Relihiyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos


lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na
pinaniwalaan ng mga Kristiyano na
isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang
pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit
kumulang sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.

2. Ang Islam (Arabiko: ‫ ;اإلسالم‬al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)", ay isang


pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang
pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama
ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng
mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na
kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang
banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang
mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.

3. Iglesia ni Cristo binibigkas na [ɪˈgleʃɐ ni ˈkɾisto] (Ingles: Church of Christ;


daglat INC) ay isang relihiyong Kristyano na nagmula sa Pilipinas noong
1914 sa pangunguna ni Felix Manalo, ang kinikilala ng Iglesia ni Cristo na
sugo ng Diyos sa mga huling araw, na ayon at batay sa mga aral ng
Biblia.
4. Ang Protestantismo ay nagbuhat sa isang kilusang Kristiyanong naglunsad
ng Repormasyong Protestante noong ika-16 daantaon na nagsanhi ng pagkalas
ng mga pangkat na Protestante mula sa Simbahang Katoliko. Tumutol o
sumalungat mula sa Katolisismong Romano ang panuntunang Protestante at
kilala rin sa mga tradisyong Europeo bilang
doktrinang Ebangheliko (o Ebanghelismo). Pangkaraniwang pinanghahawakan
nito na ang Kasulatan, sa halip na nakaugalian o eklesyastikong
pagpapaliwanag ng Kasulatan, ang pinagmulan ng ibinunyag na katotohanan.

5. Ang Mormon ay ang tawag sa mga sumusunod or mga miyembro


ng Mormonismo. Ito ay tawag din sa mga miyembro ng The Church of Jesus
Christ of Latter-day Saints(Simbahang LDS) na kilala rin bilang tawag
na Simbahang Mormon. Ang Simbahang LDS ay nagsasabing ang katawagang
"Mormon" ay para sa miyembro lamang nila. Subalit, ang katawagan ay
ginagamit din sa sinumang naniniwala sa Aklat ng Mormon at mga grupo
ng Latter Day Saint. Ayon sa Aklat ng Mormon, Mormon ang pangalan ng
propetang nag-ayos ng Aklat ng Mormon. Ayon sa nakasulat sa wikang Ingles
na Wikipedia, mayroong dalawang templo sa Pilipinas ang Simbahang LDS,
ang Manila Philippines Temple sa Lungsod ng Quezon, at ang Cebu City
Philippines Temple sa Cebu City.

You might also like