Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas )

Lalawigan ng Silangang Mindoro ) S.S.


Lungsod ng Calapan )

PINAGSAMANG KONTRA SALAYSAY

Kami, NOEL BANTA y GABA, MELVIN CUETO y GARCIA at JORGE


CARMEND y MANAO, may sapat na taong gulang, may-asawa, Pilipino at kapwa
naninirahan dito sa Lungsod ng Calapan City, Silangang Mindoro matapos manumpa
alinsunod sa itinatadhana ng batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga
sumusunod:

1. Na kami ay nakatanggap ng Subpoena buhat sa City Prosecutor’s Office at


napag- alaman namin na kami ay inerereklamo ng isang nagngangalang
Elmar Gana Pacia sa salang “Grave Coercion” pati na ang mga kasama
naming myembro ng Task Force;

2. Na, kami ay mga kawani o empleyado ng Pamahalaang Lunsod ng Calapan


(kalakip ang kopya ng aming mga Appointment at Job Order bilang Annex
“A-1 at A-2”);

3. Na, kami sa kasalukuyan ay nakatalaga bilang mga kasapi ng Public Safety


Department - City Task Force Discipline na ang pangunahing tungkulin ay
ang magpatupad ng mga City Ordinances at manghuli ng mga taong
lumalabag dito kung kinakailangan (kalakip ang kopya ng Designation
Order, Memorandum No. 63, Series of 2016 bilang Annex “B”);

4. Na, noong ika -20 ng Pebrero 2017, mga bandang 4:10 ng hapon ay naroon
kami sa tabi ng Strong Republic Nautical Highway, Barangay Tawiran,
Calapan City, Silangang Mindoro sa may tapat ng Gaisano Mall upang
magsaayos ng trapiko sa nasabing lugar at upang magpatupad ng mga
ordinansa ng Lungsod ng Calapan;

5. Na, kasama namin noon ay sina Vedasto Baraquel Jr. at Darwin Maravilla
bilang unang grupo, Benmar Basco at Dhennis Landicho, ikalawang grupo at
kaming tatlo naman bilang ikatlong grupo;

6. Na, kaming tatlo ay nagsasaayos sa daloy ng trapiko at nanghuhuli ng mga


lumalabag sa City Ordinances;

7. Na pinatutunayan naming tatlo na di namin kilala itong si Elmar Pacia at


nitong bandang huli ay napag alaman na siya (Elmar Pacia) ay nahuli pala
nitong sina Benmar Basco at Dhennis Landicho sa paglabag ng Batas Trapiko
o sa salang “OBSTRUCTION” at Driving with Invalid /Delinquent driver’s
license;

8. Na, sa oras na iyon ay wala kaming alam sa pangyayari at di man lang namin
nakita itong si Elmar Pacia pagkat ang aming grupo ay may kalayuan,
humigit kumulang sa sampung metro (10 meters) sa lugar ng pinaghulihan ni
Elmar Pacia at sa kadahilanang kami ay abala rin sa pag aayos ng trapiko at
panghuhuli sa mga lumalabag dito sa nasabing lugar;

1|P a g e
PINAGSAMANG SINUMPAANG SALAYSAY
NOEL BANTA, MELVIN CUETO & JORGE CARMEND
9. Na, walang katotohanan ang mga sinasabi ni Elmar Pacia na tinawanan
namin siya at nagsalita ng nakakainsultong pahayag na nakakapagpababa
ng pagkatao ng nagrereklamo;

10. Na ang akusasyon o paratang sa amin ni Elmar Pacia ay pawang


kasinungalingan at walang katotohanang lahat laban sa amin;

11. Na, kaya kami nagsasalaysay ng ganito ay upang ipabatid at magbigay linaw
sa pagsisiyasat na isinasagawa ng may kapangyarihan hinggil sa usaping ito.

BILANG PATUNAY ay nilalagdaan namin ang salaysay na ito upang


patotohanan ang mga pangyayaring nabanggit at para sa anupamang ligal na layuning
maaari nitong paggamitan.

NOEL G. BANTA MELVIN G.CUETO JORGE M. CARMEND


Nagsasalaysay Nagsasalaysay Nagsasalaysay

PINANUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP KO ngayong ika 10 ng Marso


2017 dito sa lungsod ng Calapan, Silangang Mindoro.

2|P a g e
PINAGSAMANG SINUMPAANG SALAYSAY
NOEL BANTA, MELVIN CUETO & JORGE CARMEND

You might also like