FINALThesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IMPLUWENSIYA NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA MAG

–AARAL SA ANTAS KOLEHIYO SA PAMANTASAN NG BIKOL


TAONG PANURUAN 2014-2015

Isang pananaliksik na iniharap sa mga Dalubhasa ng Pamantasan


ng Bikol Kolehiyo ng Agham
Legazpi City

Nina:
Abegail L. Nuyles
Marielle D. Buiza
Ric Ryan H. Regalado
Moneth Claire B. Ibay
Shaine O. Yanzon
Joeric Turiano Reduta
KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na


nakalap ng mga mananaliksik. Napapaloob rin dito sa ang balangkas teoretikal,
balangkas konseptwal, lagom ng sining, gap at katuturan ng talakay.

Kaugnay na Literatura

Ang pag-unlad ng komunidad ngayon ay mabilis dahil sa makabagong


teknolohiya. Ayon kay D. Chandler (2000), binago ng teknolohiya ang lipunan sa
lahat ng antas kabilang ang mga institusyon, mga interpersonal na pakikipag-
ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong linggid sa
kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at
walang taros na humuhubog sa lipunan.

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang


para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para
sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan at sa mga
estudyante (M. Underwood, 2009).

Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang


internet, moblie phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong
teknolohiya? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng
pamumuhay gamit ang makabagong teknolohiya. Ang bagong henerasyon ngayon
ay gusto ng pagbabago, gaya ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay nila sa
panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang
iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay
ang makabagong teknolohiya. (S. Kumar, S. Raghav, 2007).

Ayon kay D. Chandler (2000), ang teknolohiya ay may positibo at


negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon
gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan
ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan
upang malinang ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa.

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (2000), at B. Winston (1998), kanyang


inalisa sa kanyang artikulo na "How are Media Born and Developed" ang mga
mabubuti at masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya. Naniniwala
siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pag-unlad ng ating mundo.
Ngayon tayo ay nasa ika-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng
ating pamumuhay gayun na din sa ating mga pribadong buhay.

Tinalakay ni K. Croxton (2000), ang internet ay patuloy na lumalaki at


umaabot sa mas maraming mga tao. Nakikita natin ang pagbuti patungkol sa
karunungang bumasa't sumulat dahil sa paglago ng internet.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na "The Influence of


Technology on College Students" sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa
paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-
ibang disiplina batay narin sa kanilang kinagisnan na komunidad. Ayon kina
Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na "Ang kasaysayan at kultura ay may
malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan." Sa
paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala
pang impluwensya ng teknolohiya. Ayon kina Coomes and Debard (2004), at
Howe at Strauss (2003), sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong
environmental factor at social factor kagaya ng impluwensya ng pamilya, ng
media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng politika. Ang disiplina
ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila
makitungo sa kaniliang kapaligiran.
Ngayon, ang mga mag-aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong
teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod, MP3 players, at online social networks
gaya ng facebook, twitter, instagram. Ang mga napapanood naman nila sa
telebisyon at mga laro sa kompyuter ay maaaring makapag pabago sa uri ng
kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay may malaking impluwensya sa academic
performance nila sa loob ng klase. (Strauss, Howe at Markiewicz, 2006).

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga


estudyante na ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung
kaya't ang iba sa kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng makabagong
teknolohiya at ubusin ang oras sa mga walang kwenta bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007), kadalasan maririnig natin sa mga mag-


aaral ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at
kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang
maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon
ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian
ng mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng
kanilang oras at kung paano ito mawawaldas ng may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano


kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at
kung malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-
aaral, halos 25% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may malaking
parte din ito sa stress na nararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng


media sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Napag alaman nila na mayroon itong
malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa
kanilang kaibigan, kamag-aral, at guro.
Tala

http://www.rbreed.com/essays/com504-03-reed-mass.pdf

http://www.ukessays.com/essays/social-policy/the-influence-of-modern-
technology.php

http://www.studentaffairs.com/ejournal/Fall_2007/InfluenceofTechnologyonColle
geStudentValues.pdf

https://hssjournal.files.wordpress.com/2009/02/s2.pdf

You might also like