Professional Documents
Culture Documents
MANIKA
MANIKA
MANIKA
MANIKA – JAMILA
isang Nobela tungkol sa Isang Manika
orihinal na sinulat ni FranCis MoRilao dito sa Qatar
© 2009
► Chapter 1 – ISTANTE
“You’re Unfair, I hate You”Ito ang mga letrang naka print sa damit ng bawat stuffed toy
na nakahilera sa harap ko habang ako naman ay nakaupo sa istante kasama ng mga
manika sa Doll’s Section.
Ilang buwan na din mula nang ako ay inilagay dito ngunit wala pa ring bumibili sa akin,
samantalang ang stuffed toy na nasa harapan ko ay talagang mabenta, siguro nga mas
maganda ang stuffed toy kaysa sa manika.
Pansin ko lang, mabili ‘yong You’re Unfair kasi madaming stock, palit ng palit kada
araw.
Umaga na naman at may bumili na naman sa kanya. Kinindatan niya ako habang bitbit
siya papuntang counter, ngiti niya’y may pangungutya na parang nagsasabing bhelat
nanjan ka pa rin, wala nang bibili sa’yo. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya
mabenta. Siguro nga dahil manika lang ako at walang alam sa mundo.
Bilang manika, maganda ako syempre, mahaba ang pilik mata ko, bilugan ang mata,
kulay buhok ng mais ang buhok ko at nagsasalita kapag pinipindot ang button na nasa
dibdib ko, nag-iisa lang ako sa hilera ng manika na nagsasalita, iyong katabi ko ay iba
naman ang features n’ya, meron siyang 30 changeable position na halos lahat ng joints
nya ay pwedeng paikutin at galawin.
Hayz lumipas na naman ang araw at nagsara na naman ang Toy Store.
Kadiliman
Birthday mo nuon, sinama ka ng tatay mong mamasyal dahil nagpadala ang mama
mong nasa Qatar ng remittance para makabili ka ng regalong gusto mo sa birthday mo.
Napadpad kayo sa Doll’s Section at nakita mo ako. Binuhat mo ako at pinindot mo ang
button sa dibdib ko at natuwa ka sa maganda kong boses.
Natuwa ako, sa wakas makaka-alis na rin ako sa istante at swerte ko kasi ang ganda
mong bata at sigurado akong aalagaan mo ako. Habang papunta tayo sa counter, hindi
mo na ako binitawan, akap mo pa rin ako hanggang sa magpunta tayo sa McDonalds
para kumain ng tatay mo. Duon pa lang panatag na agad ako dahil alam kong
mapapaligaya kita bilang manika mo.
Pagkatapos mong magbihis pantulog, kinuha mo ulit ako at itinabi sa higaan mo, sarap
ng pakiramdam na kaakap mo ako.
Madilim na naman, mahimbing na ang tulog mo, ako hindi naman natutulog dahil
manika ako. Ramdam ko ang bawat ikot mo sa bed. Masaya ako kasi unang gabi kong
kapiling ka at hindi na duon sa istante kung saan mo ako binili.
Ipinakilala mo ako sa mga kalaro mo at sa mga laruan nilang manika din. Talagang
stand-out ako sa kanila dahil ako lang ang manika na nagsasalita. Hindi ko na mabilang
kung ilang beses nilang pinindot ang dibdib ko para magsalita, hanggang sa napaos
ako at tuluyan nang mawalan ng boses. Siguro naubos na ang baterya ko sa likod.
Pagka-uwing pagka-uwi mo, nagpabili ka agad sa yaya mo ng 2 AA Battery para sa
likod ko.
Ganun ulit bago ka matulog, pipindutin mo ako at sasabihin kong Good Night, Sweet
Dreams, sa umaga naman Good Morning.
Ilang araw, buwan ang lumipas, ang sarap ng mga ala-alang magkasama tayo.
Ramdam na ramdam ko ang pag-aaruga mo sa akin, si yaya panay ang linis sa balat
kong plastic kapag nasa school ka, binilhan nya ako ng suklay para palaging maayos
ang buhok ko, Nilalabhan niya ang mga damit ko para palaging mabango pag kaakap
mo ako.
Tuwang tuwa ka sa ibinalita sa ito ng tatay mo dahil sa susunod na buwan ay uuwi ang
mama mo mula sa Qatar para magbakasyon at para na rin makasama ka sa 7th
birthday mo.
Dumating na ang mama mo at natuwa din siya sa akin, bumili na siya ng isang box ng
battery para hindi na maubos ang boses ko.
Birthday mo na naman, kagabi pa lang ay busying busy ang mama’t yaya mo sa mga
lutong hinanda nila para sa birthday mo. Hindi ko naman naaamoy pero mukhang
masarap ang niluto ng mama mo dahil masaya ang itsura niya.
Gabi na at nagsiuwian na ang mga bisita mo, tulog na rin ang mama’t tatay mo. Tayong
tatlo na lang ng yaya mo ang gising habang isa-isa mong binubuksan ang mga regalo
sa ‘yo…
alkansya, libro, stationary, at marami pang iba…
And ganda ni barbie at pogi si ken, nadagdagan na ang manika mo. Inabot ka na ng
madaling araw kakalaro sa aming tatlo nila ken.
Dahil hindi sila nagsasalita. Ang boses ko ang ginagamit mo para sila ang mag-usap.
Ang galing galing mong gumawa ng mga love story nila barbie at ken.
“Goodnight”
“Sweet Dreams”
Maya maya pa’t humagulgol ka na ng iyak, sa ‘di sinasadyang sandali naihagis mo ako
sa dulo ng iyong kwarto.
Tumilapon ako at tumama ang likod ko na naging dahilan ng pagkalas ng mga baterya
sa lalagyan at masira ito.
Ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama mo sa bawat hikbi mo. Gusto kitang
tignan at lapitan ngunit hindi ko magawa dahil nakataob ako sa pagkakadapa.
Hindi ko naman maigalaw ang katawan ko dahil manika lang ako.
Nakaramdam ako ng lungkot ng mga sandaling ‘yon dahil hindi ko nagampanan ang
pagiging manika ko, ang magpaligaya ng bata.
Malalim na ang gabi at himbing na rin ang tulog mo pero paminsan minsan nagsasabi
ka ng I hate you, You’re unfair!
Kahit na tulog ka na ay malinaw pa rin ang accent mo dahil siguro nga sa montessori ka
nag-aaral.
Aba teka kilala ko itong stuffed toy na ito ah! Ito ‘yung nasa harapan ko sa istante sa
Dolls Section, stuffed toy na may letrang You’re Unfair!
Nang mabasa mo, humagikhik ka sa kakatawa. Tapos napa akap ka sa tatay mo sabay
sabing Sorry Po, I Love you Tatay.
Ah! kaya pala ganon ka benta ang stuffed toy na ‘yon, na may letrang You’re Unfair!
kasi nakakapagpatawa sa binibigyan
(…na intriga ako dun ah! kayo naintriga din kayo noh? tara tignan natin nang malapitan
ang nakasulat!)
Nuong inakap mo ang stuffed toy at itinabi sa akin, talagang kinilatis ko ang nakasulat
dahil may kung anong karisma meron ito na nakakapag paligaya sa binibigyan.
Sa malapitan, ito ang nakasulat
(Kaya pala siya tumawa. Kasi naman may kaputian ang kutis nya.
Nag announce ang mama mo ng Garage Sale, ibig sabihin ibibenta ang mga hindi
importante.
Ito ang araw na kinatatakutan ko, dahil alam kong wala na akong silbi, sira na ang
lagayan ko ng baterya at hindi na muling maririnig ang boses ko.
Wiling wili ako habang pinapanood kitang nag kukwento with accent kay barbie at husky
voice naman kay ken.
“Benta mo na sila kasi malaki ka na! Magdadalaga ka na. Ito oh may bagong stuffed toy
sa ‘yo si tatay!”
I HATE YOU
(Tsk tsk tsk, ‘dun na naman bumili ang tatay nya ng stuffed toy, matignan nga ulit ng
malapitan kung bakit siya tumawa.)
Ayun
I HATE YOUth
(ang nakasulat sa malapitan, may small th sa dulo, tama nga magdadalaga na siya
kaya wala na kaming silbi nila barbie at ken huhuhu.
Nakalipat na kayo sa Southville at syempre kasama ako kasi pinagpilitan mong huwag
akong ibenta.
Hindi ko na nakita si barbie at ken at iba pang laruan mo, pati ang stuffed toy kasi
nasira agad kaka laba ng yaya mo.
Natutuwa ako kung gaano mo ako treasure dahil simple lang ang dahilan mo, ikaw ang
bumili sa akin, si barbie at ken bigay lang sila ng mama mo si You’re unfair at I hate
you, bigay ng tatay mo.
Kinuha mo ako….
Tinitigan mo….
“thank you kasi bilang manika, you also have a purpose, I am happy kasi you have
done your purpose during my childhood days”
“I will treasure you, para kapag nag asawa na ako, at nag ka-anak din ako ng baby girl,
ikaw pa rin ang manika niya. Ikukwento ko ang pinagsamahan natin sa kanya.”
“Magpapabili ako kay tatay ng bagong lalagyan ng baterya para sa likod mo para
marinig ko ulit boses mo.”