Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BICOL STATE COLLEGE OF APPLIED SCIENCES AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF EDUCATION

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN


SA
FILIPINO 1

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. Mapag-ugnay ang mga magkakasalungat na salita
b. Matukoy ang kahulugan ng isang salita batay sa kasalungat
c. Magamit ang mga matututunang salita bilang gabay sa susunod na
paksa ng aralin.

II. PAKSANG – ARALIN

Paksa: Mga Magkakasalungat na Salita


Sanggunian: PG F1 p. 392-393, PM F1
Kagamitan:
 Mga larawan
 Cartolina

III. PAMAMARAAN

1. Pagganyak
Paghambingin ang dalawang babaeng mag-aaral sa klase at
tanungin ang ibang mag-aaral sa kung ano ang pagkakaiba ng
kanilang buhok. At tatanungin kung ano ang tawag sa dalawang
salita na kanilang binanggit.
2. Pagtatalakay

Isulat sa pisara ang mga salita na may kaugnayan sa mga susunod na


aralin ( pundido, marikit, pinananabikan at bukod-tangi) at ibigay ang
salitang kasalungat nito. Ipasipi sa buong klase ang talasalitaan para
sa susunod na paksa.

Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga salitang magkakasalungat.


(Larawan ng: makapal at manipis na aklat, mahaba at maikling lapis,
Malaki at maliit na bahay, malamig at mainit na inumin, at iyak at
tawa ng sanggol)

3. Paglalapat

Piliin sa kahon ang larawan ng salita na kasalungat ng salitang nasa


ibaba.

1. Mainit
2. Maikli
3. Manipis
4. Malaki
5. Tawa

4. Paglalahat

Mahalagang maintindihan natin ang ideya ng mga salitang


magkasalungat dahil magagamit natin ito sa pag-unawa ng kahulugan
ng ibang salita.

IV. PAGTATAYA
Ikonekta ang mga salita sa SET A sa mga larawan na kasalungat nito na nasa
SET B.

1. Malamig
2. Mahaba
3. Makapal
4. Maliit
5. Iyak

V. TAKDANG – ARALIN
Gumupit o gumuhit ng larawan ng alitaptap. Idikit o iguhit ito
sa booklet.

Inihanda ni:
Crisselda S. Chavez

You might also like