Balagtas sa kanyang isinulat na tulang “Sa Babasa Nito,” ay una, kung ikaw ang mambabasa, kapag may hindi ka naintindihang salita ay huwag kang biglang titigil sa pagbasa ng tula at hindi na tatapusin, kundi, hanapin mo ang ibig-sabihin upang maunawaan ng mabuti ang binabasa. Ikalawa, kung ikaw naman ang manunulat, kung ano ang nasa isip mo’y yoon ang iyong isulat sapagkat kapag ikaw ay bago ng bago ng “salita” o term, lalabo at gugulo ang ibig mong ipahayag sa mga mambabasa.