Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Bawat Aralin
Buod NG Bawat Aralin
Kay Celia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia
lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom.
Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig
ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito
kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.(Maria Asuncion Rivera)
Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang
bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag
babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan,
iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon.
Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka
sumama pa ang akda.
Sa Mapanglaw na Gubat
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng
araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas,
basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg
ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa
sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya.
Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat
ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama
ng nakagapos.
Sawing Kapalaran
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang
masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa.
Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni
Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang
labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo
ang pagmamahal ni Laura.
Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit
natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya
si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki
hanggang sa siya’y mapayukayok.
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng
lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo.
Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y
ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Panaghoy ng Gereo
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita
ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing
kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng
magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa
ring mamahalin si Laura.
Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa
harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa
bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong
ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang
pag-ibig ni Laura.
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng
tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos.
Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga
ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.
Sa Kandungan ng Gerero
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang
nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di
tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso
ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat,
isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito,
napasigaw ang gerero.
Paglingap ng Gerero
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa
isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa
kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay
naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng
Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Kamusmusan ni Florante
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng
Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y
tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang
na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na
siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong
arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y
siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang
mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata
sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin
at di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay
sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
Pag-aaral sa Atenas
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro
niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama
na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa
loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong
Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni
Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro.
Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Namatay si Ina
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng
liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si
Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng
guro at mga kamag-aral.
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang
ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan
si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti.
Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na
maghanda nang hindi nagpapahalata.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng
kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang
ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang
nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante
upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang
dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.
Madugong Paglalaban
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa
minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway
ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa
hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang
sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo
ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo.
Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na
ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang
makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si
Florante.
Tanggulang ng Syudad
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil
muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng
ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na
walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir
at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.”
Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni
Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil
nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.
Ang Kasamaan ni Adolfo
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit
tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17
ang mga haring nagsigalang sa kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na
nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya
ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo
at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong
araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na
anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang
magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya
ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang
na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang
Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon
din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang
pagmamahal ni Flerida.
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa,
nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan.
Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang
nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap.
Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang
naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap.
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari
ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari
at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya.
Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit
upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni
Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang
nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang
abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Masayang Wakas
Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo. Laking
tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante.
Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano.
Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang
mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno
nina Florante at Laura.
Kabanata 10:
Ang San Diego
(Ang Buod ng “Noli
91 Me Tangere”)
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at may
malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang
kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa Tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng
bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa
kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa
umanong matandang Kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng Tagalog at nanlalalim
ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at
salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang
pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang
puno ng Baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na
takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang
mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong Kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito
ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan,
nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o
Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng
mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon, ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura
ng parehong bayan.
Kabanata 11:
Ang mga Makapangyarihan
(Ang Buod ng “Noli
113 Me Tangere”)
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga
tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay
kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kumampi.
Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng
masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan. Kapag siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na
Sakristan Tiyago.
Ang Kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang
kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng Alkalde
Mayor.
Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga
casique.
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-11-ang-mga-makapangyarihan-ang-buod-ng-noli-me-tangere_146.html
Kabanata 3 – Ang mga Alamat
Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang
mga dinaanan ng bapor. Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na
kanyang makikita kung wala rin namang alamat ang mga ito.
Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan
ng mga espiritu. Nang tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa
espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan ang takot.
Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa halip na pakasal ay itinira niya ang
babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Tinanong ni Simoun si Padre Salvi ng, “Sa inyong palagay, hindi ba higit na
mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?” Sinagot ng pari ang
tanong ni Simoun at sinabing hindi daw siya makakahatol sa mga ginawa ng
isang arsobispo.
Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ang alamat ni San
Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya. Naging
bato diumano ang mga buwaya ng dasalan ng Intsik ang santo.
Nang datnan ng bapor ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung
saan banda doon napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak.
Dagdag naman ni Ben Zayb, ‘yon daw ang pinakmurang libing. Kaya naman
nagtawanan ang iba.
Talasalitaan:
https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-3