Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

A. Panimula

Sa panahon ngayon, iba’t-ibang wika na ang nagsisilabasan at ginagamit ng mga kabataan

lalong-lalong na ang mga estudyante dulot ng impluwensiya ng internet o kung ano ang wikang

pinag-uusapan o “trending” ngayon. Sa mga nakaraang maraming taon ay nalaman natin na

iba’t-ibang wika ang ginagamit na midyum sa lahat ng asignatura ng antas ng pag-aaral at isa na

rito ay ang wikang Ingles. Hindi natin mapagkakaila na halos lahat ng ,ga asignatura ay

ginagamitan ng wikang ingles bilang paraan ng komunikasyon o pagpapaliwanag sa mge leksyong

itinuturo ngunit sa paraang ito ay hindi halos lahat ng mga mag-aaral ay natututo o nakakaunawa sa

leksyon dahilan sa hadlang sa wika o “Language barrier”.

Ngayon, isa sa mga napagtuunan ng pansin ng ng mananaliksik ay ang posibleng epekto ng

paggamit ng wikang Filipino maging ito man ay Cebuano. Bisaya, Waray, at iba pa. Ito ay

gagamatin bilang paraan ng komuikasyon ng mga estudyante sa ika-pito hanggang ika-sampung

baiting ng Bais City National Science High School tungo sa kanilang pagkatuto sa klase. Dahil dito

ay madaling maiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin bukod sa nagiging kawili-wili pa

sa kanila ang pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong patunayan na ang paggamit ng wikang Filipino ay

isang napakamabisang paraan ng ng komunikasyon tungo sa pagkatuto ng mga respondent sa Bais

City National Science High School tungo sa kanilang pagkatuto sa klase.

1
B. Tiyak na Layunin

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na naglalayong patunayan na mabilis ang pagkatuto

ng mga mag-aaral ng ika-pito hanggang ika-sampung baiting sa Bais City National Science High

School sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino bilang paraan ng komunikasyon.

Layunin nito na masagot ang iba’t ibang katanungan. Ito ay may layuning sagutin ang mga

sumusunod na tiyak na suliranin:

1. Nagsasalita ba ang mga respondent ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon sa klase?

2. Sa ano-anong asignatura madalas ginagamit ang wikang Filipino ng mga respondente sa

pakikipagkomunikasyon?

3. Ano ang mga inaasahang magandang resulta sa paggamit ng Wikang Filipino bilang paraan

ng komunikasyon ng mga respondent sa klase?

4. Ano ang mga inaasahang di-magandang resulta sa paggamit ng wikang Filipino bilang

paraan ng komunikasyon sa klase?

5. Natututo nga ba ng wikang Filipino ang mga respondent kapag ito’y ginagamit bilang

paraan ng pakiipagkomunikasyon sa klase?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang malaman at patunayan na ang wikang

Filipino ay isang mabisang paraan ng pakikipagkomunikasyon tungo sa madaling pagkatuto ng mga

mag-aaral sa lahat ng mga asignatura. Mahalaga rin ito upang malaman kung saang espesipikong

asignatura sila komportableng gamitin ang wikang Filipino bilang paraan ng

pakikipagkomunikasyon lalong-lalo na sa pagpapaliwanag ng leksyon upang magkakaintindihan.

Ang pananaliksi na ito ay importante rin para malaman kung ano ang mga inaasahang resulta sa

2
paggamit ng wikang Filipino bilang pakikipagkomunikasyon sa klase. Mahalaga rin ito para sa:

MGA MAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang patunayan at malaman na mabisa ba ang

wikang Filipino bilang paraan ng pakikipagkomunikasyon tungo sa kanilang pagkatuto.

MGA GURO

Nakakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga guro upang malaman nila kung anong wika

ang mabisang gamitin bilang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa klase tungo sa pagkatuto ng

kanilang mga estudyante.

D. Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pag-aaral ay sumasaklaw sa pananaw ng tatlumpu’t-lima (35) na mga

respodente sa ikalabing-isa na baitang ng Bais City National Science High School.

Dalawampu’t-apat (24) sa mga respondente ay mga babae at labing-isa (11) ang lalake na

respondente. Ang pananaliksik na ito ay nakalimita lamang sa tatlong linguahe: Cebuano o Bisaya,

Ingles at Filipino. Nakalimita rin ang tanong sa sarbey-kwestyuneyr sa mga asignatura sa

pangalawang semestra. Gumamit ang mananaliksik ng kwestyuneyr o palatanungan upang

makapangalap ng datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga

respondente.

3
E. Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pananaliksik na ito, narito ang ilan sa mga

terminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito.

 Asignatura - ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto.

Karaniwan nitong naka-ayos sa paraang magiging madali para sa mag-aaral na maintindihan

ang bawat topic na pinagaaralan.

 Paraan ng komunikasyon – ang pakikipaghalobilo sa kapwa estudyante sa klase

lalong-lalo na sa pagpapaliwanag sa mga natalakay na leksyon upang magkaunawaan at

magkakaintindihan.

 Filipino - Ang Filipino ay tumutukoy sa salita o lingwahe na ginagamit ng mga Pilipino. Ito

ang opisyal na salita sa Pilipina. Maaari rin itong maging isang asignatura.

 Ingles - Ingles ay ang isang wikang international, ginagamit ito ng mga dayuhan.

 Wika - Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,

tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

 Wikang Panturo – Ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.

4
KABANATA II : Sandigan ng Pag-aaral at mga Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at mga pag-aaral na

isinaalang-alang ng mananaliksik sa ikabubuti ng kanyang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC “ang paggamit ng wikang

ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika

at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”

Ang Wikang Panturo ay ang wika ng talakayang guro-mag-aaral na may kinalaman sa

mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. Ito ang wika sa

pagsulat ng aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Mother Tongue-Based Multi-Lingual

Education, sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging

opisyal na wikang panturo mula Kindergarten at Grade 3. Ang mga wika at diyalektong ito ay

ginagamit sa dalawang paraan: Bilang hiwalay na asignatura at bilang wikang panturo.

Ayon naman kay, B. R. Rodil, “Dagdag ko pang tanong: Bakit may "written record" sa

Ingles, samantalang sa Bisaya at Tagalog ay wala? Ipinaliwanag po nila na maraming mga

pangyayari sa ating kasaysayan ang hindi nakasulat. Ang mga ito'y pinag-uusapan ng mga

matatanda o kaya'y ikinukuwento sa mga kabataan. Wala sa libro ngunit totoong nangyari.

Mapapansin po ninyo, kapag wikang katutubo ang ating ginagamit, wala ng maraming

paliwanagan pa. Nagkakaintindihan na kaagad. Ngunit kapag Ingles naman, natutuliro ang mga

bata, nagmumura ang titser, lalong tumatahimik naman ang mga estudiyante, at kamukat-mukat

mo'y nagkakasakit ang titser dahil sa sama ng loob. At pagbalik, dadaanin na lang sa memory at

objective exams. Ang mahina ang memory, bagsak; ang mahusay, pasa.”

5
KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay naayon sa disenyong deskriptib-analytik na pamamaraan o

metodolohiya ng pananaliksik. Sa maikling paglalarawan nito ay kumakatawan sa mga bagay na

maaaring binibilang at pinag-aaralan kaya tinawag rin itong statistikal na pananaliksik. Tinangka ng

mananaliksik na patunayan na medaling matutuo ang mga estudyante sa klase sa pamamagitan ng

paggamit ng wikang Filipino bilang paraan ng pakikipagkomunikasyon at inilahad rin ang ilang

inaasahang epekto ng pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na ito ay nababatay sa

katotohanan sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simpleng pagbubuod sa kung ano ang nakalap

na impormasyon. Kasama ng simpleng grap, nabubuo ang isang makabuluhang interpretasyon at

kongklusyon.

2. Mga Respondente

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay tatlumpu’t-lima (35) na respondente

na kumakatawan sa mag-aaral ng ikalabing-isang baitang sa Bais City National Science High

School, taong-akademiko 2017-2018. Sila ang mga napiling respondente para sa pananaliksik

sapagkat ang baitang na ito ang may kinalaman sa pananaliksik sa pagnanais sa wikang katutubo o

unang wika bilang wikang panturo. Pansinin ang talahanayan ng distribusyon ng mga respondente.

6
Talahanayan 3.1

Distribusyon ng mga Respondente sa Ikalabing-Isang Seksyon ng Bais City National

Science High School, Taong-Akademiko 2017-2018

Seksyon Pangkalahatang Kasarian Pangkalahatang


Bilang ng Lalake Babae Bilang ng
Mag-aaral sa Respondente sa
Klasrum Klasrum
11 - Alcala 35 11 24 35

Batay sa inilahad sa talahanayan, ang mga respondente ay kumakatawan sa kabuuang

populasyon ng mag-aaral na nasa ikalabing-isang taon ng Bais City National Science High School

na may bilang na tatlumpu’t-limang (35) mag-aaral. Ang sistemang ginamit sa pagpili ng mga

respondente ay ang lahat ng mag-aaral sa isang seksyon ang sumagot sa palatanungan upang

magkaroon ng pantay na representasyon.

3. Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng survey-questionnaire. Ang

mananaliksik ay naghanda ng palatanungan na naglalayong kumalap ng mga datos kaya nasuri ang

pananaw, kaalaman at ilang inaasahang epekto hinggil sa pagnanais ng mga respondente sa

paggamit ng wikang Filipino bilang paraan ng komunikasyon sa klase. Ang survey-questionnaire ay

dumaan sa pagpapaapruba sa grupo ng asignatura upang masiguro ang kaangkupan nito para sa mga

datos na kinakalap sa pananaliksik.

7
4. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob ng saktong

panahon. Sa pamamagitan ng sarbey-kwestyoney, pag-tally at pagkuha ng porsyento nakuha ng

mananaliksik ang mga datos sa pag-aaral na ito. Una, ang mananaliksik ay nagbigay ng panuto sa

bawat katanungan. Ang sumunod naman ay ang pagta-tally at pagkuha ng pangkalahatang

𝑩
porsyento ng datos gamit ang pormyula na: X 100 = C kung saan ang A-kabuuang bilang ng
𝑨

respondent, B – bilang ng respondente sumagot sa pinagpipilian at C – kabuuang porsyento bawat

pagpipilian. Ang mga nakalap na datos sa sarbey na isinagawa ay kinuha ang pangkalahatang sagot

at binigyan ng bahagdan batay sa bilang ng pangkalahatang sumagot sa katangungan.

8
KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

MGA DATOS KAUGNAY NG MGA TALATANUNGAN

Ang mga sumusunod na datos ay nakuha mula sa naganap na pananaliksik mula sa bilang

ng mga respondente ng mag-aaral ng Bais City National Science High School sa ikalabing-isa na

baitang.

TALAHANAYAN 4.1 ANG KADALASANG GINAGAMIT NA PANTURONG WIKA

NG MGA GURO SA BAIS CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

Ang kadalasang ginagamit na panturong wika ng


mga guro sa BCNSHS
Cebuano (Bisaya) Ingles Filipino

8% 17%

75%

Batay sa nakalap na datos sa itaas, 75% sa mga respondente ang sumagot na Ingles ang

kadalasang ginagamit na wikang panturo ng mga guro. Habang 17% naman sa Cebuano o Bisaya at

8% ang sumagot ng Filipino. Ito’y nagpapahiwatig na Ingles ang kadalasang ginagamit na

9
panturong wika ng mga guro sa Bais City National Science High School.

TALAHANAYAN 4.2 ANG ASIGNATURA NA KADALASANG GINAGAMIT NA WIKANG

PANTURO ANG CEBUANO

Ang asignatura na kadalasang ginagamit na wikang


panturo ang Cebuano
Practical Research

6%
Reading and Writing
11%
8%
12% Pagbabasa at Pagsusulat Tungo
11%
sa Pananaliksik
General Chemistry
6%
19% Basic Calculus
9%

Mapeh/PE
18%
DRRM

Entrepreneurship

Statistics

Base sa datos na nakalap ng mananaliksik, ang asignaturang DRRM ang may pinakamataas na

porsyento na may 19% na nagpapahiwatig sa asignaturang ito kadalasang ginagamit ang katutubong

wika o unang wika na Cebuano bilang midyum ng pagtuturo. Sinundan naman sa asignaturang

Mapeh/PE na may 18%. Sumunod naman ditto ang Entrepreneurship na nakakuha ng 12% at

sinundan ng magkaparehong porsyento na 11% ang asignaturang Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa

Pananaliksik at Statistics. Ang Basci Calculus naman ay nakakuha ng 9% habang ang Reading and

Writing ay may 8%. Ang pinakamababa na nakuhang porsyento ay ang asignaturang General

Chemistry at Practical Research ay parehong magy 6% na nagpapahiwatig na ito ay di masyado

10
ginagamitan ng wikang Cebuano bilang wikang panturo.

TALAHANAYAN 4.3 ANG ASIGNATURA NA KADALASANG GINAGAMIT NA WIKANG

PANTURO ANG FILIPINO

Ang asignatura na kadalasang ginagamit na wikang


panturo ang Filipino
Practical Research
0%
0% 0%
2% Reading and Writing
5%
Pagbabasa at Pagsusulat Tungo
sa Pananaliksik
31% General Chemistry

58% Basic Calculus

Mapeh/PE

DRRM

2% Entrepreneurship
2%

Statistics

Ayon sa datos sa itaas, 58% sa mga respondente ang sumagot na ang asignaturang Pagbabasa at

Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik ang kadalasang ginagamitan ng Filipino na wikang panturo.

Sinundan naman ito ng asignaturang Mapeh/PE na may 31 % habang ang Entrep ay may 5%

lamang. Ang ibang asignatura ay may nakuhang 2% tulad ng General Chemistry, Basic Calculus,

DRRM. Habang ang asignaturang Practical Research, Reading and Writing at Statistics ay may 0%

na nagpapahiwatig na hindi ito ginagamitan ng wikang Filipino bilang wikang panturo.

11
TALAHANAYAN 4.4 ANG ASIGNATURA NA KADALASANG GINAGAMIT NA WIKANG

PANTURO ANG INGLES

Ang asignatura na kadalasang ginagamit na wikang


panturo ang Ingles
Practical Research

Reading and Writing 12% 16%

Pagbabasa at Pagsusulat Tungo 13%


sa Pananaliksik 16%
General Chemistry
10%
Basic Calculus

6% 15%
Mapeh/PE
1%
11%
DRRM

Entrepreneurship

Statistics

Batay sa nakalap sa datos ng mananaliksik, ang asignaturang Practical research, Reading and

Writing may pinakataas na porsyentong nakuha na 15% sa respondente ang sumagot nito. 15%

naman sa General Chemistry. Habang may 13% ang Entrepreneurship na sinundan ng Statistics na

may 12% at Basic Calculus na may 11%. Ang DRRM naman ay may kuhang 10%. Ikalawa naman

sa pinakamababang nakuhang porsyento ang Mapeh/PE na may 6% lamang. Ang asignaturang

12
Filipino naman ay may 1% dahil hindi ito ginagamitan ng wikang Ingles sa pagtuturo.

TALAHANAYAN 4.5 POSIBLENG EPEKTO NG UNANG WIKA BILANG WIKANG

PANTURO SA IBA’T-IBANG ASIGNATURA

Posibleng epekto ng paggamit ng unang wika bilang


wikang panturo sa iba't-ibang asignatura

6%
6%

17%

71%

mas madaling maintindihan ang leksyon

mas magiging mabisa ang pagtuturo

hindi mahihirapan ang estudyante sa paghabol sa leksyon

walang positibong epekto ang paggamit ng unang wika bilang wikang panturo sa iba't-ibang
panturo

Batay sa nakalap sa datos ng mananaliksik, 71% sa respondente ang nagsasabing kapag

gagamitin ang unang wika bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura, mas madaling

maiintindihan ng mga estudyante ng leksyon. Habang 17% naman ang nagsasabing mas magiging

mabisa ang pagtuturo. 6% sa respondente ang sumagot na hindi mahihirapan ang estudyante sa

paghabol sa leksyon at walang positibong epekto ang paggamit ng unang wika bilang wikang

13
panturo sa iba’t ibang asignatura.

TALAHANAYAN 4.6 POSIBLENG NEGATIBONG EPEKTO NG PAGGAMIT NG UNANG

WIKA BILANG WIKANG PANTURO SA IBA’T-IBANG ASIGNATURA

Posibleng negatibong epekto ng paggamit ng unang


wika bilang wikang panturo sa iba't-ibang asignatura

hindi madaling mainindihan ang


leksyon
26%
37%
hindi magiging mabisa ang
pagtuturo

mahihirapan ang estudyannte sa


26% paghahabol sa leksyon
11%

walang negatibong epekto ang


paggamit ng unang wika bilang
wikang panturo sa iba't ibang
asignatura

Ayon sa nakalap na datos sa itaas, 37% sa mga respondente ang nasgsasabing walang

negatibong epekto ang paggamit ng unang wika bilang wikang panturo. Sinundan naman ito ng 26%

sa mga respondente na hindi madaling maintindihan ng mga estudyante ang leksyon at hindi

magiging mabisa ang pagtuturo. Habang 11% naman na respondente ang nagsasabing mahihirapan

14
ang estudyante sa paghahabol sa leksyon.

TALAHANAYAN 4.7 PREPERENSYA NG MGA ESTUDYANTE SA PAGGAMIT NG UNANG

WIKA BILANG WIKANG PANTURO SA IBA’T-IBANG ASIGNATURA

Preperensya ng mga estudyante sa paggamit ng


unang wika bilang wikang panturo sa iba't-ibang
asignatura

Sang-ayon Di Sang-ayon

34%

66%

Ayon sa nakalap na datos ng mananaliksik, 66% sa respondente ang sumang-ayon sa paggamit

ng unang wika na Cebuano o Bisaya bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura. Habang 34%

ang hindi sumang-ayon dito. Batay sa nakalap na datos, mas marami ang sumang-ayon kaysa sa

hindi sumang-ayon.

15
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

A. LAGOM

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang pagtatangkang malaman ang preperensya ng mga

respondente sa paggamit ng unang wika bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura at upang

malaman ang pananaw ng mga respondente sa posibleng negatibo at positibong epekto nito.

Nilalayon ng pananaliksik na ito na malaman ang uri ng wikang panturo na ginagamit sa iba’t-ibang

mga asignatura. Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil upang malaman saang tiyak na asignatura

sila komportableng makinig sa leksyon ng guro upang sila ay di mahirapan sa pagintindi.

Nakalimita lamang ang pananaliksik na ito sa tatlong (3) linguahe: Cebuano o Bisaya, Ingles at

Filipino. Ang mga respondente na kamasa sa pagsagot ng palatanungan ay mga mag-aaral sa Bais

City National Science High School.

Gamit ang disenyong deskriptib-analiktik, ang mananaliksik ay nagdisenyo ng

sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa tatlumpu’t-limang (35) respondente na pangkalahatang bilang

ng mag-aaral na kumakatawan sa tatlumpu’t-lima (35) na mag-aaral sa ika labing-isang taon ng

BCNSHS. Dalawampu’t-apat (24) ang mga respondente na babae at labing-isa (11) na mga lalakeng

mag-aaral. Ang mga nakalap na datos sa sarbey na isinagawa ay kinuha ang pangkalahatang sagot

at binigyan ng bahagdan batay sa bilang ng pangkalahatang sumagot sa katangungan.

16
B. KONGKLUSYON

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon ng mananaliksik sa paksang “ANG

PREPERENSYA NG MGA MAG-AARAL NG IKA-LABING ISANG BAITANG NG BAIS

CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL SA UNANG WIKA BILANG WIKANG

PANTURO, TAONG AKADEMIKO 2017-2018.” Ang mananaliksik ay humantong ng mga

kongklusyon batay sa mganatuklasan sa isinagawang pag-aaral.

a. Wikang Ingles ang kadalasang ginagamit na wikang panturo ng mga guro sa ika

labing-sang baitang ng Bais City National Science High School.

b. Ang asignaturang Disaster Risk Reduction Management o DRRM ang kadalasang

ginagamitan ng wikang Cebuano o Bisaya (unang wika) na midyum sa pagtuturo.

c. Ang asignaturang Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik ang kadalasang

ginagamitan ng wikang Filipino na midyum sa pagtuturo.

d. Ang asignaturang Practical Research, Reading and Writing ang kadalasang ginagamitan ng

wikang Ingles na midyum sa pagtuturo.

e. Nakita sa pananaliksik ang posibleng positibong epekto ng paggamit ng unang wika bilang

wikang panturo sa ibat-ibang asignatura ay ang mas madaling maintindihan ng mga

estudyante ang leksyon. Karamihan sa mga mag-aaral o respondente ay nagsasabing

walang negatibong epekto ang paggamit ng unang wika bilang wikang panturo.

f. Natukoy sa pananaliksik ang walang posibleng negatibong epekto ng paggamit ng unang

wika bilang wikang panturo sa ibat-ibang asignatura.

g. Sang-ayon ang mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng Bais City National Science

High School ang paggamit ng unang wika bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura.

17
I. REKOMENDASYON

Ang mananaliksik ay nais magrekomenda sa susunod na gustong ipagpatuloy ang pag-aaral na

ito tungkol sa “ANG PREPERENSYA NG MGA MAG-AARAL NG IKA LABING-ISANG

BAITANG NG BAIS CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL SA UNANG WIKA

BILANG WIKANG PANTURO, TAONG AKADEMIKO 2017-2018.” sa mga sumusunod:

a. Sa mga guro na nagtuturo sa Bais City National Science High School na gabayan

pang lalo ang mga estudyante sa pagtatalakay o sa pagsasagawa ng mga pasulat

na aktibidad o sa perpormans kung nababagay ba o komportable ang estudyante

sa napiling wikang panturo upang sila ay di mahirapan at mas maging aktibo sila

sa oras ng klase.

b. Para sa mga susunod na mananaliksik, palawakin pa ang pag-aaral na ito upang

sa ganoon ay marami pang institusyon ang matulungan at magabayan. Maaaring

kumuha ng parehong bilang ng mag-aaral sa iba’t-ibang seksyon upang mas

malinaw ang datos na makukuha. Para mas mapalawak ang saklaw at limitasyon

nito. Magbigay pa nang karagdagang katanungan ukol sa layunin ng

mananaliksik upang mas mapagtibay ang pananaliksik. Ang pananaliksik na ito

ay may malaking bahagdan sa pagtatagumpay ng mga mag-aaral na kung saan ay

magkakaroon ng programang naglalayong maagapan at matulungan ang kanilang

mga estudyante.

18
TALAAN NG SANGGUNIAN

Journal/Article:

Thomas U. Santos, “Pagpapaigting ni Duterte sa Wikang Bisaya”, 2016

Amanda Fernandez, “Paggamit ng Wikang Kinagisnan sa Paaralan, Iginigiit“, 2012

Link/s:

https://www.scribd.com/doc/45990971/Paggamit-ng-Wikang-Tagalog-sa-Iba-t-Ibang-Asignatur

a-sa-Paaralan-Pananaliksik

https://angtagapagmulat.wordpress.com/tag/mother-tongue-based-multilingual-education/

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/248950/paggamit-ng-wikang-kinagisnan-s

a-paaralan-iginigiit/story/

http://varsitarian.net/news/20160727/pagpapaigting_ni_duterte_sa_wikang_bisaya

https://www.slideshare.net/RainierAmparado/wikang-pambansa-opisyal-at-panturo

19
APENDIKS A

BIO-DATA NG MANANALIKSIK

Name : Dexther S. Villanueva

Address : Brgy. Butong, Manjuyod, Negros Oriental

Phone No. : 0999-805-3277

Date of Birth : October 28, 2000

Birth Place : Bayawan City, Negros Oriental

Height : 5’2

Weight : 49 Kg

Religion : Roman Catholic

Citizenship : Filipino

Marital Status : Single

Father’s Name : Ethelbert S. Villanueva

Occupation : Solid Waste Management Inforcer

Mother’s Name : Elve S. Villanueva

Occupation : Foodhandler

Language/Dialect Spoken: Filipino, English, Bisaya

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary : Villareal Elementary School Year: 2012-2013

Junior High School : Bais City National Science High School Year: 2018-2019

I hereby certify that all data entered in the above are true and correct.

Dexther S. Villanueva

Mananaliksik

20
Apendiks B
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Region VII (Sentral Visayas)
Bais City National Science High School
Bais City, Negros Oriental
-oOo-

Pebrero 9, 2018

GNG. CRISTY M. JABONILLO


Punong Guro
Bais City National Science High School
Tavera Street, Bais City
RU:
Mahal na Ginang,

Magandang araw po!

Ako po isang mag-aaral sa Unang Taon ng Senior High School sa institusyon ng Bais City
National Science High School. Kasalukuyan po akong nagsasagawa sa aking pananaliksik ngayon
upang maisakatuparan ko ang aking pamanahong papel na pinamagatang “WIKANG FILIPINO:
BILANG PARAAN NG KOMUNIKASYON TUNGO SA PAGKATUTO NG MGA
ESTUDYANTE.”

Kaugnay nito, ako po ay pahintulutan ninyo na magsagawa ng sarbey sa inyong paaralan sa


mga mag-aaral ng ikapito hanggang ikasampung baitang. Sa isang kasunduan na ang mga
kasalukuyang datos na aking makukuha ay gagamitin lamang sa aking pag-aaral at mananatiling
kompidensiyal.

Maraming salamat po at nawa’y makamit ko ang positibong tugon niyo kaugnay sa


kahilingang ito. Ako po ay umaasa ng inyong pagsang-ayon sa bagay na ito.

Lubos na gumagalang,

Dexther S. Villanueva
Mananaliksik

Gng. Cristy M. Jabonillo


Punong Guro
Binigyang-pansin ni: For:

Gng. Jagirline M. Yongco


Guro sa Pagbabasa at Pagsusulat

21
APENDIKS C

“WIKANG FILIPINO: BILANG PARAAN NG KOMUNIKASYON


TUNGO SA PAGKATUTO NG MGA ESTUDYANTE”

Pangalan (Opsiyonal): ______________________________Baitang: ____________


Panuto: Pakisagutan ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng ✔ ang iyong sagot.
 Ilang taon ka na?
17 16 15 14 13 12
 Ano ang iyong kasarian?
Babae Lalake

1. Anong wika ang kadalasan mong ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa klase?


Bisaya/ Filipino
Ingles

2. Sa anong asignatura madalas mong ginagamit ang wikang Filipino sa


pakikipagkomunikasyon?
Filipino Mapeh Math
Science APP PE
English ESP TLE

3. Para sa iyo, ano ang mga inaasahang magandang resulta ng paggamit ng wikang Filipino
bilang paraan ng komunikasyon sa klase?
Mas lalong magkakaintindihan ang isa’t-isa tungkol sa leksyon
Hindi mahihirapan ang mga estudyante sa pagkatuto sa leksyon
Mas magiging mabisa ang pagtuturo
Walang magandang resulta ito
4. Sa iyong palagay, ano ang mga inaasahang di-magandang resulta ng paggamit ng wikang
Filipino bilang paraan ng komunikasyon sa klase?
Hindi magkakaunawaan ang isa’t-isa tungkol sa leksyon
Hindi magiging mabisa ang klase
Mahihirapan ang mga estudyante sa pagkatuto ng leksyon
Walang negatibing resulta ito.

6. Natututo ka ba sa inyong leksyon kapag gamit ang wikang Filipino bilang paraan ng
inyong komunikasyon sa klase?
Oo Hindi

22

You might also like