Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 48

KABANATA 1- ISANG PAGTITIPON

• Pagkalat ng balita sa engrandeng


pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago.
• Pagdalo ng maraming panauhin sa
pagtitipon kasama ng mga kilalang
tao mula sa pamahalaan at
simbahan.
• Ang pagtitipon ay para sa pagbabalik
sa Pilipinas ni Crisostomo Ibarra. at
pasasalamat sa Mahal na Birhen.
• Pagtatalo nina Padre Damaso at ang
Tinyente Guevarra.

KANSER NG LIPUNAN:
 Maluho at Magastos
 Pagtatakwil sa Sariling Lahi
 Kaisipang Kolonyal (Colonial
Mentality)
Isang marangyang salu-salo ang
ipinag-anyaya ni Don Santiago
de los Santos na higit na popular
sa taguring Kapitan Tiago para
sa pagbabalik ni Juan
Crisostomo Ibarra.
Nang gabing iyon dagsa ang
mga panauhin na gaya ng dapat
asahan. Puno ang bulwagan.
Ang nag-iistima sa mgta bisita ay
si Tiya Isabel, isang matandang
babae na pinsan ng may-bahay.
Nailabas ni Pari Damaso ang
kanyang mapanlait na ugali.
Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang
tingin niya sa mga ito ay hamak
at mababa. Mapanlibak si Pari
Damaso. Kung kaya’t iniba ni
Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol
sa pagkakalipat sa ibang bayan
ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng 20 taon
bilang kura paroko ng San
Diego. Sinabi niya kahit na ang
hari ay hindi dapat manghimasok
sa pagpaparusa ng simbahan sa
mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente
Guevarra sa pagsasabing may
karapatan ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ang kinatawan ng
hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang
dahilan ng pagkakalipat ni Pari
Damaso. Ito, umano ang nag-
utos na hukayin at ilipat ang
bangkay ng isang marangal na
lalaki na napagbintangang isang
erehe ng pari dahil lamang sa
hindi pangungumpisal.
KABANATA 2 – SI CRISOSTOMO IBARRA
• Ang pagdating ni Crisostomo Ibarra
mula sa Europa pagkatapos ng
pitong taon.
• Pagtanggi ni Padre Damaso kay
Crisostomo na kaibigan niya ang
ama nito.
• Paggamit ni Crisostomo ng ugaling
Aleman sa pagpapakilala sa kanyang
sarili sa mga kababaihan.
• Ang pagkikita at pag-uusap nina
Crisostomo at Tinyente Guevarra.
• Ang pambabastos ni Padre Damaso
kay Crisostomo.
KANSER NG LIPUNAN:
 Crab Mentality
 Pagkainggit
Dumating si Kapitan Tiyago at si
Ibarra na luksang-luksa ang
kasuotan. Binating lahat ni
kapitan ang mga panauhin at
humalik sa kamay ng mga pari
na nakalimot na siya ay
bendisyunan dahil sa pagkabigla.
Si Pari Damaso ay namutla ng
makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si
Ibarra sa pagsasabing ito ay
anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang
niya buhat sa pitong taong pag-
aaral sa Europa. Malusog ang
pangangatawan ni Ibarra, sa
kanyang masayang mukha
mababakas ang kagandahan ng
Tinangkang kamayan ni Ibarra si
Pari Damaso sapagkat alam
niyang ito ay kaibigang matalik
ng kanyang yumaong ama.
Ngunit, ito ay hindi inamin ng
pari.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang
kamay. Dagling tinalikuran niya
ang pari at napaharap sa
tinyenteng kanina pa namamasid
sa kanila. Masayang nag-usap
sina tinyente at Ibarra.
Tulad ng kaugaliang Aleman na
natutuhan ni Ibarra buhat sa
kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang
sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin.
Malapit ng tawagin ang mga
panauhin para maghapunan,
nang lumapit si Kapitan Tinong
kay Ibarra para kumbidahin sa
isang pananghalian
kinabukasan. Tumanggi sa
anyaya ang binata sapagkat
nakatakda siyang magtungo sa
San Diego sa araw na naturan.
KABANATA 3 – ANG HAPUNAN
• Ang pag-uunahan nina Padre
Damaso at Padre Sibyla sa kabisera
ng hapag-kainan. (nanalo si Padre
sibyla)
• Ipinahain ni Kapitan Tiago ang
Tinolang Manok (paboritong ulam ni
Ibarra)
• Ikinagalit ni Padre Damaso na ang
napunta sa kanya ay ang makunat
na leeg ng manok at maraming
gulay.
• Ang mga masasamang parinig ni
Padre Damaso sa mga indiong nag-
aaral sa ibang bayan.
KANSER NG LIPUNAN:
 Pagmamataas
Sa may kabisera umupo si
Ibarra. Ang magkabilang dulo
naman ay pinagtatalunan ng
dalawang pari kung sino sa
kanila ang dapat na lumikmo
roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari
Damaso ang dapat umupo roon
dahil siya ang padre kumpesor
ng pamilya ni Kapitan Tiyago.
Pero, si Pari Sibyla naman ang
iginigiit ng Paring Pransiskano.
Si Sibyla ang kura sa lugar na
iyon, kung kaya’t siya ang
karapat-dapat na umupo.
Sinimulan ng idulot ang pagkain.
Naragdagan ang pagpupoyos ng
damdamin ni Pari Damaso, ang
ihain ang tinola. Paano puro upo,
leeg at pakpak ng manok ang
napunta sa kanya. Ang kay
Ibarra ay puro masasarap na
bahagi ng tinola.
Habang kumakain, nakipag-usap
si Ibarra sa mga ibang panauhin
na malapit sa kinaroroonan niya.
Nalaman ng mga kausap ni
Ibarra na marami ng bansa ang
napuntahan nito at marami ng
wika ang kanyang alam.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni
Ibarra sapagkat biglang
sumabad si Padre Damaso.
Walang pakundangan ininsulto
niya ang binata. Sinabi niyang
kung iyon lamang ang nakita o
natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-
aksaya lamang ng pera. Nabigla
ang lahat sa diretsang
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil
siya ni Kapitan Tiyago sapagkat
darating si Maria Clara at ang
bagong kura paroko ng San
Diego. Hindi rin napigil sa pag-
alis si Ibarra. Pero, nangako
siyang babalik kinabukasan din.
KABANATA 4 – EREHE AT PILIBUSTERO
• Pagkapansin ni Crisostomo na
walang pinagbago ang Binundok
pagkatapos ng pitong taon
• Paghabol ni Tinyente Guevarra kay
Ibarra upang sabihin ang tunay na
nangyari sa kanyang amang si Don
Rafael Ibarra.
• Binigyang –babala ni Tinyente
Guevarra si Ibarra

KANSER NG LIPUNAN:
 Kawalang-katarungan/Inhustisya
 Pagbibigay ng Posisyon sa Di-
Karapat-dapat o walang alam
Naglakad na si Ibarra na hindi
batid ang destinasyon,
naramdaman niyang may
dumantay na kamay sa kanyang
balikat. Si Tinyente Guevarra,na
sumunod sa kanya upang
paalalahanan na mag-ingat din
sapagkat nangangamba siyang
baka matulad siya sa sinapit ng
Nakiusap si Ibarra na isalaysay
ng tinyente ang tungkol sa buhay
ng kanyang ama sapagkat tunay
na wala siyang nalalaman dito.
Ganito ang salaysay ng tinyente:
Si Don Rafael ay siyang
pinakamayaman sa buong
lalawigan. Bagamat siya ay
iginagalang, may ilan din namang
naiinggit at maraming mga kagalit
na mga Kastila at pari. Ilang
buwan pa lamang nakakaalis sa
Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at
Pari Damaso ay nagkasira.
Isang araw may isang grupo ng
mga bata na sinigawan ang
artilyero ng ba be bi bo bu na
labis na ikinagalit nito.Pinukol ng
kanyang tungkod ng artilyero ang
mga bata. Isa ang sinampalad na
tinamaan at nabuwal.
Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo
namang nagdaraan si Don
Rafael. Kinagalitan niya ang
artilyero. Pero, ito ay lalong
nagpuyos sa galit at si Don
Rafael ang kanyang hinarap.
Walang nagawa si Don Rafael
kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla
na lamang sumuray-suray ang
artilyero at dahan-dahang
nabuwal. Terible ang kanyang
pagkakabuwal sapagkat ang
kanyang ulo ay tumama sa isang
tipak na bato. Nagduduwal ito at
hindi nagkamalay hanggang sa
tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo si Don
Rafael. Pinagbintangan siyang
erehe at pilibustero. Masakit sa
kanya ang ganito sapagkat iyon
ang itinuturing na pinakamabigat
na parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang
dagan sa kanyang dibdib.
Pinaratngan din siyang
nagbabasa ng mga
ipinagbabawal na aklat (El Correo
de Ultramar) at diyaryo,
nagtatago ng larawan ng paring
binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at
nagbibigay ng tulong sa mga
Pero, lalong nadagdagan ang
dagan sa kanyang dibdib.
Pinaratngan din siyang
nagbabasa ng mga
ipinagbabawal na aklat (El Correo
de Ultramar) at diyaryo,
nagtatago ng larawan ng paring
binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at
nagbibigay ng tulong sa mga
Gumawa siya (tinyente) ng
paraan para tulungan si Don
Rafael at sumumpang ito ay
marangal na tao. Katunayan, siya
ay kumuha ng isang abugadong
Pilipino
Nang si Don Rafael ay malapit ng
lumaya dahil sa tapos ng lahat
ang mga kasong ibinintang sa
kanya. Ang kahirapan ng
kalooban na kanyang dinanas ay
hindi nakayanan ng kanyang
pisikal na katawan at sa mismong
loob ng bilangguan, nalagutan ng
hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g
tinyente. Inabot nito ang kanyang
kamay kay Ibarra at sinabing si
Kapitan Tiyago na lamang ang
bahalang magsalaysay ng iba
pang pangyayari.
KABANATA 5 – PANGARAP SA GABING MADILIM
• Tumuloy si Ibarra sa kanyang
tinitirhang pansamantala sa Fonda de
Lala(ang pinasikat na hotel noong
panahon ng Kastila)
• Naghahalo ang damdamin ni Ibarra
sapagkat mula sa kanyang silid
nakikita niya ang kasayahan sa bahay
ni Kapitan Tiago; kasiyahan sa
pagnanais siyang makita si Maria
Clara , naghihirap ang kanyang
kalooban sa pag-aalaala sa nangyari
sa kanyang ama na wala siyang
nagawa.
KABANATA 6 – SI KAPITAN TIYAGO
• Paglalarawan sa buhay ni Kapitan Tiago
• Napangasawa si Donya Pia Alba na siya
raw nagdala ng swerte sa kanya.
• Naging kamalasan daw ang anim na taon
na di pagbubuntis.
• Pagkatapos ipanganak si Maria Clara
namatay si Donya Pia.
• Siya ay kasundo ng simbahan at
pamahalaan.
• Maraming mga ilegal na gawain na
siyang nakapagpayaman sa kanya
• Ipinasok sa kumbento ng Sta. Catalina si
Maria Clara.
• Ipinagkasundo ng mga magulang kay
Crisostomo na maipakasal.
KANSER NG LIPUNAN:
 Huwad na Pananampalataya
 Pagpapalakasan
Si Kapitan Tiyago ay pandak, di
kaputian at may bilugang
mukha. Siaya ay tinatayang
nasa pagitan ng 35 taong
gulang. Maitim ang buhok, at
kung hinde lamang nanabako at
ngumanganga, maituturing na
sya ay magandang lalaki.
Dahil sa siya ay mayaman, siya
ay isang impluwensyadong tao.
Siya ay malakas sa mga taong
nasa gobyerno at halos kaibigan
nya lahat ng mga prayle. Ang
turing niya sa sarili ay isang
tunay na kastila at hindi pilipino.
Basta opisyal, sinusunod nya.
Anumang reglamento o
patakaran ay kanyang
sinusunod. Sipsip din siya sa
mga taong nasa kapangyarihan.
Basta may okasyon na katulad
ng kapanganakan at kapistahan,
lagi sya mayroong handog na
regalo.
Basta opisyal, sinusunod nya.
Anumang reglamento o
patakaran ay kanyang
sinusunod. Sipsip din siya sa
mga taong nasa kapangyarihan.
Basta may okasyon na katulad
ng kapanganakan at kapistahan,
lagi sya mayroong handog na
regalo.
Nakilala nya si Pia Alba na isang
magandang dalagang taga sata
Cruz. Natulong sila sa pag
hahanap-buhay hangang sa
yumaman ng husto at nakilala
sa alta sosyedad.
Ang pag bili nila ng lupain sa
san diego ang naging daan
upang maging kaututang dila
roon ang kura na si padre
damaso. Naging kaibigan din
nila ang pinakamayaman sa
buong San Diego- si Don Rafael
Ibarra
Ang pag bili nila ng lupain sa
san diego ang naging daan
upang maging kaututang dila
roon ang kura na si padre
damaso. Naging kaibigan din
nila ang pinakamayaman sa
buong San Diego- si Don Rafael
Ibarra
Parang dininig ang dasal ni Pia,
siya ay nag lihi, gayuman
nagiging masakitin si Pia, nang
siya ay magdalangtao. Pag
kapanganak nya sya ay
namatay. Si Padre Damaso ang
nag anak sa binyag at ang anak
in pia ay pinangalanang Maria
Clara
Katorse anyos si maria, nang
sya ipinasok sa Beaterio ng Sta
Catalina. Luhaan sya nag
paalam kay Pari damaso at sa
kanyang kaibigan at kababatang
si Crisostomo Ibarra,
pagkapasok ni Maria sa
kumbento, si Ibarra naman ay
nagpunta na ng Europa upang
Nagkasundo sina Don Rafael at
Kapitan Tiyago na maski
nagkalayo ang kanilang mga
anak. Pag dating ng tamang
panahon silang dalawa (Maria at
Crisostomo) ay pag iisahing
dibdib. Ito ay sa kanilang
paniniwala na ang dalawa ay
tunay na nag-iibigan.
KABANATA 7 – PAG-UUSAP SA ASOTEA
• Hindi mapakali si Maria Clara dahil
magkikita na sila ni Ibarra.
• Nag-usap sina Maria Clara at Crisostomo
sa asotea at nagpalitan ng mga alaala
(dahon ng sambong at ang lumang liham)
• Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya
ay pupunta sa San Diego

PAGPAPAHALAGANG PILIPINO:
 Pagiging sentimental
 Palabra de Honor
 Pagiging Tapat sa Pag-ibig

You might also like