Fil-109-Malikhaing Pagsulat

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mabangis na Lungsod

Ni Efren R. Abueg
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na
walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula
sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga
ilaw-dagitab.

Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad
lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may
layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na
isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi - at ang Quiapo.

Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali
roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga
huling oras ng gabi'y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang
mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa
isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila,
ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang
simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si
Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag
ng singko o diyes sa maruruming palad.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy
na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng
simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong
kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na
tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng
takot na waring higad sa kanyang katawan.

"Mama�Ale, palimos na po."

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay
hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.

"Singko po lamang, Ale�hindi pa po ako nanananghali!"

Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal," madalas naririnig ni
Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling
Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni
kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito
ng piso, sa lahat. Walang bawas.

"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag
nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni
Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man
ay hindi nakarating sa kanyang bituka.

"Maawa na po kayo, Mama,Ale,gutom na gutom na ako!"

Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga
tao'y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang
panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.

Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni


Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras
na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa
kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga
taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.

"Malapit nang dumating si Bruno" ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa'y para sa lahat na maaaring makarinig

Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang
balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan
sa kanyang harap ang tao,malamig walang awa, walang pakiramdam,nakadarama siya ng kung
anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at
hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na
bagay.

Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang
mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay
lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa.
Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa
kaabalahan niya'y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita
na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng
pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.

Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang
mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay
lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa.
Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa
kaabalahan niya'y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita
na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng
pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.

"Adong,ayun na si Bruno," narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan.
Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si
Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi
nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang
kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.

"Diyan na kayo, Aling Ebeng...sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa
matanda.

"Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!"

Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula'y marahan,
ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya
sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-
salubong sa paglakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang
likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa
paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa
nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula't mula pa'y nakilala niya at kinasuklaman. At
iyon ay matagal din niyang pinakalansing.

"Adong!" Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig
niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na
nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang
maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.

"Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!" naisigaw na lamang ni Adong.

Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit
na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman
ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Ang talambuhay -ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o
impormasyon.

*Mga uri ng talambuhay*


Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda
1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na
isinulat ng ibang tao.
2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang
may akda.
3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa
isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao
dahil sa angking galing ng mga ito.

Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman


1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang
hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga
magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga nagging
tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong binibigyan-diin dito ang
mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa
simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain,
paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o
kabiguan.
HALIMBAWA
NG
TALAMBUHAY NA PANSARILI

Anghel ang taguri sa akin ng lahat ng tao sa amin.Matagal kasing


nangulila sa anak ang aking mga magulang, kaya gayon nalamang ang
kanilang kasiyahan nang ako'y isilang.
Nobyembre noon ika-21 ng 1992 ng ako'y isilang ng aking
mahal na ina pista ng puong hesus.Maria Monalisa ang ipinangalan sa
akin dahil pinaghalo ang pangalan ng aking mga magulang na sina Felisa
at Osmoniedo.Walang nakatutol nang sabihin ito ng aking lola. Lumaki
akong palipa't-lipat sa kamay ng iba't-ibang tagapag-alaga dahil sa
tuwing araw ng lunes hanggang biyernes ay may trabaho ang aking mga
magulang at silay nagtutungo sa paaralan at sa monisipyo upang magturo
at magbantay.Dahil sa mabait daw akong alagaan.Hindi iyaking tulad ng
ibang batang wala ng ginawa kundi ang maglikot at umiyak kaya
ipinapaaruga nila ako sa aking mga kamag-anak.Naging kapanapanabik
sa aking mga magulang dahil sa ako'y tatlong taong gulang palang noon
nang ako'y ipasok sa unang baitang.Sa tuwing makikita ng aking guro ang
mama ko marami itong naikukweto tungkol sa akin sa mga bagay na
aming napapag-aralan,mga awiting may kilos at galaw,iba't-ibang
kulay,hugis,bilang at pati narin sa pagdarasal.Ang pagtatapos ko sa
elementarya ay nakapagpaligaya sa aking mga kapamilya kaya di sila
nagkukulang ng pag-aaruga at pagmamahal sa akin.Dahil sa nag-iisang
anak,nakasentro sa akin ang lahat ng kanilang atensyon.
Ang unang taon ko sa high school ay panibagong yugto ng aking
buhay,dahil taglay ko parin ang mga ilang gawi ng pagiging bata ang
pagpasya para sa sarili ay hindi na ganoong kadali.mga guro,kamag-
aral,kaibigan,sila ang bago kong kapamilya maliban sa pamilyang aking
nagisnan.Dito maraming karanasang hindi makakalimutan tulad ng mga
tawanan,tampuhan,iyakan,selosan at marami pang iba at sa pagdaan man
ng panahon hindi ito mabubura sa isipan ng bawat isa.
Sa ngayon ako'y nasa kolehiyo na sa Saint Paul College at ako'y
kumukuha ng Beed dahil pangarap kong balang araw ay makatulong sa
aking mga magulang .Alam kong malayo pa ang landas na tatahakin tungo
sa magandang bokas,subali't sa tulong ng mga taong nagtitiwala at
nagmamahal sa akin,ang dating munting angel ay patuloy na nagbibigay-
lugod sa lahat.
Alamat -ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng
kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon.

Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o


kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda
tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa banding huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.

Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula nuong unang panahon at eto ay


nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ang alamat ay pinaniniwalaan ng
maraming tao na tutoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating
panitikan o sa ating kultura.

Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng


sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Eto ay maaaring sa hangarin
na isanobela, isadula o isa-pelikula ang isang alamat.

Halimbawa ang isang bersiyon ng alamat ni Bernardo Carpio ay sinasabing sadyang


pinalaganap ng mga Kastila upang mapigilan ang namumuong himaksikan ng mga
Pilipino laban sa mga mananakop.

Ibang bersiyon naman ang pinalalaganap ng ibang mga magulang sa hangaring ang
kanilang mga anak ay huwag matakot kapag lumilindol sapagkat eto ay likha lamang
ni Bernardo tuwing nagtatangkang kumawala sa nag-uumpugang bato.

Bagama't maraming bersiyon ang alamat, ang mga eto ay nagkakaisa sa


paglalarawan kay Bernardo na isang matipuno at makisig na lalaki. Ang pagkakaiba
ng iba't-ibang bersiyon ay ang pagtalakay kung bakit, papaano, at sino ang naging
sanhi ng kanyang pagkaipit sa nag-uumpugang mga bato.
ALAMAT NG PINYA
Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming
nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit
maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat.

Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na
kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang
nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina."
Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo,
magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang.

Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran.
Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin.
Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa.

Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. "Naku! ang
nanay ko, bakit ka nagkasakit?" ang tanong ni Pina. "Ewan ko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos
na kung puwedeng ipaglugay nito ang nanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit
ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait-mait sapagkat ito'y sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin
ang ina pagkat kahit papaano siya'y napagsilbihan ng anak.

Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa
paglilingkod sa ina.

Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. "Saan
kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito.

"Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina.

"Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi ng anak.

"Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito
talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga," ang sabi naman ng ina.

"Marami naman kayong sinisermon pa" ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya
ang sandok sa silong at baka nahulog.

Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na
naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay
gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita.

Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita
nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-
araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala
nito ang sinabi niya sa kanyang anak. At bigla na lang nawala ang kanyang maal na anak ng mga
sandaling iyon.
ALAMAT NG MACOPA
Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at
maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga
Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan at mababait at masunurin.
Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin.

Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat
nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi
yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging usap-
usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila ang
kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng
kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing madilim
ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari,
pilit nilang kukunin ang kampana.

Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong panloloob sa simbahan.


Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat nila iton ibinaba at lihim na ibinaon.
Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin!

Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit
nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat sa
kinaroroonan ng kampana.

Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan - ang mga pari,
sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito naroroon.

Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang buong dangal.

Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan. Nalungkot na ang
mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang kanilang pananim.
Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop.

Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay na
ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y wala
nang nalalaman tungkol doon.

Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng mga tao. Ito'y
nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman.
Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng
mga tao.

"Parang kopa!" ang sabi ng ilan.

"Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami.

Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa maraming
kopa, doon sa makopa."
Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.
ALAMAT NG LANSONES
Tumunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan ng Paete, lalawigan ng
Laguna. Napabalikwas si Manuel at masuyong ginising ang nahihimbing na kabiyak. "Gising na
Edna, at tayo'y mahuhuli sa misa." Marahang nagmulat ng mga mata ang babae, kumurap-kurap at
nang mabalingan ng tingin ang asawa ay napangiti.

Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan sa isang buwan idinaraos
sa kanilang nayon ng kura paroko ng bayan. Hindi nagtagal at ang mag-asawa ay kasama na sa
pulutong ng mga taga-nayong patungo sa Kapilya. Magkatabing lumuhod sa isang sulok ang
magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang panalangin ni Edna,
"Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa's huwag magbago ang pagmamahal sa akin
ni Manuel." Si Manuel naman ay taimtim ding dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam
niyang nagtataglay sa sinapupunan ng unang binhi ng kanilang pag-iibigan.

Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y lumakad na pauwi sa
kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay biglang napahinto si Edna.

"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa puno ng lansones na
hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani Ednang halos matulo ang laway sa
pananabik. Napakurap-kurap si Manuel. Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang
lansones ay lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalang-tao ang
asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki ay marahan siyang
kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mga bunga ng lansones.

"Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ng asawa ay pumatak
ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa kanyang mga labi. Parang ginugutay ang dibdib ni
Manuel sa malaking habag sa asawa ngunit tinigasan niya ang kanyang loob.

Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag na iyan ang hilingin
mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo at pagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa duluhan
ng mga manggang manibalang."

Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang maaliwalas na langit
ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Ni hindi sinulyapan ni Edna ang mga
manggang manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa
silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang pinagtatampuhang
asawa.

Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malaman ni Manuel ang
gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng asawa."Edna, ano ba ang dinaramdam mo?" lipos na pag-
aalalang wika ni Manuel habang buong pagsuyong hinahaplos ang noo ng maysakit.

Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha ang nag-uunahang
gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuel sa tabi ng maysakit. Hindi niya
matagalang tignan ang payat na kaanyuan ngayon na kaibang-kakaiba sa dating Ednang sinuyo
niya't minahal. Wala na ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga mata'y
malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'y mapupulang mga labi at
mistulang larawan ng kamatayan.
Nang hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay mabilis na
nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng lansones. Ang bunga ng kamatayang pinakamimithi ng
kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niya ang katigasan ng kanyang loob, dahil sa matinding
abag sa kabiyak.

Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na pinitas ang isang kumpol
ng bunga ng kamatayan.

"Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala nang halaga sa akin
ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling," nangangatagal ang mga labing marahan
niyang naiusal kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata. Sunod-sunod na patak ng luha ang
nalaglag sa pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilang kaligayahan.

Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May nabuong liwanag sa
kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyang panggigilalas noong iyon ay maging isang
napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak ang bangong sa tanang buhay niya ay
noon lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahang nangungusap ang
babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."

Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay lason. Sa nakitang
pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap ang babaeng nakaputi. "Huwag kang matakot, kainin
mo ang bungang iyong hawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang bunga sa hawak na kumpol ni
Manuel at ito'y marahang pinisil.

Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng lansones. Anong sarap at
anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sa babaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang
naglaho at saan man niya igala ang kanyang mata ay hindi makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang
nabikas ni Manuel. Biglang sumigla ang katawanni Manuel at hindi magkandatutong pinitas ang
lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at nagdudumaling umuwi sa naghihintay na asawa.
Epiko- ay kwento ng kabayanihan ng isang tao o grupo ng mga tao laban sa
isang di kapanipaniwalang kalaban.

*Ang epiko ay isang mahabang patulang pasalaysay na;


• inaawit o
• binibigkas

Biag ni Lam-ang (Summary)


BIAG NI LAM-ANG (Life of Lam-ang) is pre-Hispanic epic poem of the Ilocano people of the
Philippines. The story was handed down orally for generations before it was written down around
1640 assumedly by a blind Ilokano bard named Pedro Bucaneg.

BUOD (SUMMARY) OF BIAG NI LAM-ANG


Don Juan and his wife Namongan lived in Nalbuan, now part of La Union in the northern part of
the Philippines. They had a son named Lam-ang. Before Lam-ang was born, Don Juan went to the
mountains in order to punish a group of their Igorot enemies. While he was away, his son Lam-ang
was born. It took four people to help Namongan give birth. As soon as the baby boy popped out, he
spoke and asked that he be given the name Lam-ang. He also chose his godparents and asked where
his father was.
After nine months of waiting for his father to return, Lam-ang decided he would go look for him.
Namongan thought Lam-ang was up to the challenge but she was sad to let him go. During his
exhausting journey, he decided to rest for awhile. He fell asleep and had a dream about his father's
head being stuck on a pole by the Igorot. Lam-ang was furious when he learned what had happened
to his father. He rushed to their village and killed them all, except for one whom he let go so that he
could tell other people about Lam-ang's greatness.

Upon returning to Nalbuan in triumph, he was bathed by women in the Amburayan river. All the
fish died because of the dirt and odor from Lam-ang's body.

There was a young woman named Ines Kannoyan whom Lam-ang wanted to woo. She lived in
Calanutian and he brought along his white rooster and gray dog to visit her. On the way, Lam-ang
met his enemy Sumarang, another suitor of Ines whom he fought and readily defeated.
Lam-ang found the house of Ines surrounded by many suitors all of whom were trying to catch her
attention. He had his rooster crow, which caused a nearby house to fall. This made Ines look out. He
had his dog bark and in an instant the fallen house rose up again. The girl's parents witnessed this
and called for him. The rooster expressed the love of Lam-ang. The parents agreed to a marriage
with their daughter if Lam-ang would give them a dowry valued at double their wealth. Lam-ang
had no problem fulfilling this condition and he and Ines were married.

It was a tradition to have a newly married man swim in the river for the rarang fish. Unfortunately,
Lam-ang dove straight into the mouth of the water monster Berkakan. Ines had Marcos get his
bones, which she covered with a piece of cloth. His rooster crowed and his dog barked and slowly
the bones started to move. Back alive, Lam-ang and his wife lived happily ever after with his white
rooster and gray dog.
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Filipino-Epics/biag-ni-lam-ang-
buod.html#ixzz0W4qrB66i

You might also like