Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

INTRODUKSYON

Inihanda ang modyul na ito bilang karagdagang kagamitan sa paglinang ng mga

kasanayan sa Filipino ng mga mag-aaral na nasa ika-anim na baitang. Sa paghahanda

ng modyul na ito, isinasaalang-alang ang paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral

patungkol sa pangngalan at iba’t ibang uri ng pangngalan.

Hangad ng modyul na ito ay maikintal sa isipan ng bawat mag-aaral ang

pagmamahal niya sa kanyang pagiging Pilipino.

Sa gayon, maging daan sana ang modyul na ito para maging masigla, magaan at

mabilis ang pag-unawa sa araling pangngalan.

DEPINISYON NG MODYUL

Sa pag-aaral nina Abad at Ruedas (1995), ang modyul ay isang kagamitan sa

pagtuturo at pagkatuto na buo at ganap sa gawang sarili at naglalahad ng mga tiyak na

takdang gawain sa isang kaparaanang sistematiko. Naglalayon itong makapag-aral ang

estudyante ayon sa kanyang sarili nang walang aklat at patnubay ng guro. Kaya’t ang

modyul ay maaring gawin sa tahanan o saanmang labas ng paaralan.

Ang modyul ay nagkakaiba-iba ang uri at anyo at mga bahagi. Ito ay nakabatay sa

paghahanda, sa asignaturang pinaghahandaan, sa pagkakaiba at sa pangangailangan

ng gagamit.
KAHALAGAHAN NG MODYUL

Inihanda nag kagamitang ito bilang karagdagang kagamitan sa mag-aaral na

lilinang sa wasto at mabisang paggamit ng pang-uri.

Ang mga aralin ay kinapapalooban ng mga pag-sasanay sa pagpapalawak ng

talasalitaan, pag-uusali, mabuting saloobin at magandang pananaw ng mag-aaral na

Pilipino. Napapaloob din dito ang mga pagsasanay na magpapaunlad sa pagiging

malikhain ng mga mag-aaral. At higit sa lahat binubuo ito ng mga pagsasanay na

naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na matutong magsuri, at bumuo ng mga

konsepto.

MGA KONSEPTO SA PAGBUO

May mga hakbang sa pagbuo ng modyul. Una ang pagdedesenyo, kasama ang

pagpaplano, paggawa ng borador at rebisyon. Ikalawa ang pagsulat, kabilang dito ang

mga bahagi at mga layunin. Ikatlo, ang pagtataya o ebalwasyon.

Kabilang sa unang bahagi ang pamagat ng modyul, layunin, motibasyon, paunang

pagsusulit at pagtatalakay sa aralin. Sa ikalawang bahagi, ay ang mga pagsasanay

upang pagtibayin at pagyamanin ang kaalamang inilahad sa unang bahagi ng modyul.

Kalakip din nito ang bawat panuto na dapat sundin sa pagsagot sa mga pagsasanay. Sa

ikatlong bahagi ang panghuling pagsusulit. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang isagawa

ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak ang pagkatuto ng mga kaalaman at

pagkakaroon ng kasanayan sa buong modyul at sa Filipino.


I. PAMAGAT
Uri at Kailanan ng Pangngalan
II. MAG-AARAL
Ika-anim na baitang
III. LAGOM

IV. LAYUNIN

 Malaman ang kaibahan ng pambalana at pantangi

Isipin

May Dalawang Uri ng Pangngalan

1. Pangngalang Pambalana- Ito ang tawag sa karaniwang ngalan ng tao, bagay,


pook, pangyayari, at hayop. Nagsisimula ito sa maliit na titik.
Halimbawa:
guro bahay mag-aaral lupa
2. Pangngalang Pantangi- Ito ang tawag sa tanging ngalan ng tao, bagay, pook,
pangyayari, at hayop. Nagsisimula ito sa malalaking titik.
Halimbawa:
Gng. Raziel Reyes Caloocan
Rod Carlo Dizon Ibong Adarna

Kailanan ng Pangngalan

1. Isahan- kung isa lamang ang tinutukoy. Makikilala ito sa pamamagitan ng


pantukoy na ang at si o pamilang na isa
Halimbawa:
ang nanay isang bata
si Romeo ang ate
2. Dalawahan- Ito ay tumutukoy sa dalawang pangngalan.
Halimbawa:
mag-ina dalawang babae kambal
3. Maramihan- Ito ay tumutukoy sa tatlo o higit pang pangngalan. Nabubuo ito sa
pamamagitan ng pantukoy ng mga salitang marami, pang-uring pamilang, at
panlaping mag at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
mga aso sampung aklat
magkakaibigan sina abi

Gawin.

A. Salungguhitan ang panggalan sa bawat pangungusap. Isulat sa itaas ang


sinalungguhitang pangngalan ang P kung pantangi ito at ang PM kung pambalana.
1. Catherine ay nagluluto ng agahan.
2. Tinulungan kong magbitbit ng supot ang kanyang asawa.
3. Binigyan ako ni Rhizza ng tsokolate.
4. Nanood kami ng sine sa bayan kagabi.
5. Kumain ng mangga si Reggie.
6. Maraming huling isa si Rodney.
7. Nagpalit ng bagong kotse si Arman.
8. Maraming nakitang paninda ang magkakapatid.
9. Si Dr. Perez ay nasa ibang bansa ngayon.
10. Bumabaha sa Maynila sa kaunting ulan.

B. Pagdugtungin sa pamamagitan ng guhit ang mga pangngalang pantangi sa Hanay B


at pambalana sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
1. ama a. Damulag
2. kalabaw b. Florante at Laura
3. amain c. Dr. Raidis Perez
4. bata d. Tiya Pacita
5. artista e. Mang Alfonso
6. manggagamot f. Tiyo Carlos
7. ina g. Bb. Carmina Catacutan
8. aklat h. Lea Salonga
9. tiya i. Aling Oreng
10. guro j. Nene

C. Punan ang mga patlang ng nawawalang kailanan ng pangngalan.


ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN
1. kapatid ________________ ________________
2. ______________ dalawang anak ________________
3. ______________ ________________ mga silya
4. ______________ ________________ maraming atis
5. tinapay ________________ ________________
6. ______________ dalawang guro ________________
7. ______________ ________________ mga ibon
8. ______________ magpinsan ________________
9. ______________ ________________ ________________
10. bahay ________________ ________________

KASARIAN NG PANGNGALAN

1. Pambabae- Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa babae.


Halimbawa: ditse, nanay, kumara Gina
2. Panlalaki- Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa lalaki.
Halimbawa: kuya, Arnel, pare, ninong
3. Di-tiyak- Ito ay nauukol sa mga pangngalang maaaring babae o lalaki.
Halimbawa: asawa, anak, magulang, kapatid
4. Walang Kasarian- Tumutukoy ito sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa: lapis, papel, gunting, kalendaryo.
A. Ibigay ang kasariang pambabae ng mga sumusunod:
1. ama - _________ 6. sastre - _________
2. prinsipe - _________ 7. binate - _________
3. ninong - _________ 8. kuya - _________
4. hari - _________ 9. pari - _________
5. santo - _________ 10.diko - _________

B. Isulat sa loob ng puso ang kasariang panlalaki ng mga sumusunod:


1. hipag - __________ 6. doktora - __________
2. inahin - __________ 7. konduktora - __________
3. inso - __________ 8. kusinera - __________
4. impo - __________ 9. labandera - __________
5. ginang - __________ 10. tindera - __________

C. Isulat sa patlang ang PL kung panlalaki, PB kung pambabae, DT kung di-tiyak, at


WK kung walang kasarian.

____1. pluma ____11. bulaklak


____2. manugang ____12. piloto
____3. kartero ____13. hipag
____4. tagamasid ____14. salamin
____5. lider ____15. aling oreng
____6. telebisyon ____16. katulong
____7. modista ____17. bahay
____8.ate ____18. pinsan
____9. manlalaro ____19. pinggan
____10. balae ____20. Hardinero

KAYARIAN NG PANGNGALAN
Isipin
May apat na kayarian ang pangngalan
1. Payak – Ito ay pangngalang binubuo lamang ng salitang-ugat.
Halimbawa: anak, dagat, bayan
2. Maylapi- Ito ay pangngalang binubuo ng salitang-ugat at panlapi
Halimbawa: mag-anak, basurahan, kabayanan
3. Inuulit- kapag ang bahagi ng salita o buong salita ay inuulit.
Halimbawa: sapin-sapin, bayan – bayan, bahay - bahay
4. Tambalan- Binubuo ito ng dalawang magkaibang salita na pinagsama.
Halimbawa: silid-aralan, kapitbahay, hanapbuhay
Gawin

A. Tukuyin ang kayarian nf pangngalan. Isulat sa patlang ang P kung ito ay payak,
ang M kung maylapi, ang I kung inuulit, at T kung tambalan/
_____1. hari _____6. kababayan
_____2. bola-bola _____7. kaaway
_____3. higante _____8. bali-balita
_____4. balikbayan _____9. silid-aralan
_____5. kamag-aral _____10. karagatan

B. Isulat sa kaukulang hanay ang mga sumusunod na pangngalan:

Bisig-bayan kapaligiran bantay-salakay sabi-sabi


Kamoteng- kahoy dala-dalahan kaibigan pali-paligid
Simbahan barya-barya basing-sisiw halaman
Ulan isla dyaryo

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN


C. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B upang makabuo ng tambalng pangngalan.
Titik lamang ang isulat sa patlang.

Hanay A Hanay B
_____1. gawaing a. bayan
_____2. hampas b. silim
_____3. balik c. bahay
_____4. silid d. liwayway
_____5. bahay e. lupa
_____6. bukang f. kubo
_____7. dapit g. bata
_____8. takip h. tulugan
_____9. abot i. kamay
_____10. Isip j. hapon

D. Punan ng angkop na kayarian ng pangngalan ang mga patlang.


PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN
1. __________ kabahayan _______________ ______________
2. __________ ____________ _______________ anak-araw
3. __________ ____________ _______________ silid-aralan
4. bantay ____________ _______________ ______________
5. __________ ____________ kai-kaibigan ______________

You might also like