AutoRecovery Save of Gumuhong Pangarap For Single's Night

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

“In His Time”

Tauhan:

Jacob as Nomar Nival

Rachel as Rosemarie Magauay

Leah as Lyca Paramio

Esau as Justin Baldinaro

Isaac as Flaviano Marilao

Rebekah as Shiela Labaro

Scene 1: (Darating sa stage si Jacob habang may bitbit na gitara… Uupo siya sa silya at ito’y kanyang
papatugtugin. Darating naman si Esau. Tatabihan niya ito.

Esau: Bro. Jacob? Kumusta?


(Hindi siya mapapansin ni Jacob)

(Mag-aalala naman si Esau sapagkat ramdam niya na may pinagdadaanan ang kaibigan)

Hinawakan ni Esau ang braso ni Jacob. Napansin naman ito ni Jacob hudyat na matigil siya sa pagtugtog
sa gitara.

Esau: Ok ka lang ba? May problem ba?

Yumuko si Jacob at humikbi.

Jacob: Bakit ganun Esau, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung
paano ko sasabihin ito sa inyo pero ang bigat bigat na sa loob.

Esau: Makikinig ako Jacob. Ano yun?

Jacob: Hindi ko na kaya lahat ng nangyayari sa buhay ko, una sa pamilya ko. Pinapalayas na nila ako.
Kahit anong gawin kung panalangin parang hindi naman dinidinig. Hanggang ngayon hadlang pa rin sila
sa lahat ng ginagawa ko. Kapag nasa church ako at late na makauwi hindi na nila ako pinagbubuksan.
Sinasabi pa nila na hindi ako nag-aaral ng Mabuti, na wala akong kwenta, na wala akong naidudulot na
kabutihan sa pamilya namin. Ngayon, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako kukuha ng
makakain at pang gastos. Hindi ko na alam ang gagawin Bro.

Esau: Pagsubok lang yan Bro. May magandang plano ang Diyos. May dahilan siya kung bakit nandito ka
sa church. Buti nga na dito ka unang pumunta, at may dahilan din kung bakit ako ang nakausap mo.
Hindi ko akalain na sa naranasan bigla akong nabuhayan ng loob. Dahil sa totoo lang may
pinagdadaanam din ako at napagtanto ko na mas sobrang blessed pa pala ako. Na may mga tao pa pala
na mas mahirap ang pinagdadaan.. Bro wag mong mamasain ha, hindi ako natutuwa na nahihirapan ka.
Isipin mo nalang yung ibang tao na madami ding pinagdadaanan na mas higit pa sayo. Mabuti pa tayo
may nalalapitan pang mahabagin, maunawain at mapagmahal na Diyos. Kaya wag ka nang mag-alala
magiging maayos din ang lahat.

Jacob: Tama ka Bro. Siguro nga kasalanan ko din to, alam kung hindi ako naging matapat sa Diyos pero
naniniwala ako na nananatili siyang tapat sa akin.

Esau: Amen Bro. manalig ka lang.

Closed…

Scene 2: Darating si Rachel sa stage na may dalang bag, tititigan ang test papers. At iiyak. Mapapadaan si
Leah at makikita niya ang naluluhang Rachel. Napagtanto niya na kung ano ang iniiyakan niya. Nilapitan
niya si Rachel sabay hinarap.

Leah: Rachel, tahan na wag ka nang umiyak. Bawi ka nalang sa susunod.

Rachel: Hindi mo kasi maintindihan Leah. Sino bang matutuwa sa grades na to? Bagsak ako Leah,
BAGSAK! Hindi matutuwa ang mga magulang ko dito.

Leah: Ano ba kasing nangyari? Hindi ka ba nag-review. At ano ba ang ginawa mo nong mga nakaraang
araw at bumagsak ka. Alam mo naming may exam eh, hindi ka man lang nag-aral.

Rachel: (inis) Tama ka, kasalanan ko ang lahat ng ‘to. Kung hindi sana ako sumama sa Church activity na
yan. Edi sana hindi ako bumagsak. Kasalanan to ni Jacob. S’ya yung nagyaya sa akin dun sa Church na
yun.

Leah: o, nanisi ka pa! (inggit) Pero teka si Jacob? Sinama ka sa church nila? Buti ka pa at sinama ka niya
samantalang ako. Hayaan mo na nga. Kasalanan mo yan. Desisyon mo yan na dapat hindi ka na sumama.

Rachel: Teka lang? May gusto ka ba kay Jacob? Kung makapagreact ka, akala mo naman.

Leah: Hindi mo ba pansin? Kaya nga lagi akong dumidikit sayo para pansinin niya ako.

Rachel: Ewan ko sayo. May problema pa nga ako eh. Malalagot talaga ako sa mama at papa ko, baka
ipagkaila na nila ako. Hindi pa naman ito ang inaasahan nila sa magiging resulta ng grades ko.

Leah: So, ano na ang plano mo?

Rachel: Pwede munang makitulog sa inyo? Ayokong umuwi ng bahay. Natatakot ako Leah sa gagawin
nila mama at papa sa akin.

Leah: Sige ba, mapapadalas pala ang pagkikita namin ni Jacob.

Scene 3 Nagpasyang umuwi si Jacob sa kanilang tahanan. Nadatnan niya ang kanyang ina. Nakita ni Aling
Rebekah ang kaniyang anak na papalapit sa kanya.

Jacob: Nay, mano po.

Tinanggap naman ito ni Aling Rebekah.


Rebekah:(May pagaalala) Ano pang ginagawa mo dito? Alam mo namang magagalang tatay mo pag
Makita ka niya.

Jacob: Nay, wala po akong ibang mapupuntahan. Kaya bigyan nyo naman po ako ng pagkakataon.

Rebekah: Makiusap ka sa Tatay mo. Wag sa akin.

Lumabas naman sa bahay si Mang Isaac. At Nakita niya si Jacob na kausap ang kanyang asawa.

Agad siyang lumapit dito

Isaac: (Galit) Anong ginagawa mo dito?

Jacob:(takot, pangamba) Tay, makinig po muna kayo sa akin. Patawad po! Bigyan niyo po ako ng
pagkakataon. Pangako po, babawi po ako sa inyo. Pangako ko po. pagsusumamo ni Jacob sa kanyang
ama.

Isaac: Bibigyan kita nang pagkakataon, pero sa isang kondisyon. Wag na wag ka nang pupunta sa Church
na yun.

Jacob: Tay, wag naman. Alam mo naman na…

Isaac: Susundin mo ba ako o hindi?

Jacob: Op..oooo susundin ko po.

Isaac: Kung gayon makakalinaw na tayong dalawa. Pero hindi ibig sabihin non pinapatawad na kita. At
kapag malaman ko lang na pumupunta ka sa church na yun, itatakwil na kita! maliwanag.?

Jacob: Op..oooo Tay.

Isaac: Ano pang hinihintay mo jan. Pumasok ka na sa loob. May makakain pa dun.

Jacob: Sige Tay, Salamat at mauna na po ako sa loob.

Maiiwan sa labas ng bahay si Aling Rebekah at Manong Isaac.

Isaac: bantay-bantayan mo yang anak mo Rebekah, pag malaman ko lang na sinuway ulit ako yan hindi
ko na siya pagbibigyan.

Rebekah: Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin tanggap si Jacob?

Isaac: At bakit ko naman siya tatanggapin, kung hindi niya ako sinusuway ng magaling mong anak. Edi
sana hindi mahirap sakin na ituring syang anak.

Rebekah: Alam kung hindi lang yan ang dahilan Isaac.

Isaac: Tama ka, kailanman ay hindi ko matatanggap ang lalaking yan. Dahil kinamumuhian ang ama
niyan. Yung malakas ang loob na ahasin ang asawa ko.

Rebekah: Isaac, sobrang tagal na non. Wala na siya diba, ba’t hindi mo matanggap yun. Kahit hindi mo
anak si Jacob, tanggapin mo siya katulad ng pagtanggap sa akin.
Isaac: Kailanman ay hindi ko siya matuturing na tunay na anak.

Hindi nila nabatid na nakikinig pala si Jacob sa likod. Narinig niya ang lahat ng napag usapan.

Siya’y lumisan.

Isaac: Saan ka pupunta, Jacob?

Hindi ito pinansin ni Jacob dahil sa sama ng loob.

Scene 4 Habang naglalakad si Jacob na hindi alam kung saan papatungo. Nakabangga niya sila Rachel na
ngayon ay kausap ni Leah.

Rachel: Aray!

Leah: Jacob?

Inangat ni Jacob ang kanyang mukha at Nakita niya ang bulto ni Leah at Rachel.

Jacob: Pasensiya na.

Sabay palakad ng paalis.

Rachel: Saglit lang Jacob, humarap ka nga sa amin.

Dahil sa wala nang magawa si Jacob ay humarap siya dito.

Rachel: Alam mo ba ikaw ang dahilan kung bakit bumagsak ako sa exam kanina. Kasi sinama mo ako sa
Church activity na yun. At nagsinungaling ka pa, sabi mo magsisine tayo yun pala sa chuch niyo ako
dadalhin.

Jacob: Tapos ka na ba? Pwede na ba akong umalis?

Rachel: Ahhhh ehhh…

Leah: May nangyari ba Jacob? Gusto mo bang makalimutan lahat ng problema mo?

Jacob: Saan naman yan?

Leah: Magtiwala ka sa akin, ako ang bahala sayo.

At sumama nga si Jacob, kasama si Leah at Rachel.

Scene 5 (at the bar)

Inom, saya at marami pang iba. Ipapakita na sila’y nasa bar.

Scene 6
Nagising nalang siya sa kanyang kinauupuan. At wala na don sila Rachel at Leah.

Jacob: Miss, Nakita mo ba ang dalawang babae na kasama ko dito?

Crew: Kanina pa ho sila umalis. Iniwan ka na nila. Na wala pang bayad. Sabi nila na ikaw daw ang
magbabayad sa lahat.

Jacob: Ganun ba? Kaso wala akong pera.

Crew: Hindi pwede yan, kailangan mong pagtrabahuan lahat ng nagastos niyo. Ano pang ginagawa mo
diyan. Magsimula ka na.

Scene 7 Habang naglalakad sila Leah at Rachel.

Rachel: Tama ba na iniwan natin si Jacob dun? Nakokonsensiya ako, lalo na’t wala naman siyang pera.

Leah: Ano ka ba Rachel, ganti yan sa mga ginawa niya sayo. Diba nagsinungaling siya sayo? Dahil sa
kanya bumagsak ka sa test? Kaya wag ka mo na siyang isipin. Hayaan muna siya.

Rachel: Tama ka. Hindi ko na siya iisipin. Pero teka, diba may gusto ka sa kanya bakit iniwan mo siya
dun?

Leah: Taman na ang tanong Rachel. Ginantihan na nga diba.

Narinig ito ni Esau, nakilala ni Esau si Rachel na minsan sinama ni Jacob at pinakilala sa kanya.

Esau: Magandang umaga sa inyong dalawa,Sorry ha di ko sinasadyang marinig yung usapan ninyo.
Sinong ngang Jacob ang yung pinag-uusapan ninyo?

Rachel: Parang kilala kita? Saan na nga kita Nakita?

Esau: Ako nga pala si Esau, kachurchmate ni Jacob. Pinakilala niya ako sayo kaya nong narinig ko kayo
sumingit na ako sa usapan. Pero sino ngang Jacob ang pinag-uusapan niyo.

Leah: Kagabi kasi nakasalubong namin si Jacob na may problema. Kaya tinulungan naming syang
makalimot.

Esau: Nasaan na siya? Okay na ba siya.

Leah: Bilisan mo baka maabutan mo pa siya sa “Kanor’s Bar”.

Esau: Bar?... Dinala niyo siya sa bar?

Leah: At bakit naman hindi?

Rachel: Tama na Leah. Pasensiya na Esau pero yun na yun nangyari.

Esau: Sige Salamat sa inyo, mauna na ako para maabutan ko siya.

Nakaalis na si Esau.

Leah: Infairness may itsura din yung Esau. Makapunta nga din sa church nila.
Rachel: Ano ka ba Leah. Masusunog ka dun.

Leah: Sabagay.

Scene 8 Nakarating na si Esau sa bar na sinasabi ni Rachel at Leah, subalit hindi niya na naabutan si
Jacob.

Scene 9 Nakarating na sa bahay si Jacob na sinalubong naman ni Mang Isaac. Makikita mo sa itsura ng
ama na ito’y galit na galit. Dahil sa hindi mapigilang emosyon nasapak niya ang kanyang anak sa gilid
ng labi.

Isaac:(gigil sa gali) Bakit ngayon ka lang ha!? Pumunta ka na naman sa church nyo?. Di ba sinabihan na
kita na wag na wag ka nang pumunta dun.

Jacob: Uminom ako kagabi. (Pagmamayabang) diba yan naman ang gusto mo? Ang mapariwara ako,
dahil ayaw mo ako sa church. At ano bang pakialam mo ha, diba sabi mo kailanman ay hindi mo ko
maituturing na anak. Kaya tama na. Ayoko na sa inyong lahat.

Pumasok sa loob si Jacob at kinuha ang mga gamit niya upang maglayas.

Wala namang masabi ang kanyang mga magulang. Hinayaan nalang nila ito na makaalis.

Scene 10 Bumalik si Jacob sa Bar na pinuntahan niya kagabi. At Nakita naman siya ng babae na
nagtatrabaho don.

Elena: Oh Jacob, ba’t ka bumalik rito?

Jacob: Pwede ba akong pumasok bilang bartender ng bar na ito. Wala na kasi akong matutuluyan kaya
kung pwede sana dito na din ako makitulog at makitira. Wag po kayong mag-alala, pagbubutihin ko po
ang pagtatrabaho ko. Please po tanggapin niyo ako.

Elena: Saktong-sakto kailangan ko pa ng makakatulong dito sa bar. Lalo na at dumarami na ang nagiging
costumer naming dito. Kaya tanggap ka na.

Jacob: Maraming maraming Salamat. Maaari na rin po akong magsimula mamayang gabi.

Elena: Sige, maganda yan.

1 Week later…

Hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin si Jacob sa bar. Kasabay nito ang hindi na niya pagpunta sa
church. Tuluyan na nga niyang tinalikuran ang lahat patungkol sa Diyos.

Sa kabilang banda naman, ay balisang balisa ang pamilya ni Jacob sapagkat ito ay hindi na nagpakita sa
kanila.

Rebekah: Ano nang gagawin natin Isaac? isang linggo ng Hindi umuuwi ang anak ko.Nag-aalala na ako
kanya.

Isaac: Kalimutan mo na siya Rebekah, wala siyang kwentang anak.

Tao sa labas: Tao po! Tao po.


Natigil silang dalawa sap ag-uusap at pinuntahan naman nila kung sino ang tao sa labas.

Scene 11 Naghihintay si Esau sa labas ng bahay ni Jacob. Pinagbukasan naman ito ni Aling Rebekah.

Esau: Hello po! Andito po ba si Jacob?

Rebekah: Sino ka? bakit mo hinahanap ang anak ko?

Esau: Ahmm, ako nga po pala si Esau isa po sa mga matalik na kaibigan ni Jacob sa church. Nag-aalala
lang po kasi ako kasi hindi na po siya pumupunta sa church mga isang linggo po. Anjan po ba siya?

Rebekah: Sa totoo lang, hindi ko din alam kung saan siya nagpunta, Pinalayas kasi siya ng ama nya. Pero
akala ko sa church siya pupunta pag alis siya. Palagay pa naman ang loob ko na hindi siya bumabalik dito
kasi alam kong nasa church siya. San naman siya pumunta kung ganun?

Esau: May nakapagsabi po sa akin nong nakaraan na nakita nila sa bar si Jacob. Alam niyo po ba na si
Jacob ay isang maaalalahanin at napakabuting anak po. Sa tuwing nagkukuwento po yan sa akin ay puro
kapakanan niyo lamang po ang kanyang iniisip. Kaya nakakapagtaka na nakaya niyang mawala ng isang
linggo eh hindi po kayo kayang tiisin non. Pagkakataon niyo naman ngayon na alalahanin niyo siya.

Rebekah: (Naluluha sa pag-alala sa anak) Oo inaamin ko na nagkamali ako. Sana ipinagtanggol ko man
lang siya sa lupit na kanyang ama. Napakawalang kwenta ko talagang ina.

Esau: Wag niyo pong sabihin yan, lahat po tayo ay mahalaga. Mahalaga sa paningin ng Panginoon. Siya
nga po ay nagpapako sa krus para po ay bilhin tayo sa mga kasalanan natin para maligtas at maging
anak niya.

Rebekah: Anong ibig mong sabihin?

Lalabas naman si Isaac sa kanilang tahanan.

Isaac: Sino ba yang kausap mo Rebekah, ang napakatagal mo naman diyan?

Nakita ni Isaac si Esau.

Isaac: SINO KA?

Esau: (hindi nasindak sa takot) Ako nga po pala si Esau kaibigang matalik ni Jacob sa church.

Isaac: Church? sinasabi ko na nga ba at sa church din ang punta non.

Esau: Nagkakamali po kayo, kaya po ako nagpunta dito para hanapin si Jacob dahil isang linggo na siya
hindi nagpapakita sa amin. Nag-aalala na po kami sa kanya.

Isaac: Yun lang ba sadya mo? Makakaalis ka na. Wala dito ang hinahanap mo.

Sisingit si Rebekah sa usapan.

Rebekah: Wag. Wag mo siyang paalisin. Kausap ko pa siya.

Isaac: At ano naman ang pinag-uusapan niyo, tungkol ba yan sa alibugho mong anak? Hindi na babalik
yun, tuluyan ka na niyang kinalimutan. Kaya pumasok ka na sa loob Rebekah?
Rebekah: (Titingin ng masama kay Isaac) Sa tanang buhay ko Isaac sumusunod ako sayo, kahit anong
gusto mo. Pero ngayon anak ko naman ang uunahin ko. (Lilingon kay Esau) ituloy mo yung sinasabi mo
Esau.

Esau: Sabi ko po, wag niyo na po sisihin ang sarili niyo sa nangyayari. Wag niyo hayaang tuluyan na
magbagong tuluyan si Jacob. Pinalaki niyo siya ng mabait, responsable at mapagmahal na anak. Habang
may pagkakataon pa kayo. Ayusin niyo na po ang problema niyo. Wag niyo na pong palalain pa.

Isaac: At sino ka para pagsabihan kami ng ganyan?!.

Rebekah: MANAHIMIK KA!

Esau: (to Isaac) Naiintindihan ko po ang galit nyo. pero wala pong naging kasalanan si Jacob inyo.
hanggang kelan nyo po sya itatrato ng ganyan. kayo po ba hindi po kaylan man nagkasala?

Isaac: (natahimik, may galit sa mga mata) Wala kang alam.

Esau: Wala nga po, pero ang alam ko po dapat sa tahanan may pagpapatawad at pag-ibig. ang tahanan
po ay dinesenyo ng Diyos na maganda. Patawarin nyo po Si Jacob o ang kanyang Ina kung nagkasala man
po sila sa inyo. Dahil maging kayo po ay nagkasala din pero dahil mahal po kayo ng Lord binigay nya ang
kanyang bugtong na anak na si Jesus para tubusin po tayo sa pagkakasala. Lumapit lang po tayo sa
kanya.

Isaac: Kung talagang may Diyos bakit hinayaan nyang magkasala ang asawa ko sakin?

Rebekah: Pinagsisihan ko na yun, matagal na.

Esau: Alam nyo po, sabi po sa Bible sa 1John 1:9 Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, ay
tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan..
kaya buksan nyo po ang puso nyo sa pagpapatawad. Para patawarin din po tayo ng Diyos

Rebekah: Patawarin mo na ako at tanggapin mo na si Jacob sa buhay mo.

Esau: Bunga man po ng pagkakasala si Jacob pero isa po syang blessing sa tahanan po ninyo (tapik sa
balikat ni Isaac).

Isaac: Mapapatawad pa kayo ako ng batang yun kung hihingi ako ng tawad sa kanya?

Esau:(may ngiti) Oo naman po.

Esau: Pwede ko po bnag hingin ang pagkakataon naito para ipagpray ko po kayo. Bago po natin puntaha
si jacob sa bar/ baka sakaling bumalik po sya dun.

Isaac & Rebecah: Sige

(Yumuko sila at nanalangin)

Scene 12 Sa kabilang banda, habang si Jacob ay nasa kwarto at nagmuni muni. Nadako ang kaniyang
paningin sa Bible.
Jacob: Nabitbit pala kita.

At magiging emosyonal.

Jacob: Matagal na din pala kitang hindi nababasa.

Lumuhod at nanalangin.

Jacob: Panginoon, sa totoo lang sa mga nakaraang araw nakalimutan kong pagkatiwalaan ka. Natanong
ko din kung totoo ka nga ba talaga? Nagdalawang isip ako sayo at ang mas malala tumalikod ako sayo.
Subalit, Panginoon patawarin niyo po ako sa lahat ng nagawa ko, naisip ko na sobrang nakapasakit po sa
inyong kalooban. Patawad po na kinalimutan po kita sa mga panahong ikaw dapat ang kailangang
lapitan. Pero ngayon Panginoon bigyan man ako ng madaming dahilan ng mundong ito, mga problema
at sakit. Ikaw na ikaw po ang aking unang lalapitan. Sa totoo lang po, hindi ko po kaya pag wala ka sa
buhay ko. May hihilingin lang po sana ako Panginoon, gusto ko pong bumalik sa aming tahanan. Subalit
nangangamba ako baka hindi ako tanggapin ng Ama ko. Lakasan niyo po ang aking loob, samahan niyo
po ako. Kamuhian man ako hindi ko sila susukuan sapagkat mahal na mahal ko po sila. Amen.

Hawak hawak ni Jacob ang Bible, bubuksan niya iyon. At nakita niya ang nakahighlight na verse.

Jacob: Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo
siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng
mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng
mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! Salamat Panginoon. Ngayon babalik na ako.

Scene 13 KInakabahan at tila hindi mapalagay kalooban ni Jacob habang naglalakad. Malapit na siya sa
kanilang tahanan. At makikita niya ang kaniyang mga magulang na naghihintay

Tatakbo ang kaniyang ama at ina papunta sa kaniya. At nagyakapan. Hindi makapaniwala si Jacob sa
nangyari.

Rebekah: Kumusta ka na anak? Ayos ka lang ba? Namiss ka namin ng Tatay mo.

Jacob: Oo nay, ayos lang ako. (hindi pa din makapaniwala)

Pinagmasdan naman ni Jacob ang kaniyang ama na nananahimik.

Jacob at Isaac: Tay… Nak…

Sabay nilang sabi.

Saka tawanan.

Isaac: Anak, patawad. Alam kung napakalaki ng pagkukulang ko bilang ama sa iyo. Hayaan mo babawi
ako sa susunod.

Jacob: Patawad din Itay, kung naging hindi ako masunurin sa inyo. Palagi kong sinusunod ang nais ko.

Isaac: Hindi anak, tama ka at mali ako. Mali ako na pagbawalan kang umattend sa church.

Jacob: Talaga tay? Hindi mo na ako pagbabawalan?

Isaac: Kung gusto mo sumama pa kami. HAHAHAH.


Sasakitan sa puso si Mang Isaac.

Jacob: Tay, anong nangyayari sayo. Ayos ka lang ba?

Rebekah: Isaac? TULONG TULUNGAN NIYO KAMI! ( Sigaw ni Rebekah habang iiyak)

Hinawakan naman ni Isaac ang kamay ni Jacob.

Isaac: Anak, masaya na ako. Ingatan mo ang mama mo at mga kapatid mo. Mahal na mahal kita.

Jacob: Tay? (Pipikit ang mata ni Isaac)... TAAAAAAAAAY!

Arteng namatayan.

Scene 13 Pagkatapos ng libing, nakaitim lahat.

Nakatulala na naman si Jacob. Makikita ito ni Esau.

Esau: Bro!

Jacob: Uy Bro! (walang kasiglahan)

Esau: Okay lang yan Bro. Dapat nga magalak ka pa.

Jacob: Magalak? Anong ibig mong sabihin.

Esau: Alam mo ba nong hindi ka umuwi sa inyo, dumalaw ako sa bahay niyo. Nakausap ko ang mga
magulang mo. Sa pagkakataon din non, tinanggap nila si Hesus bilang personal na tagapagligtas.
Nagkapatawaran din sila, maging sayo din.

Jacob: Subalit hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon na magkasama.

Esau: Nakakalungkot pero alam kung masaya na siya sa piling ng Diyos. Kung sakaling mabuhay man siya
baka may pagkakataon na malayo pa siya sa Lord. Sabi nga sa Mangangaral 3: 1 at 2 Sa bawa't bagay ay
may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: Panahon ng kapanganakan, at
panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim. Balang-araw
malalaman mo din ang plano ng Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay nato. Ecclesiastes 3:11 He
has made everything beautiful in His time.

Jacob: Salamat Bro. Salamat sa lahat.

Lalapit sina Leah at Rachel.

Rachel: Jacob? Condolence.

Leah: Condolence Jacob.

Jacob: Salamat sa inyo Leah at Rachel. Upo kayo.

(uupo sila)

Leah: Hello Esau.

(Tatango si Esau)
Rachel: Kumusta ka na Jacob?

Jacob: Okay lang naman. Unti unti ko na natatanggap ang lahat.

Rachel: Alam mo, nakakabilib ka. Sa lahat ng napagdaanan mo nanatili ka pa ring matatag at malakas.

Jacob: Kaya nga pinahihintulutan ng Diyos ang mga problema para mas lalo pa tayong maging matatag.
Tsaka pangako niya na hindi niya tayo iiwanan at pababayaan. Manalig lang tayo at manampalataya.

Esau: Alam niyo ba na nagpakamatay ang Panginoon, nagpakapako sa krus para malagpasan natin lahat
mg problema. Maging ang pagbayaran lahat ng kasalanan sa mundong ito. Sabi nga sa John 3:16 Gayun
na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang anak upang ang
lahat ng sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, subalit upang magkaroon ng buhay na walang
hanggan. Kaya sa bawat isa sa atin, ano man ang uri na pinagdadaanan natin, kailangan lang natin
dumulog sa kaniya at humingi ng gabay at karunugan.

Rachel: Salamat Esau. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakuwi sa bahay. Sapagkat natatakot ako sa
magiging reaksiyon ni Mama at Papa.

Jacob: Ganiyan din ang naramdaman ko Rachel, subalit sa tulong ng Lord bago mawala si Itay sa amin.
Nagkapatawaraan kami. Madami man ang pagkukulang ng bawat isa pero hindi na mahalaga yun basta
ang mahalaga maayos na kami. Kaya habang maaga, habang anjan pa sila humingi ka na ng tawad. Tiyak
nag-aalala na yun sila sayo.

Rachel: Leah, tara na. samahan mo ko sa bahay.

Esau: Teka lang, ipagpray muna namin kayo.

Leah & Rachel: Sigeeee.

Scene 14 Simula ngayon, may kanya kaniya na silang hawak na bible study.

Tunay nga na minsan dahil sa mga problma na ating pinagdadaanan, nakakalimutan natin na lumapit sa
kaniya. Nagtatanong tayo kung andiyan pa ba siya, o kung tutulungan niya pa ba tayo. Ngunit, dahil din
sa problemang yun ito ang naging dahilan para mas lalo tayong tumatag at manalig sa kaniya. Pana-
panahon lang yan, maganda ang oras at panahon na inilalaan ng Diyos sa bawat isa.

You might also like