Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ano ang Sanaysay?

Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o
kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan, naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin
sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.

2 Uri ng Sanaysay
Ito ay may dalawang uri: ang pormal at di-pormal.

1. Pormal

Tumatalakay ito sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat. Kadalasan
itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso
at walang halong biro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon ng sumulat sa
mga maiinit na balita.

2. Di-pormal

Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na nagbibigay-lugod o
mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa
isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa
isang kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan.

Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng di-pormal na sanaysay.

Mga Bahagi ng Sanaysay


Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.

1. Simula/Panimula

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang
kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga
mambabasa.

2. Gitna/Katawan

Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda. Malaman ang
bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.

3. Wakas

Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay. Dito rin nahahamon
ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang pinag-usapan.
PAGBABALANGKAS
-Ang balangkas ay banghay ng isang gawaing pasulat. Ito ay tumutulong sa pagbubuo ng mga ideya, katunayan, at impormasyon
na naipon.

TATLONG URI NG PAGBABALANGKAS


1. Balangkas na Papaksa- Gumagamit ang balangkas na papaksa ng mga salita o parirala para sa ulo o heading.
2. Balangkas na Pangungusap - Gumagamit ang balangkas pangungusap ng isang buong pahayag o pangungusap sa ulo
3. Balangkas na Patalata - Gumagamit ang balangkas na patalata ng pariralang may maikling buod upang ipaliwanag ang bawat
paksa.

TATLONG PARAAN SA PAGSASAAYOS NG PAKSA SA ALINMANG


URI NG BALANGKAS

1. Kaayusan ayon sa panahon. Inaayos ang paksa sa paraang ito ayon sa panahon ng pangyayari.
2. Kaayusang lohikal. Inaayos ang paksa ayon sa kahalagahan nito na kaugnay ng pangunahing ideya o paksa.
3. Kaayusan ayon sa sariling paraan. Inaayos ang paksa ayon sa pangunahing pangangailangan.

LAYUNIN NG PAGBABALANGKAS

1. Upang malaman kung naunawaang mabuti ang aralin.


2. Upang maisaayos nang mabuti ang mga ideya.
3. Upang makatulong sa pagtuklas ng mga kailangan pang impormasyon / tala
4. Upang maging patnubay sa pag-aaral.
5. Upang makatulong sa paghahanda at pagbibigay ng mga ulat.

PARAAN NG PAGBABALANGKAS

1. Isulat ang pamagat o pangunahing ideya.


2. Gumagamit ng isang uro ng pamamaraan sa pagbabalangkas.
3. Gamitan ng mga roman numeral I, II, III, atb. Ang mga pangunahing paksa; ng malalaking titik A,B,C, ang
mahahalagang paksa; ng malilit na titik a,b,c, ang hindi gaanong mahalagang paksa. Ang kaayusan ay lagging
bilang, titik, bilang, at titik. Salisihan ang gamit nito.
4. Ang mga nasabing titik o bilang ay kailangang isulat nang inihahanay pababa (vertical column).
5. Isulat sa malaking titik ang unang salita ng bawat paksa.
6. Lagyan ng tuldok ang katapusan ng bawat paksang bilang o titik at ang katapusan ng isang pangungusap.
7. Ang bawat pangunahing paksa ay dapat buod ng paksang susunod dito o subtopic.
8. Ang mga pangunahing paksa ay dapat maging bahagi ng mga subtopic nito.
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG SANAYSAY

I. PAKSA :

Ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga nangyayari sa loob ng


dyipni. Ang Dyipni ay parang isang lipunan, kung saan
kinapapalooban ng iba’t ibang pag-uugali ng mga nakasakay rito.

II. TEMA :

Ang tema o pinakapusod ng mensahe ay ang pahalagahan ang


kulturang Pinoy. Kahit sa simpleng bagay na maaaring
pagkakakilanlan sa pagiging Pilipino. Nakikilala ang pagiging
malikhain natin mula sa mga bagay na basura para sa ibang bansa
mas nalilinang ng mga Pinoy.

III. PANIMULA

Inilahad ito sa paarang nagkukwento ng sariling karanasan ng


may akda.Tinutukoy dito kung ano ang kahulugan ng dyipni base sa
karanasan ng may akda.

IV. NILALAMAN

Nakasulat dito ang mga karaniwang ginagawa ng pasahero sa loob ng


Dyipni.Ang mga kasabihan na kalimitang patama sa pasahero.Makikita
rin ang paglalarawan sa mga drayber at ang mga hirit nito sa lalo na
kung may makakatabing maganda o balingkinitan ang katawan.

V. KONKLUSYON

Ang naging wakas o katapusan ay ang pagpapakita ng katiyagaan sa


paghihintay ng pag-usad ng trapik sa kabila ng mahirap na pakiramdam
lalo na sa samu’t saring amoy sa loob at labas ng dyipni. Subalit ang
mahalaga na inilahad dito ay ang pag uwi ng matiwasay sa dadatnang
tahanan.

You might also like