Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Tulang Liriko:

“Ang Pasyon”
ni Gaspar Aquino de Belen

O, Diyos sa kalangitan,
Hari ng sangkalupaan
Diyos na walang kapantay,
Mabait, lubhang maalam,
At puno ng karunungan.

Ikaw ang Amang tutubos


Ng nangungulilang lubos,
Amang di matapus-tapos,
Maawai’t mapagkupkop
Sa taong lupa’t alabok.

Iyong itulot sa amin,


Diyos Amang maawain,
Mangyaring aming dalitin,
Hirap, sakit at hilahil
Ng anak mong giniliw.
Tulang Pasalaysay:

“Nahawakan ko rin”
Ni Tagalog Poems

Sa tabi ng ilog ay mayr’ong mag-inang


payapang payapang doo’y naglalaba,
sa bunton ng bato, yaong kinukula’y
may bula ng sabong nangakalatag pa.

Itong batang munti nama’y nasa pampang.


at lalaro-laro at sasayaw-sayaw.
Ang ina sa gayo’y nalilibang naman
patuloy sa kanyang mga nilalabhan.

Walang ano-ano ay kanyang narinig


ang tili ng bata na nagpapagibik;
isang b’waya yaong simbilis ng lintik,
sinagpang ang kanyang anak na maliit.

At sa kalaliman ay biglang sumuot


nang mapalubog na’y bumulu-bulubok.
kaya’t ang ginawa ng ina’y sumunod,
sinundan ang kanyang anak na lumubog.

At parang himala ng matinding sigwa’t


sa kailalima’y sumunod ang ina;
ang ilog na yaon ilang sandali pa,
nakita ng madlang tubig ay pumula.

At ang mga tao’y nagulo sa pampang,


ang anak at ina’y hindi na lumitaw;
kanilang sinisid, inaba-abangan,
lumalim ang gabi’y di rin natagpuan.

Nang kinabukasan, araw ay nagningning,


ang ina’y lumutang na kalagim-lagim;
may hawak na damit, kuko’y nangingitim
parang sinasabing: “Nahawakan ko rin”.
Tulang Pantanghalan

“Pasko – Dula-Dulaan”
Ni Laura P. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo

(Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa


simbahan. Tumutugtog ang kampana.) Nanay: “Dalian ninyo mga anak.
Baka mahuli tayo sa misa.” Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.” Anak 2:
“Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.” Anak 3: “Handa na
po ako, Tatay.” Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo
sa labas ng bahay, mga anak.” Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa
kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Pangalawang Tagpo

(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May
tugtuging pamasko.) Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga
anak.” Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at
Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng
simbahan.) Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?” Tindera 1: “Mayruon akong
puto at kutsinta.” Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.” Anak 2:
“Mayruon po ba kayong suman?” Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang
gusto mo?” Anak 2: “Dalawa po.” Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako
kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.” Anak 4: “Ako rin; maraming
magluto si Lola, marasap pa!” Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola.
Hinihintay nila tayo.” Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”

Pangatlong Tagpo

(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola) Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”
Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin)
Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.) Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”
Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.” Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng
luto ninyo!” Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.” Lolo: “Halina na kayo,
mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.” Anak 3: “Gutom
na nga ako eh.” Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”
(Matapos kumain – Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan) Anak 2:
“Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at
Lola.” Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at
Manigong Bagong Taon sa lahat.” Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa
ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling
mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang
kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”
Tulang Patnigan

“Duplo sa Baryo”
Ni Raul Funilas

Kayo ay makinig ako'y magkukwento,


Nitong nalimutang sinaunang duplo;
Sa tuwing may patay sa Rayap kong baryo
Ang nangaglalamay parang siraulo.

Bibigkas ng tulang pawang lamang-isip,


Ang manganonood ay bumubungisngis;
Dahil sa salitang nilagyan ng bagwis
Pati namataya'y hindi makaidlip.

Mayroong babaing nagmamatang igat,


Hinanip ang kalan namatay ang dingas;
Ulaol sumuso ang kuto at pulgas
Sa balbuning asong sobrang pagkapayat.

Pugo'y nagkatahid ang linta'y tumahol,


Dito rin nanganak ang lalaking baboy;
Kaytaas lumipad ng binatang unggoy
Kinaplog na manok laging nagngunguyngoy.

Nangagpulong-pulong ang matabang sawa,


Napagkaisahang gagawa ng balsa;
Sa dalampasiga'y mangaghihilera't
Ang maninibulos tawak na dalaga.

Ang barakong baka'y gustong makatikim,


Aanakan nito ang maanggong kambing;
Sa pagbibinyagan sila'y maglalasing
At pupulutani'y ang bunsong kilawin.

Ang pusa'y nanligaw sa pangilang daga,


Sinubok ang pusang pumasok sa lungga;
Kung makakapasok siya'y titihaya't
Puri'y makakamit walang sasansala.

Ngiti na ang araw kung kami'y magtigil,


Sapagkat natupad ang tanging hangarin;
Ang nangamatayan ay bigyan nang aliw
Ng duplong nawala sa nayon kong baliw.
Ang enkantada
ng makulot
Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at
matakutin sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng
Makulot. Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang
Torong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitang
nanginginain ng damo sa kaparangan.

Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng


mga mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa
mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga
mahihirap na nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom.

Sila ay dapat may mabuting budhi't malinis na asal. Nguni't kung ang mga
tao'y mahilig sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa.

Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa magandang


halimbawa at malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Torong Ginto.
Nawala rin ang prinsesa.

Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon


ng gutom, salot, sakit at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon,
nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako sa kanilang mga anitos.

Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong
Ginto. Kung makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga halaman o di
kaya'y magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.

Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng


pulong. Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto
ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na
binata at subok na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang galit.

Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-


umano'y ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!

Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas
ng Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot.
Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.

Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang


iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng
Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon ay
hindi na napakita.

Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay
nagbago na rin at nanatiling mabubuting tao.
ANg Kuneho at
ang pagong
TALAMBUHAY

Ako si Lehgie P. de Leon ipinanganak noong Marso 16, 1995 sa


Mandili Candaba Pampanga. Ang aking ama ay si Ronnie de Leon at
ang aking ina ay si Rachelle de Leon mayroon akong dalawang kapatid
sina Lean at Jency de Leon. Ako ay natapos ng elementarya sa
Mandili Elementary School at ng Sekondarya sa San Miguel National
High School at ngayon, kasalukluyan ay sa Bulacan State University sa
kursong Information Technology.
Ang aking hilig ay magsulat ng tula. Ang aking paboritong
pagkain ay sinigang na luto ng aking ina. Ang paborito kong actor ay
si Ryan Agoncillo. Ang paborito kong kulay ay puti at ang paborito
kong “subject” ay Ingles. Payak lamang ang pamumuhay ng aking
pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan
ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang
kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos
upang malampasan ang lahat ng iyon.
Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay
noong natuklaw ako ng ahas noong akoy bata pa.Ako ay simple lamang
mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay may pagka “moody”.
Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may
pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna
ang kanilang mararamdaman bago ko magsalita.
Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa
Kanya ko lahat sinasabi ang sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng
tawad lahat lahat sa buhay ko at sa Kanya din ako humihiling ng mga
nais ko siya ang aking tagapagligtas.
Sa buhay pag-ibig naman ay naranasan ko ito noong ako’y nasa
ikatlo ng sekondarya masaya, pero madalas din ang lungkot siya ang
una kong kasintahan atngayon ay dalawang taon na kami.
Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking
magulang, paglingkuran ang Diyos habambuhay, maging matagumpay
sa buhay, at magkaroon ng asawa at anak sa tamang panahon.
Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa
Diyos.
SALAYSAY

Sa daloy ng panahon, marami na akong nakamit sa buhay ko. Ang oras natin ay
mahalaga dahil hindi natin alam kung hanggang saan lamang tayo makakarating. Ang
buhay ay maikli lamang dapat natin ito bigyang pansin. Maraming tayong mga karanasan
kung saan tayo ay masaya o malungkot. Sa panahong ngayon, ang isang segundo ay
parang ginto. Marami na tayong magagawa sa isang segundo. Sa bawat oras na
sinasayang mo, ang iyong nakamit sa buhay ay lumalayo. Dapat nating bigyang pansin
ang buhay ng bawat tao. Sa dami kong napagdaanan, ako ay magkukuwento ng isa sa
aking hindi makakalimutang karanasan. Ito ay isang mahalagang pagkakataon sa aking
buhay. Kailan ko lamang nalaman ang kahalagahan ng buhay. Dapat nating tangapin ang
mga nagkakataong matatangap natin. Itong mga pagkakataon ay ang simula ng layunin.
Ang mga pagkakataong mahalaga sa iyong buhay.

Ang aking ikukuwento sa inyo ngayon ay ang aking buhay. Ito ay isang
nakakaibang karanasan. Kami nga aking magulang at kapatid ay pumunta sa Singapore.
Doon kami nagbahasyon ng limang araw kami sa Singapore. Doon, ang ginawa namin ay
mamili, kumain at mamahinga. Sa unang araw kami ay ng pagliliwaliw pagkatapos ay
kumain kami sa iba’t ibang mga kainan. Noong pangalawang araw kami ay namili ng
mga gamit at pumunta sa Sentosa. Sa pangatlong araw, kami ay namili at kumain sa iba’t
ibang mga kailang. Sa pang -apat na araw kami ay pumunta sa isang pamilihan. Doon
nagsimula ang aking kuwento. Ang simula ng aking karangalan.

Sa pamilihan na iyo, kami ay namimii ng mga pagkain. Habang ako ay nag- iikot
mayroong lalaking lumapit. Hindi ko siya kilala at sinabi niya kung gusto ko bang sumali
sa isang Fashion Show. Sa una hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Binigyan
niya ako ng isang Calling Card pagkatapos sinabi niya sa akin kung interesado ako
tawagan ko nalang siya. Noong makita ko ang aking mga magulang sinabi ko ito sa
kanila. Ito ay ang nagbukas ng pinta ko para maging isang kilalang at mahalagang tao.

Sa ngayon ako ay nagpapatuloy sa aking pagiging isang magaling na tao. Ang


pagiging isang magaling na tao ay isang mahalagang punto ng aking buhay dahil ito ang
nagpasikat sa akin. Sa aking pagsika ako ay mas nakakatulong sa mga tao hirap sa buhay.
Sa mga tulong aking binigay sa mga tao ako ay masaya dahil ako ay nakakapagpasaya ng
mga tao. Ito ay nakakapagpasaya sa aking dahil isa sa aking layunin ay magpasaya mga
tao.

Sa dami ng aking pinagdaanan, masasabi ko na ang buhay ay mahalaga. Msrami


tayong magagawa sa ating mga kayamanan para mapasaya ang mga nahihirap. Nalaman
ko rin na ang pagpapasaya sa iba ay makakapagpasaya sa iyo. Sa aking pagkasikat ako ay
nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa akin. Itong tulong na binigay ninyo sa akin ay
mahalaga dahil ito ay nakatulog sa akin maging isang kilalang tao. Sa akin mga
tagapaghangad, sana ito ay makapagbigay isperasyon sa inyo. Sana itong salaysay ay
makaktulog sa inyo mga buhay. Sa tingin ko ay ang aking pagsalaysay ay nakakatulong
ito sa inyong mga buhay. Sa hirap ng buhay ngayon ang oras mo ay mahalaga sa bawat
bagay na ginagawa mo.
BALITA

Paghahanda para sa Panagbenga Festival


Nathalie Roman

Ang Panagbenga Festival ay ang pinakahihintay na


pagdiriwang dito sa lungsod ng Baguio.Nariyan ang market
encounter o session in bloom na kung saan ang ibang mga
nagtitinda ng mga pasalubong mula sa ibang lugar ay
dumarayo upang magbenta dito. Ang parada ng mga
ginawang float ng bawat establisyimento na gawa mula sa
mga pinagsama-samang mga bulaklak. Hindi naman
mawawala ang Cheer Dance Competition ng mga nasa
elementarya, sekondarya at nasa kolehiyo.
Isa sa mga kalahok sa nasabing kompetisyon ay ang
Baguio Central Elementary School. Isa sila sa mga kalahok
sa Cheer Dance Competition sa pangkat ng elementarya. Ang
layunin nila sa pagsali ay upang manalo at makilala ang
angking galing ng mga mag-aaral sa paaralang ito. Oktubre
pa lamang ngayon ngunit puspusan na ang pag-eensayo ng
mga kalahok na mula sa ikaapat na baitang hanggang sa
ika-anim na baitang sa nasabing kompetisyon. Bawat kasapi
ng pangkat ng Baguio Central Elementary School ay
ginagawa ng maayos at mahusay ang kanilang bahagi para
sa kompetisyon. Nilalaan nila ang kanilang oras para sa
kanilang mag-eensayo sa hapon kahit oras na iyon para
sila’y umuwi. Katuwang ng mga mag-aaral ang kanilang
mga magulang na matiyagang naghihintay at
sumusuportahan sa kanilang mga anak na kasapi sa
kompetisyon. Kasama ang mga guro at ang punongguro na
sumusuporta at gumagabay sa mga mag-aaral upang
mapalabas ang isang magandang presentasyon.
Patunay ito na ang pagkakaisa, pagsusumikap
at pagtutulungan hindi lamang ng mga kasaping mga mag-
aaral kung hindi pati na rin ng mga magulang, mga guro at
punongguro ng paaralan para sa maganda at maayos na
presentasyon.
SANAYSAY
Kahirapan sa Pilipinas
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas
nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang
may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas
ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala
silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga
Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang
tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng
isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay
tamad, pinakadahilan ng kahirapan.

"Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas"

Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng


ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga
kababaihan. Dala ng labis na kahirapan ay ito ang naging siyang tugon ng mga Pilipino
uapng makaraos sa araw araw na pamumuhay. "Ang salitang kapit sa patalim" ay
maiuugnay dito. Dahilan sa ang paglisan sa sariling bayan at mawalay sa pamilya ay
hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan. Narito ang ilang matitinding dahilan ng
kahirapan sa Pilipinas:

CORRUPTION: Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa


gobyerno.
Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na
para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may
kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing na kanser sa lipunan.
IMPERIALISMO: Ang pananakop ng ilang bansa noong mga nakaraang panahon
tulad ng Espanya, Hapon at US na nagpahirap sa Pilipinas. Mga dayuhan na nag iwan ng
mga mali o masamang impluwensiya at kultura sa bansa.

Ang patuloy na pakikialam o pagdikta ng US sa pamalaan ng Pilipinas.


Masasabing ang mga tulong pinasiyal ng mga malalakas na bansa sa Pilipinas ay isang
suhol upang mapaikot at madiktahan ang pamahalaan. Mga pera na hindi naman
napupunta sa mga tamang proyekto kundi nahuhulog din sa bulsa ng korapsiyon. Mga
perang suhol upang mapalakas ang kanilang mga pansariling layunin na nagbabaon sa
kahirapan ng Pilipinas.

Ang pagpasok ng "globalisasyon" ay maitutuiring din na isang imperyalismo.


Kung saan ang mga dayuhan at mayayamang kapitalista na nagmamay ari ng ibat ibang
kompanya ang siyang nagdidikta sa pamahalaan upang siskilin ang karapatan ng mga
mangaggawa. At ang pagsasanib pwersa ng pamalaan at kapitalista ang siyang
dumudurog sa unyon na siyang pumapatay sa karapatan ng mga mangagagawa upang
magkaroon ng tamang pasahod, benepisyo at hustisya. Maituturing na isang pang aalipin
o "modern slavery" ang pasahod sa mga manggagawa, kompara sa kinikita ng mga
higanteng korporasyong dayuhan.

Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa,
ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay
ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang
sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng
isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi
na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito.
Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin
singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng
isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng
mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong
pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa
parte ng mga pinuno.

Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang


kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga
batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang
uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga
gutom na bata ang makikita natin.

PYUDALISMO (FEUDALISM): Ang pagmamay ari ng iilang mayayaman sa


mga lupaing sakahan. Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito lubusang
naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay ari ng malalaking lupaing
sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.

Nariyan din ang malalang pagpapalit nang mga lupang agrikultura upang gawing
industriyal, bahayan at golf courses ng mga mayayaman. Kung saan naagawan ng
taniman o sakahan ang mga magsasaka. Dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan ng
pangunahing lokal na pagkain. Dahilan upang mag angkat pa ng mga pangunahing
pagkain tulad ng bigas sa ibang bansa.

Isang pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang matinding kapapabayaan ng


likas na yaman ng bansa. Ang pagputol ng mga puno na dahilan ng pagbaha (illegal
logging), landslide at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at dagat, pag gamit ng mga
nakakalason, patutok at maling paraan ng pangingisda na sumisira sa yamang dagat. Ang
kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan
upang unti unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.
Walang Sugat
ni Severino Reyes

Unang Tagpo
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro: Ang karayom kung iduro


Ang daliri'y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama'y lumiliko

Julia: Anong dikit, anong inam


Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.
Koro: Ang karayom kung itirik
Tumitimo hanggang dibdib
Julia: Piyesta niya'y kung sumipot
Panyong ito'y iaabot,
Kalakip ang puso't loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani
Sa rikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.
Panyo't dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na ako'y nagpapahatid
Isang matunog na halik.

Koro: Ang karayom kung iduro


Ang daliri'y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo'y sinisinta.
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan

Ang panyo pa'y sasamahan


Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig


Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumigiit.
Mga irog natin naman
Sila'y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.
Julia: Piyesta niya'y kung sumipot
Panyong ito'y iaabot
Kalakip ang puso't loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Koro: Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa'y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.
Salitain
Julia: Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo'y mangagsayaw na.
(Papasok ang magsisikanta). (Lalabas si Tenyong).

IKALAWAN TAGPO
(Tenyong at Julia…)

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…


Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…
Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki'y nilalik na
maputing garing. Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.
Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…
Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.
Tenyong: Masakit sa iyo!
Julia: (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong
tubig!
Tenyong: Ay!
Julia: (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor).
(Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na
ako nagagalit…
Julia: Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat
mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.
Julia: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay Flores.
Julia: Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?
Julia: Sa Among! Iya'y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra'y A, N, at F?
Julia: Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.
Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin ng tungkol sa
mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.
Julia: Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at
magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay…
sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).
Musika No. 2
Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.
Julia: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng
nagburdang si Juliang iniirog mo.
Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.
Julia: Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Tenyong: Pag-iibigan ta'y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin
kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…
Tenyong: Julia ko'y tuparin adhikain natin.
Julia: Tayo'y dumulog sa paa ng altar.
Tenyong: Asahan mo.
Sabay: Di mumunting tuwa dito'y dumadalaw, ano pa't wari di na mamamatay sa piling mo oh!
(Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay…
(Lalabas si Juana).

IKATLONG TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamaya'y Lukas)
Salitain
Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)
Lukas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!
Tenyong: Napaano ka, Lukas?
Lukas: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?
Lukas: Opo

Tenyong: Saan kaya dinala?


Lukas: Sa Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong: Tiya, ako po'y paparoon muna't susundan si Tatang.
Juana: Hintay ka sandali at kami'y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana,
Julia, at Lukas).
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay
tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot
mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang
lumilipas.
(Telong Maikli)
Kalye

IKAAPAT NA TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas
Lukas: Tayo na't ating dalawin mga tagarito sa atin.
Koro: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
Isang Babae: Naubos na ang lalaki.
Lahat ng Babae: Lahat na'y hinuhuli mga babae kami.
Lukas: Marami pang lalaki.
Lahat ng lalaki:Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng
bagay…
Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae'y pabayaan, di
namin
kayo kailangan.
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Isang Lalaki: Kaka ko'y gayundin naman.
Isang Babae: Asawa'y paroroonan.
Isang Babae: Anak ko'y nang matingnan.
Lahat. Tayo na't sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila'y dalhin masarap na
pagkain.
Mga Babae: Tayo na, tayo na.
Lahat: Sumakay na sa tren.
Mga Lalaki: Doon sa estasyon.
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)

IKALIMANG TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).
SALITAIN
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…
Marcelo: Mason po yata, among

Relihiyoso 1.0:Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka't kung siya sumulat
maraming K,
cabayo K.
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na
lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.
Relihiyoso 2.0:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan
ng rasyon.
Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso 1.0:Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi,
ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi
ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing;
isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!
Relihiyoso 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awa-awa? Ilan
kaban
an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!
Marcelo: Dati po'y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po'y lima ng
kaban, at makalima po isang araw.
Relihiyoso 2.0:Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston 526 (binibilang
sa
daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat po, among!
Relihiyoso 1.0:Kahapon ilan ang namatay?
Marcelo: Wala po sana, datapwa't nang mag-uumaga po ay pito lamang.
Relihiyoso 1.0:Bakit ganoon? (gulat)
Marcelo: Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.
Relihiyoso 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw
makita
si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa
kapapalo, at ang dalawang braso po'y litaw na ang mga buto, nagitgit sa
pagkakagapos.
Relihiyoso 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
Relihiyoso 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-
araw
papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting
tulugan, ha?
Marcelo: Opo, among.
(Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?
Relihiyoso 2,3,4:Si, si, hemos traido.
Relihiyoso 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
Marcelo: Hindi po makalakad, eh!
Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.
Tadeo: Bakit ka mumurahin?
Juana: Kumusta po naman kayo, among?
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap,
noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami'y alipin
ng mga prayle, ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman
kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang
pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
Juana: Totoo po ba ang sabi mo.
P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin
niyong
kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.
Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.
Miguel: Ay! Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po…
Julia: Alin po ang malapit na?
Miguel: Ang…ang…ang…
Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Tadeo: Miguel, tayo na't nagkayari na kami ng kaniyang ina.
Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa.)
Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?
Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?
Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na "ay"? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?
Miguel: Sinabi ko pong malapit na…
Tadeo: Malapit na ang alin?
Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na't baka ka pa mahalata…
Relihiyoso 1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas ang mga dalaw).

IKAANIM NA TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko
sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipagbilin ko na bibigyan na
ng mabuting tulugan…
Putin: Salamat po, among.
Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming pawalan,
lahat ang mga bilanggo,kaawa-awa naman sila.
Putin: Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador… a Manila, cogemeros el tren
la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los
ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare).

IKAPITONG TAGPO

(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)

Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag
pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa
ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga
ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).
Putin: Inggo ko!
Tenyong: Tatang!
Julia: Kaawa-awa naman!
Tenyong: Mahabaging Langit!
Musika
Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian,
lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag namatay ka, oh, ama
kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng
prayle isa sa kikitil.
Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw po'y ititihaya ko nang hindi mangalay…
Inggo: Huwag na… anak ko… hindi na maari… luray luray na ang katawan… Tayo'y
maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin… Juana-Julia… kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa
kanila… Ang kaluluwa ko'y inihain ko na ka'y Bathala.
Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako'y inyong patawarin…
Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano't inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito
lamang ang pasok ng kantang "Ang dalawang braso'y…)
Musika No.2
Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian,
lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong
ibig, asahan mo po't igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle,
isa sa kikitil.
Julia: Taya ang loob ko at binabanta-banta mga taong iya'y tadtarin man yata lahat
ng niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.
(Mga Babae at Lalaki)
Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig magpahirap.
Tenyong: Oo't di matingnan puso ko'y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong
hunghang…ang awa'y nilimot sa kalupitan…
Lalaki't Babae: Wari mukha nang bangkay…
Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo't
naghihingalo… Tatang, tatang…
Putin: Inggo ko…Inggo…
Tenyong: Patay na!
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli

IKAWALONG TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
Salitain
Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong
katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay,
Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko'y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).
Tenyong: Langit na mataas!
(Papasok lahat)

IKASIYAM NA TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya'y si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
Isa: Ako'y mayroong iniingatan.
Isa pa: Ako ma'y mayroon din.
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Isa: Nalalaman mo bang sila'y mangasisilulan?
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw
nila sa Heneral na tayo'y pagbabarilin na.
Isa: Mga tampalasan.
Isa pa: Walang patawad!
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).
Julia: Tenyong, Tenyong!
Tenyong: Julia!
Julia: Diyata't matitiis, na Ina'y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong
sa kaniya'y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay
walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa't sa sarili mong loob, di ba si Inang ay
kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa
bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?
Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking
kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang
umalis!
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia,
tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang
anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko'y
tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: "Mga
anak ko," anya, "ngayo'y kapanahunang ako'y ibangon na ninyo sa pagkalugami.
Oras na, Julia ko, ng paglaot sa matibay na tanikalang mahigit sa tatlong daang taong
sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagimlagim na
kaalipin.
Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang
garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang
larawang ito'y aking isasabit sa tapat ng puso'y huwag iwawaglit at sa mga digma,
kung siya'y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko'y
masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo'y aking huhugasan
ng masaganang luhang sa mata'y nunukal.
Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Julia: Puso ko'y dinadalaw ng malaking hapis.
Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.
Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Tenyong: Ang ulap Julia ko'y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.
Julia: Tenyong na poon ko'y kahimanawari. Magliwayway uli't dilim ay mapawi.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako'y tutupad lang ng aking panata sa
pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko'y aking
itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa
mga sakuna, ikaw'y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
Julia: Ako'y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di
ikamatay.
Tenyong: Juliang aking sinta!
Julia: Oh, Tenyong ng buhay!
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).
Julia: (Biglang lilingon Te…! Yumao na! (papasok)

IKASAMPUNG TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang
sigawan sa
loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
Sa loob.
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo't oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko - Perdon!
Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin
na sasama sa tren).
ALAMAT NG PAPAYA
Sa isang malayo at liblib na bayan ay may isang Dyosa na naninirahan sa
Bundok ng Luntiang Talulot. Siya ay napakaganda, balingkinitan ang katawan, mahaba at
maitim ang buhok, mapula ang mga labi at may napakagandang kutis. Siya ay
nagngangalang Payan. Malaya siyang nakikisalamuha sa mga normal na nilalang ngunit
lingid sa kaalaman ng nakakarami ay isa siyang Diyosa.

Isang araw, may isang mayamang lalaki ang napadpad sa bundok kung saan
naninirahan si Payan. Siya ay si Panyong may matipunong pangangatawan at makisig
ang itsura. Naligaw siya sa kanyang pangangaso at di alam ang daan pabalik ng bayan.
Napansin agad siya ni Payan at nabighani sa unang tingin.
"Ginoo, anong iyong ginagawasa lugar na ito?", tanong ni Payan.

"ako ay naligaw mula sa aking pangangaso," sagot ng binata.

"Maari mo ba akong samahan sa daan palabas sa kagubatang ito?", paki-usap ng


binata.

"Oo, sige sasamahan kita," tugon naman ng dalaga.

Sa kanilang paglalakad ay di maiwasan ang sila ay magkatinginan at napansin


agad ng binata na lagingnakatingin sa kanya ang dalaga. Matagal din ang oras na lumipas
at narating din nila ang bayan. Doon ay naghahanap na ang lahat sa binata lalo na si
Maria, ang anak ng Gobernador na namumuno sa bayan.

Dahil sa labis na saya ng binata, ay hindi na siya nakapagpasalamat kay Payan at


bigla na lang ito nawala sa kaniyang paningin. Hindi alam ni Payan na ikakasal na si
Panyong kay Maria.

Isang araw ay may lumabas na balita na labis niyang ikinagulat at ikinasama ng


loob ng dyosang si Payan. Ikakasal na si Panyong sa susunod na araw.

Bago ang araw ng kasal ay naalala ni Panyong na magpasalamat kay Payan sa


pagtulong sa kaniya. Pumunta siya sa bundok na tinitirhan nito at lugar kung saan sila
unang nagkita ngunit nabigo siyang matagpuan ang dalagang hinahanap. Sa halip tanging
naririnig niya ay ang malungkot na tinig na umiiyak. Labis niya itong ikinatakot at
umuwi na lamang sa bayan.

Mabili na lumipas ang arwa at wala na siyang balita tungkol sa dalagang


naninirahan sa bundok kahit ang mga taga-bayan ay nagtaka sa biglang pagkawala ni
Payan.

Isang araw habang nangangaso si Panyong sa kagubatan, ay may napansin siyang


kakaibang puno sa lugar kung saan sila nagkita ni Payan. Pinitas niya ang bunga nito at
biglang tumulo ang katas nito na parang lumuluha. Mula noon ay tinawag niya itong
PAPAYA at nakilala ito mula sa araw na iyon.
Hydra ang Diyosa ng Karagatan (Mitolohiya)
May isang nayon na malapit sa dagat na kung saan ay masaganang naninirahan ang mga
mamamayan dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila nang dyosa ng karagatan na nag-ngangalang
Hydra. Maayos rin na pinamumunuan ng dyosa na si Hydra ang buong karagatan ipinanatili niyang
maayos at malinis ang kanyang kaharian. Pinapalago nya ang mga lamang dagat at sinisiguro niyang
may sapat na pagkukunan ang mga mangingisda para sa kanilang ikabubuhay.Kasangga ng dyosa
ang kanyang nag-iisang anak at tagapagmana na si Zalle.

Sa mahabang panahon ay mapayapang namumuhay ang mga taga-lupa at mga nilalang sa


karagatan dahil na rin sa respeto na ipinamalas nila sa isa’t-isa. Batid din ng mga tao na mahigpit na
ipinagbabawal ng dyosa ng karagatan ang sino man na tumuntong sa isang bahagi sa silangan na
kung saan may iba’t-ibang uri ng isda. Ngunit hindi nila alam kung anong dahilan nito dahil wala
pang tao na nakakapunta sa isla na ito. Hindi nila alam na ito ay may malawak na lawa sa gitna na
pinalilibutan ng mahabang bulubundukin na malulusog.Sa banal na lawangito nag titipon-tipon ang
mgalamangdagatupang mag parami, kaya ito ginagawang sagrado ni Hydra at tinatawag itong Isla
Beiri.

Ngunit sa paglipas ng panahon sumaba yrin ang pagbabago ng sistema ng pamumuhay ng


mga tao.Maging ang kanilang disiplina ay nagbago na din.Karamihan sa mga mangingisda ay hindi
na kuntento sa kanilang nakukuhang mga lamang dagat, at dahil sa pagiging makasarili nila nilabag
nila ang patakaran ng dyosa at nanguha sila ng lamang dagat na higit pa sa pinapayagan ng dyosa ng
karagatan.Dahil sa kagustuhan nila na mag karoon ng maraming pera napagdisisyunan ng grupo ni
Evan, isa sa mga mangingisda, at mga sakim na tao na pumalaot patungo sa Isla Beiri.Habang
papunta sila sa Isla Beiri namangha sila sa malinis at magandang tubig na kinalalagyan nila
ngayon.Mas lalong nabighani ang gruponi Evan pagkatapak palang nila sa Isla Beiri.Kitang-kita nila
ang buhangin na pinong-pino at kulay puti.Bago man sila makarating sa lawang nasabi marami muna
silang pinagdaanan.Sa pagtawid nila sa bulubundukin ,nagalak ang mga ito sa gubat na may
malulusog na bunga at ang mga kakaibang insekto at hayop ang kanilang natuklasan.Bago sila maka
dako sa nasabing lawa na ipinagbabawal ng dyosa may tinahak silang mahabang kweba at napangiti
ang mga ito dahil sa nakitang mga krystal na halos napapalibutan na ito sa buong kweba.Nang maka-
labas sila sa kweba naantig sila sa lawang nasabi, mas malinis at malinaw ito kesa sa nakita nilang
tubig bago makarating dito, talagang nakikita ang pagkilos ng iba’t-ibang uri ng isda sa lawang
iyon.Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang grupo nila Evan sabay-sabay nilang inilabas ang mga
dinamita nilang dala upang mapabilis ang kanilang paghuli ng mga lamang dagat. Hindi nila alam na
nakamasid si Zalle, anak ng dyosang si Hydra, si Zalle ang nangangalaga sa Isla Beiri na
ipinagkatiwala sa kanya ng Ina. Agad itong pumaroon sa kanyang ina at sinabi ang mga nakita. At
dahil sa sinabi ni Zalle nagalit si Hydra at pinatawag ang mga alagad niyang mga sireno at sirena at
pumunta kung saan nandoon ang grupo nila Evan. Nagulat ang grupo nila Evan dahil hindi nila ito
inaasahan. Napaatras sila at nangatog dahil sa hindi nila inaasahan, nang biglang magsalita ang
dyosa,”Dahil sa pagsuway nyo sa patakaran ko na panghihimasok sa lawang ito at ang paggamit ng
dinamita kayo ay parurusahan ko.Simula ngayo nhindi na ako mag bibigay pa ng sapat na lamang
dagat, kung ano nalang ang natitira sa inyong isla na lamang dagat ay inyong pararamihin

Habang tumatagal ay nawawalan nang mga isda sa dagat. Sa kadahilanang pagsuway ng mga
mangingisda sa patakaran ng diyosa ay napatawan sila ng parusa at ito na nga ang kinakatakutan nila
ang pagbibigay ng sapat na huli para sa kanilang pamilya. Makalipas ang isang buwan tuluyan nang
nawala ang mga sa isda sa dagat, umabot sa puntong wala nang makain ang mga pamilya ng mga
mangingisda, gutom na gutom na sila at nagkakasakit, kinakain na lamang nila ay ang mga tira-tirang
isda sa karagatan na hindi karaniwang kinakain ng mga tao.

Hindi na kaya ng mga tao ang walang mga isda kaya lahat ng tayo ay nagtipon at nag-usap
para humingi ng kapatawaran sa dyosa, gumawa sila ng isang ritwal para sa pagbibigay tawad sa mga
dyosa, dahil sa ginawa nila ay nagpakita ang diyosa sa dalawang batang tiga isla at sinabihan sila na
sa pinapatawad na sila ng diyosa at ang dalawang bata ay agad agad itong tumakbo sa kanilang mga
magulang at sinabi nila ang sinabi sa kanila ng diyosa ito ay agad ibinalita sa buong isla.

Makalipas ang mga araw ay unti-unting nagkakaisda sa kanilang isla at ito ay ikinatuwa ng
mga mangingisda at mga tiga isla, muling nagpasalamat ang buong tiga isla at lagi na silang
gumagawa ng isang ritwal ng pasasalamat para sa diyosa, at nagpapasalamat sila sa pagbigay ng
pangalawang pagkakataon na binigay ng diyosa.
Ako si Cherry Lyn Nasibog Gacias, ipinanganak nooong Agosto
01, 1999 sa Cotabato City. Ang pangalan ng aking ama ay si Roque
Borsigue Gacias at ang pangalan naman ng aking ina ay si Perla
Timon Nasibog Gacias. Tatlo kaming magkakapatid, ang pangalan
ng aming panganay ay si Ruel Nasibog Gacias at si Cherry Ann
Nasibog Gacias naman ang aking kambal. Ako ay nagtapos ng
elementarya sa Notre Dame Village Elementary School at ng
Sekondarya sa Notre Dame National High School at ngayon,
kasalukluyan ay sa Cotabato City Polytecnic Sate College, kursong
Bachelor Secondary Education.

Noong ako'y nagsimula na sa aking pag-aaral, maraming


mga pagsubok ang dumating sa akin. Dito na nagsimula ang
aking pagiisip sa mga bagay na pwedeng maging solusyon sa mga
ito. Ito ang isa sa naging instrumento ko upang ako'y lumaking
maging mabuti at maparaang tao. Ang aking pinagdaanan at
naging karanasan sa sekondaryang paaralan (high school) ay isa
sa maituturing kong pinakamahalaga sa lahat, sapagkat ito ay
ang mga taong naranasan ko ang tunay na kahulugan ng
kasiyahan kung saan ako'y nakatanggap ng mga karangalan
noong araw ng "recognition" at iba pang araw ng pagpapangaral
sa mga estudyante. At sa bagay ding ito naransan ko ang
kalungkutan sa mga bagay na tulad ng pag-ibig sa iyong kapwa
dahil sa labis mong pag-aalala sa kanila. Ngunit, ito lang talaga
ang hinding-hindi ko makakalimutan, ang makapagtapos ng
pag-aaral para sa aking mga magulang at sa aking pamiya.

Sa pangkalahatan ng aking mga naging parangal sa buhay,


masasabi kong ito ang naging produkto ng aking paghihirap sa
aking pag-aaral. Ito ang nagsilbing inspirasyon ko upang ako'y
gumawa ng mga bagay na nagbibigay sa akin ng mga kasiyahan
at pagbibigay parangal sa aking mga magulang at kamag-anak.

Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang


matutunan. Ito ang magbibigay sa akin upang makamit ko ang
aking mga pangarap para ako'y maging matagumpay, hindi lang
sa aking sarili, kundi rin sa aking kapwa.
Si Paruparo At Si Langgam

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa


paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.

“Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di


ka man lang magpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?”

“Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na
pagkain bago dumating ang tag-ulan.”

“Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig,” pagmamalaki ni Paruparo.

“Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam.

“Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?” inginuso niya ang


nasa di kalayuan.

“Sino?’ tanong ni Langgam.

“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan
niya ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,”
pagyayabang ni Paruparo.

“A, ganoon ba?” sabi ni Langgam.

“Utak lang, O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi ni
Paruparo.

“Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,”
mababa subalit madiin ang tinig ni Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking
gawain.” Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.

Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May
kasama pang bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring
matagpuang pagkain.

Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga
ilog at dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa
rin ang pagbuhos ng ulan.

Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno.
Namamahinga. Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin
ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?

Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa.


Mayamaya’y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.

Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa


kanyang sarili: “Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.”
Isang Milyong Pag-Ibig
Kabanata 1
Pahina 1/9 ♥ Inilathala ni Martha † March 3rd, 2009

NI sa hinagap ay hindi sumagi sa isip ni Emmalyn na daranas siya ng kapaitan sa pag-


ibig at mapapadpad siya sa lungsod ng Quezon.

Dati’y mapayapa at maligaya ang buhay ni Emmalyn sa kanilang lalawigan ng Antique.


Sa baryo Bugasong sila nakatira. Kapwa may trabaho ang kanyang ama’t ina. Pati ang kanyang
panganay na kapatid na lalaki ay may hanapbuhay. Nasa first year college si Emmalyn at nasa
fifth grade ng elementarya naman ang bunsong kapatid niyang babae. Sa simbahan nakilala ni
Emmalyn si Rogel Vernardo, isang traveling salesman. Mabait, masipag at maalalahanin si
Rogel. Nag-ibigan at nagmahalan sila. Hindi tutol ang mga magulang ni Emmalyn nang
magtapat siia na sila’y magnobyo na. Kahit ang elder brother niyang si Erick at ang bunso nilang
si Lizette ay boto sa kanilang magiging bayaw. Taga-Maynila si Rogel pero Sta. Rosa, Laguna
ang pinagmulan ng kanyang mga magulang. Nagkasundo sina Emmalyn at Rogel na tatapusin
muna ng dalaga ang kanyang pag-aaral bago sila magpapakasal.

Nguni’t ang pinakaaasam na kaligayahan ay nauwi sa kapaitan nang masawi si Rogel sa


isang vehicular accident. Isang lasing na driver ng trak ng graba ang bumangga sa
minamanehong kotse ni Rogel na noo’y magde-deliver ng mga gamot sa karatig na bayan.
Kasama ang kanyang ama’t panganay na kapatid, inihatid ni Emmalyn ang bangkay ng kanyang
mahal sa mga magulang niyon. Nakipaglamay at nakipagsiyam sila. Nang mailibing na si Rogel
ay saka umuwi ang ama at kapatid ni Emmalyn. Sadyang nagpaiwan ang dalaga. Araw-araw ay
dinadalaw niya ang libingan ni Rogel at inaalayan ng mga sariwang bulaklak.

Isang kapatid ni Rogel ang nagpasok kay Emmalyn sa isang hamburger house bilang
waitress. Ang mga bagong kapaligiran at mga bagong kaibigan ay nakatulong kay Emmalyn
upang makalimot kahit bahagya sa naging mapait niyang karanasan.

“Sino ang mag-aakalang ang kaligayahan namin ni Rogel ay biglang mapuputol at


magwawakas sa kapaitan?” bulong ni Emmalyn sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang
hapis na mukha sa harap ng isang salamin. “Sa baryo Bugasong ako ipinanganak at akala ko’y
doon na rin ako mamamatay. Pero ngayon ay naririto ako sa Quezon City. Napakalayo sa piling
ng aking mga magulang at mga kapatid. Dito nakalibing ang kauna-unahang lalaking minahal
ko. Dito na rin ako mamamatay?”

“Bakit ba nangangayayat ka?” tinig na nagmula sa likuran ni Emmalyn. Nang lingunin ng


dalaga ay ang bestfriend pala niyang si Betty. Si Betty ang kauna-unahang kasamahan niya sa
trabaho na naging malapit sa kanya.

“Talagang nagdidiyeta ako.” pagsisinungaling ni Emmalyn.

“Nagpapa-slim ka. Bakit, sasali ka ba sa beauty contest?” biro pa ng matalik na kaibigan.

Puwede ba ako?”

“Aba, oo. Maganda ka. At tamang-tama ang height mong five seven. Slim ka pa… so
pam-beauty contest ka talaga!”

Kinurot ni Emmalyn si Betty. Nagkatawanan sila.

“Hoy, baka may iniinom kang tableta na pampapayat, tigilan mo ‘yon!” serious ang
mukha ni Betty. “Iyan ang ikinamatay ni Karen Carpenter. Napakasama ng side effects ng mga
reducing pills baka hindi mo alam.”

“Hindi… Hindi ako umiinom ng anumang pildoras na pampapayat. Basta hindi na lang
ako kumakain ng almusal o tanghalian kung minsan.”
“Masama din ang nagpapalipas ng gutom. Baka magka-ulcer ka?”

“Umiinom naman ako ng kahit juice lang.”

“Napapansin ko rin na palagi kang malungkot. Kapag ganitong nagpapahinga tayo ay


laging sa malayo ka nakatanaw. Para bang napakalalim ng iniisip mo.”

Hindi kumibo si Emmalyn. Napatingin lang sa kaibigan at pilit na ngumiti.

“Ang kailangan mo ay boyfriend!” nakangiti si Betty. “Tama, kailangang magka-nobyo


ka para malibang ka.”

“Makapagdaragdag lang ng problema ko ‘yan…”

“May ipakikilala ako sa iyo, kaibigan ko at kapitbahay namin. Matangkad siya. Six
footer. Guwapo! Macho pa, matalino at mabait. Kung gusto mo, iba-blind date kita sa kanya.”

“Salamat, Betty, pero… at saka na lang.”

“Anytime na gusto mong ma-meet si Rando, huwag kang mahiya, sabihin mo lang sa
akin.”

“Betty, me tawag ka sa phone” gambala ng isa pang waitress sa pag-uusap ng


magkaibigan.

“Excuse me Emy!” nagmamadaling lumabas si Betty.

Nang wala na sa silid pahingahan ang kaibigan ay muling pinagmasdan ni Emmalyn ang
kanyang mukha sa harap ng salamin.

“Malaki na nga ang inihulog ng katawan ko!” anas ni Emmalyn habang hinahaplos ang
kanyang mukha. “Malaki ang ipinayat ko mula nang mawala si Rogel.”

Sa tuwing mababanggit ni Emmalyn.ang pangalan ni Rogel ay hindi niya maiwasang


hindi maalala ang masasayang araw nila ng binata. At ang mga luha ay hindi niya nakakayanang
supilin sa pagbalong.

“Bakit kinuha siya ng Diyos sa akin? Ganoon ba talaga Siya? Malupit? Akala ko ba’y
Diyos siya ng Awa at Pag-ibig?” umaagos ang luha sa magkabilang pisngi ay bulong ni
Emmalyn.

Sinisisi ni Emmalyn ang Diyos. Akala niya na ginusto ng Diyos na dumanas siya ng
kapaitan. Wala kasi siyang alam sa matalinghagang takbo ng buhay. Hindi niya alam ang tunay
na kahulugan ng karma. Na ang karma niya ay siya rin ang may likha. Na kaya siya dumaranas
ngayon ng kapaitan sa pag-ibig ay sapagka’t may tao o mga taong dinulutan niya ng kapaitan sa
pag-ibig noong nakaraang lifetime niya. Ang batas kasi ng ating buhay ay kung ano ang itinanim
mo ay siya mo ring aanihin.

“Dapat ay maluwang sa kalooban mong tanggapin ang nangyari sa buhay mo ngayon.”


payo pa nga ng ina ng yumao niyang kasintahan. “Lalaya ang puso mo sa dalamhati at may
kaligayahan na darating sa iyo kapag tinanggap mo nang maluwag sa kalooban mo ang lahat ng
nangyayari sa iyo. Naging masakit din sa amin ang biglang pagyao ni Rogel pero nauunawaan
naming ang sinapit niya ay KARMA niya. Hindi ginusto ng Diyos kundi ginusto niya. Life is
what we make it. We create our own destinies.”

Kahit noon ay hindi naunawaan ni Emmalyn ang mga ipinaliwanag ng ina ni Rogel.
Ngayong mag-isa siyang nagdurusa at nangungulila ay lalong hindi niya nauunawaan ang mga
paliwanag na iyon.
Umaga, araw ng Linggo, walang pasok sina Emmalyn at Betty. Mabilis na nanaog si
Emmalyn nang makitang nakatayo si Betty sa tabi ng isang nakaparadang taxi. Isang maleta ang
bitbit ng dalaga.

“Nasaan ang iba mo pang gamit?” nakangiting tanong ni Betty.

“Wala akong gamit kundi ang mga damit at sapatos lang na nasa loob ng maletang ito.”

“Munting mesa, isang silya o bentilador… wala ka?”

“Wala. Damit lang ang dala ko mula sa aming probinsiya. Tatlong buwan na ako rito sa
Quezon City pero ito pa lang din ang mga gamit ko.”

Ang tsuper ng taxi ang naglagay ng maleta ni Emmalyn sa baggage compartment sa


likuran. Pagkasakay ng dalawang dalaga ay umusad nang papaalis ang sasakyan.

“Mamagtiya kaming nakatira sa bahay na iyon kaya maluwag na maluwag para sa ating
tatlo” wika ni Betty na ang tinutukoy ay ang lilipatang tirahan ng dalaga. “Magiging masaya ka
roon! Hindi tulad diyan sa inuupahan mong kuwarto, nag-iisa ka. Aba, talagang malulungkot ka.
Baka maloka ka pa kung palagi kang mag-iisip at mahahabag sa sarili mo.”

Ngumiti lang sa kaibigan si Emmalyn.

“Makakalimutan mo na ang malungkot mong nakaraan. Lalo na kapag nakilala mo si


Rando.”

Ngumiti uli si Emmalyn pero hindi siya interesado kay Rando. Ang alam niya ay hindi na
siya iibig pang muli. Si Rogel ang una at huli niyang pag-ibig. Nang mamatay si Rogel ay halos
mamatay din siya sa dalamhati. At nang ilibing ang kanyang kasintahan ay kasama ring nalibing
ang kanyang puso. Basta kahit ano ang mangyari, hinding-hindi na siya titingin sa ibang lalaki.
Wala na siyang puso. Wala na siyang pag-ibig. Ganito ang laging nakatiim sa utak ni Emmalyn.

MAGANDA at malaki nga ang bahay ng tiya ni Betty. Isang biyuda at pensiyonada si
Aling Azon. Sundalo sa U.S. marine ang kanong dating asawa nito. Namatay nang magkaroon
ng digmaan sa Iraq. Walang anak, si Betty na kaisa-isang pamangkin ang itinuring na parang
anak niya.

“Namatay ang kapatid ko, ina ni Betty pagkaraan lamang ng dalawang linggo matapos
magluwal.” malungkot na pagkukuwento pa ni Aling Azon kay Emmalyn.”Ayon sa mga doktor,
nagkaroon daw ng kumplikasyon sa puso dahil sa panganganak. Kaisa-isa kong kapatid ang ina
ni Betty. Napakatipid naming magpamilya, ano?”

“Kaya ikaw Betty, kapag nag-asawa ka, damihan n’yo ang panganganak. Mas marami ay
mas masaya raw.”

“Tama ka. The more, the merrier!” sang-ayon ng tiya ni Betty.

“Ako ang nag-aruga at nagpalaki diyan kay Betty.” patuloy pa ni Aling Azon. “Nung
maliit pa ‘yan, Mama ang tawag sa akin.”

“Masuwerte si Betty at nagkaroon ng isang mabait at mapagmahal na tiya.”

“Ay, talaga!” wika ni Betty na niyakap pa ang kanyang ale.

“Teka, eh bakit ho ngayon ay Tita na lang ang tawag sa inyo ni Betty?”

“Nangyari iyon nang makitira dito ang isa kong malayong kamag-anak. Tita ang tawag sa
akin niyon at napagaya itong si Betty. Ang lokang ‘yon… hindi na nga pala nakaalalang
dumalaw dito. Umasenso na kasi mula nang makapag-asawa ng maykaya.”

“Nalulungkot ako dahil hindi nga matutuloy ang lakad natin bukas. Sayang.”
“May ibang a’raw pa naman, Iho!” sabat ni Aling Azon na papasok sa sala.

Nakangiti, nagkatinginan sina Emmalyn, Betty at Rando.

“O, ano? Nagustuhan n’yo ba ang bineyk kong chiffon cake?”

“Napakasarap ho.” taos sa pusong puri ni Emmalyn.

“Totoo, Tita! Napakasarap talaga!” bigay-todo ang ngiti ni Rando.

“Natutuhan ni Tita Azon ang pagbe-bake at pagluluto sa kanyang nasirang asawa.”

“Tama. Kaya nga hindi ko talaga siya makakalimutan habang ako’y nabubuhay.”

“Ang sarap n’yo palang magmahal. Tita Azon!” napalatak na wika ni Rando “Sana’y
makatagpo ako ng isang babaing katulad ninyo.” Lingid sa tatlo, naglayag sa rurok ng mga
gumguni ang diwa ni Emmalyn.

“Hindi na ako makakatagpo ng bagong pag-ibig. Wala nang kapalit si Rogel. Minsan
lang kung ako’y magmahal.”

Itutuloy….

Kabanata 2
Pahina 1/8 ♥ Inilathala ni Martha † March 4th, 2009

“OFF ko pala ngayon ay bakit hindi agad sinabi sa akin kahapon?” naiinis si Emmalyn.
Kausap si Betty. “Sayang ang ipinamasahe ko.”

“Ay, naku, Emmy… magpasensiya ka na lang. Either may pagkauliyanin na ang ating
personnel manager o —”

“Nananadyang mang-asar ng kapwa!” patlang ni Emmalyn na nagkukukot ang kalooban.

“Kung nasabi agad sa ‘yo kahapon, nakasama ka sana kay Rando. Alam mo, napakasarap
na kasama ang taong iyon. Napakagalante. Hindi siya mapagsamantala. Ligtas ka.”

“Inuulit ko, Betty.Hindi ako sumasama sa kahit sinong lalaki hanggang hindi ko siya
lubos na nakikilala.” Napangiti at napakibit-balikat lang si Betty.

Isinara ni Emmalyn ang kanyang shoulder bag matapos ayusin ang mga laman niyon.

“Paano, mauuna na akong umuwi?”

“Sige, magkita na lamang tayo sa bahay.”

Papalabas na ng pinto ng silid-pahingahan ng mga empleyada ng burger house si


Emmalyn nang pigilan ni Betty sa kamay.

“Hoy! Mag-iingat ka. Huwag kang sasakay ng jeepney kung pulos lalaki ang mga sakay
o iilan lang ang laman. Alam mo na kung gaano kadelikado ang panahon ngayon.”

“Sila ang mag-ingat sa akin!” nagbibiro si Emmalyn. “Lagi akong may baong tear gas at
saka magaling akong mangarate.”

“Pag tinutukan ka ng patalim o baril o dili kaya’y pinagtulungan ka ng tatlo o limang


lalaki, may magagawa ka ba?”
“Huwag kang mag-alala. Iiwas ako sa disgrasya. Isa pa’y umaga pa lang…sa gabi
umaatake ang mga sira ulo.”

“Emmy! Hindi namimili ng oras ang kapahamakan. Anumang oras, ke gabi… ke araw,
sumasalakay ang mga halang ang kaluluwa!”

“Huwag ka nang mag-worry. I’ll be all right.”

“Sige, marami nang customers. See you.”

“See you!”

Paglabas na paglabas ni Emmalyn sa maluwang na kainan kung saan ay napakarami na


ang mga nagsisikain ay biglang napahinto siya sa paghakbang. Isang guwapong lalaki na
kasintaas din ni Rando ang agad ay ngumiti pagkakita sa kanya.

“Kilala ko ba siya? Bakit ganoon siya kung makatingin? Bakit ganoon katamis ang
kanyang ngiti?” sunud-sunod na tanong ng isip ni Emmalyn.

Nagkunwari ang dalagang hindi iyon napansin. Tuluy-tuloy na lumakad patungo sa


pintong labasan. Hindi niya sinusulyapan man lamang ang guwapong lalaki. Medyo habaan ang
mukha niyon. Unat ang mahabang buhok na gumagapang sa gawing batok. May mga dimples
iyon sa magkabilang pisngi nang siya’y ngitian.

Nasa labas na ng pinto ng restorang pinagtratrabahuhan si Emmalyn nang hindi niya


natiis na hindi lumingon sa lalaking nakaupo sa isang mega at may iniinom na kape o juice.

Sumasal ang kaba ng dibdib ni Emmalyn nang makitang nakalingon din sa kanya ang
lalaki at nakangiti pa rin.

“Diyos ko, sino ba siya?” paanas ay sarili ang tinatanong ng dalaga. “Bakit ganoon siya
kung tumingin at ngumiti sa akin? Parang dati na kaming magkakuala.”

Kahit anong piga ang gawin ni Emmalyn para maalala kung saan niya nakita o na-meet
ang lalaki ay wala talaga siyang maisip. Wala talaga siyang matandaan.

“Hindi ko siya kilala!”mariinng ngunit pabulong na wika ni Emmalyn.

Malayo na ang nalalakad ni Emmalyn ay palingun-lingon pa rin siya sa burger house na


pinagtratrabahuhan niya.

“Ang guwapo niya! Mas guwapo pa kay Rando. Kung pamimiliin ako sa dalawa, ang
lalaking iyon na hindi ko kilala ang pipiliin ko. Ang tipo niya ay para bang matured na. Seryoso
na sa buhay.” patuloy sa pagsasalita nang nag-iisa si Emmalyn.

“At saan po kayo pupunta?” pinalaking tinig ng isang lalaki ang gumulat kay Emmalyn.

“Rando!” gulat na sambit ng dalaga nang makita ang nakangising binata sa kanyang harapan.

“Ang lalim nang iniisip mo! Bubulung-bulong ka pa. Malayo pa ako ay kita na kita. Ikaw naman,
kasalubong mo na ako ay hindi mo pa rin ako napapansin. Bakit, sino bang mapalad na lalaki
ang iniisip mo?” Kinabahan si Emmalyn. Parang nahulaan ni Rando ang laman ng kanyang isip
“At ano po ang ginagawa n’yo rito?”

“Kakain sana ako sa burger house na pinapasukan n’yo ni Betty. At saka… kasi, gusto
kong makita ka.”

“Ikaw, pulos kalokohan! Sige, mauuna na ako sa ‘yo!”

“Teka! Saan ka pupunta? Akala ko ba’y me trabaho ka ngayon?”


“Off ko pala ngayon. Kanina lang sinabi sa akin.”

“Good!” tuwang-tuwa si Rando. “Matutuloy ang treat ko sa ‘yo! Saan mo gustong


kumain? Huwag doon sa burger house n’yo. I’m sure na sawang-sawa na kayo sa mga pagkaing
ipinagbibili n’yo roon.”

“Rando, gusto ko na kasing umuwi…”

“Emmalyn, pagbigyan mo naman ako. Tutal wala ka naman palang pasok.”At saka,
sayang ang pagkakataong ito.”

“Hindi naman ako nagugutom, eh. Sayang lang ang oorderin mong pagkain at ang pera
mo.”

“Kahit ba juice lang, eh, basta mailibre lang kita!” Hindi nakaimik si Emmalyn.
Napabuntung-hininga at napasulyap sa malayo.

“Sige na… Please?”

“Sandali lang tayo, ha?”

“Oo. Kahit thirty mmutes lang. Gusto kong magkausap tayo.”

“At ano naman ang pag-uusapan natin?”

“Marami. Tungkol sa iyo. Tungkol sa akin. Just to get to know each other better. Di ba
sabi mo, ayaw mong sumama kanino mang lalaki dahil hindi mo lubos na kilala?”

Sa isang class na restoran dinala ni Rando ang dalaga. Ang kotse ng binata ay ipinarada
sa isang car park. Noon lang nakakita ng paradahan ng mga kotse na nasa itaas ng gusali si
Emmalyn. At noon lang din siya nakapasok sa ganoong uri ng restoran.

Lubhang magalang at malilinis ang mga waiters. Piling-pili sila. Lahat ay may itsura. At
lahat ay naka-uniporme ng puting polo barong at pantalong itim. “Beatriz! Emmalyn! Ano’t
nagtatawanan pa kayo riyan? Magsipanaog na kayo riyan. Mag-aalmusal na tayo.” Tita Azon ni
Betty ang malakas na nagsasalita.

“Nariyan na kami, Tita!” pasigaw ding tugon ni Betty.

“Naku! Nakalimutan na naman nating tulungan sa paghahanda ng breakfast ang Tita mo!
pag-aalala ni Emmalyn. “Nakakahiya.”

“Tena. Bumaba na tayo.”

Magkahawak-kamay, nagmamadaling nanaog ang magkaibigan. Kapwa masigla at


masaya. Waring nakalimutan na ang anino ng pangamba na kangina lang ay gumiyagis sa kanila.

Itutuloy….

Kabanata 3
Pahina 1/10 ♥ Inilathala ni Martha † March 11th, 2009

PAGKATAPOS mag-agahan, nagpasiya ang magkaibigang Emmalyn at Betty na


magsabay sa pagpasok. Takot si Emmalyn na bumiyahe ng nag-iisa at gayon din si Betty.

“May magagawa ba tayo kung sakaling may humarang sa atin at may kumidnap sa atin?”
“May alam akong kaunti sa karate, baka akala mo…” pampalakas-loob na pagyayabang ni
Emmalyn. “Tagain mo ng gilid ng palad mo ang gulung-gulungan ng leeg ng sinumang gustong
gumawa sa iyo ng kawalanghiyaan. Kung malakas ka namang sumuntok o tumadyak ay dibdiban
mo. Pagkatapos sipain mo nang ubos tindi sa pagitan ng dalawang hita Makikita mo, pihong
magkikikisay pagbagsak sa lupa.”

“Buti ka pa may alam ka. Ako, ang tanging magagawa ko ay magsisigaw at umiyak.”

“Huwag kang mag-alala, Betty.. tuturuan kita.” Nagpaalam at humalik kay Tita Azon ang
dalawang dalaga bago lumabas ng bahay.

Kapwa nagulat ang magkaibigan nang paglabas na paglabas ng pinto ay datnan nilang
nakatayo sa labas si Rando na nakataas ang kanyang kamay at anyong kakatok.

“Ano’ng ginagawa mo rito, eh ke aga-aga?” si Betty.

“Para ihatid si Emmy.”

“Si Emmy? Ihahatid mo?”

“Papasok siya ngayong umaga, di ba?”

Sumimangot si Betty. “Sige, Emmy, mauuna na ‘ko sa inyong dalawa. At least may
escort ka na.”

Biglang pinigilan ni Emmalyn sa isang kamay si Betty para huwag makaalis. Inirapan si
Rando.

“Kung ako lang ang ihahatid mo sa burger house, di bale na lang!”

“Papasok din ba si Betty?” ligalig ang binata.

“Ano ba sa palagay mo?” nakairap pa rin si Emmalyn.

“Sorry! Hindi ko alam. Akala ko’y me pupuntahan siyang —”

“Kung hindi sa akin, hindi mo makikilala si Emmy!” nakairap din ay sumbat ni Betty sa
binata.

“Kahit ba hindi siya papasok ngayon, eh… nakita mong magkasabay kaming aalis, eh
sana nag-offer kang ihahatid mo rin siya!” dagdag pa ni Emmalyn.

“Sorry! Sorry talaga! Hindi ko naisip ‘yon kasi…walang ibang laman ang isip ko kundi
ikaw, Emmy!”

Inirapan pa rin ng dalawa si Rando.

‘Tena, ihahatid ko kayong dalawa. Betz, sorry talaga. Nawala sa isip ko. Ang totoo,
kangina nang sabay kayong lumabas ng pinto ay wala akong nakita kundi si Emmalyn lang.”

“Kumag ka! Nababaliw ka na talaga sa pag-ibig! Kaya bulag ka na!” nakangiti na si


Betty. Kinurot sa tagiliran si Rando.

“Aray!” pangiwing sigaw ni Rando.

Nagtawanan ang tatlo.

Papalayo na ang sasakyan ng tatlo ay tinatanaw pa rin ng lalaking nakita ni Emmalyn sa


burger house. Kangina pa pala nakatayo sa isang kubling dako na malapit sa gate ng tirahan nina
Emmalyn at Betty ang mahiwagang binata.

“Maayusan lamang siya at mabihisan ay puwedeng-puwede!” anas sa sarili ng lalaki


“Pihong sa burger house na ang tuloy nila.”
Nagpapara ng taxi ang lalaki at sumakay.

Samantala, pasulyap-sulyap si Rando kay Emmalyn habang nagmamaneho. Hindi ito


nalilingid sa magkaibigan.

“Rando, sa dinadaanan natin ang tingin. Baka tayo mabangga. Mahirap na” si Betty.

“Don’t you worry, Betz! Expert sa pagmamaneho ito. Kahit nakapiring ang mga mata ko
ay maihahatid ko kayo sa pinapasukan n’yo.”

“Yabang mo!” angil ni Betty.

Tumawa lang si Rando. Tipid na ngiti naman ang kay Emmalyn.

“Basta’t huwag kang lingun nang lingon kay Emmy! Look where you are going, pare!
Kapag naaksidente tayo, mahal ang bayad sa ospital. Kapag natepok ka naman, mahal din ang
funeral services.”

“Ang morbid mo naman! Bakit naman tungkol sa aksidente at patay ang sinasabi mo.
Think positive!”

“Papaano kung naroroon na naman ‘yong lalaking sinasabi ko sa iyo?” anas ni Emmalyn
kay Betty.

“Kung gusto mo, ipapadampot ko sa pulis!”

“Hey! Ano ba ang pinagbubulungan n’yo riyan? Isali n’yo naman ako.”

“Usapang babae lang ‘to, ‘no!” si Betty. Hindi na kumibo si Rando. Ngumiti na lamang.

“Sige, Rando. Maraming salamat.” nakangiting wika ni Emmalyn nang umibis na sila ni
Betty sa tapat ng burger house.

“Puwede bang makausap kita sandali?”

“Mamaya na lang pag uwi ko. Time na, eh. Marami pa akong aayusin sa loob. I hope
you’ll understand.”

“Okey!”

“Salamat uli.”

“Hoy, kumag! Thanks, ha!” si Betty.

“Walang anuman.”

“Sige, see you!”

“Betz! Anong oras ang labasan n’yo mamaya?” paanas na tanong ni Rando nang makitang
nauuna na sa pagpasok sa pinto ng burger house si Emmalyn.

“Eleven in the evening. Mabuti ngang sunduin mo si Emmy. May isang lalaking laging
sumusunod sa kanya. Natatatakot si Emmy. Baka raw siya kidnapin.”

“Ano?” nanlalaki ang mga mata ni Rando. “Papatayin ko siya!”

“Huwag kang pabigla-bigla. Makukulong ka kapag nakapatay ka. Basta protektahan mo lang si
Emmy. Kung me lalaking gagawa ng kawalanghiyaan, ano ba ang magagawa ng isang katulad ni
Emmy?”

“Dadalhin ko mamaya ang baril ko, pagsundo ko kay Emmy.” bulong ng isip ni Rando.
“Sige, Rando. Papasok na ‘ko. Huwag mong kalilimutan mamaya.”

“Maaga pa lang, naririto na ako.”

Napabuntunghininga si Rando nang nag-iisa na lamang. Labis na nag-aalala para sa kanyang


mahal.

“Handa akong pumatay alang-alang kay Emmy!” anas sa sarili ni Rando.

Lingid kay Rando ay kangina pa nakatitig sa kanya ang mahiwagang lalaki. Nakakunot ang noo
habang sinisipat siya ng tingin.

“Sino kaya ang lalaking iyon? Boyfriend kaya siya?” nagtatanong sa sarili ang mahiwagang
lalaki.

PASUKAN agad ang maraming customers na kangina pa nagsisipaghintay na magbukas ang


burger house. Naging abala agad ang mga babaing nakatoka sa pagkuha ng mga orders at pag-
asikaso sa mga nagsisipagbayad.

“Good morning! Ano po ang oorderin nila?” masaya at masiglang wika ni Emmalyn na natoka sa
kaha at pagkuha ng mga orders nang umagang iyon.

“Good morning!” anang malamig na tinig na lalaking-lalaki ang dating. “Ano ba ang masarap na
almusal?”

Hindi agad nakasagot si Emmalyn. Napapatda siya nang makitang ang lalaking laging
ngumingiti sa kanya ang kaharap.

“Ah, eh.Tapa, pritong itlog at sinangag. At saka mainit na tsokolate.” halos pautal na nasabi ng
dalaga.

“That sounds good. Sige, bigyan mo ‘ko niyang sinabi mo.”

Agad kinuha ni Emmalyn ang mga inorder ng lalaki at inilapag sa isang tray. Pagkuwa’y
nagsuma sa mismong kaha. Lumitaw sa monitor ang halagang dapat bayaran ng lalaki. Sinabi ni
Emmalyn ang halaga ng lahat ng mga inorder. Naglabas ng pera at nagbayad ang lalaki.

“Enjoy your breakfast, Sir” pilit ang ngiti ni Emmalyn.

“Gusto sana kitang makilala at maging kaibigan, Emmalyn.” napakatamis na ngiti ay wika ng
lalaki.

“Sir, papaano n’yong nalaman ang pangalan ko?”

“Itinanong ko sa mga kasamahan mo.” nakangiti pa rin ang lalaki. “Ako nga pala si Adrian.”

Habang kumakain ay panay ang sulyap ni Adrian kay Emmalyn na naiilang habang inaasikaso
ang nakapilang mga customers.

“Adnan pala ang pangalan niya. Bakit kaya nagpakilala siya sa akin? Ano kaya talaga ang
intensiyon niya?” mga tanong na nagsasalimbayan sa isip ni Emmalyn habang nagtratrabaho.

“Bakit?” nagtataka ang -tanong ni Betty kay Emmalyn nang pumasok sa silid-pahingahan.

“Masakit ang ulo ko. Parang binibiyak. Please, ikaw muna ang pumalit sa puwesto ko. Sinabi ko
na kay Miss Perez.”

“Pumayag ba si Miss Perez?” ang personnel manager nila ang tinutukoy ni Betty.

“Oo. Sige na, Please, Lumabas ka na. Maraming customers.”


“Nakainom ka na ba ng gamot?”

“Nakainom na ako.” pagsisinungaling ni Emmalyn.

Mabilis na lumabas si Betty.

Hindi naman totoong masakit ang ulo ni Emmalyn kaya hindi siya dapat uminom ng gamot.
Hindi lang niya matagalan ang mga titig at mga ngiti ni Adrian. Mga titig at mga ngiting lumilito
sa kanya.

“Ano ba ang gusto sa akin ng demonyong iyon?” yamot na tanong ni Emmalyn sa kanyang sanli.

Palakad-lakad sa loob ng silid-pahingahan si Emmalyn. Pabalik-balik. Hindi alam kung ano ang
gagawin. Naguguluhan.

Maya-maya’y pumasok ang isang kasamahan ni Emmalyn. May iniabot na sulat.

“Kanino galing?” kinakabahan si Emmalyn.

“Doon sa guwapo. Adrian daw ang pangalan niya.”

“Salamat.” lalong sumasal ang kaba ng dibdib ni Emmalyn.

Binuksan ng dalaga ang nakaluping papel. Maikli lamang ang nakasulat.

“Emmalyn,

Gusto ko sanang magkausap tayo bago ka umuwi mamayang gabi. Importante ang pag-uusapan
natin.

Your new friend,


Adrian”

Hindi malaman ni Emmalyn kung lalamukusin o titiklupin nang maayos ang sulat. Pagkuwa’y
ipinasiyang itago sa loob ng kanyang bag.

“Ano kaya ang pag-uusapan namin? Importante daw. Kinakabahan talaga ako. Baka
makikipagkaibigan. Paaamuin ako. Pagkatapos ay gagawan pala ako ng masama.” ang lahat ng
ito’y nasa isip lamang ni Emmalyn.

Hindi mapalagay, sinilip ni Emmalyn mula sa kanyang pinagkukublihan si Adrian.

“Wala. Umalis na.” anas ng dalaga sa sarili.

Parang nawawala sa sarili tinungo ni Emmalyn ang maluwang na bulwagang kainan ng mga
customers. Naghanap ang kanyang mga mata. Tiniyak na wala na nga si Adrian.

“Nawala na ang sakit ng ulo ko, Betty. Ako na uli ang pupuwesto diyan.” nilapitan ni Emmalyn
ang kaibigan. “Sige, magpahinga ka na muna.”

Ngumiti lang si Betty at iniwan na ang kaibigan sa harap ng kaha.

ALAS ONSE na ng gabi. Off na nina Emmalyn at Betty. Hindi magkandatuto sa pag-aayos sa
harap ng salamin si Emmalyn. Kanina pa siya napapansin ni Betty.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo?” pabuntung-hiningang tanong ni Betty.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” si Emmalyn.

“Emmy, huwag ka nang magmaang-maangan. Umaga pa lang bigla nang sumakit ang ulo mo.
Pagkaraan ng ilang minuto bigla ka na lang lumabas at kitang-kita kong may hinahanap ka.
Kaninang tanghali, for the first time ay nawalan ka ng ganang kumain. At ngayon namang
papauwi na tayo ay parang balisa ka.”

Hindi na nakapagkunwari si Emmalyn. Napasandal ito sa pagkakaupo. Bumuntunghininga.

“Natatakot ako, Betty.”

“Natatakot saan? Kanino? Baka nag-aalala ka kay Rando? Harmless si Rando. Susunduin tayo
ngayong gabi. Ayaw mo nun, may six footer tayong escort!”

“Hindi si Rando ang pinoproblema ko. Si Adrian.”

“Sinong Adrian?” tanong ni Betty na pinalaki pa ang mga mata.

“Iyong mahiwagang lalaking sinasabi ko sa iyo.”

“Iyong laging nakatitig at nakangiti sa iyo?”

“Iyon nga!”

“Papaano mong nalamang Adrian ang pangalan niya? Nagkausap na ba kayo?”

Binuksan ni Emmalyn ang kanyang bag at inilabas ang isang sulat. Iniabot kay Betty.

“May importante raw kayong pag-uusapan!” matapos tunghayan ang sulat ay bulalas ni Betty.
“Ano kaya ang importanteng iyon?”

“Iyan ang hindi ko maisip kung ano.”

“Baka magtatapat na ng pag-ibig sa iyo?”

“Patitig-titig at pangiti-ngiti lang, magtatapat na ng pag-ibig?”

“Very unusual.”

“Totoo ang sinasabi mo, Betty. Hindi talaga pangkaraniwan. Imposibleng mangyari.”

Napatitig sa malayo si Emmalyn. Napahaplos sa leeg at dibdib ang isang kamay.

“Ayokong makipagkita at makipag-usap sa kanya. Bakit alas onse ng gabi ang pinili niyang oras
para mag-usap kami? Baka balak niyang gawan ako ng masama? Natatakot talaga ako, Betty.
Ano’ng gagawin ko?”

“Makipagkita ka. Dito na sa burgerhouse kayo mag-usap. Uupo kami ni Rando sa di-kalayuan.
Anumang masamang kilos na gawin niya ay magkakabukol agad siya.”

ALAS DIYES Y MEDYA pa lamang ay dumating na si Adrian. Excited na ang binata na makita
si Emmalyn. Halos kasabay niyang dumating si Rando. Nanatili ang binata sa dala nitong
sasakyan. Si Adrian naman tuluy-tuloy sa loob ng burger house. Kinausap ang isang waiter at
ipinasabi kay Emmalyn na naroroon na siya.

Umorder ng isang tasang kape si Adrian at naupo sa dati niyang inuupuan.

“Nariyan na siya!” nangangamba si Emmalyn. “Naririyan na raw si Adrian at gusto na akong


makausap.”

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 3


Pahina 8/10 ♥ Inilathala ni Martha † March 11th, 2009
“Sabay na tayong lumabas. Huwag kang matakot. Kung sakaling gawan ka ng masama, marami
ang magtatanggol sa iyo. Isa na ako.”

“Bakit ba ako matatakot sa kanya? Marunong yata ako ng kaunting karate. Oras na lumuku-luko
siya ay tiyak na wasak ang kanyang kinabukasan.”

“Sasabihan ko na agad si Rando na humanda na siya. Isang maling kilos lang ng Adrian na iyon,
lagot ang lahi niya!”

Napalunok si Emmalyn nang lumabas sa bulwagang kainan ng mga customers. Lalong sumasal
ang kaba ng dibdib ng dalaga nang magtama ang mga paningin nila ni Adrian. Agad nama’y
sumungaw ang matamis na ngiti sa maamong mukha ng binata. Ngiti na kapag nakita ng isang
umiibig ay makalangit ang madaramang damdamin.

Tuluy-tuloy sa labas si Betty Agad sumalubong sa kanya si Rando.

“Si Emmy?” tanong ni Rando.

“Naroroon pa. May kausap.”

“Sino’ng kausap?”

“Hindi ko kilala. Pero, halika. Maupo tayo malapit sa mesa nila. Makiramdam tayo.”

“Huwag ka nang maraming tanong. Basta sundin mo na lang ang lahat ng mga sasabihin ko.
Mauupo tayo roon at magkukunwari na hindi natin kilala si Emmy.”

“Anong drama ito?”

“Susundin mo ba ako o hindi?”

“Gusto ko sanang malaman kung ano ang dahilan at – ”

“Rando, at saka ko na lang ipaliliwanag ang lahat.kapag tapos nang mag-usap sina Emmy.”

Nagbalik sa loob ng burger house si Betty. Sumunod si Rando. Naupo sila sa harap ng isang
mesang di-kalayuan kina Emmalyn at Adrian. Umorder si Betty ng softdrinks. Hindi mapalagay
si Rando. Panay ang sulyap kina Emmalyn at Adrian.

“Huwag mo silang tingnan nang tingnan.” paanas na sansala ni Betty kay Rando.

“Diretsahan tayo, Adrian! Ano ba ang dahilan at gusto mo akong makausap?!”

“Iyan ang ugali mong gusto ko kaya ikaw ang pinili ko. Nagtanung-tanong ako dito sa mga
kasamahan mo at napag-alaman kong brutally frank ka. Kahit makasakit ka ng damdamin ng iba
ay balewala sa iyo as long as totoo ang sinasabi mo ”

Lalong namangha si Emmalyn. Matagal na pala siyang iniimbistigahan ni Adrian. Bakit?

“Ako ang napili mo? Para saan? Kung gagawin mo akong kandidata para sa Binibining Piiipinas,
wala akong hilig diyan.”

“May sense of humor ka rin na gusto ko sa isang babae.” hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni
Adrian.

Hindi alam ni Adrian na ang pagbibiro ni Emmalyn ay sinadya upang maalis ang kanyang takot.

“Well… ano ang importanteng pag-uusapan natin?”


“Ang sasabihin ko ay medyo mahirap sabihin, pero kailangang sabihin ko. Sa dinamidami ng
mga babaing inimbistigahan ko, lihim na sinubaybayan at inalam ang pagkatao ay ikaw ang
napili ko!”‘

“Napiling ano?” hindi halos makahinga si Emmalyn.

“Napiling PAKASALAN!”

“Pakakasalan mo ako?” muntik nang masamid ang dalaga.

“Oo, magpapakasal tayo, pero — ”

“Hindi mo alam ang tunay kong pagkatao!”

“Alam ko. Taga Bugasong, Antique ka. May kapatid kang lalaki na may trabaho na. May bunso
kang kapatid na babae na nag-aaral pa sa elementarya. Namatay ang nobyo mong si Rogel. Iyon
ang pinakamapait na dagok mo na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin malimot.”

Sumidhi ang pagtataka ni Emmalyn.

“Papaano mong nalaman ahg lahat ng iyan?”

“May mga paraan ako, Emmy. Pinakilos ko ang aking salapi. Kaya matapos kong mapatunayan
sa aking sarili na ikaw ay isang mabuting babae na hindi nakakahiyang iharap sa magulang ko at
saka ako nagpasiya. Ikaw ang napili kong pakasalan.”

“Hindi kita kilala. Hindi ako maaaring magpakasal sa isang lalaking hindi ko kilala.”

“Iyan ang ugali mong gusto ko kaya ikaw ang pinili ko. Nagtanung-tanong ako dito sa mga
kasamahan mo at napag-alaman kong brutally frank ka. Kahit makasakit ka ng damdamin ng iba
ay balewala sa iyo as long as totoo ang sinasabi mo ”

Lalong namangha si Emmalyn. Matagal na pala siyang iniimbistigahan ni Adrian. Bakit?

“Ako ang napili mo? Para saan? Kung gagawin mo akong kandidata para sa Binibining Piiipinas,
wala akong hilig diyan.”

“May sense of humor ka rin na gusto ko sa isang babae.” hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni
Adrian.

Hindi alam ni Adrian na ang pagbibiro ni Emmalyn ay sinadya upang maalis ang kanyang takot.

“Well… ano ang importanteng pag-uusapan natin?”

“Ang sasabihin ko ay medyo mahirap sabihin, pero kailangang sabihin ko. Sa dinamidami ng
mga babaing inimbistigahan ko, lihim na sinubaybayan at inalam ang pagkatao ay ikaw ang
napili ko!”‘

“Napiling ano?” hindi halos makahinga si Emmalyn.

“Napiling PAKASALAN!”

“Pakakasalan mo ako?” muntik nang masamid ang dalaga.

“Oo, magpapakasal tayo, pero — ”

“Hindi mo alam ang tunay kong pagkatao!”

“Alam ko. Taga Bugasong, Antique ka. May kapatid kang lalaki na may trabaho na. May bunso
kang kapatid na babae na nag-aaral pa sa elementarya. Namatay ang nobyo mong si Rogel. Iyon
ang pinakamapait na dagok mo na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin malimot.”
Sumidhi ang pagtataka ni Emmalyn.

“Papaano mong nalaman ahg lahat ng iyan?”

“May mga paraan ako, Emmy. Pinakilos ko ang aking salapi. Kaya matapos kong mapatunayan
sa aking sarili na ikaw ay isang mabuting babae na hindi nakakahiyang iharap sa magulang ko at
saka ako nagpasiya. Ikaw ang napili kong pakasalan.”

“Hindi kita kilala. Hindi ako maaaring magpakasal sa isang lalaking hindi ko kilala.”

“Makikilala mo ako, Emmy. Hindi naman tayo agad magpapakasal. Kikilalanin mo muna akong
mabuti at ikaw man ay aalamin ko pa rin ang tunay mong pagkatao. Kailangang magustuhan mo
ang ugali ko. Sa iyo naman ay wala na akong problema. Alam ko na ang ugali mo.”

“May isa pang importanteng bagay na dapat mong malaman…”

“Ano ‘yon? Sabihin mo.”

“Hindi ako maaaring magpakasal sa isang lalaki na hindi ko iniibig.”

“Hindi kasali ang pag-ibig sa gagawin nating pagpapakasal. Hindi mo ako iniibig at hindi rin kita
iniibig.”

Nasa kasukdulan na ang pagkamangha at pagtataka ni Emmalyn. Naiinis na sa kausap.

“Dalawang bagay lang ang naiisip ko, pinagtritripan mo ako dahil bangag ka sa bawal na gamot
o dili kaya’y nababaliw ka!”

“Bibigyan kita ng ISANG MILYONG PISO kapag pumayag kang magpakasal sa akin.”

Nakagigimbal ang sinabing iyon ni Adrian. Matagal ding hindi nakapagsalita si Emmalyn.

Biglang tumayo si Emmalyn. “Makakabuting magpasuri ka sa isang psychiatrist.”

Walang paalam na tinalikuran ni Emmalyn si Adrian.

Nang lumabas ng burger house ang dalaga ay sumunod agad sina Betty at Rando.

Lumulan ang dalawang dalaga sa sasakyan ni Rando at agad umalis. Sinundan sila ng tanaw ni
Adrian na ngayo’y may katabing isang lalaking payat, nakasalamin at may kipkip na portfolio.

“Rando ang pangalan ng lalaking may dala ng sasakyan. Anak-mayaman. Kapitbahay nina Betty.
Lumiligaw ang Randong ‘yon kay Emmalyn.”

Lumabas na rin ng burger house si Adrian na kasama ang lalaking may kipkip na portfolio.
Tinungo nila ang paradahan. Sumakay ang dalawa sa isang latest model na Mercedes Benz.

“Pumayag ba?” tanong ng lalaking naka-salamin kay Adrian nang binabagtas na nila ang EDSA.

“Hindi pa tapos ang pag-uusap namin.” wika ni Adrian na hindi inaalis ang tingin sa lansangang
binabagtas nila.

“At hindi ako tutugot hanggang hindi ko siya napapapayag.”

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 4


Pahina 1/7 ♥ Inilathala ni Martha † July 12th, 2009

MULA nang sumakay sila sa sasakyan ni Rando ay hindi kumikibo si Emmalyn. Panay ang
tingin sa kanya nina Betty at Rando.
“Ano ba ang nangyari at kanina ka pa walang kibo?” tanong ni Betty na nasasabik na malaman
ang sagot.

“Walang nangyari. Nakipagkilala ka lang.”

“Sino ba ang lalaking iyon?”

“Suki ng burger house ‘yon. Halos araw-araw o dili kaya’y gabi-gabi kumakain o umiinom ng
kahit ano ‘yon.”

“Ginagawa niya ‘yon, makita ka lamang.” bakas ang panibugho sa tinig ni Rando.

“May mahigpit kang karibal, Rando!” tudyo ni Betty

“Hindi ako papayag na maagaw niya sa akin si Emmy!” gumagaralgal ang tinig ni Rando.

“Wala na akong balak mag-asawa.” Serious ang facial expression ni Emmalyn. “Mula nang
mamatay ang boyfriend ko, namatay na rin ang pag-ibig ko.”

Waring nag-panic ang puso ni Rando dahil sa kanyang narinig.

“Dapat kalimutan ang mapapait na nakaraan. Hadlang lamang ang mga iyon sa pagtatamo ng
tagumpay. Balakid sa mga pangarap.”

“At huwag mong sabihin na wala ka na ring mga pangarap na gusto mong matupad?” si Betty.
“Minsan ay nabanggit mo sa akin na gusto mong mabigyan ng kaginhawahan ang mga magulang
at mga kapatid mo.”

“Hindi ko iniisip na pangarap ‘yon. Para sa akin ay tungkulin ng isang anak na gantihan ang
lahat ng mga kabutihan at paghihirap ng mga magulang. Iyon ang pagtanaw ng malaking utang
na loob.”

“Baka pinepeste ka ng lalaking ‘yon, sabihin mo lang sa akin.” iba ang nasa isip ni Rando.
Naninibugho na ito.

“Hindi naman…”

“Hindi nga, sabihin mo lang kung pinepeste ka. Gugulpihin ko ang tarantadong ‘yon!”

“High blood ka naman pala agad, eh!” ani Betty na nakairap kay Rando. “Relaks ka lang. Alam
mo, sa pag-ibig ang lahat ay pantay-pantay. Sabi nga sa wikang English, “May the best man
win!” Kung dadaanin mo sa buntalan, tiyak na ikaw ang talo sa bandang huli. Dapat sport ang
labanan.”

“Pero kung ayaw kong me ibang lumigaw kay Emmalyn?”

“Rando, ako lamang ang may karapatang magsabi niyan.” yamot na si Emmalyn. “Kung ayaw
kong magpaligaw sa iyo o kanino mang Ponsiyo Pilato, ako ang masusunod!”

“Ayan, galit na si Emmy!”

“Ini-express ko lang ang totoong feelings ko.” katuwiran ni Rando.

“Ako man ay may karapatang ding i-express angfeelings ko.” wala na ang ngiti sa mga labi ni
Emmalyn. “At sinasabi ko sa iyo ngayon pa lamang na walang sinuman na maaaring magdikta sa
akin. Kung ayaw kong magpaligaw, wala kang magagawa!”

“Huwag ka namang magalit, Emmy. Nagpapa-liwanag lang tayo.”

“Mabuti na nga at hanggang maaga ay alam mo! Hindi na ako iibig! Ayoko nang umibig!
Matagal nang patay ang puso ko! Kaya tinitiyak ko sa iyo na nag-aaksaya ka lang ng panahon!”
“Emmy, huwag ka namang magalit sa akin…”

“Hindi ako galit. Tinatapat lang kita. Kawawa ka kung paaasahin kita sa wala.”

“Rando… Emmy… mabuti pa’y ihinto na ninyo ang ganyang usapan. Negative. Oo, negative
ang nadarama kong vibrations. Mauuwi ang lahat sa hindi maganda.”

Tamang-tama namang nakarating na sila sa tapat ng gate nina Betty. Mabilis na umibis si
Emmalyn.

“Maraming salamat!” matigas ang tinig ng dalaga. Walang kangiti-ngiti sa mga labi.

“Emmy!” tawag ni Rando sa dalaga.

Hindi lumingon si Emmalyn. Tuluy-tuloy na pumasok sa gate.

“Huwag kang mag-alala.” pampalubag-loob ni Betty na tinapik pa ang kamay ni Rando. “Ako
ang bahala. Mainit lang ang ulo niya. Marahil may nasabi sa kanya si Adrian na hindi niya
nagustuhan.”

“Adrian pala ang pangalan ng kontrabidang ‘yon!” nakatiim bagang si Rando. “Ano’ng
apelyido?”

“Hindi ko alam. Hindi ko naman kilala ang Adrian na ‘yon, ‘no? Hamo’t itatanong ko kay
Emmy.”

“Baka hindi na ako kausapin ni Emy? Nagalit sa akin, eh.”

“Sabi nang ako’ng bahala. Gano’n lang ‘yon. Madaling magalit pero madali ring mawala. Sige
papasok na ‘ko sa loob. Salamat sa pagsundo at paghatid mo.”

“Basta kayo ni Emmy… all the time!”

Ngumiti pa si Betty bago ini-lock ang side gate. Naiwan si Randong hindi tumitinag sa
pagkakaupo sa harap ng manibela. Mabigat ang pakiramdam. Labis na nalulungkot sa naging
wakas ng kanyang gabi.

Sa di-kalayuan, sa dilim ay nakahimpil ang Mercedes Benz ni Adrian.

“Diyan nakatira si Emmalyn. Tiya ng best friend niyang si Betty ang may-ari ng bahay .” ang
lalaking payat na nakasalamin sa mata at katabi ni Adrian sa front seat ang nagsasalita.

“Malaki at maganda naman pala ang bahay na tinitirahan nila.” anas naman ni Adrian. “Bukas ay
alam mo na kung ano ang gagawin mo.”

“Yes, sir!” magalang na tugon ng katabi.

Nag-shift ng gear si Adrian, marahang ini-release ang clutch at halos kasabay na tinapakan ang
silinyador. Halos walang ingay na sumibad ang sasakyan.

NANG gabing iyon ay tatlong nilalang ang hindi makatulog. Si Emmalyn, si Rando at si Adrian.

Pabiling-biling sa kanyang higaan ang mayamang kapitbahay nina Betty. Balisa at nag-aalala na
baka mabigo ang pamimintuho niya kay Emmalyn. Nagngingitngit dahil may karibal pala siya.

“Ano ang gagawin ko? God, ano’ng gagawin ko?” parang baliw ay paulit-ulit na usal ni Rando.

Iisa ang silid nina Emmalyn at Betty. Noong bagong lipat ay may sariling silid si Emmalyn, pero
si Betty na rin ang humiling kay Emmalyn na magpisan na lang sila sa iisang silid. Masaya sila
basta magkasama. Kung minsan nga kahit maaga silang papasok sa trabaho kinabukasan ay
napupuyat sila sa pag-kukuwentuhan ng mga kung anuano lamang.
Nakapangalumbaba sa bintana si Emmalyn nang pumasok si Betty. May dala itong sandwiches,
cookies at isang baso ng gatas.

“Past one na. Halos hindi mo nagalaw ang hapunan mo kanina. Dinalhan kita nito.” wika ni
Betty sa kaibigan.

Ngumiti si Emmalyn. Napaka-thoughtful ng kaibigan niya. Naisip niya.

“Salamat, Betz!”

“Uy, ginagaya mo si Rando ha. Betz na rin ang tawag mo sa akin.”

“Papaano, magmula nang magkakilala tayo ay wala kang palayaw. Tamang-tama naman ang
Betz na palayaw sa iyo ni Rando.”

“Sige, kainin mo na at inumin ito. Manghihina ka pag gising mo bukas pag hindi mo nilagyan ng
laman ang sikmura mo.”

“Sige, ilagay mo na lang diyan…”

“Hindi ako matutulog hanggang hindi mo kinakain itong mga sandwiches at cookies at iniinom
itong gatas.”

“Hindi ako umiinom ng gatas, Betz. Nakapagpapataba ‘yan.”

“Skimmed milk ito, Emmy! Sagana sa protina pero walang fats.” Dinampot ni Betty ang
isang sandwich at ang baso ng skimmed milk at iniabot kay Emmalyn.

“O, yariin mo na ‘to. Dehins ako malologtu hanggang dehins mo ‘to na-eengkalayt!”

“Ano?” sabay na napabulalas ng tawa ang dalawa.

“Ayos ba, Tsong? Halata bang laking lansangan?”

“Betz!” nagtatawa pa rin si Emmalyn. Nahampas sa braso ang kaibigan. “Saan ka natuto
ng salitang kanto?”

“Napatira kami noon sa isang squatters area, baka akala mo. Doon ko naririnig ang mga
salitang ganoon.” Kinuha ni Emmalyn ang sandwich at baso ng gatas na iniaabot ni Betty.

“Hindi ko mauubos ito.” Kumuha ng isang sandwich si Betty. “Sige, kakain din ako.”

“Ano ba ang napag-usapan ninyo ni Adrian?” nang kumakain na sila ay tanong ni Betty
kay Emmalyn. “Ano ‘yong importanteng sabi mo’y sasabihin niya sa ‘yo?”

“Luku-luko yata ang Adrian na iyon, eh.”

“Bakit mo naman nasabi ‘yan. Sa tingin ko naman sa Adrian na iyon ay parang isang
napakadisente at napakatalinong tao.”

“Tama ka. Parang… Akala mo lang… pero ang totoo siya’y isang baliw.”

“Bakit?”

“Hindi ka maniniwala kapag sinabi ko sa iyo!” iiling-iling si Emmalyn.

“Bakit nga!” sabik na si Betty.

“Akalain mong hindi pa niya ako nililigawan at ni hindi ko pa rin siya sinasagot, ang
gusto ba naman eh MAGPAKASAL KAMI!”
“Magpakasal?” muntik nang mabitiwan ni Betty ang hawak niyang sandwich.

“At pag pumayag daw akong magpakasal sa kanya… bibigyan niya ako ng isang milyong
piso!” Nasamid si Betty. Sinasal ng buo.

“O, ano? Eh, di nagulat ka?” hinagod ni Emmalyn ang likod ng kaibigan.

Kinuha ni Betty ang baso sa kamay ni Emmalyn at lumagok ng gatas. Nagluwag ang
kanyang paghinga.

“Napakalaking suwerte ang dumating sa buhay mo, Emmy! Biro mo, isang
pagkaguwapo-guwapong lalaki ang mapapangasawa mo at magiging milyonarya ka pa! Aba’y
kung ayaw mo, sabihin mo na ako’ng papalit sa iyo.”

“Sige, kung gusto mong makapag-asawa ng baliw.”

“Papaano mo namang natiyak na baliw nga si Adrian? Malay mo, baka super-yaman ng lalaking
‘yon.”

“Bakit ako pa? Bakit ako na isang hamak na trabahador lang ng isang burger house ang
pakakasalan niya at o-offer-an pa ng isang milyong piso?”

‘Ano ba’ng apelyido ni Adrian?”

“Hindi yata nabanggit sa akin, eh.”

“Ano ba ang napag-usapan ninyo ni Adrian?” nang kumakain na sila ay tanong ni Betty kay
Emmalyn. “Ano ‘yong importanteng sabi mo’y sasabihin niya sa ‘yo?”

“Luku-luko yata ang Adrian na iyon, eh.”

“Dapat ay alamin mo kung ano ang family background niya. Eh, ano nga pala ang naging sagot
mo sa offer niya?”

“Wala. Bigla kong nilayasan, eh.”

“Pambihira ka naman…”

“Sa palagay mo ba ay serious ang taong iyon? Aba, nababasa ko lang sa komiks at napapanood
ko sa sine ang mga eksenang ganoon. Magpapakasal kunwari at babayaran ng isang milyong
piso.”

“Sino kaya talaga ang Adrian na iyon? Ano kaya ang tunay niyang pagkatao?”

Natawa si Emmalyn. “Abangan ang susunod na kabanata!”

KANINA pa nakahiga si Adrian sa kanyang malambot na brass bed pero ayaw dalawin ng antok.
Hindi siya naninigarilyo pero napilitan siyang humitit. Mapait ang lasa, hindi rin natagalan ng
binata ang paninigarilyo. Biglang bumangon at dinurog sa ashtray ang sigarilyo.

Hindi dapat mabigo ang kanyang plano. Giit ng kanyang isip. Iyon lamang ang tanging paraan
para mapapayag niya ang kanyang ama na pahiramin siya ng sampung milyong puhunan sa
itatayo niyang negosyo.

“Papayag lamang akong pahiramin ka ng puhunang hinihingi mo kung mapatutunayan mo sa


aking matured na ang pag-iisip mo at seryoso ka na sa buhay mo.” tandang-tanda pa ni Adrian na
wika ng kanyang amang si Don Alejandro Vergara, ang sugar baron, nang huli silang
magkausap.

“Matured na ang pag-iisip ko, Papa!” wika ni Adrian noon sa kanyang ama. “Kaya nga pulos
negosyo na ang laman ng utak ko.”
“Ang isang taong matured na ang pag-iisip ay may responsibilidad na.”

“Responsable na ako, Papa.”

“Responsable sa sarili at sa kanyang pamilya!”

“Papaano ko patutunayan sa iyo? Papaano?”

“You are not getting any younger, Iho. Lumagay ka na sa tahimik. Mag-asawa ka na. Only then,
maniniwala ako na hindi ka na iresponsable. Habang wala kang iniintindi kundi ang sarili mo
lang, sa wala’t wala lang mauuwi ang lahat ng maaaring kitain mo sa binabalak mong itatayong
negosyo.”

“Kahit binata pa ako, maipapakita ko sa iyo na responsable ako. Siguradung-siguradong


magiging successful ang itatayo kong negosyo. Palalaguin ko ang puhunang ipapahiram mo sa
akin. Hindi ako titigil hanggang hindi ako nagiging bilyonaryong katulad mo.”

“Hah! Hindi mo talaga maiwan ang mga babae mo! Baka akala mo’y hindi ko alam na
may ka-live in ka. Hindi lamang isa, kundi tatlo! At dito lamang sa Metro Manila. Bukod pa ang
nasa Cebu, at Davao! Kung sakaling kumita ka sa negosyong itatayo mo, saan mapupunta ang
kikitain mo? Baka maubos pati puhunan!”

“So, ang gusto mo’y mag-asawa na ako.”

“Oo, pero isang seryosong pag-aasawa. Ayokong ang ipapakilala mong babae sa akin’ ay
de colorete, naka-lipstick at kontodo make-up! Ang gusto ko’y isang disenteng babae, hindi
baleng galing sa pobreng familia. Ayoko ng babaing tipong sosyalera at walang hangad kundi
ang salapi mo.”

“Saan ako makakatagpo ng klase ng babaing sinasabi ni Papa?” anas ni Adrian noon sa
kanyang sarili.

“Sana’y katulad ng nasirang Mama mo ang babaing maipakilala mo sa akin.” wika pa ng


kanyang ama.

Sa paghahangad na mapahiram siya ng puhunan ng kanyang ama, sinikap ni Adrian ang


maghanap ng babaing tutugma sa description ng kanyang nasirang ina.

Ibig nang mawalan ng pag-asa ni Adrian nang maisipan niyang magpalipas oras sa burger
house na pinapasukan ni Emmalyn. Sa unang kita pa lamang niya kay Emmalyn ay nasabi na
agad ng binata sa sarili na ang dalaga ang babaing ipakikilala niya sa kanyang ama. Katipung-
katipo ng kanyang nasirang ina si Emmalyn. Halos natitiyak niyang magugustuhan ng kanyang
ama ang dalaga. Simula noon, inaraw-araw at ginabi-gabi na niya ang pagpunta sa burger house
at lagi niyang nginingitian ang dalaga.

“Nguni’t mailap siya!” anas ni Adrian nang maputol ang daloy ng alaala. “Mukhang
mahirap paamuin.”

Matagal na napatitig sa kisame ang binata. Parang nakikita niya roon ang maganda at
maamong mukha ni Emmalyn.

“Hindi siya ang tipo ng babaing gusto kong mapangasawa. Pero siya naman ang klase ng
babaing tipo ni Papa… kaya magpapakasal kami ng kasal na fake. Magkukunwari lamang kami.”

Itutuloy….

You might also like