City of London Explanation

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang City of London Police ay binubuo ng mga pulis na nakatalaga sa iisang lugar lamang.

Pareho ng lrgal
system tulad ng ibang police force na mayroon sa UK ngunit may kanya-kanyang lugar na nasasakupan
kung saan maaari lang nilang i-practice ang kanilang awtoridad.

Dahil binubuo ng apat na malalaking bansa ang UK, maaari silang tawaging Parliament-Monarchy-
Federal na uri ng gobyerno, kung saan ang isang lugar o estado ay may kakayahan na ipatupad ang kani-
kanilang mga batas at magtaguyod ng mga sarili nilang police force. Hindi ito naiiba sa ibang mga police
force ng UK, ang kaibahan lang ay ang jurisdiction o lugar ng nasasakupan. Pareho ng layon at
pamamalakad, may kaunting pagkakaiba sa mga maliliit na bagay tulad ng mga kagamitan at bilang ng
tauhan. Ang mga pagkakaiba ay bunga ng lugar na nasasakupan gaya ng sukat, dami ng populasyon at
ang iba’y dahil sa threat (banta) sa seguridad.

Tulad ng Northern Ireland, maraming mga Irish people ang nagrerebelde dahil nais nilang maging buo
muli ang bansang Ireland at ang Northern Ireland na bahagi na ngayon ng UK. Dahil sa gulo ay maaaring
mag-deploy ng maraming pulis sa lugar na iyon. ‘yan naman ang kaibahan sa City of London Police, dahil
maliit ang nasasakupan, opisina at sentro ng komersyo ang lugar, inaayon nila ang kanilang pag-
dedeploy or pamamalakad ng awtoridad nila sa nasasakupan.

KAIBAHAN AT PAGKUKUMPARA

Sa maraming aspeto naiiba ang PNP sa City of London Police.

Scope of Authority

- Ang CoLP ay mananatili lang ang awtoridad sa loob lang ng Inner London o sa kanilang
nasasakupan maliban kung ito ay malubha or krimen na kasali o sangkot ang ibang police
force sa labas ng kanilang nasasakupan.
- Ang PNP naman ay may awtoridad sa buong Pilipinas, ang isang pulis ay pulis din sa ibang
lugar ng Pilipanas. Ang Pulis ng Batanes ay pulis pa rin sa Jolo at vice versa. Dahil ito ay
nakasulat sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Bilang ng Tao (Pulis)

- Kaunti ang pulis ng CoLP dahil sa maliit na nasasakupan nito at sa estado ng populasyon at
kalagayan ng trabaho at ekonomiya. Dahil rin sa nasasakupan ay mas maayos ang
pamamalakad at mas malinis ang Sistema ng daloy ng utos.
- Ang PNP naman ay marami pagka’t ang populasyon ng bansa ay kanilang sinasabayan.

You might also like