Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

IKAAPAT NA MARKAHAN

ARALIN 1
Noli Me Tangere

LINANGIN
Pebrero 4, 2019 – Lunes GP #

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )
6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan
B. Nailalahad ang kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere
C. Naisasalaysay ang mga pangyayaring naranasan ni Rizal habang isinusulat ang nobela
D. Natutukoy ang layunin ng may-akda sa pagsulat nito
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Sketch App. Pagpapaguhit sa mga mag-aaral ng “PLUMA”.

Mga Tanong:
1. Paano ginamit ni Rizal ang pluma noong panahon niya?
2. Paano ginamit ni Rizal ang pluma bilang sandata laban sa mga Kastila?
B. Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita/parirala ayon sa pagkakagamit
nito sa pangungusap.
1. Una, ang pagbagsak ng Espanya nilang mananakop.
Kahulugan: _________________________________________________________
2. Nariyang lusubin ng mga pirata kaya’t sa patuloy na pagkalugi’y nawalan ng
panustos sa mga paglalayag na hudyat ng kawakasan ng pamamayagpag sa
daigdig bilang kolonisador.
Kahulugan: _________________________________________________________
3. Pangalawa, ang nasaksihang pang-aabuso ng mga prayle.
Kahulugan: _________________________________________________________
4. Pangatlo, pagsibol ng kaalamang kaugnay sa prinsipyo ng kalayaan.
Kahulugan: _________________________________________________________
5. Palibhasa’y saksi siya sa mga pangyayaring batayan sa pagtatamo ng mga kaisipang
hahango sa pagkaalipin ng Pilipinas.
Kahulugan: _________________________________________________________
C. Pagpapabasa sa Akda

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere


Modyul 9, pahina 4-5

D. Pagtalakay sa Aralin
1. Ano-ano ang mahahalagang pangyayaring naganap habang isinusulat ni Rizal ang
Noli Me Tangere?
2. Paano hinarap ni Rizal ang mga pangyayaring naranasan niya habang isinusulat ang
kanyang nobela?
3. Bakit naisipan ni Rizal magsulat ng isang nobelang tulad ng Uncle Tom’s Cabin? Ano
ang layunin ni Rizal sa pagsulat nito?
4. Naging makabuluhan ba ang ginawang nobela ni Rizal? Patunayan.
E. Sintesis
Kanta Ko, Kanta Mo, Magkantahan Tayo!
Mula sa kantang SUSI ng Ben and Ben, sumipi ng linyang naibigan na maglalarawan sa
kasaysayan sa pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere.

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
.

III. Takdang-aralin

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang Noli Me Tangere?


2. Ipaliwanag kung bakit isa sa pinakamaimpluwensyang akda ang Noli Me Tangere sa
kasaysayan ng Pilipinas?
3. Iugnay ang isang pagayayari sa buhay ni Rizal sa iyong sariling karanasan batay sa pahayag na
“Kakambal ng paghihirap at pagtitiis ang tagumpay”.
Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3
Mga Akda ng Kanlurang Asya

LINANGIN (UNANG SESYON)


Nobyembre 28, 2018 – Miyerkules GP # 73

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Natutukoy ang pinamulan ng salita
B. Napatutunayang ang mga pangyayari o transpormasyong nagaganap sa tauhan ay
maaaring mangyari sa tunay na buhay
C. Nasusuri ang mga tunggalian sa kuwento batay sa napakinggang pag-uusap ng mga
tauhan
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Picture Puzzle! Pagsama-samahin ang mga piraso ng papel upang mabuo ang larawan.
B. Paglinang ng Talasalitaan
Isulat ang mga hinihinging impormasyon batay sa etimolohiya ng mga salita.
1. Pygmalion
Kahulugan:
Kasaysayan:
2. Galatea
Kahulugan:
Kasaysayan:
C. Pagpapabasa sa Akda

Hinding-hindi Ako IIbig Kailanman


pahina 23-24
D. Pagtalakay sa Aralin
1. Bakit masasabing may pagsasalungatan sa sariling damdamin ang naghari kay
Pygmalion tungkol sa kaniyang pananaw sa babae?
2. Paano mo maipaliliwanag ang transpormasyong nangyari kay Pygmalion kaugnay ng
kaniyang obrang nililok?
3. Bigyang-kahulugan ang uri ng pag-ibig na nararamdaman ni Pygmalion.
4. Sa iyong palagay, karapat-dapat ba si Pygmalion sa tulong na ginawa ng diyosa ng
pag-ibig?
5. Paano mo iuugnay ang pag-ibig na nangyari kay Pygmalion sa kuwento ng pag-ibig
sa kasalukuyang panahon?
6. Anong uri ng maikling kuwento ang akdang binasa?
E. Input ng Guro

Ang maikling kuwento ng tauhan ay uri ng kuwentong


nagtatampok sa pangunahing tauhan. Inilalarawan ang kaniyang
ugali, gawi o kilos, saloobin at damdamin sa mga pangayayaring
kaniyang kinasasangkutan.
Sa kaniya umiikot ang buong kuwento. Karaniwang pangalan
ng tauhan ang pamagat ng ganitong uri ng kuwento.

F. Sintesis
HASHTAG! Sa pamamagitan ng #, isulat moa ng iyong natutuhan sa aralin.

#Hindinghindiakoiibigkailanman

III. Takdang-aralin
1. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pag-ibig?
2. Tukuyin kung anong uri ng pag-ibig ang naramdaman ni Pygmalion kay Galatea.

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3
Mga Akda ng Kanlurang Asya

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Disyembre 3, 2018 – Lunes GP # 75

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naisusulat ang buod ng maikling kuwento
B. Naiuugnay sa kasalukuyan ang tunggaliang tao vs tao at tao vs sarili sa napanood na
programang pantelebisyon
C. Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa lilikhain kuwento
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
IKUWENTO MO ang KUWENTO KO! Bumuo ng isang maikling kuwento sa
pamamagitan ng mga larawan.

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 1: IBUOD MO!


Sumulat ng buod ng maikling kuwentong “Hinding-hindi ako Iibig Kailanman”.
Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Pangkat 2: Pelikula Mo, Kuwento Ko!


Pumili ng tatlong teleseryeng pantelebisyon at gumawa ng pag-uugnay batay sa
uri ng mga tunggalian tao vs tao at tao vs sarili.
Pangkat 3: AYUSIN MO!
Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga larawan upang makabuo ng kuwento.
Gumamit ng mga pang-ugnay sa pagsasalaysay.

Pangkat 4: Iskor mo, Show mo!


Magbigay ng puntos at puna sa mga pangkat na nag-ulat sa klase. Tiyaking patas
at makabuluhan ang pagbibigay ng puntos at puna.

C. Paglalahad ng pamantayan sa pagmamarka


Kraytirya Napakahusay ( 10 ) Mahusay ( 8 ) Di- Gaanong
Mahusay ( 6)
PAGSUNOD SA Lubhang nakasunod sa Naksunod sa hinihingi Di gaanong nakasund
PANUTO hinihingi ng panuto ng panuto sa panuto
KAALAMAN Lubhang nailahad ang Nailahad nang maayos Di gaanong nailahad
kaisipan nang buong ang kaisipan ang kaisipan
husay
PAGKAMALIKHAIN Lubos na nagpakita ng Medyo malikhain sa Di-gaanong malikhain
pagiging malikhain sa napiling kagamitan at ang kagamitan at
kagamitan at paglalahad paglalahad
paglalahad

D. Sintesis

Piliin sa ibaba ang iyong nararamdaman matapos isagawa ang mga gawain.

Juan Dela Cruz is feeling _________________________________________________________.

III. Takdang-aralin

1. Magdala ng mga larawang nagpapakita ng mga nararanasan ng isang tao sa pag-iibigan.


2. Tiyaking ang mga larawan ay may kaugnayan sa isa’t isa.
3. Humandang ibahagi ito sa klase.

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3
Mga Akda ng Kanlurang Asya

ILIPAT
Disyembre 4, 2018 – Martes GP # 76

1:00 – 1:50 ( Gr. 9 -10 ) 3:30 – 4:20 ( Gr. 9 – 22 )

1:50 – 2 : 40 4:40 – 5:30 ( Gr. 9 – 20 )


(Vacant )
2:40 – 3 : 30 ( Gr. 9 – 14 ) 5:30 – 6: 20 (Gr.9 – 18 )

6:20 – 7:10 ( Gr. 9 – 24 )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naisusulat ang maikling kuwento ng may pagbabago sa ilang pangyayari at ilang
katangian ng sinuman sa ilang tauhan
B. Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa lilikhain kuwento
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
IKUWENTO MO ang KUWENTO KO! Bumuo ng isang maikling kuwento sa
pamamagitan ng mga larawan.
B. Pagbibigay ng Sitwasyon

Isusulat mong muli ang maikling kuwentong “Hinding-hindi Ako


Iibig Kailanman”. Maaari kang magpasok ng pagbabago sa mga
pangayayari at tauhan. Gawin mong patnubay ang mga natutuhan
tungkol sa aralin sa kuwento ng tauhan at ilang uri ng tunggalian.

C. Paglalahad ng Pamantayan

1. Makatuwiran ang ipinasok na pagbabago 5


2. May pagkakasunod-sunod 5
3. May mga sangkap ng maikling kuwento 5
4. Nakagamit na angkop na pang-ugnay 5
Kabuuan 20

III. Takdang-aralin
1. Magsaliksik ng mga iba’t ibang alamat.
2. Humandang magbagi sa klase ng isang alamat na nabasa.

Inihanda ni:
_____________________
G. Jerome H. Lacsina
Guro
Binigyang – pansin ni:
_______________________
Gng. Zenaida G. Evangelista
Puno ng Kagawaran

You might also like