Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA RELIHIYON SA ASYA

1. Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ay relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesus ng Nazareth.
Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Hesus—na tinatawag ding "Hesukristo"—ang Anak ng Diyos
at ang Tagapagligtas na inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipan bilang
talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Ang Banal na libro ng mga Kristiyano ay ang
BIBLIYA , Ang salitang “Bibliya” ay nanggaling sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang
“Libro”, isang angkop na pangalan dahil ang Bbiliya ay ang Aklat para sa lahat ng tao sa lahat ng
panahon. Ito ay Aklat na walang katulad, at katangi-tangi sa lahat ng Aklat. Ang Diyos ang
pangunahing awtor ng Bibliya. Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, kinasihan o niliwanagan Niya ang
kaisipan at kalooban ng mga manunulat upang maisulat nila ang lahat ng ibig Niya at tanging mga
bagay lamang na nais Niya.
Ang bibliya ay isang batayan ng pananampalataya at paniniwala ng tao sa Diyos kung saan
dito nakasulat ang salita at utos nya ito lang ang dapat sundin ng tao sa pagkakakilala sa tunay na
Diyos.
Mga Aral at Paniniwala

Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Bibliya ay hiningahan ng Diyos at walang pagkakamali at ang
itinuturo ng Bibliya ay Pinal at sakdal. Sampung Utos ng Diyos. Mga santo. Ang pari ay ang
instrumento ng Diyos. Si Hesukristo ang tagapagligtas ng mundo. Pitong Sakramento Binyag ay ang
sakramento ng muling pagkabuhay, at ito ang saligan ng buong buhay Kristiyano natin. Mahal na
Araw ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas
na kumakatawan kay Hesukristo Pasko Pista

2. Hinduismo

Ang Hinduismo ang nananaig na relihiyon ng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay


kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo at Śrauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at
pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibila-ngan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at
preskripsiyon ng mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga
norm ng lipunan. Bagama’t ang Hinduismo ay naniniwala sa napakaraming diyos na umaabot sa
330 milyon, kinikilala nito na may isang pinakamataas na diyos at ito ay si Brahma. Pinaniniwalaan
ng mga Hindus na si Brahma ay matatagpuan sa bawat bahagi ng realidad at sumasalahat ng dako
sa buong sangkalawakan. Si Brahma ay isang impersonal na diyos na hindi maaaring makilala at
pinaniniwalaan na umiiral sa tatlong magkakahiwalay na anyo: si Brahma – ang Manlilikha; si Vishnu
– ang Tagapagingat at si Shiva – ang Tagawasak. Ang tatlong anyong ito ni Brahma ay kinikilala din
na nabuhay sa napakaraming inkarnasyon.Ang pangunahing kasulatan ng Hinduismo ay ang Vedas
(itinuturing na pinakamahalaga), Upanishadas, ang Mahabharata at ang Ramayana. Ang mga
kasulatang ito ay naglalaman ng mga imno, pilosopiya, ritwal, mga tula, sutra at ng Aranyakas.

3. Buddhismo

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng


Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha
Śākyamuni(Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE. Nakatuon ang
Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda". Ang Buddha ay nangangahulugang
"ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo
ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") atMahayana
("Ang Dakilang Sasakyan"). Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong karapatan,
bagaman marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin
ng sanhi-epekto), Maya (ang ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling
pagkakatawang-tao). Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sa buhay ay
ang makamit ang tinatawag nilang “enlightenment” o Nirvana. Ang mga katuruan ni Buddha ay
tinipon sa tinatawag na “Tripitaka” o “three baskets.”

4. Sikhismo

Sikhismo ay isa sa mga pangunahing relihiyon ng mundo, lalo na binuo sa ika-16 at ika-17 siglo
Indya. "Sikhi" ay mula sa salitang "Sikh", at ang salitang "Sikh" ay mula sa Sanskrit root "śiṣya"
(शशशशश) na nangangahulugang "alagad" o "mag-aaral". Ang Sikhismay isang monoteyistikong
relihiyon, o isang anyo ng pananampalatayang naniniwala sa iisang Diyos. Tinatawag ang mga
nananampalataya nito bilang mga Sikh, at tinatawag na Guru Grant Sahib ang kanilang banal na
aklat. Popular sa Asya, mayroon itong 30 milyon mga tagasunod, kung kaya't ito ang ika-limang
pinakamalaking relihiyon sa mundo. Sinimulan ang Sikhismo noong 1469 ni Guru Nanak Dev, ang
una sa "Sampung mga Guru". Nagkaroon ito ng bukod na katangian noong 1699, na pinagdiriwang
ng Vaisakhi, kung kailan sinimulan ni Guru Gobind Singh, ang ikasampung ang pagbibinyag kasama
ni Khande di Pahul, at nangangailangan na sundin ng mga sikh ang limang mga "K". Tinatawag din
itong kapanganakan ng Khalsa. Bawat Guru na sumunod kay Guru Nanak ay tinutukoy bilang
“Nanak” at “Ilaw”.

You might also like