You are on page 1of 7

Bahagi ng Pananaliksik Nilalaman ng Paksa

Rasyunal at Kaligiran ng Paksa Marami ngayon sa mga kabataan ang


nasasangkot sa”premarital sex” na nagiging
dahilan ng pagbubuntis. Wala kasing “sex
education” sa Pilipinas. Sa isang artikulo sa
pahayagang Abante noong ika-04 ng Abril
taong 2003, ang “sex education”ang susi sa
pag-iwas sa maagang pagtatalik, pagbubuntis
ng dalaga at maagang pagpapakasal. Dahil sa
kawalang kaalaman nagdudulot ito sa hindi
pag-iingat at nagdudulot noise ng maagang
pagbubuntis. Hindi totoong magiging mas
mapusok ang kabataan kapag natutunan ang
ukol sa seks. Natatalakay kasi ng maigi ang
mga negatibong epekto ng mga sitwasyong ito
sa mga kabataan. Nabibigyan ng
kapangyarihan ng kaalaman ng kabataan at ito
ang gumagabay sa kanila tungo sa
responsableng aksyon. Nagiging mas malinaw
ang mga panganib ng maagang pagpapakasal at
pagpapalaki ng anak nang hindi pa handa. Ang
maagang pagbubuntis o “teenage pregnancy”
ay tumutukoy sa kabataang babaeng nasa 20
anyos pababa. Mas mahirap ang dinadanas ng
kabataang nabubuntis kumpara sa mga
nabubuntis ng nasa edad 21 pataas. Bukod sa
pinansyalna problema, magkakaroon ng
problema sa kanilang pangangatawan o
kalusugan. Hindi kasimadali ang pagdadala ng
sanggol, minsan hindi ito kaya ng katawan
(Campbell, 2003). Minsan may kaso pa nga ng
nalaglagan ng bata. At hindi medaling gumawa
ng bata. Mainit ang isyu tungkol sa maagang
pagbubuntis ng kabataan lalo na sa mga
bansang hindi gaanong debelop at mababa ang
antas o “standard” ng edukasyon.
Paglalahad ng suliranin Ang maagang pagbubuntis o “teenage
pregnancy” ay tumutukoy sa kabataang
babaeng nasa 20 anyos pababa. Mas mahirap
ang dinadanas ng kabataang nabubuntis
kumpara sa mga nabubuntis ng nasa edad 21
pataas. Bukod sa pinansyalna problema,
magkakaroon ng problema sa kanilang
pangangatawan o kalusugan. Hindi kasimadali
ang pagdadala ng sanggol, minsan hindi ito
kaya ng katawan (Campbell, 2003). Minsan
may kaso pa nga ng nalaglagan ng bata. At
hindi medaling gumawa ng bata. Mainit ang
isyu tungkol sa maagang pagbubuntis ng
kabataan lalo na sa mga bansang hindi gaanong
debelop at mababa ang antas o “standard” ng
edukasyon.
Layunin at Kahalagahan ng pag-aaral Sa aming minamahal na guro, ito po ay isang
pananaliksik para malaman kung ano ang
aming pag-unawa tungkol sa Premarital Sex na
laganap kahit saan. Ito rin po ay nagsisilbing
tagubilin kung bakit minsan ang mga
estudyante ay may kanikanilang reaksyon,
opinyon at paniniwala sa ganitong usapin. Sa
mga kapwa naming mga mag-aaral, ito ay
isang dagdag kaalaman kung saan nababatid
nila ang reaksyon, opinyon, at paniniwalang
kapwa mag-aaral. Ito ay isang sensitibong pag-
aaral kaya’t malaki ang maitutulong nito kapag
meronng usaping tungkol ditto. Ito rin po ay isa
paalala sa mga mag-aaral na merong
kasintahan sa labas o loob ng kolehiyo. Sa mga
kapwa naming mananaliksik , isa po itong
gabay para sa aming kapwa mananaliksik
sapagkat ito ay nagbibigay daan para mapadali
at mapahusay ang mga susunod na mga pag-
aaral tungkol sa Premarital Sex. Sa mga
mambabasa, para po ito sa inyong kamalayan
sa mga kung ano ang nangyayari sa ating
paligid isa na dito ang Premarital Sex na alam
naming hindi na bago sa mata ng publiko.
Gusto lang po namin kayong bigyan sa abot n
gaming makakaya ng isang tiyak at bagong
pag-aaral hinggil sa Persepsyon o Pg-unawa ng
mga tao tungkol sa Premarital Sex.
Rebyu ng kaugnay na literatura Isa ang Pilipinas sa mga bansang may
malaking populasyon at sa pagdaan ng
panahon ay patuloy ang paglobo nito. Ayon sa
census, ang populasyon ng Pilipinas noong
taong 2000ay nasa 76.50 milyon at umabot ito
ng 88.57milyon noong taong 2007 na
nangangahulugang 2.04 na porsyento ng
pagtaas ng populasyon mula 2000-2007 taon.
Isang salik dito ay ang pagbagsak ng kabataan
sa “ premarital sex “ o pakikipagtalik ng hindi
kasal nang hindi gumagamit na natural at
artipisyal na family planning na nagiging sanhi
ng maagang pagbubuntis ng mga kabataang
babae na may edad 13-18 taong gulang.
Napakalaking porsyento ng ating populasyon
ang damay sa suliraning pagbubuntis ng
kabataan at sa pagdaan ng panahong pagtaas ng
porsyento nito. Sa suliraning ito nag-uugat ng
sangasangang problema ng bansa: kahirapan,
krisis at krimen. Isa na dito ang pagbubuntis ng
mga kabataan na masasabing malaking
suliranin ng bansa dahil sa patuloy na
paglaganap at pagtaas ng populasyon ng mga
kabataang maagang nabubuntis ayon kay
Creer, Veronica P. Ayon sa pananaliksik ni Dr.
Rebecca Singson, iniulat umano ng University
from the Philippines Population Institute
(UPPI) at sa Demographic Research
Development Foundation noong taong 2002
umabot ng 26% ang Pilipinong may edad 15-
25 ay sumasabak sa “premarital sex” at 30%
ng kabataan ngayon ay magsasama sa ilalim ng
iisang bubong. Isiniwalat ng 1998 National
Demographic Health Survey (NDHS) na 5.2%
ng mga kababaihang may edad 13-24 ang
nabubuntis at noong taong 2003 ay tumaas ito
sa 33.5% na nangangahulugang 5.66% na
pagtaas bawat taon. Mula sa impormasyong ito
mahihinuha ang 28.3% pagtaas mula taon
2003-2008.5 Ayon kay Mylene Mariano, kung
dito sa Pilipinas ang pagbabasehan,mataas ang
porsyento ng pre-marital sex. Isa sa apat na
Pilipino edad 15-24 ang nasasangkot sa
nasabing isyu, ayon sa pag-aaral ng UP
Population Institute. Ayon sa Pag-aaral sa
taong ito ay sinasabing aabot sa apat na
milyong kabataan ang sangkot sa pre-marital
sex na mayroon di umanong 30 porsyentong
responde ang ginagawa naman ito sa loob ng
mga motel at hotel. Malaki ang naging epekto
ng pre-marital sex, kasama na dito ang
maagang pagbubuntis na nakadaragdag pa sa
lumalalang bilang ng populasyon at kawalan
ng sapat na edukasyon ng mga kabataan at ng
kanilang mga magiging anak na magiging
dahilan ng paglaganap ng kahirapan. At ang
mga ito ang nag silbing ugat ng sex education.
Ang mga nasabing impormasyon ang
nagpapatunay na mahirap ng pigilan ang pre-
marital sex. Lalo na at laganap na ito hindi
lamang sa ating bansa ngunit pati na rin sa
buong mundo. Ang magagawa na lamang natin
ay bigyan ang mga kabataan ng sapat na
kaalaman sa pagsasagawa nito upang di na
makadagdag pa sa populasyon, maagapan ang
kahirapan at masupil ang iba’t ibang sakit
mula sa pakikipagtalik. Ang sex education ang
responsible dito sapagkat mapadadali nito ang
maselang usapan sa sex kung ang mga
magulang o ibang tao ang magtuturo sa
kabataan. Para naman sa mga bata,marapat na
sila’y hubugin ng kanilang magulang sa
konserbatibong pamumuhay ng mas mapadali
ang pag-iwas sa maselang gawain tulad ng
nabanggit. Ayon sa McCann Worldgroup
Philippines, tatlo sa bawat samoung kabataan
ay naniniwalang hindi mali ang paggamit ng
illegal na droga at pagtataksil sa kasintahan.
Apat na sa sampu naman ang nagsasabing
walang masama pagtataksil sa asawa, casual
sex, paggamit ng dahas sa isang relasyon at
pakikipagrelasyon sa taong may asawa na.
Lima sa bawat sampu ang may paniniwalang
hindi naman mali ang pre-marital sex. Walo sa
bawat sampu ang nagsasabing walang masama
sa pagkakaroon ng mga patalastas tungkol sa
contraception. Sa apaghina ng mga tao. Wala.
Nang komunidad, mga indibidwal na
lamang.wala nang sama-samang pagkilos,
sariling diskarte na lamang ang uso.
Teoritikal na Gabay at Konseptual na
Balangkas

Saklaw at Delimitasyon
Daloy ng Pag-aaral
Paksa:
EPEKTO NG MAAGANG PAKIKIPAGRELASYON

Mananaliksik:

Piala, Aisel Grace F.

11-CET1A

Iprinisinta kay:

Gng. Edilyn Jainal

PITEP

Western Mindanao State University

Normal road, Baliwasan, Zamboanga city

2017

You might also like