Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

INTRODUCTION

Nang bumalik ang mga Amerikano dito sa pilipinas


pagkatapos ng giyera isa ang karnabal isa
sa mga dinala nila dito saating bansa, kaya bago pa man
umusbong ang modernong teknolohiya't panahon ang karnabal
ang isa sa may pinaka-inaabangang palabas ng taon. Iba't ibang
uri ng mga palabas kung saan hitik sa bawat mata ng mga
manonood, mga taong may istorya ang buhay sa likod ng perya.
Ang mga taong pinapanood ay wala sa entablado kundi nasa mga
hawlang kwadrado. Ngunit sa paglipas ng panahon marami ng
nagbago sa mundo, buhay parin kaya ang pamana ng nakaraan
na pinagtatawanan ang ano mang bagay at hindi karaniwan sa
mata ng karamihan?

BODY OF PIECE
Taong 1997 ng unang umere sa telebisyon si Kara David para
sa kanyang kaunaunahang proyekto bilang isang tagapagbalita at
ito ay pinamagatang “Paglipas ng Perya” upang tuklasin ang
buhay sa likod ng carnabal. Nakilala niya ang ilang mga taong
side show sa perya. Una niyang nakilala si Angelito Refuya,
Human penguin ang bansag sakanya sakadahilanang ang
kanyang panlabas na kaanyuan ay kakaiba sa normal na
katauhan ngunit sa likod ng kinang ng carnabal, siya ay isang
mapursigeng ama na walang ibang hangad kundi buhayin ang
pamilya. Nakilala niya rin ang batang si Rodney Aquino, itinakwil
siya ng kanyang mga magulang dahil sakanyang kapansanan
kaya sa murang edad napadpad siya sa perya na kanya ng naging
buhay. Kangaroo Boy kung siya ay tawagin, hindi nabigyan ng
pagkakataong makapag-aral kaya naman wala siyang ibang
pangarap kundi ang matutong makapagsulat. Silang dalawa ay
gabi-gabing pinagtatawanan samantalang mayroon namang
nakilala si Kara David kung saan siya ay pinandidirihan, kilalanin
natin si Zurika, ang babaeng binansagang babaeng kanibal. Ang
kanyang palabas ay ang pagkain ng buhay na manok at pag-inom
ng dugo nito. Dalawampung taon na ang nakakalipas ng
binalikang muli ni Kara David ang mga taong naging bahagi ng
isang makulay at masayang perya. Sa bayan ng novaliches unang
nagtungo si Kara upang magbakasakaling makikita niya ang mga
ito, piyesta din kasi sa nasabing lugar ngunit sa kasamaang palad
hindi niya ito nakita roon. Samantala isang pamilyar na mukha
ang sumalubong sakanya sa kanyang pagtatanong sa parte ng
isang haunted house show sa perya. Siya ay si Geronimo Simpau,
tatlong dekada ng peryante. Isa siya sa mga rekruter at operator
noon na tinatawag na freak show. Dito ay nagkaroon ng
pagkakataong maitanong ni Kara kung kamusta na at kung
nasaan na kaya ang mga taong hinahanap niya. Ayon kay
Geronimo noong 2002 unti-unti na raw humina ang side show sa
mga perya at dahil halos wala ng pumapasok na manonood unti-
unti na ring nagsialisan ang mga tagaganap nito. Sa kabila man
nito hindi parin nawalan ng pag-asa si Kara na mahanap niya
ang mga taong nagsilbing inspirasyon rin sakanya upang
magpatuloy sa buhay.
Sa website ng isang banyagang photographer nakita ni Kara
ang ang isang pamilyar na litrato kung saan mukha ni Rodney
Aquino at isang Norlie Solano na binasagang taong manok. Noo’y
nagbigay pag-asa na makikita niya na ang mga ito sa tulong ng
makabagong teknolohiya gamit ang social media. Di nga nabigo
sa paghahanap si Kara, nakita niya rin si Norlie sa tabi ng MRT
Cubao Station na nagbebenta ng kendi at sigarilyo sa buong araw
at natutulog sa tabi ng kalye pagsapit ng gabi. Tubong Camalig
Albay si Norlie, 14taong gulang ng magdesisyong sumama sa
perya, mula noon tuluyan ng nawalay sa kanyang pamilya. Araw-
gabi pinapanood at pinagtatawanan ng mga taong naninibago
sakanyang hitsura. Kwento ni Norlie par daw silang mga hayop na
nakakulong noon sa hawla, bawal lumabas at bawal Makita ng
iba. Tiniis ni Norlie ang kanyang kwadradong kulungan sa loob ng
dalawampung taon hanggang ‘nong 2010 nagdesisyon siyang
iwan ang perya at makipagsapalaran sa maynila. Ayon kay Norlie
gaano man karahas ang kalsada ang mahalaga Malaya siya,
malayang maging tao ‘di tulad ng nakagisnan niyang mundo sa
loob ng perya. Nagkaroon din ng pagkakataong Makita ni Norlie
ang isa sa kanyang kapatid na ilang dekada ng hindi niya nakita.
Ilang beses inalok ni Marlyn ang kanyang kuya Norlie na sumama
sakanya at iwan na ang buhay sa kalsada ngunit hindi nito
pinagbigyan sa kadahilanang ayaw niyang maging pabigat
sakanyang pamilya na sakabila man ng kanyang kondisyon nais
niya paring maging Malaya at ipakitang hindi siya naiiba.
Fiesta noon sa bayan ng San Carlos Pangasinan nagtungo
naman si Kara nagbabakasakaling Makita ang ilan pa sa mga bida
ng karnabal na kanyang nakilala. Nakilala ni Kara si Aling Teresa
na may alagang ahas sa show ng perya kung saan siya ang
naging susi upang Malaman niya ang kinaroroonan ni Angelito
Refuya na ngayong nakatira sa Gimba Nueva Ecija. Halong-halong
emosyon ang naramdaman ni Kara sa muli nilang pagtatagpo ni
Angelito.
Ibat’-iba man ang hatid nilang kwento, sila ay tunay na
dapat hangahan dahil sa kabila man ng kanilang mga kapansanan
hindi sila naging pabigat sa lipunan, bagkus sila ay nagpursigeng
iahon sa hirap ang kanilang mga sarili hindi umasa kahit kanino
man.

THEME
Ang dokumentaryong ito ay naglalayong mabuksan ang
isipan ng isang mamamayan patungkol sa mga taong may
kakaibang itsura sa karaniwan, makikita man ito sa perya o kahit
saan na sila rin ay tulad natin na karapat-dapat ding erespeto at
itrato ng naaayon sapagkat sila ay tao din.

STYLE
Isa sa pinakamagandang estratihiyang ginamit sa
dukomentaryong ito ay ang mismong pakikipag-usap sa mga
taong naging parte at bida ng isang istorya. Makikitang
magkakaroon ng isang personal na pakikipanayam ang isang
tagapag-ulat o manunulat patungkol sa naging buhay-buhay ng
mga ito. Hindi masasabing gawa-gawa lamang ito dahil
pinuntahan at hinanap mismo ang mga taong unang nagbigay ng
kulay at buhay sa kwento, masasaksihan ang naging buhay nila
noon magpahanggang ngayon.

Konklusiyon
Tulad ng maraming bata noon sabik na sabik din ako sa
tuwing dumarating din ang perya sa aming bayan. Hilig ko rin
sumakay sa mga rides sumali sa mga palaro at manood ng
kakaibang palabas. Sa paglipas ng panahon unti-unti ring lumipas
ang kinang ng Carnabal o Perya malungkot sa isang banda dahil
nawalan ng trabaho ang mga tagapag tanghal sa perya ng
lumabas o napanood ang dokumentaryo ni Kara David sa
telebesyon. Mayroong nag reklamo sa mga palabas sa isang
nasabing perya dahil dito nawalan ng trabaho ang mga
mangtatanghal pero aanhin mo naman ang kinang ng salapi kung
gabi-gabi ka namang pinagtatawanan at pinag pipipyestahan ang
iyong kapansanan. Ang mga prik show ng perya ay bunga ng
ating baluktot na pag-iisip sa mga taong kaiba o di natin ka uri.
Panahon na marahil na lumaya tayo sa lumang pag-iisip at
tanggapin na ang ating pagkakaiba-iba ng itsura ang isang
katanginaan na di dapat pinagtatawan.

You might also like