkakaibang layunin.
42. Alin sa pares na salita o parirala ang nagkakaugnay batay sa ugnayang sanhi at bunga?
A.Pag-unlad ng kalakalan:Krusada
B. Panahon ng Karimlan: Pananalakay ng mga Barbaro
C. Pananakop ng Turkong Muslim: Krusada
D. Krusada:Pagbagsak ng piyudalismo
43. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe.
Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang piyudalismo”. Ang
ipinahihiwatig ng pahayag ay :
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.
B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon.
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro.
D. Ang sistemang piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
48.Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,kabalyero,at serf. Alin sa mga
sumusuod ang naglalarawan sa serf?
A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya
B.Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval
D. Itinuturing silang natatanging sector sa lipunan