Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Cordillera Administrative Region (CAR)

Kaligirang Kasaysayan
Ang rehiyon ng Cordillera ay nagsasariling rehiyon. Ito ay bulubundukin. isang rehiyon ng
Pilipinas na matatagpuan sa Hilagang bahagi ng Luzon. Sa bisa ng R.A. 6766 na naging batas noong
Oktubre 23, 1988,
ang CAR ay nabuo at ngayo’y nagsasarili. Ito ang sentro ng kulturang Ifugao.
Ayon kay Otley Bryer, ang mga naninirahan dito ay galing sa lupain ng Asya.
Ayon naman kay Felix Keesing ang mga tao ay galing sa lambak na tumakas mula sa pananakop
ng mga Kastila sa Hilagang Luzon.
Sakop ng rehiyon ang halos lahat na lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na
bulubundukin sa Pilipinas. Dito matatgpuan ang pinakamataas na bundok sa Luzon, Pangalawa Sa Mt.
Apo. May mapunong talampas at matabang lupain.
Kakulangan sa taniman ang nagbunsod upang gawin ang Hagdan-hagdang Palayan sa Banawe (Banawe
Rice Terraces)
Ito lamang ang rehiyon sa Pilipinas na hindi napapaligiran ng tubig.
Pagmimina – pangunahing yaman ng rehiyong ito – bakal, “limestone”, tanso, pilak.
Pagtotroso kabilang sa kanilang kalakal, kagamitang kahoy (woodcraft) pagtatanim ng tabako.
Nagluluwas din ng mga sariwang gulay at prutas.
Benguet at Mt. Province – sentro ng pagmimina
Ang malaking lupain ay matatagpuan sa hilaga ng mga lalawigan ng Pangasinan at Nueva Ecija. Ang
malaking bahagi nito ay hanay mga bundok na sa kabuuan kung mamalasin sa itaas ay hugis U. Sa
kaliwang bahagi ay matatagpuan ang tinatawag na “Gran Cordillera” na ang kahabaan ay nagmumula sa
hil;aging bahagi ng Pangasinan at bumabagtas sa mga lalawigan ng Benguet,, Ifugao, Mt. Province(
Bontok), Abra at Kalinga Apayao. Sa kanan naman ay ang kabundukan ng Sierra Madrebna umaabot sa
hilagang-silangang dulo ng Cagayan, sa bandang ibaba naman nito ay bulubundukin ng Caraballo na ang
kahabaan naman ay mula sa hilagang-silangan ng Pangasinan hanggang dulong hilaga ng lalawigan ng
Quezon.
Ipinapakita ng paglalarawang ito na ang kanilang kultura ay maliit lamang na bahagi ng kultura
ng mga naninirahan sa kabundukan ng hilagang Luzon, samakatuwid ay hindi lubusang nabibilang sa
kultura ng mga nasa kabundukan nito.
Sa kabundukan ng Caraballo matatagpuan ang mga Isinay at mga Ilongot.
Sa kabundukan ng Sierra Madre matatagpuan ang mga Gaddang, Yogad, at Ibanag, sa dulong
timog ng kabundukan ay ang mga Dumagat naman.
Mali ang paniniwala ng mga taga kapatagan na ang Igorot sa Cordillera ay may iisang uri ng
kultura. Ang totoo, ang mga naninirahan sa Cordillera ay iba-ibang uri ng tao na ang dahilan ay hindi sila
nasama sa pananakop ng mga Kastila nang may tatlong daang taong mahigit.
Kung susuriin at pag-aralan ang mga taong ito, mababatid na sila ay may iba’t ibang
pamayanang etniko na may namumukod na kultura na nakikita at nakikilala sa pamamagitan ng
kanilang wikang ginagamit. Mula sa hilaga ay ang Apayao, Tinggian, Kalinga, Bontok, Kankanaey, Ifugao
at Ibaloy. Hindi kasama rito ang isang uri na nasasakop ng Cordillera subalit may mababang uri ng
kultura ang matatagpuan sa mga gulod ng bahaging kanluran ng Cordillera. Ang mga ito ay tinatawag na
Bag-o at itinuturing na kasama sa pamahalaan ng mga lalawigan ng Ilocos. Ang tiyak na kinaroroonan
nila ay mga baybayin ng mga ilog at mga lambak (valleys) ng Bakun at Ilog ng Amburayan sa Timog Ilocos
Sur at Hilagang La Union. Gumagamit sila ng wikang Iloko na nahaluan na ng wikang Kankakanaey na
siyang ikinakaiiba ng nila sa mga talagang Ilokano na nagsasabing nahihirapan nilang unawain ang
pananalitang Bag-o.
Ang rehiyong ito ay tirahan ng mga katutubong tribo na tinatawag, Igorot.
Mga katutubo ng rehiyon:
 Isneg
 Kalinga
 Kankana-ey
 Ibaloy
 Tinguian
 Bontok
Sa mga Ibaloy, ano mang pista ay nangangailangan ng hayop na kakatayi. Ito ay binubuo ng
dalawang katao o higit pa para sa Cano, na ang ibig sabihin ay “to burn or to feast” sa English.
Cañao - ay isang tradisyon para sa mga Ibaloi at Kankana-ey sa Benguet. Isang seremonya na ang
Nagsasagawa ay isang mambubunong. Isa itong ritwal na pagpaparangal sa ispiritu ng kanilang mga
ninuno.
Mga Uri ng Cañao:
 Kape – isinasagawa kung may bagong tayong bahay o pagkatapos ng ilang araw na pagkalibing
sa yumaong kamag – anak.
 Kayed – ito ang boluntaryo o sapilitang isinasagawa upang mapanatili ang pagiging puno sa
barangay.
 Sabeng – isinasagawa ng bagong mag – asawa ngunit kadalasan ay mayaman lamang ang
nakagagawa nito.
 Pechit – ito ay pinakamataas na uri ng Cañao. May dalawang uri ito, single at doble. Ito ay
tumatagal ng tatlo hanggang apat na araw.

MGA LALAWIGANG BUMUBUO NG CAR


Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mt. Province
ABRA
Isa sa pinakamatandang bayan na itinatag ng mga misyonerong Agustino. Naging kanugnog na lalawigan
ng Ilocos Sur noong 1902 nang mahati ang rehiyon ng Ilocos. Dito naitala ang huling pakikibaka ni
Gabriela Silang. Matatagpuan sa hilagang Sentral ng Luzon. Nagtataglay ng lupaing may lawak na
humigit kumulang sa 3,976 kilometrong parisukat.
Ilokano - ang nakatira dito, may nagsasalita rin ng Itneg at Tingguian
Bangued - Kabisera
Binubuo ng ( 27) bayan at 303 baranggay
Matatagpuan dito ang mga:
Old Roman Catholic Churhes, Gabriela Silang Monument, Casa Real, Pinaing, (Sacred Stones),
Don Teodoro Brillantes Family Museum, Ilog ng Abra, Boleney Hot Spring, Casamta National
Park, Consoliman Springs, Maparo Hot Springs, Libtec Underground River, Kimkimay Lake,
Limbo Lake, Subud-subud cave at Damarudor Falls.

APAYAO
Nagtataglay ng lupaing may sukat na humigit-kumulang na 4,083 kilometrong parisukat.
Cabugao – kabisera
Binubuo ng 7 bayan at 131 na barangay
Wikang Isneg – sinasalita ng mga mamamayang naninirahan dito
Pagmimina at pagsasaka – pangunahing ikinabubuhay
Ang mga taga- Apayao ay gumagamit ng apat na wikain – Tingguian, Ilokano, Ibanag at wikang
kasintunog ng sa Kalinga.
Ang mga Isneg ay mga “animista” o yaong mga naniniwala sa mga ispiritu.
Babaing pari (priestess) – nagsasagawa ng mga ritwal tulad ng “sayam” at “pilday” pagkatapos ng isang
matagumpay na pamumugot ng ulo.
Agamatan National Park, Wild Life Sanctuary at ang Apayao River – ipinagmamalaki nila

BENGUET
Trinidad – kabisera
Binubuo ng 14 na bayan, Napapaligiran ng mga lalawigang Pangasinan sa Timog, Ifugao at Nueva Viscaya
sa silangan at sa hilaga ay Mt. Province.
Tatlong uri ng tribo na naninirahan dito – Ibaloy, Kankana-ey at Kalnguya
Ibaloy – matatagpuan sa timog-silangan at nagsasalita ng Nabaloy na hawig sa wikang Pangasinense
Kankanna-ey – matatagpuan sa hilagang-silangan na nagsasalita ng “Kalkali” – isang wikang magkatulad
ng Bontok, Halos magkatulad ang kultura – sa paniniwala at mga ritwal na nagiging patnubay nila sa
pang-araw araw na pamumuhay
Iba’t ibang ritwal at pista:
 Kordey – ritwal na ginagawa upang maging mayaman at mataba ang lupa, ito’y ginagawa sa
panahon ng pagbubuntis ng palay sa pagtaas ng buwan ng Mayo
 Tohungas – seremonya ng paghihiganti sa mga di nakikitang kaaway (ghost enemies)
May anim na minahan sa lalawigan
Mahilig sa pag-ukit ng kahoy at paggawa ng ceramics, pinagkakakitaan din ang paghahabi (weaving)
Mga atraksyon: Batangan Airstrip, Kaliwaga Cave, Mt. Kabunian, Timbac Cave, Opdao Cave, Mt. Sto.
Tomas, Colorado Falls, Bridal Veil Falls, Tuel Hot Spring at Bengoaga Cave.
IFUGAO
Lagawe – kabisera
Ang Ifugao ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng gitnang Cordillera sa hilagang Luzon na may
taas na mula sa 1000 – 1500 metro. Humigit kumulang na 2517 kilometrong parisukat – lawak ng
lupaing sakop nito, may 10 bayan ito – Banawe, Hungduan, Kiangan, Lagawe, Lamut, Mayaotao
(Mayoyao), Potra, Aguinaldo, Hingyan at Tinoc, 154 na baranggay
Mga bahay – yari sa kahoy at korteng pyramid na sinusuportahan ng apat na haligi, may hagdan na ugali
na nilang itaas kung gabi.
Mga pinagkakakitaan – paghahabi, paggawa ng mga basket, pag-ukit ng mga kahoy (woodcrafts),
paggawa ng palayok, paggawa ng alak. Nagtatanim din sila ng palay. Patunay lamang ang kanilang
Hagdan-Hagdang Palayan (Rice Terraces). Marunong din sila manghuli ng isda at baboy-ramo.
Kabunian –iisang Diyos nila, na ayon sa kanila Diyos ng Diyos, may ibat iba pang mga Diyos na may kanya
kanyang kapangyarihan ang nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan.
Cañao – tawag sa kanilang ritwal, isinasagawa bilang parangal sa pagsilang ng isang sanggol, nakapaloob
din sa ritwal na ito ang pagtawag sa Diyos na gustong makausap, pagsamo rin ito sa mga ispiritu na
ipinagkaloob sa kanila ang kanilang mga kahilingan. May ritwal din sila para sa pagpapagaling at sa
pagtatanim.
Sa pagdaraos ng Cañao inaanyayahan ang buong kanayunan. Naghahain sila ng mga pagkain at inuming
“tapey” at may sayawan.
Marunong din silang manghula sa pamamgitan ng bituin, buwan at bulalakaw o buntala, nahuhulaan nila
kung may maganda o masamang ani.
Mga maipagmamalaking tanawin at atraksyon – Million Dollar Hills, National Museum (Kiangan),
Ducligan Hot Spring, Tubukan Sulphur Hot (Tinoc),Philippine War Memorial Shrine (Kiangan), Taman
Village, Bintakan Cave (Lagawe), Nah-Toban Cave (Lagawe), Ambuwaya Lake (Kiangan)
Klima – malamig, katamtamang temperature 23◦C.

KALINGA
Tabuk – kabisera
Ito ay napapaligiran ng Abra at Ilocos Norte sa kanluran, Mt. Province sa timog at Cagayan sa silangan.
Pinaniniwalang nagbuhat sa Ibanag at Gaddang ang “Kalinga” na ang ibig sabihin ay mamumugot ng ulo
(headhunters). Sa panahon noon, ang pamumugot ng ulo ay isang gawaing kagalang-galang. Sa
pagpugot ay ginagantimpalaan sila ng kalayaan sa pagpapalagay ng “tato” na labis na hinahangaan ng
kababaihan.
May 8 bayan, 150 baranggay
Wikang ginagamit: Guinaang, Lubuagen, Pinukpuk, Tabuk, Tinglayan at Tanudan
Gabbuk – pagbibinyag sa anak na panganay babae man o lalaki, para sa kanila ito ay pormal na
pagpapakilala sa unang anak sa mga ispiritung naninirahan sa mga ilog, bundok at mga bato.
- Dinadaluhan ng buong tribo, naghahanda ng mga kakanin at nagkakatay ng baboy upang
ayon sa matatanda sa tribu ay magkakaroon ng masayang pamumuhay ang bata.
Mayaman sa ginto at mga mineral ang Kalinga
Klima – magkakaiba, sa hilaga ay makararanas ng mauling panahon, sa timog naman ay sagana sa mga
hanging kanluran kaya higit na maulan.
Magagandang tanawin: Balbalasang National Park and Reservation, Uguid Suterrenean River, Sleeping
Beauty Mountain, Elephant Hill/Aguinaldo Hill, Agamatan National Park and wildlife Sanctuary at
Sumadel Rice Terraces.
MOUNTAIN PROVINCE
o Bulubunduking Lalawigan – napapaligiran ng Kalinga-Apayao sa hilaga, sa timog ay Ifugao, sa kanluran
Ilocos Sur t sa silangan ay Isabela.
Sukat – may higit kumulang sa 2097 kilometrong parisukat, may 10 bayan at 144 na barangay.
1908 – naging lalawigan,
Noon ito ay binubuo ng pitong kaugnay na lalawigan – Benguet, Bontoc, Ifugao, Lepanto, Amburayan,
Kalinga at Apayao, 1918 naging 6, 1935 naging 5 na lang. Noong Hunyo 18, 1966, sa bisa ng Divison Law
of the Republic Act No. 4695 ay inihiwalay ang Benguet, Ifugao, Mountain Province at Kalinga-Apayao
bilang mga lalawigan.
Ang mga katutubo ay nagsasalita ng: Kankana-ey, Ilokano, Bontoc, Gaddang at Kalinga.
Pagsasaka – ikinabubuhay ng mga taga Mt. Province bukod pa sa pagmimina, paglilok at
paggawa ng mga palayok.
Malamig ang klima lalo na kung Disyembre at Enero, malimit dalawin ng bagyo
Maipagmamalaking atraksyon:
Bontoc Village Museum, Rial Memorial Park, Sagada Weaving, Sabangan Loom Weaving,
Samoko Weaving House, Mount Data, Matangkib Cave, Sugong Cave, Burial Caves of Luniang,
Marcos Cave, Lake Danum, Mount Ampucao, Basao, Bugnay Village at Bay-yo.
“Bawi” – isang bahay-tanggulan ng mga Kalinga, mula sa bawi ay sumasayaw ang mga
kalalakihan sa saliw ng “gansa”, bahagi ng isa sa kanilang mga ritwal na ang mga kalalakihan
ang pagbabantay sa “bawi” nang buong magdamag.
Paglilinis ng “takba” – isa rin sa kanilang ritwal, isang paghahanda raw sa isang sakripisyo.
“takba” – isang sinaunang tampiping panlikod na pinaglalagyan ng kanilang mga kagamitan at
pagkain.
“Apung” – isa ring ritwal na isina sagawa dahil sa pagkawala ng mga butil habang ito ay inilipat
mula sa kabukiran patungo sa nayon o tribo ng mga katutubo.
“Begnas” – isang seremonya na isinasagawa upang hingin ang pagpapala sa mga asawa at para
sa pamayanan, sa unang seremonya ang mga katutubo ay nagtutungo sa Keyaw.

LITERATURA NG CORDILLERA
Ang panitikang pasalita ng Cordillera ay maaaring ritwal o di ritwal. Ang panitikang Cordillera ay
binubuo ng mga epiko, awitin, mito, alamat, kuwentong bayan, bugtong at salawikain.
1. Bugtong ng (Isneg)
*Makapal na bato sa Anayan
Ginagawang palaruan ni
Kawitan .(Platito)
*Inahin may pumasok
Tatyaw ang lumalabas. (Nganga)
*Nangaso si Dulat
Walang nahuli anuman (Suklay)
2. Mito ng(Ibaloy)
*Si Balitok at Kabigat
3. Kuwentong Bayan
*Ang Pagkakalikha sa mga Igorot
*Ang Buwan at Ang Araw (Tinggiyan)
*Ang lalaking Walang Pangalan (Igorot)

4. Epiko (mga pinakatampok)


*Hudhud
*Biag ni Lam – ang
*Ang Alim

5. Hudhud ng (Ifugao)
*Tatlong okasyon kung saan inaawit ang Hudhud:
*Sa lamay ng isang tao sa mataas na antas ng lipunan.
*Paglinis ng damo sa palayan ng mga kababaihan.
*Tuwing sasapit ang tag- ani.
6. Awiting Bayan
*Sa Bundok (Ifugao)

 Awit na Pangkasalan
*Chua – ay (Igorot)
*Papuri (Kalinga)
*Dong – Dang – ay III (awit) Salin ni Romualdo M. Protacio

Kuwentong Bayan…
Mga Anak mula sa Kalangitan
Salin ng Children from Skyworld ni Franklin Barton (1955)
Salin ni Romualdo M. Protacio

Sayaw sa Kasal
Salin ng The Wedding Dance ni Amador Daguio
Salin ni Honorato I. Cabrera, Jr.

7. Salawikain (Kankanay)
Nan-ad im laydim, ad im angen is nan ibam
*what you don’t like, don’t force it to others
Adi tako bukudan di gawis
*Let us not be greedy for the good things

MGA KILALANG MANUNULAT AT KANILANG AKDA


 Pedro Bukaneg
 Romualdo M. Protacio
 Amador Daguio
 Edgar Maranan
1. PEDRO BUKANEG - Ama Ng Panitikang Iloko, ipinanganak na bulag sa Abra, ang kilalang may- akda ng
epikong Biag ni Lam- ang .
2. ROMUALDO M. PROTACIO - Nagsalin ng maikling kwento na “Anak mula sa Kalangitan” at ng mga
awit na “Salidommay at Dong- Dang-ay III
3. AMADOR DAGUIO - Isang kuwentista at makata sa wikang Ingles, Kilalang may-akda ng Wedding
Dance at isinalin niya rin ang epikong Ipugaw na Aliguyon sa Ingles

4. EDGAR MARANAN - Isang premyadong makata, manunulat ng maikling kwento, sanaysay at dula,
tagasalin, dating propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, ipinanganak sa Batangas at lumaki sa Baguio
Akda: “Ang Batang Nanaginip na siya’y nakakalipad” (maikling kwento)

You might also like