Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

TITLE/PAMAGAT - Uberman ni Zeno Antonio Denolo

II. PLOT/SUMMARY

BUOD NG UBERMAN

Si Uberman ay isang Pinoy superhero na may hindi malilimitahang lakas. Hindi


nabanggit kung saan nagmula ang kanyang pambihirang kapangyarihan ngunit
sinasabing mayroon na siya nito noong bata pa. Reign ang kanyang tunay na pangalan
may ordinaryong pamumuhay na kasalungat ng pamumuhay ng kanyang kapatid na si
King isang henyo na yata sa lahat ng bagay. Kambal sila. Si King ang utak at si Reign
ang katawan. Pareho silang inggit sa isa't isa, naiingit si King kay Reign dahil sa
kalayaan nito sa kanyang buhay. Si Reign naman ay naiigit kay King dahil binubuhos sa
kanya ang pagmamahal ng kanilang magulang habang siya naman ay halos kalimutan
na parte ng pamilya.

Matagal ng panahon na nagliligtas si Uberman sa sambayanang Filipino. Mula sa mga


simpleng pagnanakaw, maging sa mga iligal na pagtotroso, human trafficking,
pagsugpo sa mga sakit, baha at marami pang iba. Sumasama rin siya sa strike para sa
mga mangagawa at mga kampanya ng iba't ibang institusyon. Sa kanyang hindi
matapos-tapos na responsibilidad sa mundo syempre may tinatawag din siyang day-off
tuwing Sabado at Linggo pero minsan half day siya kapag kailangan talaga. Sa dami ng
tagahanga niya, sinubukan niya ring maging vlogger at madalas na ginagawa niya ay
ang pag-cover ng mga kanta. Mahilig din siyang magdrowing kaya siya rin ang nag-
layout ng kanyang costume.

Nagsimula ang kwento sa isang interview sa talk show program na ang Bagsakan with
Totoy. Napag-usapan nila ang mga tipikal na bagay hanggang sa mga seryosong
usapin katulad na lamang ng pagkatakot ng gobyerno sa kanyang kapangyarihan,
paniniwala niya sa Diyos at ang pinakamalaking threat sa survival ng sangkatauhan ang
IGNORANCE AT APATHY.

Pinakilala naman ang kanyang kasintahan na si Camille na isang henyo sa kompyuter.


Matagal niya ng kaibigan si Reign syempre tipikal na istorya siguro naman kaya niyo
nang hulaan ang mga nangyari. Bilang papataas na aksyon, kusang nagpa-interview si
Uberman sa isang show upang ipahayag ang kanyang malaking pasabog ang pagkuha
sa gobyerno mula sa pamamahala ng kasalukuyang namumuno pagkatapos ng isang
linggo. Nagulat ang lahat, nahati ang Filipinas sa maraming paksiyon. Palakihan ng
ego. Walang gustong magparaya. Walang gustong magpatalo. Lahat sila nanalig na
ang daan nila ang tama at dapat sundin ng lahat. Lahat gusto ng pagbabago ayon sa
kanilang paniniwala. Para sa kanila, lahat ay mali at makasarili, sila lamang ang tama at
nag-iisip ng ikabubuti sa bayan. Mula sa pulitiko, mga pinuno ng iba't ibang rehiyon,
aktor at marami pang iba. May mangilanngilan namang gusto lanv makisawsaw sa isyu
habang may iba talaga na naniniwala talaga sa anumang plano ng superhero kaya na-
uso rin ang pagbebenta ng mga t-shirt, poster at tarpaulin. Noong nagsimula na ang
isang linggong palugit, pinatawag siya ng presidente para makapag-usap patungkol sa
kanyang plano at sinabing itutuloy niya ito kahit anong mangyari habang pinagbantaan
siya ng pamahalaan. Kasama nila si King bilang kaibigan ng presidente. Sa
kadahilanang matalino si King, natapos niya ang kolehiyo noong siya ay dose pa
lamang nakapagtapos ng tatlong Ph. D kaya sa huli, pinag-aagawan siya ng mga
kumpanya. Hindi pumasok sa isip niya ang magpaalipin sa mga ganid na korporasyon
kaya nagtayo siya ng sarili niyang kumpanya na rocket spaceship.

Balik sa kwento. Habang lumalapit ang araw na napagplanuhan naganap ang


maraming kampanya, prayer meeting, at mga debate patungkol sa plano ni Uberman.
Nagkakagulo na ang Filipinas, nakakielam na rin ang dayuhang bansa na may mga
personal na interest katulad ng China, USA, Russia at marami pang iba. Sa gitna ng
kaguluhang ito, si Uberman kasama ang kanyang kasintahan na si Camille ay nanatili
sa bahay patuloy lang na nagmamasid sa mga pangyayari. Maraming pagkakataon na
rin na gustong tumakas ni Uberman pero pinapaintindi sa kanya ang mas malaking
plano na ginagawa nila kaya sa huli, pinili niya na lang manahimik. Sa mga panahon
ring ito, nagsagawa ng pangmalawakang pag-uusap ang mga pulitiko na pinangunahan
mismo ng presidente. Masaya silang nagpupulong na parang karaniwan na nilang
ginagawa kabila ng kaguluhan na kinahaharap ngayon ng bansa. May nag-isponsor sa
pagpupulong na iyon mula sa pagkain, alak at maging sa mga babae. Sa gitna ng
kanilang pag-uusap, may mga pagkakataon na nakakatanggap ng text ang presidente
mula sa hindi kilalang tao. Isa ito sa mga plano nina Camille at Reign, ang i-hack ang
lahat ng contact ng presidente at maging mga pulitikong kasama niya sa pagpupulong.
At ayun nga, nasunod ang plano. Habang nagpapakasaya ang mga taong nasa pulong,
hina-hack naman ni Camille ang lahat ng ebidensiya sa lahat sa mga hindi
makatarungang pinagagawa nila maging sa mga maliliit nadetalye na maaaring lumutas
sa mga kasong matagal nang hindi pa nareresolba. Matapos masigurado na
nakakulong na ang mga posibleng sagabal sa plano, sunod nang inilabas ni Camille
ang iskandalo sa internet at pinasa sa mga diyornalistang mapagkakatiwalaan.
Magdamag kumalat ang iskandalo sa buong bansa, pati na sa labas. At noong
madaling araw nagsimulang lumabas ang mga tao sa kanilang mga tahanan. Naglakad
bitbit ang nakasinding kandila patungo sa isang daan. Sa ETSA. Nakiisa rin ang
sambayanang Pilipino na mula iba't ibang pulo ng Pilipinas sa mga naglalakihang
kalsada .

Sa mga panahon rin ito, papunta na si Uberman sa Palasyo kasama si Kong na


kanyang polpultikong kaibigan upang maghanda sa kanyang talumpati na kung saan
mapapanood ng buong sambayanan. Matagal at mahaba ang kanyang talumpati
patungkol sa bayan at maging pagiging tao bilang bahagi ng lipunan. Inamin niya na
siya ang may pakana noon at isa lamang itong patibong para takutin sila at nagtulak
nga sa kanila na gawin ang mga bagay na hindi dapat gawin. Habang siya ay
nagtatalumpati, kaagad na pumunta ang mga pulis sa lugar niya upang siya ay
arestuhin. Lumuhod ito sa kanilang harapan si Uberman. Inakala ng mga pulis na
handa siyang sumuko ngunit para lamang siyang pumupulot ng barya at tumingala sa
kalangitan. Animo'y nagkaroon ng pagyanig at nagsitalsikan ang mga pulis at ayun
mabilis na lumipad si Uberman. Nag-iwan siya ng mga katagang: "Ngayon, nasa inyong
mga palad ang pamato para baguhin ang inyong kasalukuyang mundo. Ano nang
gagawin ninyo?"

A. SIMBOLISMO

Kompyuter - na kung saan ipinakita na ang paggamit ng modernong teknolohiya tulad


ng internet, kompyuter, mobile devices etc. at hacking skills, maaaring manakaw ang
mga tinatagong ebidensya ng mga taong nasa posisyon at malaman ng taumbayan ang
kabulukan sa sistema ng pamahalaan.

B. Tunggalian

Tao laban sa Lipunan - ipinakita sa kwentong Uberman na ang kalaban ng mismong


bida ay ang lipunan. Na kung saan laganap ang karahasan, pagmamalabis, korapsyon,
kahirapan na dulot ng mga taong nasa posisyon sa gobyernong walang inatupag kundi
ang kumamkam ng yaman.

Ipinakita ni Uberman ang kanyang plano o mga paraan kung paano malalabanan ang
ganitong suliranin na nagpapahirap sa bansa at mga nagmamanipula sa sistema.

IV. REKOMENDASYON

Magandang ipabasa ang ganitong babasahin sa mga mag-aaral lalo't ito ay ibang klase
at/o uri ng panitikan. Iba ang atake at estilong ginamit ng may-akda sa pagpapamulat
sa mambabasa sa kalagayan ng bansang Pilipinas. Talagang kagigiliwan ito ng mga
bata dahil ito ay patungkol sa Superheroes na pumupuksa sa salot ng lipunan.

You might also like