Kaugnay Na Literatura

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ati-Atihan Festival

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa
Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga
mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!”
Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong
malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng
mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.

Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.

Kasaysayan

Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga
Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan,
ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging
kahawig ang mga Ati.
Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-
atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati."
Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-
Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa
pagbibigay bunyi kay Santo Nino.

Aktibidad
Ang Ati-atihan ay punung-puno ng makukulay, masasaya na aktibidad gayun din ang kanilang
malalim na paniniwala sa pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap. Ilang araw bago ang
mismong araw ng kapistahan, ang mga deboto ay dumadalo sa siyam na arw na misa para sa Santo Nino
at benefit dances. Ang masigla at pauli-ulit na indayog ng tunog ng tambol, kasabay ang pagsayaw ng
mga tao sa kalsada ay hudyat ng unang araw ng kapistahan. Pagdating ng ikalawang araw, ang mga
deboto ay sama-sama sa rosary procession sa madaling araw na nagtatapos sa isang community mass.
Sa huling araw ng pista, isang makulay na kumpetisyon ang ginaganap mula sa iba't-ibang grupo na
kumakatawan sa mga tribo. Maliban sa tradisyonal na pagpipinta ng itim na pintura o pagpahid ng uling
sa kanilang katawan, ang mga kalahok ay nagsusuot ng makukulay at mapanlikhang mga kasuotan na
kadalasan ay gawa sa abaka, shells, balahibo ng hayop, kawayan, dahon, cogon, at bulaklak. bago
matapos ang araw, isang prusisyon ang magaganap kung saan ang mga deboto ay may dala-dalang mga
bamboo torches at imahen ng Santo Nino. Ang nagwagi naman sa pista ay ide-deklara sa isang
masquerade ball.

Sinulog Festival

Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na
nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman
ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.

Pahiyas Festival
Ang pahiyas festival ay isanf makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro
Labrador, ang patron saint ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay
sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga
magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na “"kiping". Ito ay wafer na gawa sa
bigas na may iba’t-ibang kulay. Ang mga Lucbanos ay may mga sari-sariling disenyo kada taon at dito nila
naipapakita ang kanilang talento sa pagiging artistiko sa pagpapalamuti ng kanilang mga bahay.

Kahalagahan ng mga Pista


March 3, 2016

Maraming pistang nagaganap sa Pilipinas. Ang mga sikat na pista ay pista ng Santo Nino , pista ng Maskara
at iba pa. Sa panahon ng pista, ang bayan ay naghahanda ng pagkain at parada. Para sa mga Pilipino, ito ay
panahon ng kasiyahan at galak.

Ang unang pista sa Pilipinas ay naganap noong panahon ng Kastila. Ang mga pista noon ay karaniwang
tungkol sa relihiyon dahil sa impluwesang Kastila. Tatlo ang dahilan kung bakit naganap ang pista. Ang una
ay bilang pagpapasalamat sa mga kanilang patron o santo dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari sa
bayan tulad ng pista ng. Ang pangalawang dahilan ay bilang paraan ipakita ang sariling kultura or gawain
nila tulad ng pag-gagawa ng mga maskara. o paglalagay ng pintura sa katawan. Ang huling dahilan ay mga
anebersaryo ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng mga bangon ng lungsod o bayan. Dalawa
ang katangian ng mga pista; napakaraming pagkain at malikhaing na dekorasyon. Nagkakaroon rin ng mga
parada at prusisyon. Ang lahat na ito ay nagpapakita ng debosyon ng mga Pilipino sa pagdiwang ng mga
pista.

Talagang simbolo ng ating kultura ang bilang Filipino ang mga pista. Sa mga pista, ipinapakita ang pagiging
malikhain ng mga Pilipino sa larangan ng pagkain, pagsayaw, musika at sining. Kahit na tungkol sa relihiyon
o kultura ang pista, binibigyan natin ang lahat para makompleto ang karanasan ng isang pista. Ang
kasiyahan at pagsasalamat ay ang punong dahilang ng pista at kultura natin bilang Pilipino. Kung wala ang
mga piyseta, magiging kulang ang kultura natin.

Layunin ng pag-aaral na ito na maipaliwanag ang konsepto at karanasan ng panata ng kapistahan sa


ilang pamilyang Pilipino sa Lucban, Quezon sa pamamagitan ng pagbabahagi nila ng kanilang mga
karanasan. Sa pamamagitan ng pang-katutubong metodong na pagtatanungtanong at
pakikipagkwentuhan sa isang kinatawan sa limang pamilya sa bayan ng Lucban, Quezon, napag-alaman
na ang konsepto ay pinaikot kay San Isidro Labrador na patron ng mga magsasaka. Ang karanasan
naman ay ibinahagi at napag-alaman na ito ay nabuo sa katagalan ng pakikilahok at kinalakihan na rin.
Naikumpara ang ilang mga epekto at lumabas na mayroong positibo at negatibo. Ang kahalagahan ng
pagsasama-sama ng pamilya ay ang maituturing na pangunahing positibong aspeto kasama na rin ng
pagkakaroon ng hanapbuhay at ang pagkakaroon ng mas matibay na pananampalataya sa Diyos. Bagkus,
ang pagbabagong dulot ng modernong panahon ay lumabas na negatibo, kasama na rin ng pinansyal na
kabawasan at pagkaubos ng oras. Mairerekomenda ng mananaliksik na isagawa ang pag-aaral sa mas
mahabang panahon at kumuha pa ng mas maraming kalahok na makakapanayam.

https://www.sanbeda-
alabang.edu.ph/bede/images/researchpublication/BedanJournalPsych/BJP2016v2-134.pdf

Pista Ang mga Pilipino ay kilala sa pagkahilig sa mga engrandeng selebrasyon, partikular na sa pista.
Ayon kay Bamero (2013) ang bawat pista ay may kanya-kanyang pinagmulan. Ang pistang ito ay halaw sa
lumang tradisyon ng pag-aalay ng mga inaning gulay, prutas, at iba pang pananim sa mga anito o diyos
ng kalikasan bilang pasasalamat sa kanilang naipamahaging biyaya. Ang pista ay bahagi na ng buhay-
Pilipino. Masayahin tayo at mahilig tayong magtipuntipon upang magsaya. Inaanyayahan natin ang mga
kaibigan at malalayong kamag-anak upang makipagsaya sa atin, makisalo sa ating inihandang pagkain at
manood ng mga palabas. Ayon kay Magpantay, Decena, De Torres, Garcia, Villalobos, Felicen &
Dinglasan (2014) Ang pista ay isang okasyon na pangkaraniwang idinaraos ng isang komunidad,
pinagtutuunan at ipinagdiriwang ang ilang katangi-tanging aspeto at mga tradisyon ng komunidad. Ang
mga pista ay ginagamit upang matamo ang mga layunin, lalo na’t ito ay taunang pagdiriwang na
nagbibigay-pugay sa patron ng isang lokalidad o pasasalamat. Isinaad pa nila na ang mga pista ay
itinuturing na nakakapag-ambag sa kultural at ekonomikal na pag-unlad. Ang mga pista ay may malaking
epekto sa pag-unlad ng kultural na turismo. Ang kagustuhang magkaroon ng pista’t mga kaganapan ay
hindi lamang upang diinan ang pangangailangan ng isang partikular na grupo. Ang pag-‘host’ ng
pagdiriwang ay kadalasang pinauunlad dahil sa turismo at ekonomikal na oportunidad, dagdag na sa
sosyal at kultural na benepisyo. Inilahad nina Saito, et al. (2010) sa isang artikulo na ang pagdiriwang ng
pista ay ginaganap upang bigyang-pugay ang patron o santo ng isang lalawigan. Bukas-palad na
tinanggap ang mga ito bilang bahagi ng kulturang Pilipino. Kahit sa kabila ng anumang dagok at pang-
ekonomiyang kakulangan, kapag oras na para ipagdiwang ang pista, ang mga Pilipino ay wiling-wili sa
pamimista sa paraang magarbo at tingin nila ay makapagpapaligaya sa kanila. Ang mga bisita ay
hahandugan ng masasarap na pagkain at mga natatanging paghahanda ang ginagawa. Sa kasaysayan,
ang pista ay minana sa mga espanyol na siyang namuna sa Pilipinas noong panahon ng kolonya. Sa isang
artikulo naman na nailathala nina Bondo, Britania, Duldulao, Manicad, & Urlanda (2012) ang taunang
pagdiriwang ng pista ng pahiyas ay naging matagumpay kung kaya't ito ay naging dahilan na upang
umangat ang turismo sa Lucban at lalo pang nahalina ang mga dayuhan at lokal upang makiisa. Bukod
dito, ang pistang ito ay isang paraan upang ipakita at iparamdam ang kanilang debosyon sa
Kristiyanismo at higit sa lahat ay ang kapayapaan sa puso ng mga Lucbaneño.

Ang pista ay isang taunang selebrasyon kung kaya’t ito ay pinagtutuunan ng pansin. Isa pa ay hindi
maikakailang ito ay hindi lamang pang-indibidwal kung hindi pampamilya. Naiugnay na rin ito sa
pagkakaroon ng close family ties at karugtong nito ay ang pagiging masayahin at di kalaunan ay naging
parte na ng tradisyon. Ang ilan sa mga nabanggit na literatura ay nanggaling sa kanluraning bansa at
isinalin lamang sa wikang Pilipino. Nilalayon ng pag-aaral na ito na makuha ang datos ayon sa
perspektibong pang-Pilipino at kunin ito gamit naman ang metodong sikolohiyang pilipino o
pangkatutubong metodo. Ang konsepto ng kapistahan ay nakaiimpluwensya sa ating pagiging Pilipino
dahil ito’y naging pang-malawakan nang naging parte ng pamumuhay at napansin ng mananaliksik na
kakaunti ang pag-aaral ukol sa mga karanasan ng mga pamilyang Pilipino na kabilang rito. Dahil dito,
naging interesado ang mananaliksik na pag-aralan ang mga konsepto at karanasang ito, pati na ang diwa
ng pamamanata at kapistahan para makakuha ng mas malawak na kaalaman ang mananaliksik at
mambabasa ukol rito. Hindi madali ang pagkuha ng mga datos ukol dito sapagkat napakatagal nang
panahon ang iginugol sa pistang napili at napakarami nang henerasyon ang nagdaan at marami na rin
ang nagbago at mayroon din namang hindi nagbago. Ngunit ang layunin ng saliksik na ito ay ang
malaman ang pananaw ng mga namamanata sa pistang kanilang sinasalihan at kung ano ang nagiging
epekto nito sa kanilang buhay. Ang mga sumusunod na katanungan ang ninais at sinikap ng mananaliksik
na masagot: (1) Anu-ano ang karanasan ng pamilyang Pilipino sa pamamanata ng kapistahan? (2) Anu-
ano ang mga konsepto ng pamilyang Pilipino sa pamamanata ng kapistahan? (3) Anu-ano ang mga
paraan kung paano naipakikita ang panata sa pista at ano ang kahalagahan nito? at (4) Anu-ano ang mga
epekto ng pamamanata sa buhay ng tao sa Lucban, Quezon?
Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ginawa ng mananaliksik ay ginamitan ng metodong
kwalitatibo. Ito ay nakapailalim sa indigenous method o pang-katutubong paraan ng pananaliksik. Ang
pag-aaral ay mas maiintindihan ng mga mambabasa at mas maisasaayos ang pagkuha ng mga
impormasyon kung kwalitatibo ang ginamit na paraan at nilalayon ng mananaliksik na mas maging
maingat sa mga itatalang datos. Ayon kay Kovach (2010) ang tampulan ng pagsasaliksik na mayroong
indigenous method o pangkatutubong metodo ay nakatuon sa paggamit ng pang-usap na metodo na
nangangahulugang pagkuha ng datos sa pamamagitan ng paraang pakwento. Ayon kay Putt (2013) mas
maraming estratihiya ang kinakailangan upang mas mapaigting ang aktibong pakikisali ng mga kalahok
ng mga tao na kasama sa pag-aaral sa buong proseso ng pananaliksik. Ninais din ng mananaliksik na
gumamit ng katutubong metodo, na naglalayong mas palalawakin ang kaalaman at gamitan ng
impormal na pakikipanayam, maging ng pakikipagkwentuhan. Sa paraang ito, mas mapapalabas ng
mananaliksik ang pananaw at saloobin ng mga Pilipinong kalahok sa pista upang makapagbigay sila ng
kasagutan ng walang pag-aalinlangan.

Instrumento ng Pananaliksik Ang pagsasaliksik na ito ay gumamit ng talatanungang nakabatay sa mga


salik na nabibilang sa pagsasaliksik. Nakabatay ito sa paksang tinatalakay sa pagsasaliksik. Dahil sa
pagiging kwalitatibo ng pagsasaliksik, ang mananaliksik ay gumamit ng mga katanungang THE BEDAN
JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II 137 nagpapahintulot na sumagot ang mga kalahok na
hindi magiging limitado lamang sa oo at hindi. Ang mga kasunod na katanungan ay nakabatay na lamang
sa mga naunang kasagutan ng mga kalahok. Sampung katanungan ang ginamit ng mananaliksik sa
umpisa at ang mga karagdagang katanungan ay nakabatay sa nauna nang kasagutan ng mga kalahok.
Upang mas mapaigting ang pagtatala ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng voice recorder ang
mananaliksik sa pagtala ng kasagutan ng mga kalahok.

Paraan ng pagkuha ng Datos Una sa lahat, binuo ng mananaliksik ang tiwala ng kalahok bilang paraan ng
pakikitungo niya sa mga ito. Ang mananaliksik ay nakipagkamustahan muna sa mga tao at sa mga bisita.
Iniwasan ng mananaliksik na dalhin ang ugali at pormang “Maynila”; nagsuot ang mananaliksik ng
simpleng kasuotan lamang upang hindi magbago ang imahe nito sa mga kalahok. Iniwasan ng
mananaliksik na maiba sa mga karaniwang residente upang hindi maging hadlang sa mga nais niyang
makuhang datos. Ang mga nakuhang kalahok na pasok sa pamantayan ng pananaliksik ay kapitbahay at
kaibigan ng kakilala ng mananaliksik sa lugar na nabanggit. Ikalawa, nagpakilala ang mananaliksik bilang
estudyanteng gumagawa ng pag-aaral. Nagtanung-tanong at nakipagkwentuhan ito ng bahagya ukol sa
lugar at sa mga preparasyong nakikita. Sa paraang ito ay naihanda ng kalahok ang sarili upang
makasagot na rin sa mga susunod pang katanungan. Ang mananaliksik ay bumuo ng pakikitungo sa mga
kabataan sa pagtatanung-tanong ng ilang impormasyon ukol sa pista. Ipinagpatuloy lang ng mananaliksik
ang pakikipagkwentuhan hanggang sa maramdaman niyang komportable na ang mga kalahok. Bago
magsimula ay inalam at itinala ng mananaliksik ang ilang impormasyon. Ikatlo, nagsimula na ang
mananaliksik sa impormal na pakikipanayam. Ang mananaliksik ay naging bukas at nakipagkwentuhan sa
pamamagitan ng pagiging mapuna at sa pamamagitan ng pakikiramdam sa paligid. Ang mananaliksik ay
hindi naging balakid sa mga araw araw na gawain ng mga residente. Ang mananaliksik ay humingi ng
permiso na itala at i-record ang mga pahayag ng mga kalahok, lahat naman ay sumang-ayon. Maging ang
mga reaksyon ng mga kalahok ay pinagmasdan ng mananaliksik. Habang nakikipanayam ang
mananaliksik ay sinusundan pa ng mga katanungan na nakabatay sa naunang kasagutan ng kalahok.
Pagsusuri ng Datos Sinuri ng mananaliksik ang bawat datos na nakuha at pinaghambing ang mga ito,
kasunod ay ang pagdurugtong ng mga salita ayon sa mga dapat nitong kalagyan. Inuri ng mananaliksik
ang mga magkakatulad at pinagsama-sama ito at saka naman inihiwalay ang mga kakaiba upang
makagawa ng kaibahan/distinksyon sa katangian ng bawat isa. Gumawa ang mananaliksik ng iba’t-bang
pangkat ng mga kasagutan at ihahambing sa bawat isa. Ginawa ring basehan ang unang talaan upang
mas maging akma ang nakuhang resulta. Ikaapat, detalyadong siniyasat ng mananaliksik ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga datos. Sa bawat pag-siyasat ay sinigurado ng mananaliksik na akma
ang bawat isa lalo pa at maraming mga impormasyon ang naibahagi. Matapos nito ay bumuo na ang
mananaliksik ng konklusyon at rekomendasyon.

Mga Sanggunian: Aquino, C. C. (2013). Panlipunang Pagbabanghay: Piling Usapin sa Pag-unawa sa


Sariling Lipunan. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, 19(2)

https://tl.wikipedia.org/wiki/Araw_ng_Pasasalamat
Ang Araw ng Pasasalamat, Araw ng Pagpapasalamat, o Araw ng
Pagpasasalamat (Ingles: Thanksgiving Day) ay isang pesteho ng pag-aani. Sa pangkalahatan,
tradisyunal itong isang panahon ng pagbibigay ng pasasalamat para sa mga ani at magpadama
ng utang na loob. Isa itong araw ng pagdiriwang na pangunahing isinasagawa sa Canada at
sa Estados Unidos. Bagaman tila pangpananampalataya ang simulain, pangkasalukuyang
pangunahing itinuturing ang Pagpapasalamat na ito bilang isang kapistahang sekular.

You might also like