Tradisyon Bago Ang Kasal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tradisyon bago ang kasal

Kung mismong araw ng kasal lamang ang pinaghahandaan ng ilang namulat sa ibang tradisyon sa
pagpapakasal,isang kakaibang hapunan at kasiyahan naman ang bubulaga sa inyo sa gabi bago ang kasal
ng magkasintahan sa isang maliit na isla ng Palumbanes.

Simula sa aking pagkabata ay akin ng nasasaksihan ang kakaibang tradisyon ng aming lugar sa
pagpapakasal.Isa na rito ang masayang gabing hapunan bago ang kasal kinaumagahan o ang tinatawag
na bisperas ng kasal.Sa isang gabing kasiyahang ito’y aking nakita ang diwa ng pagkakaisa at kapatiran.

Sa bawat pagpapakasal na nagaganap,isa itong malaking katuwaan para sa mga musmos na kabataan
at mga inang tunay na kapos sa buhay.Ang mahabang mesang nakalagay sa lugar na pinagdadausan ay
puno ng kanin at ulam na kahit sino ay pwedeng kumain.Kung minsan pa nga’y may dala dala pang
mangkok ang iilan at agad agad na papasok sa kusina upang manghingi ng ulam.Tunay na mabubusog ka
sa hapunan kung hindi mo lang paiiralin ang iyong pagkamahiyain.

“Kapuno na ang pasayaw?Masabwag lamang kita ta makipanghapon kita.”Ito naman ang katagang
minsan kung naririnig sa iilang kakilala ko sa tuwing pupunta sila sa bisperas ng kasal.Para sa kanila,wala
ng pag aalinlangan kung sila ay makikain sapagkat may kontribusyon naman sila sa
magkasintahan.Kapag nagsimula ng patugtugin ang sikat na tugtuging bikol na “Pantomina”agad agad
na silang tutungo sa lugar na pinagdadausan ng kasiyahan.

Sa isang banig na inilalatag sa buhanginan,agad na aapak ang magulang ng ikakasal upang sumayaw
sa saliw ng tugtuging pantomina,habang ang iilang tao naman ay inilalagay ang pera sa damit ng
sumasayaw.Matapos ang pagsasayaw nila’y kanilang anak naman ang isusunod.Karamihan sa mga taong
dumalo sa hapunang iyo’y may mga nakalaan ng perang pangkabit sa damit ng magkairog.Masasabing
ang sayaw na kanilang ginawa ay ang huling sayaw nila bilang magkasintahan dahil magiging ganap na
silang mag-asawa kinabukasan.Ang mga perang nakuha sa ginawa nilang sayaw ay idadagdag sa mga
makukuha pang pera sa unang sayaw na gagawin nila bilang mag-asawa. Buong gabing kasiyahan at
magdamag na inuman ang nagaganap sa bisperas ng kasal.

You might also like