Pangalan: ____________________________________________ Taon at Pangkat: _______
Guro sa Filipino: __________________________________ HaMsFil 1 - Ikatlong Markahan
PAANO MAGSURI NG MAIKLING KUWENTO?
LITERAL NA PAGSUSURI
• halos iisa lamang ang sagot
• kadalasang nasa akda ang lahat ng sagot
• pormularyo: literal = akda
TAUHAN – siya/sila ang kumikilos (sinadya man o hindi) na nagdudulot ng
pangyayari sa kuwento Pangunahing Tauhan sa kaniya/kanila umiikot ang kuwento; kadalasang (PT) kumikilos sa pagsagot ng problema Iba Pang Tauhan siya/sila ang katuwang o katunggali ng PT sa pag-indayog / (IPT) pagtakbo ng kuwento
TAGPUAN – dito naganap ang kuwento
Lugar Saan nangyari ang kuwento? Panahon Kailan nangyari ang kuwento?
PROBLEMA – ito ang pinakadahilan / pinanggalingan ng lahat ng mga pagkilos ng
mga tauhan / pangyayari *pinakaproblema, “nanay” ng lahat ng iba pang mga Pangunahing Problema problemang napapaloob sa kuwento *taglay, dinadala ng pangunahing tauhan (kaya magagamit itong patunay / palatandaan upang malaman kung sino ang pangunahing tauhan)
PANGYAYARI – pagtakbo / pag-usad ng kuwento
Pasakalye/ Simula mula sa pinakaumpisa hanggang sa ipakilala/ilahad ang problema Simula ng Problema pinag-ugatan ng mga pagkilos ng tauhan; kadalasan dala ng Pangunahing tauhan Pananabik/Pataas na lahat ng mga pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na aksyon magaganap upang masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwento maliban sa pinakahuli pinakahuling pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na Kasukdulan/karurukan magaganap upang masolusyunan masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwento Wakas Kinalabasan, kinahinatnan ng kuwento (matapos maganap ang pinakahuling pagkilos ng PT upang solusyunan ang problema)
PUNTO-DE-BISTA – Ano ang panauhang ginamit ng may-akda sa pagkukuwento?
“AKO” Kasali Hal. Ako ay naglalakad nang bigla akong nadapa (Unang Panauhan) at napaluha ako sa sakit. “SIYA” /” SILA” / “SI” Limitado / Nagmamasid lang Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang (Ikatlong Panauhan) nadapa at napaiyak. *isinasalaysay lamang ang bagay/pangyayaring nakita “SIYA” /” SILA” / “SI” Mala-Diyos Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang (Ikatlong Panauhan) nadapa, at naalala niyang bigla ang mga dating kahihiyang naranasan niya. *isinasalaysay hindi lamang ang nakita kundi pati ang nararamdaman o naiisip ng mga tauhan ESTILO NG PAGSASALASAY – ito ang daloy kung paano isinalasaysay ang kuwento Kronolohikal (A, B, C,…Z) Pabalik-tanaw (Z-A, B, C, -…) Daloy ng Kamalayan (P, X, N)
DETALYENG FILIPINO – Ano ang nagpapa-Filipino sa akdang isinalaysay sa akda
bukod sa wika? - tayo lang o isa lang tayo sa iilang mayroon - bahagi ng kulturang Filipino na ipinakita o binanggit sa akda (maaaring bagay, lugar, pangyayari o okasyon, kaugalian, kaisipan)
MALALIM NA PAGSUSURI
• maaaring higit sa isa ang tamang sagot bagama’t may maituturing pa ring mali
• ang mga paliwanag o patunay sa sagot ay nagmula pa rin sa akda
• bunga ito ng pinagsamang talino ng may-akda at mambabasa
• pormularyo: MALALIM = AKDA + IKAW (mambabasa)
PAHIWATIG – detalye sa likod ng mga detalye
- mga nais sabihin ng may-akda ngunit hindi niya direktang sinabi
SIMBOLISMO – mga detalyeng ginamit ng may-akda na kumakatawan sa isang mas
malaking kaisipan o ideyang napapaloob sa akda - pormularyo: A ~ B dahil ang katangian ng/nangyari sa A ay katangian ng/nangyari rin sa B
PAGLALAPAT – mga kaisipan o pangyayari sa akda na maihahalintulad mo sa totoong
buhay - may mga pangyayari ba sa akdang katulad ng nangyari sa iyo/sa ating lipunan/sa ibang akda/sa iba pang larangan? - Pormularyo: A=B pero ang A ay mula sa akda, ang B ay mula sa labas ng akda
ESTILO/KASININGAN – mga teknik na nakatulong sa bisa/pagkaepektibo ng akda
- Anu-ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa kaniyang pagsulat upang maging makatotohanan, may talab, masining, malikhain, at akma ang kaniyang akda (bukod sa paggamit niya ng simbolismo at pahiwatig?)
PINAKATEMA – pinakasinasabi ng akda
- Sa isang pangungusap, anong katotohanan sa buhay ang ibinabahagi ng kabuuan ng akda?