Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Unibersidad ng Makati

J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City

Higher School ng UMAK

“Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo sa mga Maga-aral ng

Unibersidad ng Makati”

Bilang pagtupad sa pangangailangan sa Asignaturang Filipino

“Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”

Ipinasa nina:

Andrade, John Jeinito

Patricio, Mark Joseph

Piangco, Aracely

Zamora, Zandra

Ipinasa kay:

Bb. Jamela Diamante

Oktubre 6, 2017

1
Introduksyon

“Chaka”, “ganders”, “nakakalurky”, at “bonggacious” ay ilan lamang


sa mga salitang madalas marinig sa eskwelahan. Ito ay mistulang wikang
banyaga sa ating pandinig ngunit natural na sinasalita ng mga “homosexual” na
mga lalaki sa parlor, sa labas ng eskwelahan o di kaya ay karaniwan din sa loob
ng mismong Unibersidad ng Makati. Hindi nagtagal ang “wikang pambansa ng
mga beki” ay kumakalat sa midya, impormal na komunikasyon at maging sa
akademya.

Maraming nagtataka kung ang wikang mistulang kakaiba sa ating


mga tenga ngunit natural sa mga lalaking nasa ikatlong kasarian ay isang
malaking kwestyon sa ating wikang Filipino o isang ekspresyon ng pagiging
malikhain ng mga estudyante sa paaralan. Dahil kalakip na sa ating araw-araw
na pamumuhay at pagpasok sa eskwelahan ang “swardspeak” o mas kilala sa
gay lingo, kailangan nating magkaroon ng kamalayan o malaman natin kung
ano ba ang naidudulot nito sa kulturang Pilipino at lalong-lalo na sa mga
estudyante ng Unibersidad ng Makati.

May mga umuusbong ding mga katanungan sa kaisipan ng ibang


estudyante na kung ang “bekimon” ba ay nakasisira ng isang wika lalong-lalo na
ang Filipino at iba pang mga bernakular na lengguwahe sa ating bansa; o hindi
kaya ay kabaliktaran ito ng kurapsyon ng Wikang Pambansa marahil ay
binubuhay rin nito, ginagawang malikhain at binibigyang kulay ang wikang
Filipino. Ngunit sa araw na araw na pamumuhay at pag-pasok sa eskwelahan ay
madalas itong gamitin marahil sa impluwensiya ng mga kabilang sa ikatlong
kasarian na madalas na naririnig ng mga taong naka-paligid o mga taong
malalapit sa kanila na madalas ay kanilang nakakausap.

2
Layunin

Bilang layunin ay batid ng konsepto ng papel na ito na:

1. Isang paraan ng pagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pilipino


2. Upang makita ng mga tao sa lipunan natin na buhay ang ating wika at
patuloy itong nadaragdagan ng mga bagong salita
3. Naghahatid din ito ng bagong kaalaman sa paraan pakikihalubilo at
pakikinig sa mga usapan ng mga homosexual sa paaralan.
4. Ibinabahagi din para sa mga kabilang sa ikatlong kasarian na lubos nilang
pinapahalagahan ang kanilang sariling wika o lenggwahe dahil ito lang
ang patunay na sila ay nag kakaiba at masaya.
5. Ibinabahagi rin sa mga hindi gumagamit ng gay lingo o itinuturing na isa
itong panggulo lamang at hindi marapat na bigyan ng sapat na halaga o
importansya sa paga-aral sa eskwelahan.
6. Upang maipakita sa ikatlong kasarian na bahagi sila ng ating kultura at
handa tayong tanggapin ang wika nila ngunit hindi natin maka-kaligtaan
ang sarili nating wika.

Rekomendasyon

Ang paggamit ng wikang “gay lingo” sa loob ng paaralan ay dapat


limitahan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat gamitin ang wikang “gay
lingo”. Dapat naayon kung pormal ba o di pormal ang sitwasyon o iyong
ginagalawan. Halimbawa kapag nasa loob ng klase o mga pagti-tipon dapat
pormal na wika ang gamitin. Kapag kausap ang mga may awtoridad tulad ng
mga guro, hindi dapat gamitin ang wikang “gay lingo”. Ang “gay lingo” ay maari
lamang gamitin kapag nakikipagtalakayan kasama ang iyong mga kaibigan.

3
Konklusyon

Walang negatibong epekto ang pananalita ng “gay lingo” sa pang-araw-


araw na pamumuhay ng mga estudyante. Bagkus ang lumabas ay ang
positibong epekto nito kung saan nakakatulong ang paggamit ng nasabing
lengwahe upang maging magaan lamang ang pakikipag-ugnayan sa mga taong
malalapit sa kanila. Sa pamamagitan ng lenggwaheng ito, mas nagkakaroon
sila ng pagkakataon upang mai-pahayag ang kanilang mga opinyon sa magaan
ngunit "matalinhagang" paraan. Hindi angkop ang ganitong paraan ng
pakikitungo sa mga mahahalagang pangyayari at sa mga pormal na pagtitipon.

Ang paggamit ng naturang salitang ito ay nakatuon lamang sa usapan at


pakikipag-talastasan ng mga magka-kaibigan at pakikipag-usap lamang sa
mga taong malapit sa iyo ukol sa mga gusto niyo lamang pag-usapan at alamin.
Ang rason sa mabilis na paglaganap ng “gay lingo” sa mga estudyante ay dahil
sa nakikisabay ang mga ito sa panahon at "trending".

Dumadami na ang mga "indibidwal" na nag-uumpisa nito dahil na rin sa


impluwensiya ng kanilang mga kaibigan at kakilala na gumagamit ng nasabing
diyalekto. Madalas na itong gamitin ng mga sikat na personalidad sa social
media o telebisyon at madalas ginagamit ito upang makipag-ugnayan o
makipagtalastasan ng may halong biro at saya. Sa mga kadahilanang ito, mas
ginagamit at tinatangkilik ng madla ang ganitong pananalita.

You might also like