Epekto NG Gadyets Sa Mga Mag-Aaral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

KABANATA I

Ang suliranin at kaligiran nito

Panimula

Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak

ang mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga makabagong

henerasyon.

Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga

kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan

at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang

gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento

at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong

maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang

pinakalumang naimbento katulad ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang

teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung

papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng

ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa

gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang

ating kaalaman dito. Isa na dito ay ang mga gadyets. Sa pag usbong ng mga ito.

Masasabing nakakatulong ito sa tao kagaya ng mga mag-aaral at sa kalauna’y

masasabing ito’y ay nakakasama.

1
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang mga kabataan ay

napapagod na sa kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay

ang magpahinga para malakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang pangalawa ay maari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kani

lang kaibigan at kaagapay sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon.

Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang

naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan ito ay ito ay isa sa mga pangunahing

paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman

napakamaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang

pag-aaral.

Ang gadyets ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na

madaling gamitin at nakakatuwang teknolohiya, at maituturing na mamahalin

kapag ang gadyet ay maraming gamit. Masasabing ang gadyets ay higit na

nakakatulong sa mag-aaral sa kanilang pag aaral. Tungkulin ng mga kabataan

ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa

pagre-rebyu na ilang halimbawa sa kanilang pagsu-sulit, may mga maaari na sila

ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong kagamitan ngayon.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay nakakabuti

o nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang gadyets ay

may masamang epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng

gadgets dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.

2
Paglalahad Ng Suliranin

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

2. Anong gadyets ang madalas gamitin ng mag-aaral?

3. Ano ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

4. Paano makatutulong sa pag-aaral ng estudyante ang paggamit ng gadyets?

5. Paano makakaapekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets?

6. Paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mag-

aaral?

Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung

paano nakakaapekto ang paggamit ng gadyets sa mga mag-aaral. At kung

paano makakatulong at makakasama ang mga ito.

Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Matutukoy ang gadyets na madalas gamitin ng mag-aaral.

2. Matutukoy ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral

3
3. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit

ng gadyets.

4. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pag-aaral ng mag-aaral

ang paggamit

ng gadyets.

5. Matutukoy kung paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa

pag-aaral ng

Mag-aaral.

Kahalagahan Ng Pag-Aaral

Para sa mga estudyante:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-

aaral na ito upang makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng

gadyets.

Magsisilbing daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang

mga mag-aaral sa tamang paggamit ng gadyets.

Para sa mga guro:

Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga

mag-aaral sa wastong paggamit ng gadyets.

Para sa mga mananaliksilk:

4
Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-

aaral na ito upang makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng

gadyets. Magiging batayan din ng iba pang mananaliksik na naglalayong

magsasagawa ng may mas malalimang pag-aaral ukol sa Epekto ng Gadyets sa

mga mag-aaral.

Batayang Konseptwal

Ang mga gadyets ang madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang

pang araw-araw na

PINAGBATAYAN PROSESO gawain. Naglalarawan ang

pag-aaral na ito tungkol sa


A. Pagsasagawa
epekto ng gadyets sa pag-
ng sarbey
KINALALABASAN NG
aaral ng mga mag-
PAG-AARAL
B. Pagkonsulta sa
A. madalas
aaral. Sa Matutukoyna pagg
ang
mga naunang gadyets na
madalas
amit ng gadyets gamitin
Epekto ng gadyets sa pag-aaral o ng mag-aaral.
kagayaB.ng Matutukoy
Cellphone, ang
mga mag-aaral thesis kahalagahan ng
Computer,gadyets
Tablet atsaLaptop
pag-
C. Pagpunta sa aaral ng mag-aaral
ay mayC.dalang
Mababatid kung
naidudulot
mga silid paano
makatutulong sa
at ito ay ang epekto sa
aklatan pag-aaral ng mag-
aaral ang paggamit
mag-aaral.
D. Pagsangguni sa ng gadyets.
D. Mababatid ang
mga media mabubuti at
masasamang
Paggamit ng epekto sa pag-
aaral ng mag-aaral
Internet ang paggamit ng
gadyets.
E. Matutukoy kung
paano napapadali
ng mga gadyets5
ang komunikasyon
sa pag-aaral ng
mag-aaral.
Saklaw At Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga

estudyante. Kumuha ang mga mananaliksik ng 50 respondente mula sa iba’t-

ibang seksyon ng ika-apat na taon sa hayskul ng Pambansang Mataas na

Paaralan ng Nabua

Ang unang mga respondente ay magmumula sa lupon ng mga mag-aaral

sa mataas na seksyon. Ang susunod na lupon ay manggagaling sa gitnang

seksyon, at ang huli ay manggagaling naman sa mababang seksyon.

6
Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-

aaral.

Cellphone- ay isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain

lalong-lalo na sa komunikasyon.

Computer- ay isang uri ng gadyet na nagbibigay ng mga impormasyon sa

pamamagitan ng internet.

Internet- ay medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon.

Teknolohiya- ay isang napakabagong makina o gadgets na kung tawagin ng iba

ay

awtomatik na proseso hindi manu-mano

Agham at Inhinyeriya- ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang

Organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng

pamamaraang nito.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-Aaral

Dayuhang Literatura

Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa makabagong

teknolohiya at gadyets. Nakatulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng antas

7
kabilang ang mga institusyon, mga interpersonal na pakikipag-ugnayan at

maging ang indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong linggid sa kontrol at

kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at walang

taros na humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 2000)

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may

pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral.

Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang

epektibong mamamayan at sa mga estudyante (M. Underwood, 2009).

Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang

computer, mobile phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong

gadyets? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri

ng pamumuhay gamit ang makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng

estudyante ngayon ay gusto ng pagbabago, Gaya ng pagbabago sa paraan ng

pag-aaral nila

sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anum

ang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago

ngayon ay ang makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav,

2007)

Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad.

Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa

makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay

8
nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang

kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa (Chandler, 2000)

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (20000) at B. Winston (1998)

kanyang inalisa sa kanyang artikulo na How are Media Born and Developed ang

mga mabubuti at masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya at

gadyets sa lipunan. Naniniwala

siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pagunlad ng ating mundo. Ngayo

n tayo aynasa ika-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng ating

pamumuhay gayun na din sa ating mga pribadong buhay.

Ang internet ay patuloy na lumalaki at umaabot sa mas maraming mga

tao. Nakikita natin ang pagbuti patungkol sa karunungang bumasa’t sumulat

dahil sa paglago ng internet (K. Croxton 2000)

Ayon kay A. Graham Bell (1876) ang Telepono ay nagtuturo sa mga taong

bingi kaya’t siya ay interesado sa mga pagyanig ng tunog o kung paanong ang

tunog ay tumatalbog at naglalakbay. Napag-isipan ni Bell na ang mga pagyanig

na ito ay maaaring gawing sunud-sunod na mga takbo ng kuryente na maaaring

maipadala sa pamamagitan mga kable mula sa isang lugar patungo sa iba. Mula

dito ay naimbento niya ito. Ang kanyang imbensyon ay Hindi lamang ginawang

posible ang pakikipag-usap sa mga kaibigan na milya ang layo kundi nagbukas

ng pintuan para sa mga intercoms, radyo, fax transmission at pati na rin sa

Internet. Ito ay nagpalapit sa mga tao sa isa’t isa (A. Graham Bell 1876)

9
Ang mga kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa

mga tahanan, ang mga maliliit na kompyuter na nakabaon sa mga kagamitang

dekuryente ang nakapagpapabukas at nakapagsasara sa telebisyon at

nakapapapalit ng mga estasyon, o kumukontrol sa temperatura ng iyong

refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at iba pang mga sasakyan ay

nag-aayos ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter ay ginagamit din sa mga

makina sa ospital tulad ng x-rays. Alam mo ba na ang mga kompyuter ay

pangunahing ginawa upang magamit sa masalimuot na kalkulasyon

matematika? Ang mga makinang ginagamit upang gumawa ng mga

masasalimuot na kalkulasyong matematika ay nag-ugat libong taon na ang

nakalilipas sa mga abakus ng Intsik. Ang abakus ay isang grupo ng mga butil na

nakahanay at ginagamit sa pagbibilang. Noong 1945, ang ENIAC ang Electronic

Numerical Integrator and Calculator ay isinilang.Ito ang kauna-unahang

kompyuter. Subalit, di Gaya ng karamihan sa mga kompyuter sa ngayon,

nangailangan ito ng isang napakalaking silid at mayroong sariling air-conditioner.

Ngayon, salamat sa mga bagong pagpapaunlad gaya sa mga kompyuter chips,

ang isang kompyuter na may parehong kakayahan ay maaaring magkasya sa

palad ng iyong kamay. Sa ngayon, ang mga kompyuter ay kailangan na sa lahat

ng mga opisina. Sa katunayan, ang mga kompyuter ay ginagamit din sa pag-

aaral at paglalaro.

10
Lokal na Literatura

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na

The Influence of Technology

on College Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng tekno

lohiya ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay

na rin sa kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na Ang kasaysayan at

kultura ay may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang

katauhan. Sa paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-

uugali ng tao kaysa noon na wala pang

impluwensya ng gadyets.

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003),

sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor

at social factor kagaya ng impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng

mga kaibigan, ng pag-aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa

mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila makitungo sa kanilang

kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-

aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphones,

Ipod, Mp3 players, at online social networks gaya ng

facebook, twitter, instagram. Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at

mga laro sa kompyuter ay maaaring makapag pabago sa uri ng kanilang pag-

11
iisip. Ang mga ito ay may malaking impluwensya saacademic performance nila

sa loob ng klase. (Howe, Markiewicz at Strauss, 2008).

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga

estudyante na ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras,

kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng gadyets at

ubusin ang oras sa mga walang kwenta bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga

mag-aaral ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga

aralin at kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang

maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral

ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga

kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa

paggamit ng kanilang oras at kung paano ito mawawaldas nang may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung

gaano kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong

teknolohiya at kung malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang

nagawang pag-aaral, halos 29% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya

at may malaking parte din ito sa stress na nararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte

ng media sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Napag-alaman nila na mayroon itong

malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa

kanilang kaibigan, kamag-aral, at guro.

12
Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na

globalisasyon, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa

mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa

kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat

ng larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno,

pribadong opisina, sa mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay

gumagamit nan g computer sa kanilang pakikipag-transaksyon. Kung walang

personal computer ay may mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa

ibat ibang uri ng pakikipag- transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na

ang Pilipinas ang siyang cellphone capital of the world, dahil ultimong mahihirap

na pamilyang Pilipino ay nakagagamit nang cellphone.

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong

ba o hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng

pagunlad maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot

sa ating pamumuhay, maging sa larangan ng edukasyon. Sa larangan ng

edukasyon, ang mabilis na pagunlad ng teknolohiya ay malaking tulong ang

naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad

ng teknolohiya ay binusisi at pinag aralan munang mabuti kung ito ba ay

makatutulong o hindi. Kanilang hinimayin ang mga positibo at negatibong dulot

13
nito at kung nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad

nang naayon sa umiiral na batas ng ating bansa, partikular sa edukasyon.

KABANATA III

Disenyo at Mitodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa

pag-aaral. Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa

ang pag-aaral, mga halimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik,

instrumentasyon at pangangalap ng datos pati ang istatistikong sinulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang aming isinasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na

pananaliksik. Descriptive correlation ang ginamit namin upang mailarawan ang

epekto ng gadyets sa mga mag-aaral. Correletional upang matukoy ang matukoy

ang epekto ng Gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante.

Mga Respondente

Ang mga mananaliksik ay pumili ng sampung estudyante sa ibat ibang

seksyon sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Nabua na nasa ikasampung

baitang na nagsilbing respondente na sumagot sa serbey ng mga mananaliksik,

14
sa kabuuan ang bilang ng mga respondente ay 50. Ang pagpili ng respondente

mula sa Mataas na Paaralan ng Nabua ay gagamitan ng random sampling

sapagkat pili lamang ang mga estudyanteng na bibigyan ng katanungan para

sumagot sa mga tanong.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa at binuo ng pangkat na may

dalawang miyembro na estudyante ng 11-GAS-4 sa Mataas na Paaralan ng Nabua.

Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan o kwestyuner na sasagutan, gumamit

din ang mga mananaliksik ng mga aklat upang matukoy ang kahalagaan ng

gadyets sa ating lipunan. Ang mga mananaliksik ay nagpunta saInternet at mga

silid aklatan sa pagkuha ng mga araling may kinalaman sa pagkupas at

pagbago-bago ng henerasyon ng teknolohiya. Kumuha naman ang mananaliksik

ng ibang estudyante na kapaloob sa aming respondente at pinasagutan ang mga

tanong na nakasaad sa sarbey

Istatistikal na Ginamit

Ang istatistikal na ginamit ay percentage at freguency distribution upang

ilarawan ang propayl ng mga mag aaral. Ginamit ang percentage technique

upang Makita ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng

respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng

bilang ng magkakamukhang mga sagot sa isang particular na tanong.

15
Mean ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas nilang gamiting

teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral

KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa

sarbey kwestyuner ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang ng Mataas na

Paaralan ng Nabua.

Propayl ng mga Respondente

Talahanayan Blg. 1

Kasarian ng mga Respondente

KASARIAN BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Lalaki 23 46%

16
Babae 27 54%

KABUUAN 50 100%

Ang Talahanayang blg. 1 ay naglalaman ng kasarian ng 50 mga

respondente nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente

ayon sa kanilang kasarian. Ipinapakita ditto na mas marami ang mga

respondenteng babae na may bilang na 27 katao o 54%, kaysa sa bilang ng mga

lalaki na 23 katao o 46%.

Talahanayan Blg. 2

Edad ng mga Respondente

EDAD BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

14 1 2%

15 10 20%

16 28 56%

17 7 14%

18 4 8%

KABUUAN 50 100%

17
Ang Talahanayang blg.1 ay naglalaman ng edad ng 50 mga respondente.

Sila ay may gulang mula 14 hanggang 18 na taon. Nakasaad din dito ang bilang

at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang edad. Ipinipakita ditto na

mas marami ang mga respondenteng may edad 16 na may bilang 28, bahagdan

56% . Sumunod ang bilang ng mga respondenteng may edad 15 na may 10

katao na may bahagdan 20%. At sumunod ang 17 taong gulang na may bilang

na 7 katao, bahagdan na 14%, May edad na 18 na may bilang 4 na katao

katumbas ng 8%. At ang pinaka-kakaunting bilang ay ang may edad na 14 na

may isang katao lamang, bahagdan 2%.

Ilang gadyets mayroon ang isang mag aaral


2%

4%

isa

28%
dalawa

66% tatlo

apat pataas

18
Ayon sa nakalap na datos 66% ng respondente ang sumagot ng isa. 28%

naman sa dalawa. 4% sa tatlo at 2% naman sa apat pataas.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay iisa ang ginagamit sa

gadyets sa kanilang pag-aaral habang ang iilan ay dalawa pataas na.

Sa anong edad natutuhang gumamit ng


gadyets
0
4%

8-9 taong gulang

42% 10-12 taong gulang


54%
14-16 taong gulang

17 pataas

Ayon sa nakalap na datos 54% ng respondente ang sumagot ng 8-9 taong


19
gulang. 42% naman ang 10-12 taong gulang at 4% naman ang sumagot ng 14-

16 taong gulang.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay natutuhang gumamit ng

gadyets noong sila ay 8-9 taong gulang. Habang ang iilan naman ay 10

hanggang 17 pataas naman.

Nakaimpluwensyang gumamit ng gadyets

4%

Kaklase
46%

50% Kaibigan

Kamag-anak

20
Ayon sa nakalap na datos 50% ng respondente ng kaibigan. 48% naman

ang kamag-anak at 4% naman ang sumagot ng kaklase.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay kaibigan ang

nakaimpluwensya na gummit ng gadyets. Habang ang iilan ay kaklase at kamag-

anak ang nakaimpluwensya.

Oras na ginugugol sa paggamit ng gadyets

26% 1-2 oras

44%
3-4 oras

5 oras pataas

30%

Ayon sa nakalap na datos 44% ng respondente ang sumagot ng 1-2 oras.

30% naman ang 3-4 oras at 26% naman ang sumagot ng 5 oras pataas.

21
Makikita na karamihan sa mga responmdente ay isa hanggang dalawang

oras ang naigugugol sa paggamit ng gadyets. Habang ang iilan naman ay tatlo

hanggang limang oras pataas.

Kahalagahan ng gadyets

8%

oo

hindi

92%

22
Ayon sa nakalap na datos 92% ng respondente ang sumagot ng oo at 8%

naman ang sumagot ng hindi.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mahalaga sa

kanilang pag-aaral ang paggamit ng gadyets. Habang ang iilan ay hindi

Mas mainam na gamitin sa pag-aaral

22%

Cellphone
46% 0
Tablet
Laptop
Kompyuter

32%

23
Ayon sa nakalap na datos 46% ng respondente ang sumagot ng

kompyuter. 32% naman saLaptop at 22% sa cellphone. At wala naman satablet

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mas mainam

na gamitin ang kompyuter para sa kanilang pag-aaral. Habang ang iilan ay

saLaptop at Cellphone.

Paano nakakatulong sa pag-aaral


2%

Nakakatulong ito, mas


napapagaan nito ang
paghahanap sa aking takdang
aralin

Hindi ito nakakatulong dahil


sagabal ito sa aking pag-aaral

98%

24
Ayon sa nakalap na datos 98% ng respondente ang sumagot ng

nakakatulong ito, mas napapagaan nito ang paghahanap sa aking takdang

aralin. At 2% naman ang sumagot ng hindi ito nakakatulongg dahil sagabal ito sa

aking pag-aaral.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing nakakatulong

ang gadyets sa pag-aaral dahil mas napapagaan nito ang paghahanap ng aking

takdang aralin. Habang ang isang sumagot ay sinabing hindi ito nakakatulong sa

kaniyang pag-aaral dahil sagabal ito.

Mabuting/masamang epekto sa pag-aaral

2%
6% Oo, dahil imbes na gumawa ng
takdang aaralin mas nauuna pa
ang pagsosocial media at
pakikipagtext
Hindi, dahil kaya namang
44% pagsabayin ang pagsosocial
media/pakikipagtext sa pag-
aaral
Oo, dahil ito ang dahilan kung
bakit napapabayaan ang pag-
48% aaral
Hindi, mas nabibigyang ginhawa
ang isipan kapag
nakakapagsocial
media/nakikipagtext

25
Ayon sa nakalap na datos 48 % ng respondente ang sumagot ng hindi,

dahil kaya namang pagsabayin ang social media at texting sa pag-aaral. 44%

naman ang oo, dahil imbes na gumawa ng takdang aralin mas nauuna pa ang

pagsosocial media at pakikipag text. 6% naman ang hindi, mas nabibigyang

ginhawa ang isipan kapag nagsosocial media/ pakikipagtext. At 2% naman ang

oo dahil ito ang dahilan kung bakit napapabayaan ang pag-aaral

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mabuti ang

epekto sa kanilang pag-aaral ang gadyets dahil kaya naman nila pagsabayin ang

pagsosocial media. Habang ang iilan ay sinasabing masama ang epekto sa

kanila dahil imbes gumawa ng takdang aralin mas nauuna pa ang pagsosocial

media at pagtetext.

Komunikasyon gamit ang gadyets

Oo

Hindi

98%

26
Ayon sa nakalap na datos 98% ng respondente ang sumagot ng oo. At

2% naman sa hindi.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing epektibo ang

paggamit ng gadyets sa pakikipagkomunikasyon. Habang ang iisa naman ay

sinasabing hindi epektibo.

Importansya sa pag-aaral
Hindi, dahil parte na ito ng aking
6% 4% buhay
6%

Oo, dahil hindi naman ito


katulad ng pagkain, mabubuhay
pa din naman ako kahit wala ang
mga ito

Hindi, dahil wala na akong


mapagkukunan ng impormasyon

84% Oo, dahil may ibang bagay pa


namang magiging kapalit kapag
ito'y nawala

Ayon sa nakalap na datos 84% ng respondente ang sumagot ng oo dahil

hindi naman ito katulad ng pagkain, mabubuhay pa din naman ako kahit wala

ang mga ito. Parehong 6% naman ang hindi dahil wala na akong mapagkukunan

27
ng impormasyon at oo dahil may iba pa namang magiging kapalit kapag ito’y

nawala. At 4% naman ang hindi dahil parte na ito ng aking buhay.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mabubuhay

sila kahit wala ang gadyets dahil hindi naman ito katulad ng pagkain na kapag

nawala ay hindi na tayo mabubuhay. Habang ang iilan ay nagsasabing hindi.

Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng pananaw at opinyon

ng mag-aaral tungkol sa epekto ng napapanahong gadyets.

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng Descriptive correlational upang

ipakita ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante. Ito’y

nagpapakita ng isang paglalarawan ng kasalukuyang kalagayan. Ito’y isang

berbal na paglalarawan. Ang mga respondente ay binubuo ng limampung (50)

mag-aaral mula sa ika-sampung baitang sa mataas na paaralan ng Baesa.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Mataas na Paaralan ng Nabua.

Ginagamit ang percentages at frequency distribution upang ilarawan ang propayl

ng pag-aaral. Mean naman ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas gamitin

na gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral.

28
Ang mga datos ay gagamitin bilang pamiling impormasyon sa

pamamagitan nito malalaman ang porsyento ng mga estudyanteng sumasang-

ayon kung nakakaapekto nga ba sa kanila ang gadyets.

Nakalap at naisaayos ng mga mananaliksik ang mga datos at

impormasyong kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang istatistikal tritment ng

gagamitin sa datos ay P=f/n x100. Nakamit at nagawa rin ng mga mananaliksik

ang kanilang layunin sa paggawa ng nasasabing pag-aaral.

Konklusyon

Batay sa inilahad na datos. Ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga

sumusunod na konklusyon.

1. Inilahad sa pananaliksik na ito na mas marami ang babae (54%) kay sa lalaki

(46%) na rumisponde sa aming ginawang pagsasarbey.

2. Marami ang bilang ng mga mag-aaral na may edad na 16 taong gulang (56%),

mas marami ang bilang ng isang gadyets lamang ang ginagamit ng isang mag-

aaral.

3. Mababatid nacomputer (46%) ang madalas gamitin ng estudyante sa

paggawa ng kanilang gawang pang-eskwelahan.

4. Mas mataas ang porsyento ng mga estudyanteng nagsasabing kaya nilang

mag-aral kahit wala ang gadyets.

29
5. Masasabing mahalaga ang gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

6. Mapapansin na kayang pagsabayin ng mga estudyante ang kanilang pag-

aaral habang sila’y nagsosocial media at nakikipagtext.

7. Base sa sarbey ang gadyets ay di-gaanong nakakasamang nakaapekto sa

kanilang pag-aaral ayon sa nalikom na datos.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit inirerekomenda ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Para sa mga mag-aaral, ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ay nasa di-

gaanong mababa. Dapat may wastong paggamit ng oras kapag gumagamit ng

gadyets upang hindi makaapekto sa paggawa ng takdang aralin at proyekto.

2. Kailangan ng matalinong pag-iisip kapag ika’y gumagamit ng gadyets kung

paano pagsasabayin ang pagsosocial media/pakikipagtext sa paggawa ng

gawaing paaralan.

3. Para sa mga guro, ugaliing ituro sa mga mag-aaral ang wastong paggamit ng

gadyets.

30
Departamento ng Filipino

Filipino 2 – Pananaliksik

Talaan ng panelista sa pagdepensa ng tesis

Kurso/taon/seksyon: ABM 2016-17 11-7 Araw/Oras ng klase:

Pangkat Bilang: unang grupo Petsa ng Depensa: Pebrero

27, 2017

Pamagat ng thesis:

EPEKTO NG GADYETS SA MAG-AARAL


NG ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT NG SENIOR HIGH
SCHOOL SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Kategorya: Marka/grade:

31
Dami ng impormasyon (5 4 3 2 1)
Kalidad ng impormasyon (5 4 3 2 1)
Pinaghanguan/batayan/dokumentasyon (5 4 3 2 1)
Mga dayagram at ilustrasyon (5 4 3 2
1)
Balangkas (5 4 3 2 1)
Mga tala (5 4 3 2 1)
Konstruksyon ng mga talata (5 4 3 2
1)
Gamit ng internet (5 4 3 2 1)
Unang borador (5 4 3 2 1)
Mekaniks (5 4 3 2 1)
Pansamantalang marka _____________(x2) = ________

Suhisyon ng mga pagbabago:


1.
2.
3.
4.
5.

Pinagtibay ni: Binigyang pansin ni:

Bb. Ardelyn F. De Leon


Panelista Tagapayo

Pagsisiyasat Ayon sa Pag Gamit at Kaalaman ng Kabataan

32

You might also like